Chapter 20

2547 Words
  Hindi nakatupad sa pinangakong oras si Samuel. Alas-nueve na  ng gabi na ito nakaalis ng ospital. Masaydo s'yang nalibang sa kwentuhan nilang dalawa ni LA. Naaliw si Samuel sa kadaldalan ng dalaga. Hindi nito akalaing lumipas na ang ilang oras na sila'y nagkwekwentuhan.    Tahimik at walang imik dati si Samuel, ngunit ng madalas na s'yang kasama ni LA ay lumabas na ang kanyang pagkamadaldal. Si LA kasi 'yung tipo ng taong namamangha kahit sa simpleng bagay. At 'yon ang pinakanagustuhan ni Samuel sa dalaga. Lagi ito positive sa lahat ng bagay at nagbibigay buhay sa lahat.    "Alam mo ngayon lang ako dumaldal ng ganito katagal, hindi kana tuloy nakatulog," sabi ni Samuel. Naghahagikhik din ito kakatawa dahil sa mga kwento ni LA sa kanyang kabaliwan.   "Ano ka ba, ayos lang 'yon. Natutuwa nga ako kasi lumalabas na ang brighter side mo. Mas okay ka kapag tumatawa, dati kasi ang tahimik mo, madalas nga akala ko napapanisan ka na ng laway kasi kaya mong walang imik maghapon." Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ni LA ang kanilang orasan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Hala, nine na pala!" pasigaw nitong sabi. Bumaling agad ng tingin si LA kay Samuel. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na alas-nueve na, ayan gabi ka na makakauwi n'yan. Tapos kanina maaga ka pang pumasok," nahihiyang sabi ni LA.   Nginitian ng binata si LA. "Wala 'yon Lorhain, wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya okay lang. Ang mahalaga nasamahan kita rito sa botika. Gusto mo dito na ako matulog para samahan kita magdamag?" hamon ni Samuel.   "Sira, baka mapagalitan na tayo n'yan. Ano dito ka rin maliligo?" kantyaw ni LA. "Sige na umuwi ka na, para mas makapahinga ka na rin ng maayos," utos ng dalaga.   "Sige, pero pwede naman ako ditong magpalipas ng gabi," pilit ni Samuel.   "Ay, para kang sira! Umuwi ka na hanapin ka pa sa akin ng nanay mo," bulyaw ng dalaga.    Nginitian ni Samuel si LA. "Oo, uuwi na nga po ako," sabi ni Samuel. "Mag-iingat ka sa duty mo ha," paalala nito sa dalaga.   Tumango si LA. "Salamat sa pagsama sa akin, at sa mga pagkain."     Inihatid lang ni LA ang binata hanggang pinto ng botika, may bigal kasing sumulpot na nurse at kaylangan n'ya itong asikasuhin.   Lumabas na si Samuel at nagtungo na sa parking lot upang kunin ang kanyang motor. Nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.   "Samuel," tawag ng isang lalake mula sa kanyang likuran. Nag-alinlangan si Samuel kung s'ya ay lilingon o hindi. Hindi rin kasi pamilyar ang boses na tumatawag sa kanya. O baka hindi naman s'ya ang tinatawag. "Samuel Liongson," muling tawag nito sa binata sa buo n'yang pangalan.   Nang narinig ni Samuel ang kanyang apilido ay napalingon ang binata, nakumpirma na n'ya kasing s'ya nga ang tinatawag ng lalakeng nasa kanyang likuran. Nakita nito ang isang matipunong lalake at nakatayo hindi kalayuan sa kanya.   "Pwede ba tayong mag-usap?" sambit ng lalake.   "Sino ka?" tanong ni Samuel. Hindi kilala ni Samuel ang taong kanyang kausap, unang beses pa lang n'yang nakaharap ang lalake. Napapaisip tuloy si Samuel kung paano s'ya nakilala ng kanyang kausap.   "Darren." 'Yon pa lang ang nababanggit ng lalake ay nagpanting na kaagad ang tenga nito. Hinayaan n'ya lang ipagpatuloy ng lalake ang kanyang pagsasalita ngunit malakas ang loob nitong s'ya ang dating kasintahan ni LA. "Darren Javier," sabi ng lalake.   Ngunit bilang respeto ay ikinibli nito ang iyamot na kanyang nararamdaman. "Sige," tugon ni Samuel.   Nagtungo ang dalawa sa isang park hindi kalayuan sa ospital.   "Pre, Darren Javier, current boyfriend ni Lorhian Andrew Galvez," pagpapakilala muli ni Darren matapos nilang maupo sa bakanteng bench sa park.   Ramdam ng binata ang kaangasang tagal ni Darren, mapustura at halatang negosyante ito. Mula sa pananamit hanggang sa kanyang magarang kotse. Kung paano ito tumitig sa kanya at sa tono ng kanyang pananalita. Para bang may business proposal itong ilalahad sa binata.   Kahit ganoon ay hindi naman natinag si Samuel kay Darren kahit na malayo ang estado ng kanyang buhay kay Darren. Alam kasi nitong kahit na nag-uumapaw ang kanyang pera ay hindi ito masaya. At 'yon na lang ang kanyang pinanghahawakan sa mga oras na 'yon at ang kanyang pananaw sa buhay.   Hindi lang umimik si Samuel kahit na gusto nitong barahin si Darren sa kanyng sinaba. Nakatitig lang ito at hinayaang magsalita si Darren. Akala nito ay pagmamay-ari n'ya ang dalagang si LA, subalit huli na ang lahat.   "What makes you think na kaya mo akong palitan si buhay ni Lorhian?" agad na tanong nito.   Napangisi si Samuel, hindi nito akalaing ganito ka praka si Darren. Kahit na nakukutuban na nito ang maaring mangyari sa kanilang pag-uusap ay hindi akalain ni Samuel na ganito ka garapal magtanong si Darrean.   "Kaylangan ni Lorhain ng taong masasandalan sa mga oras na 'to. At isa ako sa mga taong umaalalay sa kanya ngayon," paliwanag ni Samuel. "Hindi ko na dapat sabihin kung bakit kami nakaalalay ngayon kay LA. Alam kong alam mo ang gianawa mo kung bakit mahina at nalulumbay si Lorhain sa panahaong 'to. At ngayong nakakaahon na s'ya sa lungkot na ikaw ang may kasalanan, sana lang lubayan mo na si LA, dahil hindi ka n'ya kaylangan."   Ipinamukha ni Samuel na maraming nagmamahal kay LA at hindi s'ya kakulangan sa dalaga. Para kasi kay Samuel, walang kapatawaran ang ginawa ni Darren. Masyado n'yang ginawang t*ng* si LA sa pagiwan nito sa dalaga sa ere ng walang masabing dahilan.   Umiling si Darren na para bang inaasahan na n'ya na 'yon ang isasagot ni Samuel sa kanyang tanong.   "I want you to leave her alone," diretsong sabi ni Darren. Tinitigan nito si Samuel diretso sa mata. "All of us can made a mistake. At isa sa mga pagkakamali ko ang pag-iwan kay LA. But we're not breaking up, binabawi ko na ang sinabi ko sa kanya. Actually, I've texted here before I talk to you. Lagi ko na s'yang kinakamusta at kinakausap. Kaya stop saying na wala na ako sa buhay ni LA. I'll fix my mess, at kasama ka do'n," banta ni Darren kay Samuel. "At isa pa, nasa buahy na ako ni LA matagal na, I know her more than you think," dagdag nito.   Unti-unti ng namumuo ang tensyon sa dalawa. Hindi maiwasan ni Samuel na kumulo ang kanyang dugo dahil sa mga sinasabi ni Darren. Masyado s'yang nilalamon ng kanyang hangin sa utak kaya akala ni Darren ay magpapatinag si Samuel. Sa kabilang banda ay ganoon din ang nararamdaman ni Darren, hindi nito gusto ang tabas ng dila ni Samuel, para bang a man with few words ang dating nito ngunit katulad ng isang bato na hindi magpapatinag kahit na anong sakuna ang dumating sa kanyang daan.   "Pre, pasensya ka na pero hindi ko 'yan magagawa," sagot ni Samuel.   Nag-init ang tenga ni Darren, ngunit naisip nitong wala na talaga s'ya sigurong puwang sa buhay ng dalaga. Nagsisisi na ito sa pag-iwan kay LA ngunit mukhang huli na ang lahat. Subalit ngingibabaw pa rin ang kanyang kayabangan, kaya kahit na lam nitong dehado s'ya sa sugal na kanyang tinatayaan ay hindi ito aatras sa laban.   Ngunit sa kabilang banda, gusto n'yang protektahan si LA laban kay Samuel. Sumagi rin sa isip nitong kung hindi na n'ya makukuha muli si Lorhain ay wala ng ibang makakakuha pa sa dalaga. Ito ang kanyang naiisip na plano kung talagang hindi na babalik sa kanyang piling ang dalaga.   "Trust me, you cannot handle her. At isa pa she's still attached with me, limang taon kami kaya alam ko ang kahinaan ni LA. Apektado pa rin s'ya sa mga tawag at text ko, hindi magtatagal iiwan ka n'ya at babalik s'ya sa akin. We were together for a half a decade. Kaya kilalang kilala ko na si LA. From head to toe, inside and outside," sabi ni Darren.   Ayaw ng makipagtalo ni Samuel, kilala n'ya ang kanyang sarili. Nagsisimula na rin kasi s'yang panghinaan ng loob sa panunuyo n'ya sa dalaga. Lalo na at alam n'yang maraming hadlang sa kanyang pagmamahal kay Lorhain. Dumagdag pa si Darren, na alam n'yang kayang kayang balikan ni LA dahil s'ya naman ang talagang mahal ng dalaga.    Walang may hawak ng bola, tanging si LA lang ang nakakaalam ng kanyang nararamdaman tungo kay Darren. At kung pagbabatayan ang mga sinasambit ni Darren ay malaki nga ang tyansang balikan ni LA si Darren. At s'ya, tulad ng sinabi ni Bea at Jel, naging rebound lang s'ya at masusupalpal pa ata ni Darren ng wala sa oras.   Tumayo si Samuel, napipikon na ito at kung ano ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan. "Walang patutunguhan ang usapan nating 'to, itutuloy ko ang pangliligaw ko kay LA, maghihintay ako kahit gaano katagal hanggang maging oaky si LA," sabi ni Samuel saka umalis.   Naiwang mag-isa si Darren, sinundan lang nito ng tingin si Samuel hanggang makaalis ito sakay ng kanyang motor.   "Hindi ka tatagal, alam kong mahal pa ako ni Lorhain, susuko ka rin Samuel," sabi ni Darren sa kanyang sarili. Tumayo na ito at saka umalis.   Samantala sa botika, matapos umalis ni Samuel ay pinuntahan na kaagad ng dalaga ang nurse na tumawag sa kanilang bintana.   "Miss, 'yung request po sa nurse station?" tanong ng isang lalake nurse sa dalaga.   Hindi ito katangakaran ngunit maputi at malakas ang dating ng nurse.   "Ay sige, sandali lang," kinuha ng dalaga ang request na mga gamot.   Habang kinukuha ni LA ang mga gamot ay liling-linga ang nurse.    "Miss pwedeng magtanong," ani ng nurse.   Bumaling ng tingin si LA sa nurse. "Okay lang naman," tugon nito.   "Kanina kasi parang nakita ko si Samuel. Si Samuel ba 'yung lumabas kanina?" tanong ng nurse.   Nanginig ng bahagya ang dalaga, kahit naman binigyan sila ng pahintulot ni Eliz para samahan s'ya ni Samuel ay iba pa rin ang dating kung may makakakita sa kanila. Hindi rin alam ni LA ang isasagot kung magtatanong ito kung anong gingawa ni Samuel sa botika ng ganoong oras. Nakasama pa na at putok na putok sa nursing station ang tungkol sa kanilang dalawa. Naisip tuloy ng dalagang isa sa mga marites ang nurse na kanyang kausap.    Nagpatay malisya na lang ang dalaga, kahit kumakabog ang kanyang dibdib. Kaylangan n'yang kumalma upang hindi maghinala ang nurse. "Oo, si Samuel," mahinahong sagot nito habang patuloy na kinukuha ang mga request.   "Naks si Samuel overtime," ani ng nurse. "Hindi kasi ako sigurado kung s'ya nga 'yon. Hindi ko man lang nabati, sayang," dagdag ng nurse.   "Ito na po silang lahat." Inilapag na ng dalaga ang mga request na gamot ng nurse. Nakasalansan ito sa isang basket. "Papirma na lang po dito, pa double check na lang po bago kayo umalis," sabi ni LA. "Paki balik na lang po 'yung basket para sa next refill," paalala ng dalaga.   "Okay," sabi ng nurse. Isa-isa nitong tinignan ang mga request na gamot at chineck isa-isa. Nakabantay rin si LA sa nurse. Mabuti na lang at walang gaanong pasyente ng mga oras na 'yon kaya masinop na naiayos ng dalaga ang mga request.    Pamilyar ang mukha ng nurse kaya pinagmamasddan ito ng maige ng dalaga, ngunit hindi maalala ni LA ang pangalan nito o kung nakikita ba n'ya ito madalas sa nursing station. Buti na lang at hindi nahahalata ng nurse ang pagtitig ng dalaga sa kanyang mukha. Kahit na kasi kilala ang dalaga sa buong ospital ay madalas na sa mukha n'ya lang kilala ang ilang empliyado. Lalo na pagdating sa nursing station, hindi rin kasi palagay ang loob ni dalaga sa mga tao roon, hindi ito gaanong nakikisalamuha sa mga ito. Kaya hanggat maaari ay pure work lang ang kanyang pinipunta sa lugar na 'yon.    Ilang sandali pa at natapos na ito sa pag-check. Tinignan nito ang kanyang relo matapos i-check ang mga request. "Maaga pa pala, nakakatamad bumalik sa station," ani ng nurse.   Nakatingin lang si LA, nanawa na ito sa pag-iisp kung anong pangalan ng nurse na kanyang kaharap. Kay naman pabalik na sana ito sa kanyang pwesto ng bigla s'yang tawagin muli ng nurse. "Miss," sabi nito.   Lumingon ang dalaga. "Yes po?" tanong ni LA.   "Matagal ka na rito?" tanong ng nurse.   "Medyo po, one year mahigit na po," magalang na tugon ni LA.   "Oh, para kasing nakikita nga kita madalas." Nagtaka ang dalaga, buti pa s'ya nakikita n'ya ito madalas ngunit hindi s'ya nakikita ng dalaga. "Ah I see, hay sige na nga bye bye, salamat sa time," sabi ng nurse at saka umalis.   "Ang weird naman noon, sino kaya 'yon," sabi ni LA sa kanyang sarili.   Bulamik na ito sa kanyang trabaho. At hinanda ang iba pang request na kukunin mamaya.   Nakauwi na si Samuel sa kanilang bahay, balisa at walang gana si Samuel kumain dahil sa mga nangyari sa kanya nitong dalawang araw.   Kahit na kasi pilitin ni Samuel na maging normal at ipagpatuloy ang panunuyo sa dalaga ay nilalamon na s'ya ng takot. Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan na mali ang kanyang ginawa. Na wrong timing ang pagpaparamdam n'ya ng damdamin at walang magandang maidudulot ang kanyang mga plano.   Diretso ito sa kanyang kwarto at ibinagsak ang katawan sa kama. Hapong hapo ang kanyang katawang lupa, gusto na nitong ipahinga ang kanyang katawan ngunit patuloy pa ring tumatakbo ang mga nangyari sa kanyang isipan.   "Ano bang mayroon at lahat sila tutol sa ginagawa ko," inis nitong sabi. "Sana hindi ko na lang nilapitan si LA ng araw na 'yon. Bakit ba kasi iniadya ng tadhanang magkita kami tapos ganito rin pala ang mangyayari" dagdag nito.   Nagugunita ni Samuel ang mga nangyari mula ng nagkita sila ni LA sa mall. Lakas loob n'yang nilapitan ang dalaga at nagtuloy-tuloy na s'ya sa panunuyo rito. Kahit na wala pa s'yang pormal na sinasabi kay LA kung para saan nga ba ang effort na kanyang ginagawa para sa kanya. Alam ng binatang nakakalito at maaring nakukutuban na ni LA ang intensyon n'ya sa kanya, ngunit humahanap ito ng tyempo para magtapat ng kanyang damdamin sa dalaga at maging malinaw ang lahat.    Masaya naman s'ya at nagagalak ang puso dahil napapansin na s'ya ng kanyang iniirog. Naaliw na n'ya ito kahit kaunti noong una, hanggang sa hindi naglaon ay napapangiti n'ya na ang dalaga ng abot tenga. Mga ngiting walang aksing tamis.    Ngunit kasabay nito ay may problemang kaakibat ang bawat sayang kanyang nadarama. Mga pagsubok na hindi n'ya akalaing ganito katindi at mga balakid. Habang tumatagal ay may mga humahadlang na sa kanynag mga plano at hindi pa ito makapaniwalang kasama si Jel sa mga ito. Wala itong kakampi at lagi nilang sinasabing maling pagkakataon s'ya nagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa ating dalagang si LA.   "Kung si ate Ana nalang kaya?" bigla nitong sabi habang nakikipagtitigan ito sa kisame. Sumagi kasi sa isipan ni Samuel ang mukha ni Ana at napangiti ito bigla.   "Nabubuang ka na Samuel! Bakit ba kasi nakakabaliw umibig!" inis na sabi ni Samuel sa kanyang sarili.   Kasabay nito ay may nag-text sa kanyang cellphone. Pagtingin nito, ay laking gulat n'ya kung sino ang nag-text.   Si Ana, binuksan n'ya ang mensahe.   "Good evening, kamusta? Anong ulam ang gusto mo? O kaya miryenda? I-text mo lang para maluto ko. Good night! Ana," sabi sa text na pinadala ni Ana.   Napangiti si Samuel. "Lord! Minsan hindi ko na po maintindihan ang gusto n'yong mangyari sa buhay ko!" sabi ni Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD