Ano nga ba ang mas masakit, makita mo ang mahal mong may kasamang iba? O magsisinungaling sa 'yo harap harapan? Anong gagawin mo? Aawayin mo ba s'ya? O hahayaan mo na lang s'yang iputan ka sa ulo dahil mahal mo s'ya at ayaw mo s'yang mawala sa piling mo?
Nilapitan ni Jel si Brenda, laking gulat ni Brenda sa pagdating ni Jel sa kanilang botika. Ang buong akala nito ay s'ya ang pupunta sa ospital at saka sila aalis pauntang food park. Ngunit iba ang nangyari.
"Ano 'yon?" tanong ni Jel kay Brenda. "Bakit mo kasama ang lalaking 'yon? Anong ginagawa n'ya rito?" sunod-sunod na tanong nito sa kanyang kasintahan.
"Jel, ano kasi. May dinaan lang si Jayson na mga gamot. Alam mo namang s'ya ang supplier namin ng vitamins dito sa botika. Hi--hindi maiiwasang magkita kami. 'Yon lang ang pinunta n'ya rito," paliwanag ni Brenda. Subalit bakas sa kanyang mukha ang kaba, sa bawat katagang kanyang binibitawan. Hindi rin ito makatingin ng maayos kay Jel na waring may tinatago sa kasintahan.
Si Brenda ang kasintahan ni Jel. At si Jayson naman ang ex-boyfriend ni Brenda.
Ramdam ni Jel na may inililihim si Brenda sa kanya. Kaya lalo itong nainis sa mga sagot ni Brenda at nakita na n'ya ang lahat. Wala ng dahilan para magsinungaling pa si Brenda sa kanya.
"Alam ko, hindi na ako bata para hindi maintindihan 'yon. Pero hindi 'yon ang tinutukoy ko." Huminga ng malalim si Jel bago muling magsalita. Ayaw nitong magpadala sa bugso ng kanyang damdamin kaya hanggat kaya pa n'yang kontrolin ang kanyang sarili ay ginagawa n'ya 'wag lang silang magkasagutan ng kanyang kasintahan. "Brenda, alam mo kung ano 'yung bagay na sinasabi ko." Tinignan nito ng diretso si Brenda, ngunit umiiwas ito ng tingin. "Magsabi ka na lang sa akin ng totoo kaysa humaba pa 'tong pagtatalo nati." gigil na sabi ni Jel sa kasintahan.
Yumuko na ng tuluyan si Brenda at hindi umimik. Wala na rin itong masabi dahil sa kabang kanyang nararamdaman. Lalong nag-init ang ulo ni Jel ngunit ayaw nitong masabihan ng masasakit na salita ang kasintahan. Kaya naman huminga muli ito ng malalim at saka nagsalita.
"Aalis na lang muna ako ngayon, bukas na lang tayo mag-usap," sabi ni Jel kay Brenda saka umalis. Pinaharurot nito ang kanyang motor ng walang habas.
Naiwang magisa si Brenda sa labas ng botika. Sinundan lang nito ng tingin si Jel. Kasabay ng paglayo ni Jel ay ang pagtulo ng mga luha ni Brenda.
"So---sorry Jel, sorry," bulong ni Brenda habang tinatanaw si Jel sa malayo.
Nagtungo si Jel sa food park, alam nitong binawi na n'ya ang pagsama sa dalawa ngunit wala s'yang ibang maisip na puntahan upang maglabas ng sama ng loob.
Nakarating na ito sa food park, nag-text na rin ito kay Samuel at LA, ngunit wala s'yang natanggap na reply galing sa dalawa. Naisip nitong nagsisimula na siguro silang mamili o hindi kaya kasalukuyang kumakain kaya hindi nila napapansin ang kanilang mga telepono. Napagpasyahan n'yang hanapin na lang sina Sameul at LA kahit na makapal ang tao sa food park. Ilang ikot pa ang kanyang ginawa at na silayan din ni Jel sa wakas ang dalawa. Nagtatawanan habang kumakian.
Kahit nalulumbay ay naging masaya si Jel sa kanyang nasilayan. Ang mga ngiti ng kanyang kaibigang si LA at kumikislap na mga mata ni Samuel, habang sila ay kumakian. "Jel, mukhang wrong timing na naman ang pagiging sawi mo. Wala tayong magagawa ganoon talaga, mag-isa ko na lang pag-iisipan ang lahat," Nagtago na lang si Jel upang hindi s'ya makita nina Samuel at LA.
Nang nakita ni Jel ang dalawang masaya habang kumakain ay nagalinlangan na itong magpakita hanggang sa tuluyan na s'yang umalis sa food park. Alam n'yang dadamayan s'ya ng mga kaibigan n'ya, lalo na si LA kapag nalaman nila ang nangyari. Ngunit alam din ni Jel na may pinagdaraanan si LA at ngayon lang ulit nakakatawa ang dalaga matapos ang mga nangyari sa kanya. Ayaw n'yang masira ang mood nina Samuel at LA. Kaya minabuti nitong umalis na lang at magpunta sa ibang lugar. Kung saan tahimik at makakapag-isip s'ya ng matiwasay at maayos.
"Mag-soul searching kaya ako?" sabi ni Jel sa sarili habang naglalakad sa mahaban daan mag-isa. Nagtungo na lang ito sa simenteryo malapit sa bayan upang makapagisip at mapag-isa. "Ay, 'wag na nga lang baka mamaya mag karoon pa ako ng identity crisis mas gumulo ang mundo ko," natatawa nitong sab sa kanyang sarili.
Nagikot-ikot si Jel sa simenteryo, tumitingin ng mga mosileyo at mga nitcho sa paligid. Sa totoo lang ay wala naman s'yang dadalawin sa lugar na ito, nagkataon lang na gusto n'yang pumunta sa isang lugar na walang ingay at makakapag-isa s'ya. Titingala at nag-iisip ng mga bagay, magmumuni-muni. Isang lugar na nakakabingi ang katahimikan, upang marinig n'ya ang sinisigaw ng kanyang damdamin.
Alam naman ni Jel na hindi naging maganda ang simula ng relasyon nila ni Brenda. Nagkakalabuan na sina Brenda at ang kanyang dating nobyong si Jayson ng s'ya ay magpakita ng interes kay Brenda. Hanggang sa lumaon ay nagkahiwalay ang magkasintahan dahil sa kawalan ng oras sa isa't isa. Nanatili si Jel sa tabi ni Brenda, naging mas malapit ang dalawa hanggang sa nahulog ang loob ni Brenda kay Jel at naging sila.
Alam ni Jel na 'rebound' ang nangyari sa kanilang dalawa ni Brenda pero masisisi mo ba ang taong nagmamahal? Masisisi mo bang si Brenda ang tinibok ng puso ni Jel at sa maling panahon sila nagkakilala.
Lahat ng ito ay pinag-isipan ni Jel, mula ng magkilala sila ni Brenda hanggang naging magkasintahan silang dalawa. Hindi pa nga sila ligal sa pamilya ni Brenda ay sinusubok muli sila ng tadhana dahil hindi pa rin napuputol ang koneksyo nila ni Jayson. Dumadagdag pa ang pagtanggi ni Brenda sa kanilang realsyon tuwing may mga kaibigan itong nakikita. Pakiramdam ni Jel ay kinahihihya s'ya ng kanyang kasintahan dahil sa kanyang kasarian. Hindi man ito sabihin ni Brenda ay ramdam ito ni Jel. Sadyang mahal n'ya lang talaga si Brenda kaya nakakaya n'yang tiisin ang sakit ng dikriminasyon kanayang nadarama.
Ngunit pagdating sa mga kaibigan at pamilya ni Jel, maluwag nilang tinaggap si Brenda. Walang alinlangan nilang tinggap ang relasyon ng dalawa at sinusuportahan ang kanilang pagmamahalan.
"Hay Jel, hanggang kaylan ka kaya magtitiis sa gantong sitwasyon? Alam ko namang mahihirapan ako sa ginagawa kong 'to. Pero pinasok ko 'tong relasyong 'to kaya dapat lang na matuto akong harapin. Bakit ba kasi ganito ang mga nangyayari, ano bang kasalanan ko sa mundo para pahirapan ako ng ganito?" Ngumisi pa ito. "Ang lakas ng loob kong sermonan si LA, na ang shunga n'ya sa pag-ibig. Nagbubulag-bulagan kay Darren, tapos ako heto ganoon din pala. Isang malaking t*ng* sa pag-ibig, pikit matang tinatanggap lahat ng sakit dahil sa l*nt*k na pagmamahal," sabi nito sa kanyang sarili.
"Jel! Kaylan ka ba magigising sa panaginip na 'to! Binabangungot ka na't lahat, ayaw mo pang ,magising!" sigaw ni Jel sa mga nitchong kanyang kaharaap.
"Hoy! Ginagawa mo d'yan? Nababaliw ka na ba?" sigaw ng isang babae sa kanyang likuran. Lumakad ito papalapit kay Jel. "Sige ka, kapag 'yang mga patay na kaharap mo sinagot ka, hindi ka lang kakaripas sa pagtakbo," dagdag nito.
Lumingon si Jel sa kinaroroonan ng boses. Pamilyar ang boses na kanyang narinig at kilalang kilala n'ya kaagad kung sino ito.
"Gwen," tawag n'ya sa babaeng nasa likuran n'ya. "Hanggang dito ba naman nasusundan mo ako?" sabi ni Jel at nilingon nito ang kaibigan. "May radar ka bang kinabit sa akin at natutuntun mo kung na saan ako? Talagang kung kaylan ako malungkot o 'di kaya kaylangan ng makakauasp doon ka susulpot," dagdag ni Jel.
"Some how? Ayaw mo no'n I'm your savior in your darkest night." May pagpalakpak pa itong nalalaman. "Hindi ko rin alam kung bakit, pero palagi na nga lang nagkakataong nakikita kitang nagdradrama. Shoulder to cry on palagi gaoon? Alam mo coincedence nga na nakita kita rito at nagsisisigaw. Ano heart problem na naman? Kanino kay Brenda chaka?" sabi ni Gwen.
"Gwen, alalahanin mo, girlfriend ko si Brenda mahal ko 'yon. Tapos ginaganyan mo?" sabi ni Jel. "Hindi ko rin alam bakit kapag kaylangan ko ng kausap, palagi kang sumusulpot. Nagsasawa na nga ako sa 'yo." nagtawanan ang dalawa.
"Well, wala kang choice, kaysa mga patay ay kausapin mo e 'di ako na lang," ngiting-ngiting sabi ni Gwen. "Totoo naman kasi, she's so chaka. Akala mo kagandahan, hindi naman tapos akala n'ya lahat nagkakagusto sa kanya, hay naku." Nagpamewang pa si Gwen at tinaasan ng kilay si Jel sa sobrang iyamot kay Brenda. "At ano na naman ang ginawa sa 'yo ng chaka na 'yon?" mataray nitong tanong sa kaibigan.
"Wala, ako naman 'yung mali rito, kaylangan ko lang magpalamig," malungkot na sagot ni Jel.
"Jelly, mula highschool, kilala na kita. Naging Jowa pa nga kita hindi ba? Kaya kilalang kilala kita kaunting kibot mo lang alam ko kung masaya ka, malungkot, nagagalit o kung ano pa man! Kaya 'wag mong subukang magsinungaling sa akin kasi kilala kita. Mula sa kadulo-duluhan ng buhok mo hanggang sa mga kuko mo," sermon ni Gwen.
"Ang dami namang sinabi, nakakarindi," bulyaw ni Jel.
"Wow, hindi si Gwen 'to kung hindi mabunganga ang bibig ko. At saka kung hindi ka kasi sesermonan ng bongang bongga, hindi ka magsasabi ng problema mo. Ano maiipon na naman 'yan sa puso mo at isang araw aatakihin ka na lang sa puso! Sige ka mahal ang funeral service ngayon," biro ni Gwen.
"Sira ulo ka talaga," sabi ni Jel. "Pero salamat, dumating ka. Hindi ko alam kung kanino pa ako maghihinga ng sama ng loob. May pinagdaraanan din si LA, ngayon pa lang s'ya nakaka-recover. Ayaw ko namang sirain ang moment nila si Samuel," paliwanag nito.
"Ow, bakit wala na sila ng bad person na si Darren?" usisa ni Gwen.
"Ito mga bansag mo rin sobra, may alyas ba kaming lahat sa 'yo?" natatawang sabi Jel. "Oo wala na sila ng bwisit na 'yon! Akalain mong nakikipag cool-off at ayaw sabihin ang dahiilan? Halos mabaliw si LA nitong nakaraan sa sobrang dipressed. Kaya ayon nag move-on na s'ya ngayon at itong lokong si Samuel mukhang popormahan na si LA," kwento ni Jel.
"Good to hear, at good luck kay baby Samuel. Sa wakas natauhan na si LA, ikaw na lang pala ang kasapi ng shunga club," sabi ni Gwen.
"Ikaw ang sakit mo rin magsalita, pwedeng kaunting preno? Masakit kasi, sobra. Kaya walang nagtatagal sa 'yo na relasyon! Ma pababae o sa lalake inaayawan ka dahil sa pagiging prangka mo!" sermon ni Jel.
"Wow ano, ungkatan ng past? 'Wag mo akong simulan Jelly, marami akong bala. Sige ka," banta naman ni Gwen.
Ngumisi si Jel. "Teka nga seryoso na, bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Jel.
"Dinalaw ko si lolo, next week kasi lilipad na ulit akong U.S kaya sinusulit ko na. Then nakita kita, nagsisisigaw d'yan. Naisip ko kaysa magmukha kang engot d'yan, lapitan at samahan na lang kita. At least may kasama ka hindi ba?" sagot ni Gwen. "Tara sa mosileyo ni lolo may food ako doon, ano tara?" aya ni Gwen.
Tumango si Jel at nagtungo na ang dalawa sa mosileyo ng lolo ni Gwen.
"So, what's happening to you? Anong problema n'yo ni Brenda?" tanong ni Gwen.
"Sabi ko nga, ako ang may kasalanan, hindi si Brenda. Uminit ang ulo ko sa simpleng bagay," sagot ni Jel.
"Tulad ng?" tanong muli ni Gwen.
"Ay nako, wala nga. 'Wag na nating pag-usapan," iwas na sabi ni Jel.
"Jelly! Isa!" sigaw ni Gwen. "You know me, kung hindi ka magsasalita, si Brenda mismo ang kakausapin ko!" banta ni Gwen.
Napakagat na lang ng labi si Jel.
"Jelly, isa," ulit na bilang ni Gwen. "Dalawa." Kinuha nito ang kanyang cellphone Hinanap ang account ni Brenda at akmang pipindutin ang call botton upang tawagan si Brenda.
Napapikit na si Jel at wala ng magawa kung hindi sabihin ang nangyayari sa kanya. "Okay, sige. Ito na," panimula ni Jel. Ngunit hindi pa rin inaalis ni Brenda ang kanyang kamay sa cellphone. "Nakita ko sila ng ex n'ya, they kiss. Nag-kiss sila sa lips," mahinahong sabi ni Jel.
Halos mahulog sa kanyang upuan si Gwen dahil sa kanyang mga narinig. "T*ng**n*! G*g* ba sila? P*t*, talaga ba? Mismong sa harapan mo!" gulat na gulat na sabi ni Gwen. "Tapos ang sabi mo maliit na bagay? Jel, maliit na bagay ba 'yung kiss sa lips! Ano timer? Ganda n'ya ha? Megan Young ba ang ganda n'ya? Para maginaso s'ya ng ganyan? Hanep nako talaga, wow talaga Jel sinasabi ko sa 'yo 'wag na 'wag mo ihaharap sa akin 'yang babaeng 'yan. Sinasabi ko sa 'yo, mabubura ang mukha n'ya. Ipapalit ko 'tong nitcho sa mukha n'ya," nanggagalaiting sabi ni Gwen.
Ngumisi lang si Jel sa naging reaksyon ni Gwen. "Hindi naman ako sigurado sa nakita ko," pagmamaang-maangan ni Jel. Napabuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Baka namalik mata lang ako, hindi ko alam. Basta, gusto ko munang mag-isip bago muling makipag-usap kay Brenda. Ayaw kong magpadala sa galit. Baka ako lang ang nag-iisip ng malisya," paliwana ni Jel.
"Hay Jelly, hanga na talaga ako sa 'yo. Bow na bow na ako sa 'yo, ikaw na talaga, the best ka. Hindi ko lang alam kug hanggang saan aabot 'yang kabaitan mo, pero sana dumating 'yung panahong mahahanap ka ng taong magpapasaya sa 'yo. 'Yung totoong makapagpapasaya sa 'yo," payo ni Gwen.
"Sana, pero ngayon gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko. Ayaw ko pang bitawan ang relasyon namin ni Brenda. Alam mo naman kung paano ako magmahal," sabi ni Jel.
"Oo naman alam na alam," sabi ni Gwen sabay kagat ng burger na kanyang hawak. "S'ya nga pala, sabi mo mukhang pinopormahan na ni Samuel si LA hindi ba?" tanong ni Gwen.
"Oo? Hindi pa naman ako sigurado. Nakukutuban ko lang, iba rin kasi ang mga kinikilos n'ya mula noong nalaman naming break na sila ni Darren. Napapansin ko rin na kinikilala ni Samuel si LA. Nagulat nga ako kanina dahil pinasuot n'ya 'yung helmet n'ya kay LA at inilabas 'yung helmet n'ya pang ride. Samantalang pag nanghihiram ako ng helmet, ang daming binibilin hanggang sa hindi mo na lang hihramin. Pero kanina, s'ya pa mismo ang nagsuot kay LA," kwento ni Jel.
"Wow, talaga? Nako, hindi naman sa hindi ako boto kay Samuel para kay LA pero sana hintayin n'ya munang maka-move-on si LA ng tuluyan bago s'ya umiksena. Mahirap kasi 'yan, masakit sa ulo 'yan. At ang malala, magiging rebound s'ya ni LA. Masakit 'yon," puna ni Gwen.
"Hayaan mo pagsasabihan ko si Samuel. Makikinig naman sa akin 'yon. Ayaw ko ring mapahamak si LA dahil sa mga gusto ni Samuel," sabi ni Jel.
"Good at sana isama mo na rin 'yang sarili mo sa payong gagawin mo ha, Para magising ka na rin sa katotohanan. Hay nako, paano kung wala na ako, paano kung nasa U.S na ako? Paano ka na?" maktol ni Gwen.
"E 'di videocall. Skype o kung ano pa man social media na pwede tayong mag-usap. Alam mo namang bukod kay LA sa 'yo ko lang nasasabi ang mga sama ng loob ko," paliwanag ni Jel.
"Kaya nga nag-aalala ako at isa pa kilala kita, iipunin mo lang 'yan at isisisi mo sa sarili mo ang mga ngayari kahit hindi naman ikaw ang may kasalanan," sabi ni Gwen.
"Piece of advise lang Jel, hindi masamang mag-give up sa relasyong walang pupuntahan. Alam mo 'yan, alam mong mahal na mahal kita, hindi nga lang bilang karelasyon at ayaw kong nakikita kang nasisira dahil sa isang babaeng hindi ka naman pinahahalagahan," huling payo ni Gwen.