HI#28 “Yes, Miss Ibarra. Do you know the answer?” Nagulat siya at napakuyom ang mga kamao niya sa ginawa nitong pagbaliktad nang tanong nito sa kanya. Tahimik pa rin ang buong klase pero ang mga mata ng mga classmate niya ay nasa kanya na nakatuon. Hindi pa rin siya bumibitaw sa mapanuring tingin ng lalaki. She stared at him equally at sa sobrang inis niya rito kaya tumayo siya. Hindi pa niya napag-aralan iyon pero pamilyar naman sa kanya ang tanong nito dahil minsan na iyong nabanggit sa kanya ni Ares. Bayolente siyang napalunok at pikit-matang sinabi niya ang formula. Mas lalong tumahimik ang paligid kaya minulat niya ang kanyang mga mata at nakasalubong na naman niya ang kulay asul nitong mga mata. Narinig pa niya ang singhapan ng mga classmate niya. Tila nakahinga ang mga ito ng

