Patungong parking lot si Jeff, nakabusangot ang mukha nito at salubong ang mga kilay dahil sa inis. Nauna ng umuwi kay Rene boy dahil naiiyamot pa rin ito sa pang-aalaska nito sa kanya. "Boss," bati ni Samuel kay Jeff. Nasa parking lot si Samuel kanina pa, inabangan talaga ni Samuel si Jeff upang makausap. Wala sa huwisyo ang binata kaya tinanguan n'ya lang si Samuel at inayos ang kanyag motor. Apektado pa rin kasi ito sa naging usapan kaninang miryenda at nakukutuban ni Jeff na tungkol dito ang mga sasabihin ni Samuel. "Boss, alam mo ang hina mo rin," asar ni Samuel habang nakaupo sa kanyang motor. Napatingin ng masama si Jeff kay Samuel ngunit hindi pa rin ito umimik. Alam nitong lilikha lang s'ya ng away kung sasagutin n'ya si Samuel. "Bakit ba hindi mo ilabas 'yang

