"Pa, ma si Rod po. Nurse s'ya sa ospital namin, kaibigan ko po," pakilala ni LA kay Rod sa kanyang mga magulang. Abot tenga na ang ngiti ng dalaga dahil sa wakas ay alam na n'ya ang pangalan ng kanyang kasama. Sa kabilang banda at hindi pa rin matinag ang nakakatakot na tingin ni AL sa binata. Parang bawat kibot nito babantayan ng nakababatang kapatid ng dalaga. Pakiramdam tuloy ni Rod ay isa s'yang kriminal na binabantayan ng pulis. "O, ngayon lang ata kita nakitang pumunta dito sa amin, bago ka lang ba?" tanong ng papa ni LA sa binata. "Papa sa toto lang po, ngayon ko lang s'ya talaga nakilala," siwalat ni LA. "Inimbitahan n'ya po kasi ang sarili n'ya rito ng malaman n'yang pupunta sina Jel dito sa atin. Hindi naman po ako makatanggi, pero mukha naman s'yang harmless at kilala s'ya ni

