"Besty! Lorhain!" tawag ni Bea mula sa labas ng tahanan nina LA. Dumungaw ang kapatid ni LA mula sa kanilang bintana. "Ate!" sigaw ni AL. "Sina ate Jel at ate Bea!" Narinig ito ni Lorhain na nasa kusina kasama si Rod. "Oo, palabas na," sagot ni LA sa kanyang kapatid. "Wait lang ha," sabi naman nito kay Rod. "Sige lang, LA dalhin ko na kaya 'tong mga 'to sa lamesa sa labas?" tanong ni Rod. "Sige sige, salamat. Pati 'yung lalagyan ng yelo, dalhin mo na rin." At umalis na si LA papuntang gate upang puntahan ang dalawa. Sumabay na rin si Rod palabas at hinakot ang mga pagkain. Pagpunta ni LA sa gate, nagtataka ito dahil sina Jel at Bea lang ang kanyang nakita. "Kayo lang? Nasaan sila?" tanong ni LA, tinanaw pa nito kung may mga motor pang parating ngunit wala itong nakita. "Sina Samuel

