Lumipas ang mga linggo at pinagpatuloy pa rin ni Samuel ang kanyang panunuyo kay LA. Kahit na alam nitong maraming humahadlang sa kanya noong una. Hindi rin naglaon ay bumalik na bahagya sa dati ang pakikitungo nina Bea at Jeff sa binata. Para kay Bea isasalalay na lang nito kay LA ang kapalaran ni Samuel. May mga pagkakataon din na nakakaramdam si Samuel ng inis galing kay Jeff ngunit hindi rin naman ito nagtatagal. Sadyang mapaglaro ang tadhana. May mga bagay na akala mo ay sigurado ka na 'yon pala ay inilihis ka lang saglit sa tunay mong paroroonan. "Samuel, tara kain tayo?" biglang aya ni Jel habang nagsusulat ang dalawa ng mga resulta. "Sige, wala naman akong gagawin," pagsaangayon kaagad ni Samuel. Masyadong toxic ang naging araw ng dalawa kaya naisipan ni Jel na mag-u

