"Samuel," panimula ni Bea. "Tungkol sa ginagawa mo sa kibigan ko, pakilinaw sa akin kung anong ibig sabihin no'n?" seryosong tanong ni Bea at nakahalukipkip pa ito.
Hindi kalayuan ang kinatatayuan ng dalawa sa bahay nina Bea, inihinto ng binata ang kanyang motor at doon napiling makipag-usap ni Bea.
Tinignan ng diretso ni Samuel si Bea, seryoso ang mukha nito. "Oo Bea, seryoso ako sa ginagawa ko kay Lorhain," sagot ni Samuel.
"Hay, maskit sa ulo 'yang gusto mo," sabi ni Bea. Nakuha pa nitong humawak sa kanyang noo at umiling.
Nagtaka ang binata sa naging reaksyon ni Bea.
"Ba--- bakit, hindi ba pwede? Hindi break naman na sila ni Darren hindi ba?" tanong ni Samuel.
Umiling si Bea at muling bumuntong hininga. "Samuel, Samuel, kung sana sa ibang panahon ka dumating, hindi ako tututol sa ginagawa mo. Sosoportahan pa kita, kaso wrong timing ka, very wrong," sabi ni Bea.
"Alam ko naman na wrong timing ako, hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maisip 'yan. Pero Bea gusto ko lang damayan si LA sa pinagdaraanan n'ya. Kasabay nito, gusto ko ring mas makilala si LA at mapalapit sa kanya," paliwanag ni Samuel.
Sinsero at tapat ang mga salitang binibitawan ni Samuel subalit para kay Bea hindi tama ang kanyang ginagawa. Masyado pang maaga para muling umibig si LA.
"Alam ko, pero sana alam mo rin na masakit sa ulo 'yang pinapasok mo. Wala pang isang bwang hiwalay sina Darren at LA, alam nating sobrang nasaktan ang kaibigan ko sa mga nangyari, pwedeng mahalin ka n'ya pero nakakasigurado ba tayong ikaw ang mahal n'ya?" litanya ni Bea. "Naukuha mo ba ang sinasabi ko? Ayaw kong malito si LA sa nararamdaman n'ya, baka imbis na mahalin ka n'ya, 'yung mga ginagawa mo lang sa kanya ang gusto n'ya. Hindi mismong ikaw. Alalahanin mo, hindi pa s'ya nakaka-move on. Masakit umasa dahil umaasa ka, " dirediretso nitong sabi.
Tumingala si Samuel at huminga ng malalim. "Alam ko. Alam kong sa ginagawa kong 'to malaki ang posibilidad na matalo ako sa sugal na 'to. Pero gusto ko pa ring subukan, si LA pa rin naman ang magdidisisyon kung papayagan n'ya akong pasukin ang puso n'ya o hindi. Hindi ikaw ang makakapagsabi at hindi rin ako," sagot ni Samuel.
"Hay." Sabay buntong hininga ni Bea. "Kung talagang desidido ka sa ginagawa mo, sige, hindi na ako makikipagtalo. Mukhang ipipilit mo pa rin ang gusto mo, pero walang sisihan kung isang araw ma-realize na lang ni LA na ginamit ka lang n'ya para maka-move on kay Darren," banta ni Be.
"Oo, alam ko," maiksing sagot ni Smuel.
"Mabuti kung ganoon. Sige na uuwi na ako, salamat sa paghatid. Ingat," paalam ni Bea at lumakad na ito papunta sa kanilang bahay.
Nang masigurado ni Samuel na nakauwi na si Bea, saka nito pinatakbo ang kanyang motor para umuwi.
Habang nagmamaneho ay iniisip ni Samuel ang mga sinabi ni Bea. Nakaramdam kasi ito ng pagkirot sa kanyang puso, naisip n'ya na hinusgahan s'ya kaagad ni Bea dahil wala pa s'yang napapatunayan para sa pagmamahal n'ya kay LA. Ngunit sa kabilang banda ay nauunawaan n'ya ito, hindi man sila ganoong nag-uusap ni Bea ngunit kilala n'ya ito bilang mapagmahal at over protective sa kanyang mga kaibign ayon kay Jel. Gusto lang n'yang protektahan si LA bilang kaibigan.
Bigla ring pumasok sa kanyang isipan na kaya ba talaga n'yang tulungan si LA na humilom ang mga sugat ng kanyang puso. Paano kung bumalik si Darren at isawalang bahala na s'ya ni LA, makakaya n'ya kaya ito? Madaling sabihin na kaya n'yang magpaubaya pero mahirap tanggapin kapag nasa tunay na sitwasyon ka na.
Kinabukasan, maagang pumasok si Samuel.
"Sir! Good morning po, ang aga n'yo po ata?" usisa ng chismosong guard.
"Ay may kaylangan lang pong gawin ng maaga," sagot ni Samuel saka pumasok na sa ospital.
Dumaan muna ito sa laboratory upang buksan ang mga ilaw at mag-ayos ng mga gamit. Ilang minuto pa ang lumipas, muli itong lumabas at dumiretso sa botika.
"Good morning!" masiglang bati ni Samuel sa bintana ng botika.
Agad na dumungaw si LA upang tignan kung sino ang nagsalita sa bintana.
Nanlaki ang mga mata ni LA ng makita si Samuel, agad itong tumingin sa kanilang orasan. "Oh ang aga mo ata? Anong meron?" tanong ng dalaga.
"Hmmmm, dinalhan kasi kita ng agahan," sabi ni Samuel sabay taas ng lunchbox na kanyang dala. "Tara breakfast tayo sa canteen," aya ni Samuel.
"Seryoso?" nagtatakang tanong ni LA. Hindi kasi ito makapaniwala sa kanyang narinig.
Late ng umuwi si Samuel dahil dinalhan s'ya ng hapunan kagabi. At ngayon naman maaga s'yang pumasok para ayain s'yang kumain ng agahan. "Nananaginip ba ako o tulog pa ako?" sunod na tanong nito kay Samuel.
Natawa bahagya ang binata kinurot pa kasi ni LA ang kanyang pisngi. "Gising ka na LA, mulat na mulat nga 'yang mga mata mo. At totoo ako. Hindi ka nananaginip," sagot nito. Pinisil din n'ya ang pisngi ng dalaga upang patunayang hindi ito nananaginip.
"Teka, sandli lang, wala pa si Kiara. Baka mabengga tayo kapag walang tao dito. At saka mag-endorse pa ako," sabi ni LA. Nataranta rin ito bigla dahil hindi pa n'ya nahahanda ang kaniyang endorsement.
"Okay, ano kasi, pwede ba akong tumambay muna d'yan? Maaga pa naman. Nakakainip sa laboratory ako lang mag-isa. Okay lang ba?" tanong ni Samuel.
"Si---sige, wala namang problema." Pagpayag ni LA. "Pero seryoso ka? Hihintayin mo akong matapos mag-endorse at sasabayan kumain?" ulit na tanong ni LA hindi pa rin kasi ito makapaniwala sa mga ginagawa ni Samuel sa kanya. Nahihiya naman itong magtanong dahil baka isipin nito na assumera s'ya, kaya naman nakikiramdam na lang ito.
"Oo naman bakit naman hindi," sagot ni Samuel. "Maya-maya nandyan a rin si Jel, kaya pwede pa ako kumain ng agahan at masamahan ka."
"Si--sige, ikaw ang bahala," natatakang sabi ni LA.
Nagtungo na si LA sa pinto ng botika upang pagbuksan si Samuel.
Ala-syete pa ng umaga ang oras ng pasok ni Samuel, at 5:30 palang ng umaga ngayon. 6:00 am ang oras ng pasok ni Kiara kaya naman may isang oras pa ang dalawa upang makakain.
"Welcome," pagbati ni LA pagpasok ni Samuel ng pinto. "Paano ba, ah tama. Dito ka na lang umupo, ako na lang dito." Pinaupo ni LA si Samuel sa kanyang pwesto at naupo na lang si LA sa upuan ni Bea, hindi kalayuan kay Samuel. "Bakit nga pala ang aga mo? Seryoso ha," tanong ni LA.
"May kaylangan lang tapusin kaagad, kaya maaga akong pumasok. Tapos naisip kong sabayan ka na rin kumain ng breakfast, kung okay lang," paliwanag ni Samuel.
"Okay lang naman, wala namang problema. Teka gagawin? Nang ganito kaaga?" sunod na tanong ni LA, hindi kasi ito makapaniwalang pumasok si Samuel ng 5:30 ng umaga.
"Oo, bakit? Hindi ka ba naniniwala?" balik na tanong ni Samuel.
"Hindi naman, nagtatanong lang," sabi ni LA.
Kinamusta ni Samuel ang gabi ni LA at dahil magdamag halos na walang kausap ang dalaga ay ubod ng daldal nito kung kaya't hindi napansin ng dalawang 6 na ng umaga. Inusisa na rin ng dalaga ang dalang pagkain ni Samuel.
Late ng bahagya si Kiara kaya naman kumakaripas ito ng takbo. "Besty! So---." Humahangos itong tumakbo at dali-daling binuksan ang pinto. Ngunit sa halip na humingi ng pasensya ay nagulantang ito sa kanyang nakita. "Hoy! Anong gingawa n'yo!" sigaw ni Kiara.
Naabutan kasi ni Kiarang nakatayo si Samuel sa harapan ni LA, at si LA naman ay naka-luhod sa harapan ni Samuel.
"Umagang-umaga! Anong ginagawa n'yo!" hiyaw ni Kiara.
Nagulat ang dalawa, nagkanda tayo si LA at namutla sa gulat.
"Kiara!" sabi ni LA.
"LA! Samuel!" pasigaw na sabi ni Kiara. "At dito pa talaga sa botika!" Pulang pula si Kiara dahil sa galit. "Samuel, hindi ko akalaing ganyang klase ka ng tao! At dito pa lataga sa botika!" ulit nitong sabi.
"Kiara ano kasi," sabi ni Samuel.
Humahangos na pinuntahan ni Kiara ang kaibigan at hinatak palayo kay Samuel.
"LA! Alam ko namang nagungulila ka, nalulumbay at may pangangailanagan! Pero 'wag naman sana sa trabaho, igalang mo naman ang botika! Paano kung may ibang makakita sa inyo? Ano na lang ang mukhang ihaharap mo kay ma'am Eliz! LA naman nasaan ang utak! 'Wag laging puso ang pairalin!" gigil na sabi ni Kiara.
"Besty kasi ano--," magpapaliwanag na sana si LA ngunit walang preno ang bibig ni Kiara.
"Anong kasi? Hindi mo sinasadya? Ano dahil nadala ka lang sa lungkot na nararamdaman mo at hindi ka na nakapag-isip? Ano pang idadahilan mo?" ratrat na sabi ni Kiara sa dalawa.
"Kiara mali---," magpapaliwanag na rin sana si Samuel ngunit binulyawan ito kaagad ni Kiara kaya hindi na ito nakapagsalita.
"Hindi kita kinakausap Samuel!" sigaw ni Kiara at nakuha pa nitong iduro si Samuel sa sobrang inis nito.
Natahimik na lang ang dalawa dahil hindi sila makasingit sa pagbubunganga ni Kiara.
"My God! Lord! Jesus Christ! LA! Alam mo pa ba 'yang ginagawa mo? Lorhain naman, buong botika ipapahamak mo sa kag*g*han mo! Paano kung si ma'am ang nakakita sa inyo? Ano? Anong gagawin mo? Magpaliwanag ka! Parepareho tayong mawawalan ng trabaho! Mag-isip ka nga!" Halos lumabas na ang litid ni Kiara habang nagsasalita.
"Kiara hi---." Naputol na naman ang ssabihin ng dalaga dahil binaling naman ni Kiara ang galit n'ya kay Samuel.
"At ikaw Samuel, nag-take advantage ka naman sa kaibigan ko! Alam mong marupok 'yan ngayon! Tapos, tapos ganito ang maabutan ko? Nag gaganyan dito at dito pa talaga! Dito sa botika! Samuel akala ko matino kang tao, ang baboy mo pala!" galit na galit na sabi nito sa binata.
"Mali 'yang iniisip mo Kiara," sabi ni Samuel. "Kasi na---." Akala ng binata ay makakapagpaliwanag na ito kay Kiara ngunit hindi pa pala.
"Na ano! Nasubsub lang si LA d'yan sa ano mo! Sa 'yan! Sa!" Ngumuso si Kiara upang ituro gitnang bahagi ni Samuel. "Tapos nabuksan ang zipper mo at the rest is history! Hindi ako bata Samuel matanda na ako! Hindi na ako mangmang sa ganyag kamundohan!" dirediretsong sabi ni Kiara.
Nanglaki ang mga mata ni LA. Hindi nito akalaing ganoon pala ang iniisip ng kanyang kaibigan. Hinawakan nito ang braso ni Kiara at iniharap sa kanya.
"Kiara! Natapunan ko sa scrub suit si Samuel! Tiganan mo!" sagiw na sabi ni LA sa kaibigan. Ibinaling din nito ang mukha ni Kiara sa kinatatayuan ni Samuel. Nakita nitong nakakalat pa ang lunchbox at mga noodles ng sopas.
Doon nga napansin ni Kiara na basa nga ang scrub suit ni Samuel lalo na ang pants nito.
"Ano ba kasing iniisip mo? Na nag-aano kami! Kaira naman, malapit na akong mag-out, kung gusto kong makipagchukchakan, sa motel ko gagawin hindi rito! Ilang hakbang lang ang daming apartel na mapupuntahan!" paliwanag ni LA habang niyuyugyog ang kaibigan habang s'ya ay nagpapaliwanag.
Mahilo-hilo si Kiara sa pag-alog ni LA. Ginawa ito ni LA upang magising sa katotohanan ang kanyang mabait na kaibigan.
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa mukha ni Kiara. Abot tenga pa nga ito at namula rin ang kanyang buong mukha.
Tumawa ito ng bahagaya bago magsalita. "Be---besty, so---sorry," 'yon na lang ang kanyang nasabi.
"A--ano, LA. Kiara, magpapalit lang ako ng pants. Basang basa kasi," paalam ni Samuel.
"Oo sige Samuel." Inabot ni LA ang rolyo ng tissue. "Heto dalhin mo na rin, sorry talaga," paghingi ng paumanhin ni LA.
"Okay lang, hintayin na lang kita sa labas. Sabay na tayo pumuntang canteen," sabi ni Samuel kay LA. "Kiara mauna na ako," paalam naman ni Samuel kay Kiara.
Ngumiti si Kiara na walang kasing tamis. "Si--sige, ingat pagpuntang laboratory ha," nahihiyang sabi ni Kiara.
Nginitian lang ito ni Samuel at umalis.
Sinundan lang ng tingin nina Kiara at LA si Samuel hanggang makalabas ito ng botika.
"Besty!" Biglang bumaling ng tingin si Kiara kay LA at hinawakan nito agad si LA sa balikat. "Sorry, sorry, sorry," sabi nito.
Tinignan ni LA ang kanyang kaibigan ng pasulimpat. Hindi rin ito umiimik kaya naman kinabahan si Kiara.
"Sorry na akala ko kasi ano e, nag-aano kayo. Ito naman sorry na besty." Halos lumuhod si Kiara sa harapan ni LA sa sobrang kahihiyan. "Sige, ako na madumi isip at malisyosa. Besty, sorry na. Nag-over think lang ako," paliwanag ni Kiara.
Nakatitig pa rin si LA kay Kiara at hinahayaan lang itong magsalita.
"Look, kasi pagdating ko nakatalikod sa akin si Samuel then ikaw nakaluhod sa harap ni Samuel. Na-shock ako, tapos may natanaw pa akong tissue sa gilid mo. Ayon, umiral na 'yung pagka-wild ng isip ko. Tapos nagdirediretso na," pagdipensa ni Kiara. "Besty but now I understand, sorry na please," pagmamakaawa ni Kiara sa kanyang kaibigan.
Niyapos pa ito ni Kiara at hinalikan sa pisngi. Wala pa rin kasing imik si LA at sa pagkakakilala nito sa kanyang kaibigan, mas nakakatakot ito kung wala na itong imik at nakatitig na lang sa kanya. Anumang oras ay pwede na lang s'yang saktan nito ng walang habas dahil sa kanyang pinagsasasabi kanina.
"Besty naman, 'wag ka ng ganyan, sorry na," muling pakiusap ni Kiara.
Bumuntong hininga si LA at saka nagsalita. "Sige na, nako Kiara, bawas bawasan ang panunuod ng mga ganoong video o pagbabasa ng mga spg na kwento. Nako, buti na lang mabait si Samuel, kung hindi nakakahiya," sermon ni LA. "Umagang umaga ganyan kaagad ang bubungad,ay talaga naman. Dahil sa ginawa mo, iakw ang maglinis n'yan. Ay nako."
Ngumiti ng nakakaloko si Kiara. "Opo ma'am ako ng bahala d'yan, ako na ang maglilinis. At promise hindi na. Tara na mag-endorse ka na. Mukhang mag-date pa kayo ni Samuel." Sabay turo nito sa binata, naghihintay na kasi si Samuel sa gilid ng botika.
"Kiara!" bulyaw ng dalaga.
"Hindi na po, sorry na. Tara na, ano pa bang mga gagawin," sabi ni Kiara kay LA. Nagsimula na ang dalawang mag-endorsan.
May katagalan ang pag-uusap ng dalawa at ilang minuto pa ay natapos na ang dalawa. Agad na pinaalis ni Kiara si LA dahil matagal na ring naghihintay si Samuel sa labas.
"Sige na besty, ikaw ng bahala ha. Bye bye," nagmamadaling paalam ni LA sa kanyang kaibigan.
"Sige sige, bye bye na. Uwi kaagad pagkatapos ng date! Ay este ng breakfast date ay mali, mag-breakfast pala," asar ni Kiara.
"Sira! Sige bye bye na. 'Yung kalat ha! Ikaw ng bahala," bilin ni LA. Pinuntahan na kaagad ni LA si Samuel at sabay na ang dalawang nagtungo sa canteen.
Wala pang gaanong tao kaya kaagad nakakuha ng pwesto ang dalawa.
"Heto, pancake. Take out nga lang sa fast food," sabi ni Samuel at iniabot na ito kay LA.
"Hala bumili ka pa talaga? Sana 'yung fried rice na lang dito sa canteen," sabi ni LA.
Natapon kasi ang sopas na dala ni Samuel. Iyon dapat ang pagsasaluhan ng dalawa ngayong agahan. Hindi kasi sinasadyang matabig ni LA ang hawak kanina ni Samuel. Kaya natapon ito, sakto namang nakita ni Kiara na natatarantang pinupunasan ni LA ang scrub suit ni Samuel. Hindi rin nito alam kung dadamputin ba ang natapong sopas o uunahin ang pagpupunas kay Samuel kaya ito nakaluhod.
"Ano ka ba." Bglang humina ang boses ni Samuel. "Hindi masarap ang pagkain nila, sayang lang pera natin."
"Ikaw talaga ang bad mo. Pero salamat, nag-abala ka pa," sabi ni LA.
"Saglit ko lang namang minotor at saka sakto ang bilis ng serves ng crew. Buti pagbalik ko nag-uusap pa kayo ni Kiara kaya nakaabot," paliwanag ni Samuel.
Nagsimula ng kumain ang dalawa. Bigla na namang tumunog ang telepono ni LA, pagkita n'ya kung sinong tumatawag, hindi n'ya ito sinagot at nagpatuloy sa pagkain. Hindi pa nakakasubo si LA ay may tumawag muli kay LA.
"Sagutin mo na "yan baka importante," sabi ni Samuel.
Hindi kaagad umimik si LA, nahinto rin ito sa pagkain at tinitigan lang ang pancake sa kanyang harapan. Napansin ito ni Samuel nagtaka tuloy ito kung sino ang tumatawag sa telepono ng dalaga.
"Okay ka lang?" tanong ni Samuel sa dalaga.
"Oo na hindi," magulong sagot ni LA.
"Ha? Pwede ba 'yon?" sunod na tanong ni Samuel.
"Oo, ako. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon," mabilis na sagot ni LA.
"Dahil ba sa tumatawag sa 'yo?" diretsong tanong ni Samuel. Kasabay nito ay may kirot ng naramdaman ang binata.
Bumuntong hininga ang dalaga. "Oo, naguguluhan kasi ako. Dapat maging masaya ako kasi kinukulit n'ya ako. Kaso kabaliktaran ang nararamdaman ko," paglalarawan ni LA.
"Hi--hindi ko maintindihan." Kinakabahan na si Samuel sa magiging sagot ni LA.
"Tumatawag kasi si Darren, mula kagabi. Dapat na maging masaya ako kasi sa wakas parang sinusuyo na n'ya ako. Pero bakit ganoon, naiinis na nasususra ako," paliwanag ni LA.
Nalungkot si Samuel sa kanyang narinig.