Humahangos na lumapit si Jeff kay Bea. "Bea si Lorhain, nasaan?" tanong nito. Kasalukuyan itong kumakain ng tanghalian mag-isa sa canteen. Nilulon muna ni Bea ang kanyang kinakian bago magsalita. "Pang gabi s'ya ngayon, nagpalit kami kasi aalis ako ng Sabado ng gabi," tugon ni Bea. Ni tignan si Jeff ay hindi nito ginawa, nagpatuloy pa rin ito sa kanyang pagkain. "Ah, e 'di mamaya pang alas-otso ang pasok n'ya? Tama ba?" sumunod na tanong ni Jeff. Tumango lang si Bea, hindi pa rin ito natinag sa pagkain. "Ah, okay okay," ani ni Jeff. Huminto sa kanyang huling subo si Bea. Tumunghay ito at tinitigan si Jeff ng matalim. "Bakit mo tinatanong?" masungit na tanong ni Bea. Hindi inaasahan ni Jeff ang paraan ng pagtatanong ni Bea Namutla rin bigla si Jeff dahil sa talim ng titi

