"Teka nga lang! Ulitin mo nga 'yang sinabi mo!" gulat na gulat na sabi ni Jel. Nilunok muna ni LA ang sopas na kanyang kinakain bago sumagot. "Ang sabi ko, gustong makipagbalikan ni Darren sa 'kin," seryosng sabi ni LA. "Nagulat talaga ako nang sinabi n'ya sa akin 'yon." Kasalukuyang kumakian ng meryenda sina LA, Jel at Samuel. Gayun din sina Rene boy at Jeff na kasama nila sa lamesa. Nahinto sa pagkain si Jeff ng marinig ang sinabi ni LA. "Andrew 'wag mong sabihing babalikan mo pa ang lalaking 'yon?" sabi ni Jeff sa kanyang sarili. Hindi ito makatingin sa dalaga, naiinis ito sa kanyang mga naririnig. "Ano, papatawarin mo na lang ang lalaking 'yon ng ganoon kadali? Samantalang ikaw, halos maglumuhod ka na sa harap n'ya noon pero ni pansinin o tignan ka sa mga mata ay hindi n'ya

