"Ang daya naman talaga ni Lord," napapailing na sabi ni Samuel kay Jel. "Kung kaylan nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ligawan si LA saka namang ang daming hadlang," inis nitong sabi.
"Sira ka rin kasi, rebound daw kasi ang ginagawa mo kaya nilalagay ka lang ni Lord sa tamang landas. Ikaw naman kasi bira ng bira hindi man lang nagsasabi sa akin, ayan pati si Jeff naprapraning na sa ginagawa mo. Pasalamat ka tunay mo kaming mga kaibigan, kaya giangawa namin 'to. Hindi kami kunsintidor, alam naming isa sa inyo ni Lorhain ang masasaktan kaya hanggat maaga pa tinatama na namin ang lahat. May pagkakataon ka pa naman, huwag lang ngayon, kapag okay na talaga si Lorhian sige susuportahan pa kita," pangaral ni Jel. "Hay Samuel kay ate Ana ka na lang kasi. Nako walang kahirap hirap oo na kaagad 'yon. Baka nga kakasabi mo pa lang na pwede bang mangligaw o gusto mo s'ya, oo na agad ang isagot sa 'yo. Wala pang one minute may jowa ka na," birong sabi ni Jel.
Tinignan ng matalim ni Samuel ang kaibigan.
Nangilabot bigla si Jel sa mga titig sa kanya ni Samuel. "O--Okay, sabi ko nga hindi ang sagot mo," sabi ni Jel, tinikom na lang rin n'ya ang kanyang bibig.
"Tara na nga, maaga pa tayo bukas," aya ni Samuel.
"Boss, 'wag mo akong idamay sa maaga mong pagpasok. Ikaw lang ang nag-schedule na 5:30 ng umaga para pumasok, nang makita mo si LA kasi panggabi s'ya," siwalat ni Jel.
"Tsss, oo na," sabi ni Samuel. "Hindi rin naman overtime 'yon, ala-syete ng umaga pa rin naman ako nag-in," bulyaw ng binata.
"Pag-ibig nga naman, hay nako," asar ni Jel.
Dumaan muna ang dalawa sa botika upang tanungin si Kiara kung pauwi na ito. Isasabay na sana ni Samuel si Kiara pauwi.
Syempre kung mangliligaw ka, hindi lang dapat sa taong gusto mo, pati na rin sa mga kaibigan nito.
Ngunit sa kasamaang palad ay mag-overtime raw ito dahil wala si Bea. Nasabi rin ni Kiara na maagang pinapapasok si Lorhain para sapuhin ang kalahati ng shift ni Bea.
Lumakad na ang dalawa at nagtungo sa parking lot ng ospital upang umuwi.
"Boss, ayos ka lang?" tanong ni Rene boy.
Bumalik ng x-ray room ang dalawa, sakto kasing paalis na sila ng muli silang nakita ng kanilang head. May mga inutos pa ito kaya nakapag overtime bigla ang dalawa.
"Oo naman bakit naman ako hindi magiging okay?" balik na tanong ni Jeff.
Nagsasalansan ang dalawa ng mga lumang film.
"Kanina kasi, ibang iba ka. Parang hindi ikaw," paliwanag ni Rene boy.
"Parang hindi naman, maayos naman kaming nag-usap ni Samuel. Desidido talaga s'ya kay LA, sinabi ko naman din sa kanya na ayaw ko s'ya para kay LA. At wala na s'yang magagawa roon. Ayos na 'yon para mangilag naman s'ya kahit papaano. Ang angas kasi ng dating n'ya, parang siguradong sigurado na s'yang sasagutin s'ya ni LA," inis na sabi ni Jeff.
"Boss, ayaw mo talaga kay Samuel ano?" muling tanong ni Rene boy. "parang mas maangas ka pa nga kaysa kay samuel kanina. Akala mo syota mo si LA, daig pa kapatid kung magbanta," dagdag pa ni Rene boy. Binase n'ya lahat ang kanyangreaksyon sa mga sinabi ni Jeff sa kanya.
"Hindi naman, bakit? Sakto lang," tugon ni Jeff. "Sabi ko nga sa 'yo parang nakababatang kapatid ko kasi si Andrew, kaya ganito ako sa kanya," pagdipensa ni Jeff.
"Okay sige. Sa lagay na 'yan? Maniniwala na lang ako na wala kang galit kay Samuel, kahit kulang na lang pumutok ang mga litid mo sa leeg kanina habang kausap si Samuel," birong sabi ni Rene boy.
Pinagpatuloy lang ni Jeff ang kanyang ginagawa. Ngunit sa totoo lang ay kumukulo talaga ang loob nito kay Samuel. Una pa lang ay hindi na n'ya gusto si Samuel, hindi rin n'ya maintindihan kung bakit. Pero isa lang ang malinaw ngayon, ayaw n'ya kay Samuel dahil hindi s'ya ang tamang tao para kay LA.
"Boss, nga pala ano nga pala ang nangyari kanina sa pag-uusap n'yo?" tanong ni Rene boy.
"Sinabi n'ya lang na gusto n'ya si LA. Tapos sinabi ko lang na ayaw ko s'ya para kay LA. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin. Bakit mo natanong? Hindi ba nasa likuran lang naman namin kayo kanina?" si Jeff naman ang nagtanong.
Natawa si Rene boy sa kanyang sarili. "Kasi ano, nananaginip ako kanina," sagot nito. "Lakas ng panaginip ko boss, buti na lang nagising ako sa riyalidad ng tinawag ako ni Jel."
"Ano? Hindi ko maintindihan?" tanong ni Jeff.
"Ganito kasi 'yon, akala ko nagsasapakan kayo ni Samuel kanina. Nandoon pa nga si Me-ann sa panaginip ko," natatawang sabi ni Rene boy.
"Si Me-ann? Paano naman makakapunta dito 'yon? Mamaya pa ang out n'ya. Nagpapasundo nga sa akin," sabi ni Jeff.
"Ha? E, bakit nandito ka pa? Kaya ko naman mag-isang gawin 'to. Sunduin mo na s'ya," sabi ni Rene boy. "Mamaya mag-away pa kayo dahil d'yan."
Umiling lang si Jeff. "Mag-overtime nalang ako kaysa sunduin s'ya," tugon ni Jeff.
Napansin din kasi ni Rene boy na panay tingin si Jeff sa kanyang telepono. Baka nag-aayaw na sila ni Me-ann dahil sa pag-overtime ni Jeff ng biglaan.
"Ay boss, iba na 'yan. Mukhang mas lumalala ang problema n'yo? Pati pagsundo kay Me-ann tinatanggihan mo?" tanong ni Rene boy.
"Hindi naman boss, ayaw ko lang na marinig ulit ang mga rants n'ya tungkol sa akin, paulit-ulit na lang kasi nakakasawa na," paliwanag ni Jeff.
Umiling si Rene boy. "Ay nako, 'yan din kasi ang problema n'yo sa panaginip ko. Tapos mas gusto mo pa raw ayusin ang problema ng iba kaysa sa problema n'yo. Tapos pati si LA anadoon din," kwento ni Rene boy.
"Pati talaga si LA na kakagising pa lang sinasama mo sa panaginip mo! Kakaiba ka talaga boss," sabi ni Jeff.
Nagtaka si Rene boy dahil paanong nalaman ni Jeff na kakagising pa lang ni LA, ngunit binalewala na lang n'ya ito at nagpatuloy sa pagkwekwento. "Oo nga! Para kasing totoong totoo 'yung mga nakita ko kanina!" Lumapit pa ito bahagya kay Jeff upang marinig nito ng mas malinaw ang kanyan kwento. "Sabi n'ya may pinili na raw s'ya!"
"Pinili?" tanong ni Jeff.
"Oo, pinili! May pinili na s'ya sa inyong dalawa ni Samuel," sagot ni Rene boy.
Nahinto sa kanyang pagsasalansan si Jeff. Napuna ito kaagad ni Rene boy.
"Gusto mo bang malaman kung sinong pinili ni LA sainyong dalawa ni Samuel?" tanong ni Rene boy.
"Kahit hindi na, panaginip mo lang naman kasi 'yon, baka nga hanggang ngayon nananaginip ka pa rin," asar ni Jeff.
"Boss, kilala kita. Gumaganyan ka kasi kahit ikaw gusto mong malaman kung sinong pinili ni LA sa inyong dalawa sa panaginip ko," udyok ni Rene boy kay Jeff upang pilitin s'yang sabihin ang pinili ni LA at may pagtaas pa ito ng kanyang kilay.
Tahimik lang si Jeff na yari mo'y hindi interisado. Pero sa totoo lang ay gusto n'yang malaman kung s'ya ba o si Samuel ang pinili ni LA sa panaginip ni rene boy.
"Ano boss, sasabihin ko na ba? O hahayaan mo na lang sa panaginip ko na," pinutol ni Rene boy ang kanyang pagsasalita upang lalong maatig si Jeff na malaman kung sino ang pinili ni LA sa kanyang panaginip.
"Boss, bahala ka," muli nitong sabi. "Kapag nakalimutan ko na kung sino ang pinili ni LA sa panaginip ko, wala na hindi mo na malalaman," sabi nito.
Hindi pa rin natinag si Jeff, hindi lang nito pinansin si Rene boy.
Panay na ang pag-text nito. Palibhasa ay tapos na ito sa pagsasalansan.
"Boss, teka nga lang si Me-ann ba 'yang ka-text mo?" pagtataka ni Rene boy. Napapangiti pa kasi ito habang nag-type sa kanyang telepono.
"Ha?" sagot ni Jeff.
Umiling na lang si Rene boy. "Boss, sino 'yan?" muling tanong ni Rene boy.
"Ha, ano si LA. Papasok daw s'ya ng maaga, e nagpapasundo. Sabi ko hindi ko s'ya sususnduin. Sure ako kapag nakita n'ya ako sa tapat ng bahay nila mamaya ma---gugulat s'ya," sagot ni Jeff. Bumagal bigla ang pagsasalita ni Jeff. Nawala sa loob nitong sumasagot pala s'ya tanong ni Rene boy. Natutuwa kasi itong asarin si LA kaya hindi na n'ya napag-isipan ang kanyang mga sinasabi.
"O, tapos?" seryosong tanong ni Rene boy. Bakas din sa kanyang mukha ang pagdududa.
"Anong tapos ka d'yan?" maangmaangan ni Jeff.
"Susunduin mo si LA hindi ba?" usisa ni Rene boy.
"Hi--hindi syempre, U---uuwi na ako pagkatapos natin dito," sagot ni Jeff.
"Sus boss, 'wag ako. Iba na lang," inis na sabi ni Rene boy.
"Boss, talaga naman, kasi bakit ko naman s'ya susunduin?" paliwanag ni Jeff. "Hindi naman kami at saka may mga gagawin pa ako kaya hindi ko s'ya masusundo. Kaya chill lang tayo!" dagdag ni Jeff. Kahit na ang totoo ay naaatat na itong umalis upang sunduin si Lorhain.
"Talaga ba boss? Sigurado ka?" tanong ni Rene boy, hindi kasi ito kumbinsido sa mga sagot ng kaibigan.
"O---oo naman, boss naman, ayaw ko rin talaga ng gulo," sagot ni Jeff.
"Sige sabi mo," sagot ni Rene boy. "Tulungan mo pa ako para matapos na tayo. Tantanan mo muna 'yang pag-text mo," utos ni Rene boy.
Tinulungan na ni Jeff si Rene boy. Ilang sandali pa at natapos na rin ang dalawa.
"Rene boy! Mauna na ako!" Nagmamadali si Jeff sa paglabas ng kanilang kwarto.
"Ha? Ba't nagmamadali ka? Akala ko ba wala kang lakad?" sabi ni Rene boy habang sinasara ang kanilang kwarto.
"Ha? Sige na may hinahabol kasi ako," sabi ni Jeff at nauna ng umalis kay Rene boy. Halos takbuhin nito ang pagpunta sa parking lot.
Hindi maganda ang kutob ni Rene boy kung bakit nagmamadali ang kanyang kaibigan.
"Boss naman, ikaw mismo ang nagsasabing mali ang ginagawa ni Samuel pero ginagawa mo rin naman. Ay nako boss, ang sakit n'yo sa ulo! Ganyan ba talaga pag nat*t*ng* sa pag-ibig?" usal ni Rene boy sa kanyang isipan.
Nagmadali na rin si Rene boy na umalis upang sundan ang kanyang kaibigan. Humahangos itong nakarating sa parking lot, natanaw nito kaagad ni Jeff. Ngunit nakahinto lang ito at nakatitig sa bandang gilid. Tumingin din si Rene boy sa direksyon kung saan titig na titig si Jeff. Laking gulat nito ng makita sina Samuel at Lorhain na magkasama.
Nakaramdam ng awa si Rene boy para sa kanyang kaibigan. Syempre kung papipiliin s'ya, mas gusto ni Rene boy na si Jeff ang maging kasintahan ni LA imbis na si Samuel. Nakonsensya tuloy si Rene boy dahil kung hindi n'ya inasar si Jeff, malaki ang posibilidad na kanina pa nakaalis si Jeff upang sunduin si LA. Subalit sa kabilang banda, mas mabuti na rin ang nangyari kahit nakakadurog ang itsura ni Jeff habang pinagmamasdan ang dalawang habang nagtatawanan. Masakit man ay kaylangang tiisin ito ni Rene boy at itama si Jeff upang maiwasan ang gulo sa pagitan ni Me-ann at LA. Pwede kasing may makakita sakanilang dalawa at magsanhi ng dagdag na problema sa relasyon nina Jeff at Me-ann.
Unti-unting lumapit si Rene boy kay Samuel. "Boss," sambit nito.
"Wala naunahan na naman ako," bulong nitong sabi.
Hinawakan ni Rene boy sa balikat si Jeff.
"Tara na, para maaga na tayong makauwi. Nakakapagod 'tong araw na 'to," aya ni Jeff.
Tahimik itong sumakay ng motor at umalis. Agad namang sinundan ni Rene boy ang kaibigan. Nahahabag man ito ngunit kung gusto talaga n'ya si LA ay kaylangan n'yang taposin muna ang lahat sa kanyang kasintahang si Me-ann.
"Salamat Samuel, hindi na kasi nag-reply si Jeff," pasasalamat ni LA.
"Bakit? Sa kanya ka ba magpapasundo dapat?" tanong ni Samuel.
"Hindi naman pero s'ya kasi ang nag-offer na susunduin n'ya ako. Ang gulo nga n'ya, noong una susunduin n'ya raw ako, tapos maya-maya hindi. Ang lakas ng trip. Kaso ayon biglang hindi na nag-reply kaya nag-commute na lang ako. Buti nalang hindi pa ako nakakaalis ng bahay ng tumawag ka" Biglang napaisip si LA. "Teka paano mo nalaman na maaga akong papasok ngayon? Pati kung saan ako nakatira?" tanong ng dalaga.
"Sinabi sa akin ni Kiara bago umuwi, nagtataka kasi kami ni Jel kung bakit s'ya biglang mag-overtime," paliwanag ni Samuel. "Tapos tinanong ko kay Jel kung saan ka nakatira, kaunting tanong tanong at heto, sinundo na kita."
Naglakad na ang dalawa patungo sa entrance ng ospital. Nakatanaw na naman ang chismosong guard sa dalawa. Hanggang loob kasi ng ospital ay sumama si Samuel.
Nasa loob na ng botika ang dalawa, nadatnan nila sina Eliz at Kiara.
"Good afternoon po," bati ni Samuel.
Nagulat si Kiara dahil magkasama sina LA at Samuel. Napatingin si Kiara sa kanyang ma'am Eliz.
"Good afternoon din, sinundo mo pala si LA?" tanong ni Eliz sa binata.
"Opo ma'am," maiksing sagot ni Samuel.
"Ma'am, Kiara I'm here," sabat ni LA.
Bumaling ng tingin ni Kiara kay Samuel, tinignan ito mula ulo hanggang paa.
"Lorhain," tawag ni Kiara na maykatarayang taglay. "Mag-endorse na ako, tara" sabi nito kay LA ngunit titig na titig pa rin ito sa binata.
"Samuel, hindi ka pa ba uuwi? Out mo na kanina pa hindi ba?" tanong ni Eliz.
"Ay maya-maya po uuwi na rin po ako," sagot ng binata. "Ma'am pwede ko po bang samaahan ko si LA kahit mga hanggang 8:00 ng gabi dito sa botika?" paghingi ng pahintilot ni Samuel.
"Pwede naman pero 'wag ka nalang ganoong magpakita sa labas na nandito ka," pagpayag ni Eliz. "Wala naman saking problema, para may kasama din s'ya hanggang mamaya," sabi ni Eliz.
"Salamat po ma'am," tugon ni Samuel.
"Ayan Besty, mamaya kukunin 'yan noong nurse na naka-duty, s'ya na raw ang kukuha sabi n'ya. Then ito mamayang 12:00 i-ready mo may operation daw kasi sabi noong nasa operating room sila na rin daw ang kukuha rito, sira kasi 'yung bio. ref nila. 'Yon lang naman, lahat na 'yan," paliwanag ni Kiara.
"Sige sige, nakasulat naman sa logbook natin lahat hindi ba? Baka kasi makalimutan ko 'yung iba. Antok pa kasi ako," natatawang sabi ni LA.
"Sorry na besty, biglaan kasi 'yung kay Bea. Tapos hindi naman ako makakapag-over time ng bongga, sorry talaga. Alam naming puyat ka, babawi na lang ako next time promise," pahingi ng paumanhin ni Kiara.
"Okay lang, ikaw talaga. Buti nga sinundo ako ni samuel at least hindi na ako pagod sa byahe papasok," sabi ng dalaga.
Nahagip na naman ng tingin ni Kiara si Samuel. "Besty," sabi nito at bahagyang lumapit kay LA. "'Yan bang si Samuel e, nanliligaw sa 'yo?" malisyosang tanong ni Kiara.
Nanlaki ang mga mata ni LA. "Ano! Sira, hi--hindi, hindi ko rin alam," sagot ni LA.
"Ano? Hindi? Tapos biglang hindi mo alam?" tanong muli ni Kiara.
"Hindi ko kasi talaga alam besty, at saka wala naman s'yang sinasabi. Ano ako pa ang magtatanong? Ganoon ba dapat?" balik na tanong ni LA.
"Ayon lang." Napasandal si Kiara sa pader. "Kaso wrong timing s'ya, very wrong," sabi ni Kiara.
Hindi kaagad umimik si LA ngunit alam nito kung anong tinutukoy ni Kiara. "Hindi ko rin alam, naguguluhan din ako. Gusto ko 'yung mga ginagawa n'ya lalo na this past few days. Alam ko ring umaariba na naman ang chika sa mga nurse. Pero ang sarap lang sa pakiramdam na ako naman 'yung inaalagaan. Sa totoo lang tuwing nand'yan si Samuel hindi ako nalulungkot," salaysay ni LA.
"Ay nako, mas mahirap 'yan besty," ani ni Kiara. "Hindi tama 'yan," dagdag pa nitio.
"Alam ko naman 'yon besty, alam ko kung hanggang saan lang ako," sagot ni LA.
"Paano si Samuel, alam ba n'ya kung hanggang saan lang s'ya?" sunod na tanoing ni Kiara.
Bumuntong hininga na lang si Lorhain. Hindi rin kasi n'ya alam kung anong tamang isasagot.
"Besty. Advise ko lang ha, i-enjoy mo lang 'yung process ng pag-move-on, 'yon lang nothing more nothing less," sabi ni Kiara bago nito taposin ang kanilang pag-uusap.
Tinapos lang ni Eliz ang kanyang mga ginagawa at lumisan na ang dalawa.
"Lorhain ikaw ng bahala ha, pasensya ka na hindi rin ako makakapag-extend ng sobra," sabi ni Eliz sa dalaga.
"Ma'am, wala po 'yon. Sige po ingat po kayo sa pag-uwi!" paalam ni LA.
"Bye-bye besty, ingat ka sa duty," sabi naman ni Kiara.
"Samuel, ikaw na munang bahala kay LA, inagt kayong daalwa," habilin ni Eliz.
Tumango ang binata at nagpaalam na rin sa dalawa.
"Sure ka sasamahan mo ako hanggang 8:00?" tanong ni LA. Silang dalawa na lang ang nasa loob ng botika. Nagulat din ang dalaga dahil ang daming pagkaing binili ni Samuel para sa kanya.
"Oo naman, wala rin naman akong kasama sa bahay," sagot ni Samuel. "Kung gusto mo umiglip ka muna d'yan, maaga kang nagising n'yan panigurado inaantok ka pa. Ako muna dito o kaya tatawagin na lang kita pag may tao," sabi ni Samuel. Napansin kasi nitong panay ang hukab ng dalaga. "Bumawi ka na lang sa pagkain, marami akong biniting pagkain para sa 'yo," dagdag pa nito.
"Kaya nga, baka panay kain na lang gawin ko pagmag-isa na lang ako mamaya. Pero sigurado ka? Nakakahiya naman sa 'yo, sinundo mo na nga ako, tapos ikaw pa magbabantay dito habang tulog ako. Tapos binilhan mo pa ako ng mga 'to," nahihiyang sabi ni LA.
"Ano ka ba okay lang mamaya naman ikaw lang mag-isa dito. Mas mahirap magtrabaho kapag inaantok at gutom. Kaya sige na ako na muna dito," pilit ni Samuel.
Hindi na nakatanggi ang dalaga. Antok na antok pa rin kasi ito.
"Sige, pero kapag may tao o may bibili gisingin mo ako ha, salamat." At yumukyok na si LA.