"Hi miss," tawag ni Rod kay LA. Nakadungaw ito sa bintana ng botika. Samantalang abalang nagliligpit si LA, kasabay ng kanyang paghahanap ay nagligpit na rin ito at tinatapon ang mga papel na hindi na kaylangn. Hindi pa rin ito sumusuko sa paghahanap ng papel. "Hello?" ulit na sabi ni Rod upang lingunin s'ya ng dalaga. Hindi pa rin s'ya pinapansin ng dalaga. Patuloy pa rin ito sa kanyang pagliligpit. "Nasaan na ba kasi 'yon! Lorhain naman," bulong nito sa sarili. Nauliligan ni Rod na parang nagsasalita mag-isa ang dalaga. Kaya naman pinasok bahagya ni Rod ang kanyang ulo sa bintana upang marinig ng mas malinaw ang nginungulumod ng dalaga. "Napaka burara mo talaga. Nako!" gigil na sabi ni LA sa kanyang sarili. Kinakagkag na rin nito ang kanyang buhok sa inis. Hindi nam

