Ah tama hindi ko na lang s'ya tatawagin. Siguro naman pagdumating na sina Jel tatawagin nila si kuyang nurse sa pangalan n'ya. Ganoon na lang! "Si---sina Jel? Anong oras sila mag-out? O hihintayin natin sila?" tanong ni Rod sa dalaga upang mabasag ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. Sa katunayan, kanina pa pinag-iisipan ng binata kung ano ang pwede nilang pag-usapan at kung paano n'ya aalisin ang pagkailang ni LA sa kanya. Ito rin kasi ang unang beses nilang magkakasama sa labas ng ospital, ito na ang pagkakataon upang makapagpakila sa dalaga. "Mamaya pa sila. Ano---," hindi maituloy ng dalaga ng kanyang sasabihin dahil hindi n'ya matawag sa pangalan ang kanyang kausap. "Yes?" sagot ni Rod. Akala ng binata ay nahihiya si LA sa kanya kaya hindi ito makpagsalita ng maayos.

