Chapter 18

2524 Words
 "Boss, tulala ka d'yan? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Rene boy sabay binatukan si Jeff. "Anong mayroon?" humirit pa ng isag tanong si Rene boy.  "Ito, makabatok parang ano," inis na sabi ni Jeff at inayos ang buhok n'yang nagulo sa kakagawan ni Rene boy..  "Ay, ang init ng ulo boss?? May regla lang?" biro ulit ni Rene boy. Ngunit hindi ito bumenta sa kanyang kaibigan.   Hindi lang umimik si Jeff, hindi lang n'ya pinansin si Rene boy. Natahimik tuloy si Rene boy at naramdamang wala sa mood si Jeff. Tinabihan n'ya na lang ito at nakipag-usap ng seryoso.  Nasa canteen ang dalawa nagpapalipas ng oras, uwian na rin kasi ngunit nagtataka si Rene boy dahil nagpasama si Jeff sa canteen. Noong una akala n'ya ay bibili ng pagkain ang kaibugan, kamukat mukat ni Rene boy, naupo lang si Jeff.  "Boss, sino pa lang hinihintay natin dito?" tanong ni Rene boy. Wala kasi akong ideya kung sno ang hinihintay ni Jeff sa mga oras na 'to. Balisa rin kasi ito maghapon.  "Si Samuel," maiksing sagot ni Jeff.  Nanlaki ang mga mata ni Rene boy dahil sa kanyang narinig. "Ha! Si Samuel? Ba---ba---bakit?" agad na tanong ni Rene boy. Nakaramdam ito ng kaba, gumana rin bigla ang kanyang imehinasyon ukol sa pwedeng mangyari sa pag-uusap ng dalawa.  "May pag-uusapan lang kami," sagot ni Jeff.   Hindi maipinta ang mukha ni Jeff kahit na kalmado itong magsalita, parang may nakaaway ito o hindi kaya ay may susugurin ano mang sandali. Sa harap lang ito nakatitig at seryosong nga-iisip.  "Boss, iayos mo nga 'yang mukha mo! Parang babasagin mo ang mukha ni Samuel sa itsura mong 'yan," puna ni Rene boy upang kumalma ang kanyang kaibigan.  Hindi lang pinansin ni Jeff ang sinabi ni Rene boy, seryoso pa rin ang kuha nito at nakatitig sa hallway kung saan daraan si Samuel pagdating nito.  "Kung gusto mo ng umuwi ayos lang walang problema," biglang sabi ni Jeff sa kanyang kasama.  Napakamot ng kanyang ulo si Rene boy, hindi naman sa ayaw n'yang samahan si Jeff. Gusto lang n'yang ilayo ito sa gulong pwedeng maganap. May hinala na rin kasi si Rene boy kung bakit nila hinihintay si Samuel. "Hindi naman sa ganoon boss, nagtataka lang ako kung bakit kayo mag-uusap ni Samuel," pagmamaang-maangan ni Rene boy.  Hindi na umimik si Jeff, nababalot ng itim na awra si Jeff ng mga oras na 'yon. Naninibago si Rene boy saa kinikilos ni Jeff, lalo na ngayon.  Nag-umpisang maging balisa si Jeff mula ng nakita n'yang sinuotan ng helmet ni Samuel si LA. Tampulan na din ng tukso sa nursing station sina Samuel at LA. Marami na ring naririnig na chismis si Jeff na kumakalat tungkol sadalawa. Subalit sa tuwing pupunahin naman ni Rene boy ang pagkabalisa ni Jeff, naiinis ito hanggang sa umalis na lang si Jeff ng walang pasabi.  Naghintay ang dalawa ng mga bente minutos pa at dumating na rin si Samuel.  "Boss," salubong ni Jeff kay Samuel. Kusa ng lumapit si Jeff sa binata. Hindi umimik si Samuel, may namumuo kaagad na tensyon sa dalawa matapos ang ilang sandali.  Kitang kita ni Rene boy ang mga kaganapan. Nakaramdam ng kaba si Rene boy dahil sa tensyong namamagitan sa dalawa, pakiramdam talaga nito ay sasalubungin ng suntok ni Jeff sa Samuel kanina.  "Pwede na ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong ni Jeff.   Doon lang nakahinga ng kaunti si Rene boy, para s'yang nanunuod ng suspense na pilikula sa bawat kilos ni Jeff. Hindi ito alam kung paano awatin si Jeff sa ganitong bagay.. Ngunit hind pa rin nawawala ang tensyong bumabalot sa dalawa. Kaya nakamasid pa rin ito sa kilos ng dalawa.  "Sige, tungkol saan ba?" tanong ni Samuel.  "Tungkol kay LA," agad na sagot ni Jeff.  Napatindig si Rene boy sa kanayang narinig. "Tungkol kay LA, nako naman boss, hindi ka talaga nagiisip!" sabi ni Rene boy sa kanyang isipan. "Mapapahamak ka pa sa ginagawa mong 'yan. Nasaan ang utak boss! Nakain na ata ng radiation!" napapailing na lang si Rene boy sa gingawa ng kanyang kaibigan.  "Sige," maiksing sagot ni Samuel.  Nanginit ang tenga ni Samuel sa tono ng pananalita ni Jeff. May kaangsan kasi ang tono nito na tila naghahamon ng away. Subalit kalmado lang na sinundan ni Samuel si Jeff.  Nakaantabay lang si Rene boy sa dalawa, nakakaamoy kasi ito ng away.  Naupo ang dalawa, noong una ay walang umiimik. Nagtititiga lang ang dalawa at para bang may kidlat na nagbabanggaan sa pagitan ng dalawa.   Hindi na makapag-isip ng maayos si Jeff at nagpadala na lang ito sa kanyang bugso ng damdamin. Nababalot ang kanyang puso ng pag-aalala kay LA at inis kay Samuel. Tumatak sa kanyang isipan na kung hindi pumorma si Samuel kay LA ay walang chismis na lalabas.  Binasag ni Jeff ang katahimikang namamagitan sa kanila ni Samuel. "Gusto ko lang maging malinaw ang lahat," panimula ni Jeff.  Nakatingin lang si Samuel at hinihintay ang mga sasabihin ni Jeff. Gayun din si Rene boy nakaabang lang ito sa gilid, pero halos tumalon na ang puso nito sa kaba. Gusto na lang n'yang hatakin si Jeff upang matapos na ang lahat.  Gusto na ring i-text ni Rene boy si LA upang may makatulong s'ya sa pag-awat sa dalawa kung sakaling magsapakan na lang bigla ang dalawa sa kanyang harapan. Ngunit sumagi bigla sa kanyang isipan na panggabi nga pala si LA, iniisip din ni Rene boy na baka tulog pa ito o hindi kaya naghahanda pa lang sa kanyang pagpasok.  "Jeff, ano ba kasing naisipan mo bakit mo gustong kausapin si Samuel," sabi ni Rene boy sa kanyang isipan. Naka masid lang ito sa dalawa. "Para ka namang sira d'yan! Ano papangatawanan mo ang ang pagiging tatay mo kay LA o naapakan lang ang ego dahil makakapagtapat si Samuel ng kanyang pag-ibig at ikaw ay hindi. Boss talaga, hay nako na lang,"  "Anong balak mo kay Lorhain?" maangas na sabi ni Jeff.  Ngumisi si Samuel. "Bakit big deal ba sa'yo kung sabihin kong gusto ko s'yang pormahan?" pabalang na sagot ni Samuel.  Namula bigla si Jeff, mas sumiklab ang inis nito sa binata. Kumikulo ang dugo ni Jeff sa pagsagot sa kanya ni Samuel. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" sunod na tanong ni Jeff.  "Oo, alam ko at naiintindihan ko ang snabi ko. At isa pa seryoso ako sa sinabi ko. Papanindigan ko ang sinabi ko," napipikong sabi ni Samuel. Tulad ni Bea at Jel, pakiramdam ng binata at hinuhusgahan s'ya kaagad ng lahat ng taong nakapaligid kay LA.  Umiling lang si Jeff. "Good luck boss," sabi ni Jeff at biglang tumayo sa kanyang upuan.  Nabastusan si Samuel sa inasal ni Jeff. "Boss ikaw, wala ka ba talagang pagtingin kay LA?" tanong ni Samuel bago pa lumagpas si Jeff sa kanyang kinauupuan.  Huminto si Jeff, bilang lalake ramdam nitong inaatig s'ya ni Samuel upang umamin. At dahil wala na sa tamang pag-iisip si Jeff, hindi na nito pinag-isipan ang kanyang isasagot. "Paano kung sabihin kong may gusto rin ako kay LA anong gagawin mo?" diretsong sagot ni Jeff. "Sa tingin mo ba, mas pipiliin ka ni LA kaysa sa akin?" dagdag pa ni Jeff.  Tuluyan ng nagpanting ang tenga ni Samuel. Hindi nito akaling sasagot ng ganito si Jeff. At sa tono nito ay tila hinahamon ni Jeff si Samuel ng paligsahan at ang premyo ay si Lorhain.   Ngumiti ng nakakaloko si Samuel. "Bakit hindi ka magtapat sa kanya, kung talagang matapang ka? Kung talagang ikaw ang pipiliin ni LA kaysa sa akin, ipakita mo ang tapang mo," hamon ni Samuel. Hindi na rin ito nagpaawat at sinabayan na ang pamimikon ni Jeff.  Bumaling ng tingin si Jeff sa kinauupuan ni Samuel. Nanginginig na ang mga braso nito at nangangati ng daplisan ang mukha ni Samuel. "Walang wala ang pinagsamahan n'yo sa pinagdaanan namin si LA. Kaya 'wag mo akong hamunin dahil alam kong mas pipiliin ako ni LA kaysa sa 'yo. Mas papahalagahan n'ya ako kaysa sa isang tulad mo" sagot ni Jeff sa hamon ni Samuel.  "Boss, Samuel," awat ni Rene boy. "Nasa ospital tayo, kalma."  Hindi pinansin ng dalawa ang pag-awat ni Rene boy, tumayo sa upuan si Samuel at nilapitan si Jeff. "Puro ka lang naman kuda," asar ni Samuel.  Nangdilim ang paningin ni Jeff kaya naman sinunggaban nito ng isang malakas na suntok ang mukha ni Samuel. Napaatras ito ng bahagya, nagulat rin si Samuel dahil nagawa n'ya s'yang suntukin kahit nasa loob pa sila ng ospital.  Namagitan na si Rene boy sa dalawa, ito na nga ba ang kinakatakutan n'yang maganap. Kilala n'ya si Jeff sarado na ang kanyang isipan at wala ng makakabago roon. Agad nitong hinarangan si Samuel. "Boss!" sigaw nito. "Makipag-usap ka naman ng matino, hindi dinadaan mo sa init ng ulo! Tao kang hinarap ni Samuel, umasta ka naman ng tama! Nasa ospital pa rin tayo, ano ba boss. Sa ginagawa mong 'yan parepareho tayong mawawalan," pag-awat ni Rene boy sa kanyang kaibigan.  "At talagang kinampihan mo pa 'yang lalaking 'yan? Rene boy akala ko kaibigan kita! Traydor ka pala, magsa,ma kayong dalawa," inis na sabi ni Jeff. "Boss, hindi na kasi tama 'yang ginagawa mo. Hindi ko kayang kunsintihin ang ganyang ugali. kaibigan kita pero hindi ako sulsol para umasta ka ng ganyan!" sagot ni Rene boy. Napahawak si Samuel sa kanyang pisngi. Iniinda pa rin nito ang lakas ng suntok ni Jeff. "'Yan ba? 'yan ba ang maipagmamalaki mo kay LA? 'Yang pakikipagbasag ulo mo? Jeff, Lorhain doesn't deserve a guy like you!" asar na sabi ni Samuel. Lalong nanginig ang kalamnan ni Jeff. Napikon ito kaagad sa mga nasambit ni Samuel. Bakas sa kanyang mukha ang pagkapikon kaya naman susunggaban n'ya na sana ulit ito ng suntok ng. "Jeff!" may sumigaw na isang babae. Napalingon ang tatlo, laking gulat ni Jeff at ni Rene boy kung sino ang babaeng nagsambit ng pangalan ni Jeff. "M--Me-ann? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jeff. "Narinig ko ang lahat Jeff," sabi ni Me-ann, nagsimula na ring mamula ang mga mata nito at tila nakaabang ang mga luhang maguunahang pumatak. "Sabi mo, aayusin mo lang ang sarili mo, sabi mo oras ang kaylangan mo, binigay ko lahat ng 'yon Jeff para maayos ang problema natin. Kaso nakakatawang isipin na hindi pala ang sarili mo ang aayusin mo. Nakakatawa dahil problema pala ng iba ang uunahin mo kaysa sa relasyon natin," mangiyak-ngiyak na sabi ni Me-ann. "O ako na lang ang umaasa para sa ating dalawa" "Me-ann, magpapaliwanag ako," sabi ni Jeff. Agad itong lumapit sa kanyang kasintahan. "Hindi naman sa ganoon. Magpapaliwanag ako," makaawa ni Jeff. Hinawakan pa nito ang braso ng kasintahan. Inalis ni Me-ann ang kamay ni Jeff sa kanyang braso. "Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo?" galit na sabi ni Me-ann. "Narinig ko na ang lahat Jeff. Ngayon, ako naman ang magtatanong, mahal mo ba si LA?" diretsong tanong ni Me-ann.  Nakatitig ito sa mata ni Jeff at naghihintay ng sagot. "Me-ann, hindi ko sinasadya," sabi ni Jeff. Napahawak na lang sa kanyang noo si Rene boy. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang laking gulo nito buti na lang wala si Lo---," sabit ni Rene boy sa kanyang isipan. "Jeff," may babaeng muling hiniyaw nag pangalan ni Jeff. "Lo---Lo---." Hindi mabanggit ni Rene boy kung sino ang isa pang babaeng nagpakita sa kanilang apat. "Lorhain," sabi ni Samuel. Nilapitan kaagad ni Samuel si LA. "Lorahin," sabi nito. "Tama na! Ano ba!" Umiiyak nitong sabi. "Jeff, huli na ang lahat, nakapili na ako," sambit ni LA. "Nakapili na ako, nakapili na ako?" paulit-ulit na umuugong ang mga salitang ito sa tenga ni Rene boy. Tila parang huminto ang lahat at walang gumagalaw sa paningin ni Rene boy matapos sabihin 'yon ni LA. "Nakapili na ako. Nakapili na ako," paulit ulit na umuugong sa kanyang mga tenga. "Nakapili ka na ba Rene boy! Oy! Rene boy!" tawag ni Jel. Bumalik sa riyalidad si Rene boy. Nakita na lang nito ang kanyang sariling naka upo sa isang lamesa kasama ni Jel. Nasa harapang lamesa nila sina Jeff at Samueln at matiwasay na nag-uusap. "Oy! Nakina pa ako dada ng dada rito! Nakikinig ka ba?" iyamot na sabi ni Jel. "Ha? Ano ulit?" balik na tanong ng ni Rene boy. Para bang naghalo ang riyaledad sa katotohanan. Sumakit bahagya ang ulo ni Rene boy dahil sa kanyang napaginipan. At oo, nananaginip pala si Rene boy mula kanina. Hindi na nito naalalang magkasamg dumating si Samuel at si Jel, s'ya ihahatid. Wala na ring matandaan si Rene boy na lumipat sila ng upuan. Ang natatandaan lang kasi nito ay nasa harapan n'ya ang dalawa at nagsusuntukan na. "Okay ka lang ba? Kaylanagan mo ba ng tubig?" alok ni Jel. "Ha, oo. Sige," sabi ni Rene boy. Matapos bumalik sa riyalidad, tinitigan n'ya ang dalawa. Hindi tulad ng kanyang panaginip, tahimik at matiwasay ang pag-uusap ng dalawa. "Boss, hindi namana ko tuol sa gusto mong gawin kay Lorhain, pero sana 'wag kang magmadali. Alam naman nating hindi pa handa si LA na muling umibig," paliwanag ni Jeff. "Bilang isa sa pinakamalapit kay Lorhain, hindi ako makakapayag na matuto s'yang gumamit ng iba para makalimot sa sakit na kanyang nararamdaman."   Ngumisi ni Samuel. "Ngayon pa lang parang ang hirap ng mahalin ni LA," sabi ni Samuel. "Hindi ko akalaing ganyan kaimportante si LA sa inyong lahat. Masaya ako roon pero, pwede bang bigyan n'yo ako ng pagkakataong patunayan ang kaya kong gawin para kay LA." desididong sabi Samuel. Sumandal si Jeff sa kanyang kinauupuan. Napangiti na lang ito sa nasaksihang reaksyon ni Samuel. "Bata ka pa siguro para kay LA, sana bago mo 'yan ituloy pag-isipan mo ng mabuti. Kasi kung ganyan ka lang rin mag-isip, wala kang pag-asa kay LA at hindi kita gusto para sa kaibigan ko. Lalake sa lalakeng usapan lang boss," sabi ni Jeff. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Tulala lang si Samuel. "Boss," tawag ni Jeff kay Rene boy. "Tara na!" aya nito. Agad namang tumayo si Rene boy. "Payong kaibigan lang Samuel, hindi basta bastang babae si LA. Importante s'ya sa akin, kaya hanggat kaya ko s'yang protektahan gagawin ko," huling sabi ni Jeff at saka tuluyang lumisan kasama si Rene boy.  Naiwan ang magkaibigang Jel at Samuel. Natunghayan ni Jel ang maiksing sagutan ng dalawa, pareho n'yang naiintindihan ang magkabilang panig ngunit sa pagkakataong ito, si Jeff ang lamang at mas tama ang hinahangad para kay LA. Nilapitan ni Jel ang kaibigan, tulala pa rin si Samuel, bakas sa kanyang mukha ang inis at pagtitimpin sa mga nagyayari. Naghahanap ito ng taong kakampi sa kanya para sa sugal n'yang ito. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi pa man n'ya napagtatapat kay LA ang kanyang nararamdaman, ang madaming tao ng tumututol sa kanyang malinis na hangarin sa ating dalagang si LA. Tila umibig s'ya sa isang taong wasak at naghahanap ng kalinga. Ngunit maraming nawawalang piraso ang nawawala na kaylangan n'yang pagtyagaang hanapin. "Samuel, nagmahal ka lang 'yon lang ang pinakamalaking pagkakamali mo. Nagmahal ka ng taong hinahanap pa ang kanyang sarili. Pwedeng mabulagan lang si LA kung ipagpapatuloy mo pa ito. Prang mas mabuting manatili na lang kayo bilang magkaiibigan at magkatrabaho," payo ni Jel.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD