"Pumirme ka nga rito, kumain ka na rin muna mamaya na 'yan," sabi ni Rod kay LA. Kumakian na ang lahat samantalang si LA ay hindi pa. "Ano bang gusto mo, chicken o itong isaw? Ikukuha na kita." Tumayo na ang binata at ikinuha ng plato si LA. Ikot kasi ng ikot si LA, halatang aligaga ang dalaga. Pakiramdam ni LA ay malaya s'yang gawin ang kahit ano ngayong araw na ito. At gusto n'yang maging perpekto ang lahat. Walang magdidiktang boyfriend na hanggang ganitong oras lang dapat, ganito lang ang dapat mong inumin, at kung ano ano pa. Walang i-update na Darren at walang magagalit na Darren. Strikto rin kasi ang dati nitong kasintahan pagdating sa dadaluhang salo-salo ng dalaga o kung sino ang makakasama sa inuman o sa paglabas. Daig pa nito ang mga magulang ni LA na basta sa bahay nila sila
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


