"Ewan ko ba Samuel." Sabay subo ng pancake sa kanyang harapan "Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari kay Darren, after a week na halos maglumuhod ako sa kanya at nagmamakaawang magkabalikan kami, bigla bigla na lang s'yang magkakaganyan. Tatawag ng lasing, para nga s'yang umiiyak kagabi. Nakakainis kasi kung kaylan ready na ako mag-move on saka naman s'ya nagpaparamdam. Lalo akong nahihirapan," pagmamaktol ni LA. "Siguro kung last week s'ya nagparamdam sa akin, siguro kami---," naputol ang pagsasalita ni LA.
Naputol kasi bigla ang kutsara ni Samuel. Disposable spoon kasi ang gamit nito. "Ay," sabi ni LA. "Okay ka lang?" tanong ng dalaga.
"Oo, ayos lang ako, ang lambot kasi noong kutsara. Wa---ait lang," paalam ni Samuel. Agad itong tumayo at nagpunta sa mga condiments ng canteen.
Habang naglalakad ay parang nadudurog ang puso ni Samuel sa kanyang mga narinig. Sa bawat hakbang ng kanyang mga paa ay tila nahuhulog din ang piraso ng kanyang puso. Hindi n'ya sadyang maputol ang kutsara ngunit biglang bumigat ang kanyang hawak dito kung kaya't naputol ito ng walang kaabog-abog.
Huminga ng malamin ang binata, nasa harapan na ito ng kuhanan ng mga kutsara at tinidor. Patuloy pa rin na tumatakbo sa kanyang isipan ng mga bagay na sinabi ni LA. Hindi nito maiwasang masaktan sa mga daing ng dalaga tungkol kay Darren. Ngunit may karapatan ba s'yang isumbat ito sa dalaga? O sadyang mahina pa ang kanyang loob para aminin kay LA ang kanyang tunay na nararamdaman.
Kinalma muna ni Samuel ang kanyang sarili bago muling humarap kay LA. Tao lang din s'ya, nasasaktan.
"Okay ka lang?" tanong muli ng dalaga pagbalik ni Samuel sa kanyang upuan.
"O--oo naman, bakit naman hindi ako magiging okay?" balik na tanong ng binata.
"Ah, para kasing ang tagal mong kumuha ng kutsara. May problema ba?" puna ni LA. Nagbago rin ang awra ng binata, parang tumamlay ito bigla.
"Ay, ganoon ba? Namili kasi ako ng malinis, may mga mumo pa kasi 'yung iba," pagdipensa ng binta. Ngunit ang totoo ay kinakalma nito ang kanyang sarili bago muling humarap sa dalaga. Ayaw nitong ipakita kay LA na lubha s'yang naapektuhan sa pagtawag ni Darren sa kanya. Namumuo na rin ang selos sa kanyang puso subalit wala s'yang karapatang sabihin ito kay LA.
"Hala bakit naman ganoon? Madaling madali maghugas ng kutsa at tinidor? Alalahanin nila ospital 'to, dapat malinis at maayos ang lahat lalo na ang pagkain," sabi ni LA.
Pinaniwalaan na lang din ni LA ang sinabing dahilan ni Samuel, kahit nakukutuban nito ang totoong dahilan kung bakit nagbago ang awra ng binata. At ito ay dahil kay Darren.
"Oo nga e, hayaan mo na sila. Kaya titignan mo muna bago mo kunin," paalala ni Samuel. "Ano nga pala ang sinasabi mo kanina?" tanong nito kay LA.
"Wala wala, 'wag mo ng isipin 'yon. Okay na ako," sabi ni LA.
"Talaga?" muling tanong ng binata.
Tumango si LA bilang pagtugon. Muling kumain ang dalawa at pinag-usapan na lang ang naging reaksyon ni Kiara kanina.
Hindi nagtagal at natapos na ang dalawang kumain. Saktong ala-syete ay nakabalik na si Samuel sa laboratory at nandoon na rin si Jel. Gusto pa sanang ihatid ni Samuel ang dalaga pauwi, ngunit tumanggi na si LA.
"Boss, sabi ni kuya guard nandito ka na raw kanina pa? Saan ka ba nanggaling kanina pa ako rito?" sunod sunod na tanong ni Jel kay Samuel.
"Sa canteen, kumain ng agahan," sagot nito.
"Agahan? Nag-aagahan ka pala sa canteen? Bago 'yon ha? Nang 5:30 ng umaga?" sunod na tanong ni Jel.
"Si kuya guard talaga, chismoso ng taon," bulong ni Samuel at umiling pa. "Hindi naman ako 5:30 kumain sa canteen, hinintay ko pang mag-out si LA bago kumain," sagot ni Samuel.
"Ah, si LA? Kaya ka ba 5:30 pumasok?" muling tanong ni Jel.
"Oo," maiksng tugon ni Samuel.
"Tsk tsk tsk," sabi ni Jel at may pag-iling pa itong nalalaman. "Boss, parang may something ka na kay Lorhain ha? Seryoso na ba 'yan?" usisa ni Jel.
"Boss, mali ba kung sasabihin kong oo?" sabi ni Samuel.
Napabalikwas si Jel sa kanyang pagkakaupo ng marinig ang naging tugon ni Samuel.
"Boss, talaga ba? Seryoso?" Gulat na gulat si Jel sa kanyang mga narinig.
"Mukha ba akong nagbibiro? Pangalawang tao ka ng sinabihan ko ng nararamdaman ko kay LA, at halos ganyang din ang naging reaksyon n'ya. Matanong ko lang may mali ba sa ginagawa ko? O ako mismo ang mali?" balik na tanong ni Samuel.
Nabahala na ito dahil pareho ng reaksyon sina Bea at Jel. Para bang walang susuporta sa kanyang ginagawa. Lalong naramdaman ng binata na may mali sa kanyang ginagawang paglapit kay Lorhain, ngunit masisisi mo ba si Samuel, kung ito lang ang nakikita n'yang paraan upang mapansin s'ya ng dalagang si LA?
Minsan talaga pagtinamaan ka ni kupido, hindi mo na malaman kung ano ang tama at mali. Basta ang alam mo lang, mahal mo s'ya at gagawin mo ang lahat mapansn ka lang n'ya. Tama man o mali, masasaktan ka man o hindi.
"Paano ba." Umupo ng maayos si Jel. Naging seryoso rin ang tono ng kanyang boses at dahil dito, kinabahan si Samuel sa mga sasabihin ni Jel. "Boss kasi parang hindi tamang humanga ka kay LA sa panahong 'to. Pero siguro kahit ako, kung walang kami ni Brenda, hahanga rin ako kay LA. Maganda, mabait at masarap kasama si LA. Wala ka ng hahanapin pa, pero kasi," hindi masabi ni Jel ang tunay na dahilan kung bakit tutol din s'ya sa ginagawa ni Samuel. Alam nitong masasaktan si Samuel, ngunit ito ang tamang gawin kaysa lumala pa ang lahat at mas masaktan pa ito sa hinaharap.
At bilang kaibigan, kaylangan n'yang itama si Samuel sa kanyang ga ginagawa.
"Sabihin mo na boss, habang kaya ko pang iahon ang sarili ko sa kumunoy na sunuong ko," matalinhagang sabi ni Samuel.
"Nako ayan na, nagiging makata ka na." Napapalakpak pa ito at humawak sa kanyang noo. "Nakakatakot ka kapag ganyan ka," pabirong sabi ni Jel.
Hindi umimik si Samuel at nakatingin lang sa kanyang kaibigan.
"Okay, ganito." Bumalik muli si Jel sa pagiging seryoso. "Alam nating lahat na hindi pa ayos ang puso ni Lorhain. Oo nakakangiti na s'ya, nakakatawa na at nakaka-recover na s'ya bahagya sa break up nila ni Darren. Pero Samuel sana irespeto rin natin si Darren. Bilang lalake alam mo 'yan, at hayaan muna nating humilom ng tuluyan ang sugat sa puso ni LA bago ka pumasok sa buhay n'ya. Sana maintindihan mo ang sinasabi ko," paliwanag ni Jel.
Malinis ang intensyon ni Jel sa kanyang paliwanag, inaalala lang nito ang kapakanan ni Samuel, gayun din ni LA. Madalas kasi nabubulag na tayo sa gusto natin at hindi na nakakapag-isip ng maayos. At sa huli doon na lang natin makikita ang ating mga pagkakamali. Gusto lang isalba ni Jel si Samuel sa gusot na kanyang papasukin.
Seryosong nakatingin si Samuel kay Jel habang ito ay nagsasalita. Tulad kagabi ay magkapareho lang ang sinambit nina Jel at Bea. Magkaiba man ng mga salita ngunit iisa ang kahulugan. Malaking sampal ito kay Samuel, dahil parang ipinamumukha na sa kanya ng tadhana na hindi sila para sa isa't isa ni LA. Kahit na nag-uumpisa pa lang s'ya sa kanyang panunuyo sa dalaga.
Ngumisi si Samuel dahil parang umulit kasi ang mga nangyari ng gabing iyon. "Oo alam ko. At 'yan din ang sinabi sa akin ni Bea kagabi," sagot ni Samuel.
"Teka, Bea? Bea sa botika?" tanong ni Jel.
"Oo, si Bea." Napabuntong hininga si Samuel at saka muling nagsalita. "Kagabi, nagdala ako ng mami para kay LA. Sakto nandoon din si Bea, kaya sinabay ko na s'ya pauwi. Hind ko akalaing nahahalata na n'ya ang ginagawa kong pagporma kay LA. At 'yon, sinabi rin n'ya lahat ng mga sinabi mo." Nakatungo si Samuel, parang may papatak na luha sa kanyang mga mata. Nanginit din ang kanyang pisngi at hindi maiangat ang kanyang ulo sa pagkakayuko "Hindi ko talaga ata pwedeng ipilit ang gusto kong mangyari. Bakit ba kasi ngayon pa ako nagkaroon ng lakas ng loob gawin 'to," sambit ni Samuel.
"Boss, pero kung kaya mong maghintay, susuportahan kita. 'Wag lang ngayon," payo ni Jel "Huwag kang magmadali, hayaan mo munang malagpasan ni LA 'to ng s'ya lang," dagdag ni Jel.
"Salamat boss, oo maghihintay ako," sabi ni Samuel.
Matapos magsalita ni Samuel ay nabalot ng katahimikan ang kwarto. Hinayaan lang ni Jel na makapag-isip ang kanyag kaibigan, alam nitong pinakikinggan s'ya ni Samuel. Ngunit si Samuel pa rin ang magdidisisyon kung susundin n'ya ang kanyang payo o mas papakinggan ang sigaw ng kanyang puso.
Ilang sandali pa at nagsimula na ang dalawa sa kanilang trabaho.
"Hi, tao po?" tawag ni Ana.
Si Ana ay ang on call midwife s***h nagbebenta ng miryenda at mga ulam sa ospital.
"Jel, Samuel. Heto na ang order n'yo," sabi nito habang nakadungaw sa bintana ng laboratory.
Suki kasi ang dalawa ni Ana sa kanyang mga panindang ulam, imbis na lumabas pa sila ay si Ana na lang ang nagdala ng kanilang pagkain. Naging kaibigan na rin ng dalawa si Ana.
"Ay ayan na, ayos 'to. Salamat ate Ana, nagugutom na talaga ako kanina pa," sabi ni Jel pagkakuha ng pagkain. Inamoy pa nito ang ulam na binili kay Ana. "Sarap na naman ng kain ko nito," papuri ni Jel.
"Nako Jelly, nambola ka pa, wala ka lang choice kaya sa akin ka bumibili! Saan ka naman nakakita ng free delivery, maganda't sexy pa ang delivery girl?" biro ni Ana.
"Ayon lang, doon lang sumablay. Sa maganda't sexy," asar naman ni Jel. Umiling-iling pa ito para lalong maasar ang kanyang kausap.
Nagtagumpay naman si Jel, naasar nga si Ana kaya inirapan ni Ana si Jel dahil sa biro nito. Natawa na lang si Jel.
"Samuel!" tawag ni Jel sa kanyang kasama. "Nandito na si ate Ana! 'Yung pagkain mo," sigaw nito sa kanyang kasama.
Kakatapos lang magligpit ni Samuel ng kanyang mga ginamit para sa testing. "Oo, nandyan na," nagmamadaling sagot nito.
Ilang sandali pa at lumapit na si Samuel kay Ana aa may bintana. "Ayan, salamat ate Ana," sabi nito pagkakuha ng kanyang pagkain.
Ngiting-ngiti naman si Ana kay Samuel, samantalang nakatuon lang ang tingin ni Samuel sa kanyang order na ulam. "Ikaw naman." May paghampas pa ito sa balikat ni Samuel, subalit hindi lang ito pinansin ng binata. "Basta lagi kayong mag-order sa akin ha," paalala ni Ana ngunit kay Samuel lang ito nakatingin. "Ay Samuel, may extra gulay 'yan. May dagdag din ang kanin mo," malambing na sabi ni Ana.
Napuna ni Jel ang malagkit na titig ni Ana kay Samuel, ngunit nagpanting ang tenga ni Jel dahil sa dagdag na gulay at kanin ni Samuel. "Ay, ganyan tayo ate Ana. Pag kay Samuel libre ang dagdag, pag-ako nagpapadagdag may bayad? May kinikilingan ka talaga ate. Ang unfair mo," asar ni Jel.
"Jel, ayos lang 'yan, may Brenda ka naman. Si Samuel wala kaya kahit sa pagkain man lang maungusan ka n'ya," kantyaw ni Ana.
"Ay, hindi ka sure," sabi ni Jel.
Bumaling ng tingin si Ana kay Samuel. "Bakit Samuel may nililigawan ka na?" tanong nito sa binata.
"Wa--wala, ikaw talaga Jel kung ano-ano ang iniisip mo!" pagdipensa ni Samuel.
"Nako Samuel, kunwari ka pa," asar pa lao ni Jel.
Naguguluhuan na si Ana sa sinasabi ng dalawa. "Ay, d'yan na nga kayo, pupunta pa ako sa ibang station para mag-deliver," mataray na sabi ni Ana. "I-chat ko nalang sa group kung anong ulam para bukas," dagdag nito.
"Sige te, salamat," sabi ni Samuel. "Bukas ulit," habol ni Samuel sabay ngiti kay Ana.
Nanginit bigla ang pisngi ni Ana ng masilayan ang matamis na ngiti ni Samuel, kinilig ito ng sobra. "Oo naman, basta ikaw," Abot langit ang ngiti ni Ana kay Samuel.
Umepal naman si Jel, upang mabasag ang pantasya nito sa kanayang kasama. "Ate Ana, samalat. Nandito ako, alalahanin mo," mapang-asar na sabi naman ni Jel.
Umirap muli si Ana kay Jel at umalis, nagpunta na sa nurse staton.
Hindi nagtagal ay nagtungo naman nag dalawa sa canteen para sa kanilang lunch break.
"Boss, ano ang tingin mo kay ate Ana?" biglang tanog ni Jel kay Samuel.
Kasalukuyang kumakian si Samuel. "Ha? Anong tinatanong mo? Kung anong tingin ko kay ate Ana?" ulit ni Samuel.
Tumango si Jel. "Kasi boss hindi mo ba napapansin, parang may iba kay ate Ana kapag ikaw ang kausap n'ya. Iba 'yung kislap ng mga mata n'ya at kahit hindi ka nag-joke sobra sobra ang ngiti n'ya sa 'yo," pagpuna ni Jel. "Actually ngayon ko lang napansin 'yon, lalo na kanina. Mukhang nag-make-up pa bago pumunta dito sa ospital. At sa 'yo lang s'ya nakatingin, para nga akong hangin kanina! Ang lagkit pa ng mga titig n'ya sa 'yo, saka napansin mo ba kanina noong nginitian mo si ate Ana namula ang mga pisngi n'ya?"
"Anong mga sinasabi mo? Matagal ng nag-make-up si ate Ana, at saka ang layo ng agwat namin. Ate ko nga hindi ba?" sagot ni Samuel.
"Sabagay, pero boss paano kung ganito ang mangyari, paano kung may gusto pala sa 'yo si ate Ana? Kaya s'ya mabait sa 'yo, papatulan mo ba?" malisyosong tanong ni Jel sa kaibigan.
Nasamid bigla si Samuel matapos marinig ang sinabi ni Jel.
"Boss, easy, nagtatanong lang. Kung lang naman, kung magkakagusto sa 'yo si ate Ana sa tingin mo magugustuhan mo rin ba s'ya? Pero 100% sure may crush s'ya sa 'yo," ulit ni Jel.
Napainum na ng tubig si Samuel, hindi nito kinakaya ang tanong ni Jel. Ni sa panaginip ay hindi n'ya maisip na magiging kasintahan n'ya si Ana. Bukod sa malaki ang agwat ng kanilang edad, ay balo si Ana sa kanyang asawa. Hindi alam ni Samuel kung paano makikitungo sa anak nito at kung paano maging tatay, hindi pa s'ya handa sa malaking obligasyon. Para kay Samuel ay kumplikado kung makikipagrelasyon s'ya kay Ana.
"Hi---hindi ko alam, hindi ko kasi maisip na maging kami ni ate Ana," sagot ni Samuel.
"Ang sakit naman noon. Bakit maganda at may asim pa naman si ate Ana. May mga nagkakagusto pa nga sa kanya, ayaw n'ya lang magpaligaw," kwento ni Jel.
Natawa bahagya si Samuel. "Jel naman ang mga nagkakagusto kasi kay ate Ana 'yung mga matatandang nagpapa-therapy o hindi kaya nagpapa-dialysis. Sino ba namang oo sa ganoon," pula ni Samuel.
"Ito ang bastos din minsan ng bibig mo, pero malay mo kaya pinaparanas sa 'yo ni Lord 'yan para mabaling mo ang tingin mo kay ate Ana," pilit ni Jel kay Samuel.
"Boss, talagang ipipilit mo sa akin si ate Ana ano?" Napailing na lang ito sa kanyang kaibigan.
Hindi naman manhid si Samuel, matagal na n'yang napupuna ang special treatment sa kanya ni Ana ngunit hindi nito pinag-iisipan ng kung ano-ano ang mga paramdam ni Ana. Bilang lalake, gusto nitong s'ya ang magbibigay ng motibo sa babae, hindi ang babae ang magpaparamdam sa kanya. At kung gayun man ang mangyari, hindi alam ni Samuel ang kanyang gagawin.
"Hindi naman boss, pero ito pa, paano kung ginagayuma ka na pala ni ate Ana! Hindi ba sabi nila totoo ang gayuma? Paano kung ganoon? Kasi tignan mo ha, palagi kang may pa sobra, minsan pa nga special pa ang lalagyan mo kaysa sa akin. Kung hindi nga lang tayo magka-department sigurado ako na hindi ako kasama sa i-priority ni ate Ana. Hindi mo ba napapansin lahat ng 'yon?" Pagpupumilit ni Jel sa kanyang mga sinasabi.
"Ewan ko sa 'yo Jel, kumain ka na nga lang d'yan!" sabi ni Samuel at ngumisi ito.
Marami pang sinabi si Jel ngunit hindi na lang ito inintindi ng binata. Nagpatuloy na ito sa pagkain.
Sa totoo lang ay may lihim na pagtingin si Ana kay Samuel, bagamat mas matanada ito kay Samuel ng liman taon ay hindi naman halata sa itsura ni Ana ang kanyang edad. At sa tuwing sila ay magkasama ni Samuel, hindi naman halata ang agwat ng kanilan edad.