"Anong oras kaya kukunin 'tong mga 'to?" tanong ni LA habang nakaupo at nag-scroll ng kanyang cellphone. Madaling araw na kasi at wala pang kumukuha ng mga request na gagamitin sa nurse station. Samantalang dati ay 10 ng gabi pa lang ay nagkukumahog na s'yang magkamada ng mga request dahil inaabangan na ng nurse ang pagbibigay n'ya ng gamot. Hindi tuloy makaalis ang dalaga upang bumili ng makakain sa canteen. Nagsasawa na rin ito sa kaka-scroll, pakiramdam ni LA ay nakarating na s'ya sa dulo ng site na kanyang tinitignan at wala pa ring kumukuha ng request. Pagbaling nito ng tingin ay may nakita s'yang maliit na papel at ballpen, naisipan n'yang doon na lang gugulin ang kanyang oras habang hinihintay kung sino ang kukuha ng mga gamot. IIang sandali pa at biglang naisip ni LA na

