Tahimik lang si LA habang nakaangkas kay Samuel, samantalang pinakikiramdaman naman ito ng binata habnag s'ya ay nagmamaneho.
Hindi pa sila ganoong nakakalayo sa ospital ay huminto si Samuel sa pagmamaneho.
Napansin ito kaagad ni LA. "Bakit? May problema ba?" tanong ng dalaga.
"Ay wala naman, nakakailang kasi kung sa likod ka humahawak. Hindi ko maayos 'yung balanse ko," paliwanag ni Samuel. "Okay lang bang sa bewang ko na lang ikaw humawak kaysa sa rail grab? Hindi ako komnportableng doon ka nakahawak. Para sigurado rin akong nasa likuran pa kita. Mamaya kasi nahulog ka na pala hindi ko pa alam," tanong ni Samuel.
Hindi kaagad nakasagot ang dalaga. Iniisip nitong tama bang sundin n'ya si Samuel? Baka may makakita sa kanyang nakahawak sa bewang ni Samuel at sabihin kay Darren. Subalit nakakahiya naman kung magmamatigas pa s'ya. Kapakanan lang din naman n'ya ang inaalala ni Samuel at isa pa hindi talaga s'ya sanay kumapit sa rail grab. Agad na ngangalay ang kanyang kamay. Sa katunayan ay sanay naman s'yang umangkas ng motor ngunit kay Darren lang s'ya komportableng humawak sa bewang.
Samantala, si Samuel naman ay natauhan sa kanyang tanong. "Ay Samuel! Ang presko kasi ng dating! Nahihibang ka ba? Nako naman. Dapat ikaw na lang ang mag-adjust! Maling mali," sabi ni Samuel sa kanyang isipan.
Halatang nagulat si LA kaya nabagabag ng husto si Samuel. At hindi alam ng dalaga ang tamang sagot sa tanong ng binata. Nahihiya rin ito sa alaok ni Samuel at nagaalangan.
"So---sorry, sige, ano okay lang. Pasensya na hindi ko na lang bibilisan magpatakbo para mabalanse ko ng maayos. Ano sorry," paghingi ng paumansin ni Samuel.
"Hindi ano ka ba, sige sa bewang mo na ako hahawak pero ayos lang ba kung sa jacket na lang ako humawak? kaysa sa mismong bewang mo?" tanong ng dalaga.
"O--oo naman. Walang problema pero kung naiilang ka talaga sige doon ka nalang sa rail grab humawak," sagot ni Samuel.
"Sige," sabi ni LA.
Pinaandar na muli ni Samuel ang kanyang motor. Humawak na si LA sa jacket na suot ni Samuel.
"Okay ka na?" tanong ni Samuel, bago paandarin ang kanyang motor.
"Oo, okay na," tugon ni LA.
Muli na silang lumakad at nagtungo sa food park.
May kalayuan ang food park na kanilang pinuntahan. Maraming tao ang naglilibot at makakarinig ka ng malalakas na tugtog panghalinasa mga tao. Grand opening din kasi ng food park at sa kabutihang palad ay dinagsa ito ng mga tao.
Humanap ng pagpaparadahan ang dalawa.
"Nako mahihirapan sina Jel mamaya, sana makasunod na sila kaagad," sabi ni Samuel.
Humahaba na rin kasi ang leeg ng dalawa sa kakahanap ng pagpaparadahan.
"Kaya nga, pero malay mo naman. Mukang ang daming stall, nakakatuwa," sagot ni LA. "Ayon!" Pasigaw nitong sabi. "Dali, bago pa tayo maunahan ng iba, sa bndang kanan." Turo ni LA sa paalis na motor.
Agad naman itong nakita ni Samuel at binaling doon ang pagmamaneho.
"Ayan, sa wakas," wika ni Samuel pagkahubad n'ya ng kanyang helmet.
"O--oo nga e, nakapag-park na rin tayo sa wakas," sabi ni LA habang hinuhubad ang suot n'yang helmet. "Huh hirap, paano ba 'to?" sabi ni LA. Hindi nito napansing nagsasalita na pala s'ya mag-isa. "Parang hindi naman ganito 'yung sinuot kong helmet kanina. Bakit ang hirap tanggalin?" Hindi kasi makalag ng dalaga ang chinstrap ng helmet na kanyang suot. "Paano ba 'to?" Hindi rin nito napansing naririnig pala s'ya ni Samuel.
Lumapit si Samuel kay LA. "Kinuha na kasi ni ate 'yung helmet n'ya kanina, itong helmet na 'to 'yung lagi kong gamit kapag pumapasok sa ospital at 'yung suot ko naman kanina ay helmet ko tuwing may ride ako," paliwnag ni Samuel habang kinakalas ang chinstrap.
"Ah." Nasilayan ng dalaga ang mukha ni Samuel, ang maliit nitong mga mata at seryosong mga titig. "Ka--kaya pala parang nanibago ako sa suot ko kaninag umaga at sa suot ko ngayon," sabi ni LA.
Si Samuel na rin ang naghubad ng buong helmet sa dalaga. Inayos rin nito ang nagulong buhok ni LA at saka itinabi ang helmet sa kanyang motor..
"Nako, ang daming nangyayari sa helmet na 'yan! Pero ang bango ng helmet n'ya at ang ganda. Naninibago na talaga ako kay Samuel mula ng araw na 'yon, pero baka mabait lang talaga si Samuel," sabi ni LA sa kanyang sarili. Ayaw bigyan ng malisya ng dalaga ang mga kinikilos ni Samuel. Iniiwasan din nitong bigyan ng kahuluagan ang pagiging malapit ni Samuel sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Matapos siguraduhin ng dalawang okay na ang kanilang pinagparkingan, nagpasya na ang dalawang maglibot sa food park Habnang naghihitay kayna Jel at Brenda.
"Ako na ang magdadala ng bag mo, para makapaglakad ka ng maayos," sabi ni Samuel.
"Si---siguirado ka? Okay lang naman ako, kaya naman," sagot ni LA.
"Oo naman, wallet lang naman ang dala ko. Sa susunod, 'yung Nmax na ang dadalhin ko para malaki 'yung compartment, maiiwan mo na rin 'yung bag mo sa motor. Biglaan kasi 'toing lakad na 'to kaya hindi ko napaghandaan," sabi Samuel.
"Ah." Tumawa bahagya ang dalaga. "Grabe, paghahandaan talaga? Ay teka nga pala. Sina Jel nasaan na? Nag-text na ba sa 'yo?" tanong ni LA.
"Hindi pa nga e, pero sandali lang i-check ko ulit ang phone ko," sabi ni Samuel. Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinignan kung may text si Jel.
"Wala e, sa 'yo ba?" sabi ni Samuel sabay iniharap kay LA ang kanyang cellphone.
"Wala rin, hala nasaan na kaya 'yung dalawa," nag-aalalang sabi ni LA.
"Wait tatawagan ko na lang para malaman natin kaagad," ani ni Samuel at dinial ang number ni Jel. Nag-ring naman ito kaagad at ilang sandali pa ay sumagot na ang kanilang kaibigan.
"Hello? Jel, nasaan na kayo? Nandito na kami ni LA, mahirap maghanap ng parking ang daming tao," babala ni Samuel sakaibigan.
"Samuel pasensya na, hindi na kami makakasunod. Bukas ko na lang sa 'yo ipapaliwanag," sagot ni Jel. "pasabi kay LA pasensya na rin hindi na ako makakasunod," dagdag nito.
"Ay emergency ba? Sige sige, ingat Jel. Bukas na lang," sabi ni Samuel at binababa na ni Jel ang telepono.
"Anong sabi?" agad na tanong ni LA matapos ang pag-uusap nina Jel at Samuel.
"Emergency daw kaya hindi na sila makakasunod ni Brenda," sagot ni Samuel.
"Ay ganoon ba? Sayang naman, ang dami pa namang masasarap na pagkain. Naamoy mo ba?" maligalig na sabi ni LA.
"Oo, nakakagutom nga at mukhang excited ka na ring kumain?" sabi ni Samuel.
Natawa bahagya si LA. "Masyado bang halata? Ang tagal ko na kasing hindi nakakakin sa ganito. Nakaka-miss," sabi ni LA.
"Bakit naman? Hindi ka ba inaaya nina Kiara o Bea?" tanong ni Samuel.
"Inaaya, e kasi pinagsasabihan ako lagi ni Darren hindi naman daw okay ang mga pagkain sa food park. Parang kinukumpara n'ya sa street foods ang mga pagkain sa food park. Kaya ayon, hindi ako nakakasama palagi kayna besty. Lagi kasi kaming nag-date sa fastfood o hindi kaya sa mga resto. Sure daw na masarap ang mga pagkain doon at may class," paliwanag ni LA. "Sa totoo lang napupurga na ako sa mga ganoong kainan. Magandang pakinggan, susyal pero nako same same lang silang lahat. Ang pagkakaiba lang nila, 'yung lamig ng aircon. Nakakasawa rin at ang mamahal! Masarap pero hindi worth it 'yung price n'ya sa lasa," kwento ng dalaga.
"Ah ganoon ba, buti hindi nagtatampo sina Bea, napapansin ko kasi parang ang hilig din nila mag-foodtrip," usisa ni Samuel.
"Noong una, nagtatampo, pero hindi nagtagal nasanay na rin sila." Bigla itong lumapit kay Samuel at humina ang boses. "Pero minsan tumatakas din ako, kapag sobra akong nag-crave sa kalamares! Nako walang makakapigil sa akin," bulong ni LA habang natatawa.
"Mahilig ka pala sa kalamares? Ikaw pasaway ka rin pala! Buti hindi ka nahuhuli?" tanong ni Samuel.
"Ay, magaling ata 'to? Ako ata ang batas!" sabi ni LA na may pagpapakita pa ng kanyang biseps.
Pinagtawanan ni Samuel ang dalaga. "Batas pero ikaw pa rin ang iniwan," asar ni Samuel.
Huminto si LA sa paglalakad. Hindi inakala ni Samuel na masasabi n'ya 'yon sa dalaga. Masyado s'yang naging komportable at nagdirediretso ang bibig sa pagsasalita.
"Ay nako Samuel! Wrong move!" Napapikit na lang si Samuel at itinikom ang bibig. "Minsan wala sa lugar ang pagbibiro mo," sermon ni Samuel sa kanyang sarili. Gusto nitong batukan ang sarili sa kahihiyan. Tinignan ni Samuel ang dalaga.
"LA, ano so---sorry, hindi maganda 'yung biro ko," nahihiyang sabi ni Samuel.
"Ano ka ba." Nakayukong sabi ni LA. Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Ayos lang." Tumunghay na ito at ngumiti. "Totoo naman ako ang iniwan pero malalagpasan ko rin 'to. Ganoon talaga siguro iniiwan tayo ng mga tao kasi hindi sila para sa atin," nakangiting sabi ni LA kahit na ang totoo ay naiiyak na naman s'ya sa kanyang mga sinasabi. Subalit hindi tulad noong nakaraan na hindi n'ya mapigilan ang kanyang makukulit na luha, ngayon ay napapasunod na n'ya ang mga ito.
Nakonsensya ng lubos si Samuel, nabago kasi ang awra ni LA mula sa masaya ay napalitan ito ng lungkot.
Nakarating ang dalawa sa mga lamesa kung saan kumakain ang karamihan. Nasa gitna ito ng food park at napapalibutan hilehilerang mga stall ng iba't ibang pagkain.
"Alam mo kanina, pinuntahan n'ya ako," biglang sabi ni LA.
"Si Darren ba? Kanina lang? Bakit?" tanong ni Samuel.
"Gusto lang n'ya mangamusta, tinatanong n'ya kung okay na daw ba ako at kung anong kalagayan ko ngayon," tugon ng dalaga.
"Ganoon ba, okay ka na ba o hindi pa?" tanong niSamuel.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay na ako. Pero may part kasi na nagsasabi sa 'kin na, para saan at nagpakita pa s'ya ulit sa akin? After ng ilang araw na halos mabaliw ako kakaisip kung bakit s'ya nakikipag- cool -off at nakipag-break pupuntahan n'ya ako na parang walang nangyari?" malungkot na sabi ni LA. Napapabuntong-hininga na rin ito habang nagkwekwento.
"Ano nangyari pagkatapos?" Sunod na tanong ni Samuel.
"Wala naman, sabi ko, hindi pa okay pero sana hayaan n'ya muna ako. Kasi hindi ako makaka-move on kung magpapakita s'ya sa akin. Kilala ko ang sarili ko, aasa pa ako ng paulit-ulit at lalong masasaktan. Isa pa s'ya na rin ang nagsabing ayaw na n'ya. Kaya dapat lang na hayaan na n'ya ako," sagot ng dalaga.
Tinititigan lang ni Samuel si LA. Wala itong masabi sa kinahaharap ng dalaga. Ayaw nitong gatungan pa ang hapdi ng muli nilang pagkikita ni Darren. Sa totoo lang ay nagtataka rin ito kung para saan pa at muling nagpakita si Darren kay LA kung hindi naman ito makikipagbalikan. Para sa closure? Para tignan si LA kung nababaliw pa sa ginawa n'ya? At isa pa pinapahirapan lang nito si LA kung ipaparamdam n'yang may pag-aalala pa rin itong nararamdaman para sa dalaga.
"Sabi rin kasi sa akin ni ma'am Eliz dapat ko raw tanggapin ang mga nangyari, hindi raw dapat ako makiusap na balikan pa ni Darren. Tama na raw ang isang araw na pagdadalamhati, isipin ko raw na bilang babae dapat kong pahalagahan ang sarili ko at 'wag magmakaawa sa lalaking tinalikuran ako ng hindi sinasabi ang dahilan. Kung ayaw n'ya sa unang beses kong pagsusumamo, tigilan ko na raw," salaysay ni LA.
"Oo, tama si ma'am, ang babae kasi dapat laging inuuna. At isa pa hindi malinaw kung bakit kayo naghiwalay, kahit sino naman mababaliw sa sitwsyon mo. At tama rin si ma'am isipin mo ang sarili mo. Panahon na para sarili mo naman ang unahin mo," pagsangaayon ni Samuel.
Ngumiti bahagya si LA gumaan din ang kanyang loob sa mga sinabi ng binata.
"Akala ko mali 'yung ginawa ko kanina. Hindi ko naman s'ya pinagtabuyan, kinausap ko pa rin s'ya ng maayos pero sabi ko kasi 'wag na s'ya magpakita sa akin kasi gusto ko ng maka-move-on. Nadurog na ako masydo sa ginawa n'ya, pagod na akong mag-isip kung anong ginawa kong mali para iwan n'ya. Gusto kong kilalanin ulit ang sarili ko, mag-umpisa mag-isa," sabi ni LA.
"Tama 'yon LA, ikaw lang din kasi ang makakapagsabi kung okay ka na o hindi pa 'yang puso mo. It takes time para maka-move-on," sabi ni Samuel. "Kaya naman, bilang premyo." Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at hinatak patayo. "Ililibre kita ng kahit anong gusto mo!" sabi ni Samuel.
"Talaga! Hindi nga?" nagagalak na sabi ni LA. "Seryos? Kahit ano?" ulit ni LA.
"Oo naman bakit hindi? At saka sabi mo hindi ba matagal ka ng hindi nakakakin dito kaya dapat lang na mag-enjoy ka. Gawin mo lahat ng hindi mo nagagawa dati, kasi malaya ka na," sabi ni Samuel.
Nagningning ang mga mata ng dalaga, hindi nito maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil sa kanyang narinig. Sino ba naman ang tatanggi sa libre, at isa pa lumakas ang loob ni LA dahil alam n'yang tama ang kanyang ginagawa. Tumayo na ito at nagsimulang magturo ng gusto n'yang kainin.
Aliw na aliw ito sa kanyang mga nakikita, lalo na si Samuel. Aliw na aliw itong pinagmamasdan si LA ang babaeng kanyang tinatangi.
Sa totoo lang ay may paghanga ang binata sa dalaga nating si LA. Unang beses pa lang nitong nakita si LA ay humanga na ito sa ganda ng dalaga. Lalong nahulog ang kanyang loob kay LA ng madalas na itong nagpupunta sa kanilang kwarto.
Mula sa malayo ay tinatanaw palagi ni Samuel si LA, namamangha ito sa pagngiti ng dalaga at kung paano nito makisalamuha sa lahat ng tao sa ospital. Magiliw at nakakaaliw si LA pagmasdan at sa bawat pagngiti ng dalaga ay nakukumpleto ang araw ni Samuel.
Ngunit alam nitong may kasintahan nnon si LA kaya naman ibinaon nito sa limot ang kanyang nadarama para sa dalaga. At binaling sa iba ang kanyang paghanga. Tinatanaw na lang nito sa malayo ang kanyang pinapangarap na babae at nangangarap na isang araw ay mapapansin din s'ya nito bilang kaibigan. Kahit bilang kaibigan lang.
At ng nalaman nitong hiniwalayan ni Darren si LA ay nagkaroon ng pag-asa si Samuel para s'ya ay mapansin ng dalaga. Kahit na alam nitong sawi pa ang dalaga dahil sa kanyang dating kasintahan. Hindi nagsayang ng oras si Samuel at agad na sinunggaban ang oportunidad na kanyang nakikita. Nagsimula ito ng makita n'ya ang dalagang nag-iisa sa mall at namimili. Mula ng araw na 'yon ay unti-unting pinapasok ni Samuel ang mundo ni LA.
Mula sa mga text at pangangamusta, hanggang sa pagsabay sa pagpasok at sa pag-uwi. Nagawa na ring sundan ni Samuel si LA upang malaman nito ang bahay ng dalaga. At sa araw na ito ay sa wakas, mas nagiging malinaw na ang lahat para kay Samuel. Maaari na n'yang ituloy tuloy ang panunuyo sa daalaga dahil mismong si LA na ang nagsabing gusto na n'yang maka-move-on sa kanyang dating kasintahang si Darren. At handa s'yang maghintay ng tamang pagkakataon upang ligawan ang dalaga.
Natapos na sa pamimili ang dalawa. Bumaik na sila sa lamesa upang kumain.
"Alam mo, dati hindi ako makapili ng gusto kong kainin, laging si Darren ang nasusunod. At saka nakakasawa ng laging rice unli rice at filipino food ang kinakain namin. Hindi naman sa hindi masasarap pero minsan kasi nakakasawa na. Ayaw naman n'ya ng mga ganito kasi madumi raw hindi raw masarap. Basta ang dami n'yang sinasabi!" salaysay ni LA.
"Ibig sabihin si Darren ang dominant sa relasyon n'yo? Wala kang boses sa gusto mo?" tanong ni Samuel.
"Parang ganoon na nga, alam mo ngayon ko nga lang na-realize na dapat pala hindi ganoon. Para pala akong robot dati na laging nakasunod sa kanya," sabi ni LA.
"Kaya pala sabi ni Jel hindi ka raw talaga mahal ni Darren. Kasi ganoon ang ginagawa n'ya sa 'yo." Napahinto si Samuel sa kanyang pagsasalita. Naisip nitong hindi na naman s'ya nakapagpreno sa kanyang mga sinasabi. "So--sorry," 'Yon na lang ang kanyang nasabi.
"Ayos lang," nakangiting sabi ni LA. "Matagal ng sinasabi sa akin 'yan ni Jel. Hindi lang ni Jel, pati sina Kiara, Bea at kahit si AL na kapatid ko. Sinasabi nila na hindi si Darren ang tamang lalaki para sa akin, 'wag ko raw ikulong ang sarili ko sa lalaking hindi para sa akin. Pero wala, bulag pa ako noon. Ngayon ko pa lang nakikita ang mga maling ginagawa sa akin ni Darren. Nabulag ako sa pag-ibig. Bulag na bulag. Nabulag ng limang taon," sabi ni LA.
Masakit man kay LA ang kanyang mga sinasabi ngunit kaylangan n'yang tanggapin lahat ng ito dahil 'yon ang katotohanan. Truth hurts ika nga nila. But the truth will set you free, sabi naman ng iba.