"Sorry!" hingal na sabi ni LA sa binata. "Okay lang ano ka ba, wala 'yon," swabeng sagot ni Rod habang nilalapag ang mga laman ng kanilang cart sa counter. "Sabi ko naman sa 'yo take your time hindi ba. 'Yan hiningal ka pa tuloy," pag-aalala ni Rod sa dalaga. Knuha na rin nito ang iba pang pinamili ni LA upang masama na sa pina-pounch ng kahera. "Nawala kasi sa isip ko na kasama nga pala kita, may pangit kasi akong nakita. Ay nako minamalas talaga ako pagnakikita ko ang pangit na 'yon," inis na sabi ni LA. Bumusangot ang dalaga, at hinawi ang kanyang buhok dahil sa inis. Ang cute mo pala kapag na aasar. "Chill, sige ka baka hanggang mamaya badtrip ka, mawala ka sa kundisyon mamaya," sabi ni Rod. "Ay, 'yan ang hindi mangyayari," mayabang na sabi ni LA. Kasalukuyang pina-pounch ng k

