"Besty, ikaw na ang bahal dito ha, text or chat na lang," paalam ni Bea.
"Okay besty, no problem, mag-ingat ka sa pag-uwi ha gabi na," paalala ni LA sa kaibigan.
"Oo besty ikaw rin. Salamat, bye-bye," sabi ni Bea at lumabas na ito ng botika.
Pa-out na si Bea ng nakita nito si Samuel na humhangos papasok ng ospital.
"Samuel," tawag nito sa binata.
Napalingon si Samuel. "Oh, pauwi ka na?" tanong ni Samuel.
"Oo," sagot ni Bea, napansin nito ang dala-dalang plastic ni Samuel.
"Gusto mo bang sumabay sa akin?" alok ni Samuel.
Nagulat si Bea sa sinabi ni Samuel. "Ikaw ba talaga 'yan? Nilalagnat ka ba? Talaga bang isasabay mo ako pauwi?" tanong ni Bea at sinalat pa ang noo ni Samuel.
"Huh? Ba--- bakit? Wala naman akong lagnat. May mali a sa mga sinabi ko?" nagulumihanan si Samuel sa mga sinasabi ni Bea.
"Nakakapanibago ka na kasi, for the first time inaya mo akong sumabay sa 'yo pauwi. Pero sige sasabay ako," sabi ni Bea.
"Sige, hintayin mo na lang ako rito. Ibibigay ko lang ito kay LA," ani ni Samuel at pumasok na sa loob ng ospital.
Sinundan ito ng tingin ni Bea hanggang makapasok ito sa loob ng botika.
"Ay, may pa-mami si LA? Nako, iba na 'to," sabi ni Bea.
"E madam, hindi naman sa pagiging chismoso, pero nadadalas na rin po ang pagsabay ni madam LA kay sir Samuel. Naaagrabyado na po ang manok ko," sabat ng guard.
Napalingon si Bea sa guard, nagtaka ito sa sinabi ng guard at napaisip kung sino ang tinutukoy na manok nito.
"Kuya guard ano po 'yung sinasabi n'yo? Mukhang may pustahan ng nagaganap sa kaibigan ko ng hindi ko nalalaman," mataray na sabi ni Bea.
Napangiti ang guard. "Ay hindi naman po sa ganoon madam Bea, wala naman pong pustahang nangyayari. Ang sa akin lang po ay napapansin ko lang po ang pagiging malapit nina sir Samuel at madam LA. Bilang araw-araw ko po silang nakikita," paliwanag ng guard.
Nakatingin lang si Bea sa guard at hinihintay ang iba pa nitong paliwanag.
"Madam naman bakit po ganyan po kayo makatingin?" naiilang na sabi ng guard.
"Para po kasing may hindi po kayo sinasabi, lalo na po roon sa manok manok kong narinig kanina," masungit na sabi ni Bea.
Napatawa na lang ang guard at napalunok ng kanyang laway dahil sa kaba. "Madam, alam na rin naman po sa buong ospital na single na si madam LA, kaya naman ang ating mga makikisig na kalalakihan ay gustong subukang masungkit ang mailap na puso ni madam LA. At isa na po roon si Samuel na naungusan na ang ibang nagtataka," paglilinaw ng guard.
"Tapos po, sa kanilang lahat, may manok ka ganoon po ba?" sunod na tanong ni Bea. "Kuya, 'wag mo po ako idaan sa matatalinhaga n'yong salita. Ay nako," dagdag nito.
"Aba syempre, mayroon. Relax ka lang po madam Bea, chill," pagmamalaki ng guard.
Naging interisado si Bea kung sino ang sinasabing manok ng gurad. "At sino naman po 'yon kuya?" tanong ni Bea. "Dali, ibulong mo sa akin kuya guard. Hindi ko idadaldal promise. Hindi na ako galit," ngiting ngiting sabi ni Bea.
"Nako madam, hindi pa n'ya alam na may paghanga s'ya kay madam LA, saka ko na po sasabihin kapag alam na n'ya," pabiting sabi ng guard.
Bakas sa mukha ni Bea ang pagkadismaya dahil hindi n'ya nalaman kung sino ang tinutukoy ng guard.
"Ang daya naman ni kuya, para pangalan lang. At ang weird ha, hindi pa n'ya alam na may gusto s'ya kay besty, pero ikaw po alam n'yo? Galing naman," pagpupumilit ni Bea sa guard.
"Madam, saka na. Maiba po ako, gaano na ba katagal na hiwalay sina madam LA at ang ex-boyfriend n'ya?" ang guard naman ang nagtanong.
"Last week lang? Oo tama last week lang. Bakit po?" balik na tanong ni Bea.
"Ah, nandito kasi 'yung ex ni madam LA kahapon. pagka-out ni madam LA nag-usap sila," sagot ng guard.
"Ano! Nagpunta si Darren! Bakit daw po?" Nanglalaki ang mga mata ni Bea sa gulat. "Nako, ano rumupok na naman si besty? Umiyak ba si LA kuya kahapon?" tanong ni Bea.
"Hindi naman po madam, pagkatapos po nilang mag-usap umalis ng maayos 'yung lalaki at si madam LA naman ay umalis kasama si sir Samuel," tugon ng guard.
"Wa---wait? Paki ulit nga po kuya?" Tumaas ang kilay ni Bea sa kanyang mga narinig. "Anong nagyari pagkatapos nilang magusap ni Darren?" mataray na sabi ni Bea.
"Ano po madam, magkasabay na umalis sina madam LA at sir Samuel, may pinuntahan po ata," nangangatog na sagot ng guard.
Nagbago ang awra ni Bea, tila nainis ito sa mga nangyayari. Pumasok ito muli sa loob ng ospital.
"Madam! 'Yung bag n'yo po," habol ng guard.
"Kuya, d'yan po muna, babalik din po ako," sigaw na sabi ni Bea at tumakbo na ito papuntang botika.
"Tao po," tawag ng isang lalaki mula sa bintana ng botika.
Agad na tumayo si LA na kasalukuyang nagbabasa ng endorsement.
"Ano---." Nagulat ang dalaga kung sino ang tumatawag sa bintana ng botika. "Samuel, anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa out hindi ba?" tanong ni LA.
"Dinalhan kita kasi nito," sagot ni Samuel sabay abot ng mami na kanyang hawak. "Naisip ko kasi na baka hindi ka pa nag-dinner. At saka 'di ba sabi mo bihira ka lang makatikim ng mga ganyang pagkain, kaya ayan dinalhan kita," paliwanag ni Samuel.
Inabot ni LA ang plastic ng maming dala ni Samuel. "Nako nakakahiya naman, pero slaamat," sabi ng dalaga.
"Masarap 'yan, lalo na kung mainit. Nilagyan ko na rin 'yan ng chili. Hindi ba mahilig ka sa maanghang?" sabi ni Samuel.
"Ay napansin mo pala 'yon, slamat talaga. Sige sige kakainin ko 'to kaagad. Hindi pa rin kasi ako nag-dinner tamang tama 'to," sabi ni LA habang inaamoy ang mami. Napalingon ito sa kanilang orasan, napansin nitong mag-9 na ng gabi. "Oy, umiwi ka na, maaga ka pa bukas, anong oras na mag-drive ka pa," nagaalalang sabi ni LA.
Napatingin din ang binata sa kanyang orasan. "Ayos lang kaya ko pa namang mag-drive, pero sige dahil sabi mo umuwi na ako, nanginginig pa!" birong sabi ni Samuel.
"Ikaw talaga, sige na! Mag-ingat ka sa daan. Bye-bye," paalam ni LA.
"Ikaw din mag-iingat ka sa duty mo, bye-bye," paalam naman ni Samuel.
Tumalikod na si LA upang dalhin sa kanyang lamesa ang maming bigay ni Samuel. Hindi naman maalis sa mga labi ni Samuel ang ngiti dahil napasaya n'ya ang dalaga.
"Oy!" tawag ni Bea.
Nagulat si Samuel sa pagsulpot ni Bea mula sa kanyang gilid, sinalubong kasi ito ni Bea ngunit hindi s'ya nito napansin. "Ano! Andyan ka pala!"
"Ano 'yon?" mataray na tanong ni Bea.
"Ha? Ang alin?" maangmaangan ni Samuel kahit alam nitong ang tinutukoy ni Bea ay ang pagbibigay n'ya ng pagkain sa kanyang kaibigan.
"'Yon, 'yung dala mo? Ano 'Yon?" ulit na tanong ni Bea.
"Alin? 'Yung mami ba?" balik na tanong ni Samuel.
Hindi umimik si Bea pero nakuha ni Samuel ang nais ipahiwatig ni Bea. Nagpamewang pa ito at titig na titig sa binata. Walang nagawa si Samuel kung hindi kumamot ng kanyang ulo.
"Bea kasi, ano kasi." Hindi nito malaman kung paano sasabihin na nais n'yang suyuin ang kaibigan nitong si LA.
"Ano? Sabihin mo?" mataray na sabi nito.
"Ano kasi, gusto ko si LA. Gusto ko s'yang ligawan. Gustong gusto ko s'ya una ko pa lang s'yang makita," siwalat ni Samuel.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko," sabi ni Bea at napahawak na ito sa kanyang noo. "Tara na. Umiwi na tayo," aya ni Bea.
Nagtaka si Samuel sa naging reaksyon ni Bea. Akala nito ay bubungangaan ito ni Bea o hindi kaya sisigawan.
"Ha?" tanong ng binata.
"Sabi ko, umiwi na tayo? Ulit-ulit?" inis na sabi ni Bea kay Samuel.
"Ah, Si---sige, ano tara na," sabi ni Samuel.
Nauna na itong lumabas ng ospital upang kunin ang kanyang motor. Binalikan naman ni Bea ang kanyang bag.
"Kuya, bye bye na po," paalam nito sa guard matapos kunin ang iniwang gamit.
"Sige po madam, mag-iingat po kayo," sabi naman ng guard.
Pauwi na sina Samuel at Bea, tahimik lang ang dalawa buong byahe.
Habang papalapit ang dalawa sa bahay nina Bea ay mas lumalalim ang iniisip nito, iniisip nito kung paano kokomprontahin ang binata dahil sa kanyang mga narinig galing sa guard.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Samuel sa kasama.
Nauliligan ni Bea ang sinabi ni Samuel ngunit wala s'yang naintindihan sa mga sinabi ng binata. "Ano? Mukha akong ano?" balik na tanong ni Bea.
"Ang lalim kako ng iniisip mo," ulit na sabi ni Samuel habang nagmamaneho.
"Samuel, pwede ba kitang makausap?" seryosong tanong ni Bea sa binata.
"Si--sige," tugon ni Samuel.
Inihinto nii Samuel ang kanyang motor hindi kalayuan sa bahay nina Bea. Bumaba si Bea sa motor ni Samuel.
Seryosong tinitigan ni Bea si Samuel, mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ng ilang si Samuel dahil sa mga titig ni Bea. Waring may krimen s'yang ginawa.
"Bakit?" Hindi na nakitiis si Samuel kaya nagtanong na s'ya kay Bea.
"Anong pakay mo sa kaibigan ko?" diretsong tanong ni Bea.
"Pa--pakay?" balik na tanong ni Samuel.
"Samuel, hindi na tayo mga higschool at wala tayo sa showbiz para magmaang-maangan ka. Pinopormahan mo ba si LA? Seryoso ka ba talaga sa mga sinabi mo kanina?" seryosong tanong ni Bea.
Samantala sa ospital, matiwasay na naka duty si LA ng biglang may tumawag sa kanyang cellphone.
Tinignan ni LA kung sino ang tumatawag.
Isang unknown number, nagdadalawang isip ang dalaga kung sasagutin n'ya ang tawag. Noong una ay hindi na lang n'ya ito pinansin, ngunit paulit-ulit itong tumatawag kaya naman napagdesisyonan n'yang sagutin ito.
"Hello?" sabi ni LA pagkasagot sa telepono.
"LA si, si Darren 'to," sagot ng tao sa kabilang linya.
Nagulat ang dalaga dahil kahapon lang ay nagkausap silang dalawa. Medyo paos at malata ang boses ni Darren.
"Ba--bakit ka napatawag?" nangangatog ka tanong ni LA. Malaki ang hinala ni LA na may sakit si Darren o hindi kaya ay lasing.
"A---alam mo, ang t*ng* t*ng* ko," sabi nito.
"Darren, lasing ka ba?" tanong ni LA.
"Hi--hi--hindi." Tanggi ni Darren. "Naka-inum lang, alam mo 'yon. With friends, kasi wala ka na sa buhay ko. Wala ng pipigil sa akin sa lahat ng gusto kong gawin," sagot ni Darren
"Darren na saan ka? Sinong kasama mo? Sina Steve ba? Brian o Renzo?" tanong ni LA.
"None of them, busy kasi sila sa mga buhay nila. And here I am sa condo. Mag isa," sagot ni Darren. "Opss no, I mean I'm with my Black Label bottle. S'ya lang kasi 'yung sumasama sa akin this whole time," dagdag nito.
Lubos na nag-alala si LA sa mga sinasabi ni Darren. Hindi kasi sanay uminom si Darren, sa katunay ay mas bihasa pa si LA na uminom ng alak kaysa sa dating kasintahan.
"Darren naman, nag-usap na tayo hindi ba? Akala ko ba okay na, please lang umayos ka. Hindi kita pwedeng puntahan ngayon," nag-aalalang sabi ni LA.
"Why? Dahil ba sa lalaking 'yon? Sino ba s'ya? Kaya ba n'yang ibigay lahat ng mga binigay ko sa 'yo? Kaya n'ya bang higitan lahat ng binigay ko sa 'yo?" mayabang na sabi ni Darren.
"Darren sino bang sinasabi mo? At saka ikaw 'tong nakipaghiwalay sa akin hindi ba? Tapos kung maka asta ka parang ikaw ang nadehado? Nasa trabaho ako ngayon, kaya sana naman 'wag mo na akong bigyan ng dahilan para mag-alala sa 'yo," pakiusap ni LA.
"So kasalanan ko pa ngayon dahil mag-aalala ka? LA, wala pa tayong isang bwang magkahiwalay, tapos ipagpapalit mo na ako kaagad? Alam mo ba 'yung three months role? LA, ano kating kati ka na bang palitan ako? Ganoon ba LA ha!" sigaw ni Darren kay LA.
Naluluha na si LA, nangingi na rin ito sa galit dahil sa mga sinasabi ni Darren. Hindi nito maintindihan si Darren kung bakit s'ya nagkakaganito, kung tutuusin ay s'ya dapat ang umiiyak sa lungkot dahil sa ginawa ni Darren sa kanya.
"Darren, ayusin mo 'yang sarili mo, nasa trabaho ako. Alam nating dalawang hindi mo kasundo 'yang alak, at wala na akong karapatang pumunta sa condo mo kaya alagaan mo 'yang sarili mo," sabi ni LA kay Darren sabay baba ng telepono.
Nawawasak ang puso ni LA sa mga nangyayri, hindi n'ya maiwasang hindi mag-alala kay Darren ngunit ayaw na n'yang magmukhang t*ng* pa at habulin si Darren upang muli silang magkabalikan.
Namuo ang mga luha sa mata ni LA, mabuti na lang at madaling araw na at wala ng mga for dispense.
"Tama na LA, tama na," sabi ni LA sa kanyang sarili.
Nagunita ng dalaga ang ginawa niyang kahibangan sangalan ng pag-ibig.
"Kiara, please last na 'to," sabi ni LA kay Kiara.
"Besty, ano ka ba? Nahihibang ka na ba talaga?" saway ni Kiara.
Sinundan ng dalawa si Darren, nakuha ni LA ang schedule ni Darren sa secretary nito sa kanilang opisina.
Si Darren ay isang young businessman na kumakarera sa larangan ng negosyo ng mga pagkain, may mga restaurants at stalls silang pinaparentahan sa mga mall at kung saan saan pa. Ito ay negosyo ng mga magulang ni Darren at ngayon ay s'ya na ang namamahala, napapalago naman ito ni Darren kaya naman mabilis na umunlad ang kanyang negosyo.
"Oo besty, please. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit n'ya ako iniwan. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa sakit para ako mismo ang sumuko na habulin si Darren," pakiusap ni LA.
Napapikit na lang si Kiara, naaawa na si Kiara sa kanyang kaibigang si LA. Kahit na kasi nakukubli na n'ya ang kanyang mga luha at lungkot sa lahat, pagdating kayna Kiara at Bea ay hindi n'ya matatago ang tunay n'yang nararamdaman.
"Besty ha, i-promise mo last na 'to. Pinagmumukha mo ng t*ng* 'yang sarli mo. Habol tayo ng habol sa lalaking sinusuka ka na," sermon ni Kiara.
"Oo besty last na 'to," pangako ni LA sa kanyang kaibigan.
Bukod sa pagsunod kay Darren ay ginawa na ring lumuhod ni LA sa harapan ni Darren, maki-usap upang sila ay magkabalikan. Saksi sina Bea at Kiara sa mga ginawang ito ni LA. Hindi naman nila mapigilan ang kaibigan dahil lubos n'ya minahal si Darren ng limang taon, kaya s'ya nababaliw kakaisip kung saan s'ya nagkulang sa kanilang relasyon.
Nakamasid si LA sa kasama ni Darren, titig na titig ang dalaga sa magandang dilag na nakakandong kay Darren. Mapustura at susyal ang babae, malayong malayo sa itsura ni LA. Simple lang kasi ito at hindi mahilig mag-ayos.
"Besty, bakit sa lahat ng lugar dito pa natin s'ya susundan? Sa bar pa talaga?" tanong ni Kiara.
"Hi---hindi ko rin alam besty. Basta kaylagan ko lang makahanap ng dahilan para sukuan si Darren. Kahit isa lang besty. Isa lang," maluhaluha nitong sabi.
"Besty, hindi pa ba sapat na hiniwalayan ka n'ya ng walang dahilan? Hindi pa ba pwede 'yon? At saka para ka ng asong sunod ng sunod sa kanya, maawa ka naman sa sarili mo! Kapag Ito nalaman nina tito at tita, pati na ni ma'am Eliz, pati ako madadamay. Kaming dalawa ni Bea," bulway ni Eliz. "At saka tignan mo nga 'yan LA. 'Yan ba ang taong nakipaghiwalay? Parang nagce-celebrate pa s'ya dahil single na s'ya e. LA magising ka naman sa katotohanan! Malapit na kitang iuntog!"
"Besty please," umiiyak na sabi ni LA.
"Haist, ano pa nga ba. Pasalamat ka kaibigan kita, pero hindi kita kukunsintihin pa, last na 'to tama na. Ako ang nasasaktan para sa 'yo." Naluluha na rin si Kiara. "Sige na. Teka sandali lang, mag-CR lang ako, mag-order ka na rin ng drinks, para naman hindi tayo magmukhang kawawa rito," sabi ni Kiara.
"Oo besty, sige," sabi ni LA.
Naiwang mag-isa si LA. Nagmatyag ito sa kilos ni Darren hanggang sa bigla na lang itong nakipaghalikan sa babaeng nakakandong sa kanya.
Bumuhos ang luha sa mga mata ng dalaga. Nandoon din sina Steve, Brian at Renzo, mga matatalik na kaibigan ni Darren.
"Ano pre, masarap ba ang maging single? Freedom, girls and more girls to come!" sigaw ni Steve.
Malinaw na naririnig ni LA ang lahat. Hindi kalayuan ang kanilang lamesa sa lamesa nina Darren. Kasabay ng kanyang pakikinig ay unti-unting pagpunit ng mga salita sa kanyang pusong sugatan.
Kumalas na sa mga labi ng babae si Darren at saka uminom ng alak. "Oo naman pre! Sa ganito pala kasarap ang maging malaya. Buong akala ko makukulong na ako sa toxic na relasyon na 'yon, akalain mo 'yon humahabol pa sa akin. Sabi ko naman sa inyo, hahabol pa s'ya, she cannot live without me. But I can live without her." Sinundan ito ng malakas na tawa.
Lalong nadurog ang puso ni LA. Hindi n'ya akaliang sa kanyang pagmamakaawa ay pinatatawanan lang pala s'ya ni Darren.
"Look, ngayong malaya na ako, I can do what ever I want. Susulitin ko 'to hanggang magsawa ako," pagmamalaki ni Darren.
"Tama 'ya pre, and besides you have the gots to do all of this. Hindi mo kaylangan ng yaya na laging nakasunod at nangungulit sa 'yo. Hindi nga namin akaliang for five years na tyaga mo ang babaeng 'yon," pangiinsulto ni Renzo kay LA.
"Ginayuma ata ako ng babaeng 'yon, 'wag na natin s'yang isipin. I'm enjoying my freedom! Hoh!" sigaw ni Darren.