Chapter 12

2739 Words
  Halos mahulog si LA sa kanya kama matignan lang kaagad kung sino ang nag-text sa kanya. Nagmamadali nitong binuksan ang kanyang cellphone. Pagbukas ng dalaga ay isang unknown number ang bumungad sa kanya.   Kabado ito kung sino ang nag-text. Nag-aalangan ito kung bubuksan ba n'ya ito o hindi. Natatakot si LA na baka babae n Darren ang nag-text at awayin s'ya. Kung ano-ano na rin ang kanyang naiisip sa sobbrang kaba.   Huminga ito ng malalim, nakuha pa nitong pumikit bago pindutin ang mensahe.    "Hi! Samuel 'to. Kamusta? Naka-uwi ka ba ng maayos?" text ni Samuel sa kay LA.   Nagulat si LA na si Samuel pala ang nag-text.   "Ayos naman akong naka-uwi, salamat. Sana naka-uwi ka rin ng maayos," reply ni LA.   Nadismaya ang dalaga sa kanyang nakita. Hindi nito inaasahang si Samuel ang mag-text sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ay nagalak ito dahil nag-effort ang binata.   "Oo, nakauwi naman ako kaagad. Pasensya ka na hiningi ko kay Jel 'yung number mo, gusto ko kasing siguraduhing maayos kang naka-uwi sa bahay n'yo. Hindi lang ako nakapag-text sa 'yo kaagad, ang talaga kasi ni Jel mag-reply," sabi ni Samuel.   Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni LA. "Hala! Bakit ako napangiti?" tanong nito sa kanyang sarili.   "Ayos lang walang problema," reply ni LA kay Samuel.   Matapos nitong i-send ang kanyan reply ay binaba n'ya muli ang kanyang cellphone sa kanyang lamesa at muli itong humiga sa kanyang kama. Nagmuni-muni, naiisip nito ang mga sinabi ng kanyang nakababatang kapatid na si AL. Napangisi ang dalaga ng hindi sinasadya.     "Ano Lorhain susubukan mo 'yung mga sinabi ni Ariana? Nahihibang ka na ba talaga? Malay mo ano, may ano," hindi nito matuloy ang kanyang sinasabi. "Baka may chance, may chance na," gusto nitong sambitin ang mga salitang 'muli silang magkakabalikan' subalit may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan.   "Lorhain Andrew Galvez! Umayos ka na!" sigaw nito sa kanyang sarili.   Dumaan ang mga araw at unti-unting naiibsan ang kalungkutang kanyang nadarama. May mga pagkakataong lumuluha pa rin si LA mag-isa subalit kasama ito sa pruseso upang makalimutan n'ya ang lalaking dumurog ng kanyang damdamin.    "Good morning kuya!" bati ni LA sa guard.   "Good morning din madam Lorhain," balik na bati naman ng guard. Napansin nitong masigla ang dalaga at bumabalik na rin ang ngiti sa kanyang mga labi. "Mukhang ang ganda po ng gising n'yo ngayon madam?" tanong nito.   "Hindi naman po, kayo talaga," sagot ni LA habang nag-log. "Sige po kuya! Have nice day," paalam ni LA at nag-iwan ito ng matamis na ngiti sa guard.   Pumasok na ito sa botika, dumiretso ito sa kanyang lamesa at inilapag ang kanyang mga gamit. Natanaw nito si Bea at abala ito sa pagsusulat ng kanilang endorsement log book. Hindi nito namalayan ang pagdating ni LA sa sobrang abala.    Matapos mag-ayos ni LA ng kanyang mga gamit ay nilapitan nito kaagad ang kanyang kaibigan. "Bea," tawag nito. "Madami ka pa bang gagawin?" tanong ni LA. Nakita rin ng dalagang may mga nakahelerang request sa gilid ni Bea. "Okay na ba 'tong mga 'to or gagawin pa lang?" sunod na tanong ni LA.   Nagulat pa ito bahagya dahil hindi n'ya napansin ang pagdating ni LA. Sinulyapan ni Bea ang tinutukoy na mga pepel ni LA, upang tignan. "Besty nandyan ka na pala? Ano hindi ko pa 'to nagagalaw ang mga 'yan. Pasensya na ang daming additional request kagabi, hindi ko na natapos," sabi ni Bea.   "Okay sige, unahin ko na 'tong mga 'to or may mas kaylangan pang unahin? Maaga pa naman Bea kaya relax," sabi ni LA sa natatarantang kaibigan.    Napansin kasi ng dalagang naaligaga si Bea ng makita s'ya.   Agad na tumingin ito sa kanilang orasan.    "Ay! Oo nga maaga pa nga 5:35 pa lang," puna ni Bea. Napalingon ito kay LA. "Bakit ang aga mo?" tanong nito.   "Ah, kasi nakita ako ni Samuel sa may crossing, ayon sinabay na n'ya ako," sagot ni LA.   Nanlaki ang mga mata ni Bea. "Ano! Paki-ulit nga 'yung sinabi mo? Sino ang nagsabay sa 'yo papasok?" pasigaw na sabi ni Bea dahil sa gulat.   Nanlaki ang mga mata ni LA sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan. "Besty, ang sabi ko, nagkita kami ni Samuel sa crossing. Sinabay n'ya na ko papasok kaya ito, maaga akong nakarating dito sa ospital," muling sabi ni LA.   "Sigurado ka? Si Samuel ang nagsabay sa 'yo? 'Yung supladong 'yon? Sinabay ka! Talaga ba?" nanggagalaiting sabi ni Bea.   "O---oo bakit? Mali bang sumabay ako? May magagalit ba?" sunud-sunod na tanong ni LA. Takang taka na kasi ito sa nagiging reaksyon ng kanyang kaibigan.    "Alam mo bang malapit lang ang bahay nila sa amin! At pag pang-umaga ako, ni isang beses 'di n'ya ako nagawang isabay!" gigil na sabi ni Bea.   "Talaga ba?" Nagulat ang dalaga sa kanyang mga narinig. "Parang hindi naman? Baka hindi lang kayo nagkakasabay kaya hindi ka n'ya inaayang sumabay sa kanya. Ikaw naman, nagtatampo ka kaagad?" Nagtataka nitong sabi. "Sa totoo lang last week pa n'ya akong tinatanong kung pwede ba n'ya akong sunduin sa bahay. Kaso ayaw ko lang talaga. E kanina pinagbigyan ko na, baka mag-cause pa kami ng traffic, nakakahiya. Magpipilitan pa kami gitna ng kalsada," paliwanag ni LA.   Hindi makapaniwala si Bea sa kanyang mga naririnig. Napatulala ito ng ilang sandali.   Napailing si LA at natawa sa kaibigan. Nagtungo na lang si LA sa estante ng mga gamot at nagsimula na si LA na kunin ang mga gamot na request.    "Besty, hindi nga? Sigurado ka talagang si Samuel ang sinabayan mo? Hindi ka ba nagkakamali? Or baka doppelganger n'ya lang 'yon?" pilit na sabi ni Bea.   "Besty naman, kung ano-anong pumapasok sa isp mo! Napakahusay naman ng doppelganger na 'yon? Mula crossing hanggang dtio sa ospital talaga? At naka motor? Nag-drive ng motor?" sabi ni LA sa kaibigan.   "Malay mo naman? Pero kasi besty ang labong gawin n'ya 'yon!" sabi ni Bea, pinagpatuloy na rin nito ang kanyang pagsusulat habang pinipilit ang kanyang sinasabi.   "Besty tignan mo ha, ano mahihita ko kung magsisinungaling ako sa 'yo? Sa palagay mo ba sasakay ako sa taong hindi ko kilala? Syempre hindi! Kaya maniwala ka, si Samuel 'yon!" bulway ni LA.   Natapos na rin sa wakas si Bea sa kanyang pagsusulat. Nilapitan nito ang kaibigan at mas pinagpilitan ang kanyang mga sinasabi.   "Ay basta, ang unfair ng lalaking 'yon! Pero besty may napapansin ako. Feeling ko type ka ni Samuel," kantyaw ni Bea.   Napalingon si LA. "Besty! Ano ba 'yang mg pinagsasasabi mo! Wala lang 'yon, nagkataon lang 'yon. Trust me, grabe ka besty! Issue 'yan," paliwanag ni LA. Pinagpawisan din ito bahagya dahil sa mga sinasabi ni Bea.   Sumulimpat ng tingin si Bea, hinawakan nito ang balikat ng kaibigan at iniharap sa kanya. "Besty, may extrang helmet bang dala si Samuel kanina?" seryosong tanong ni Bea, tinitigan pa nito si LA sa mga mata.   Nagulat si LA sa ginawa ni Bea. "O---oo mayroon. Bakit?" sagot nito.   "See!" sabi ni Bea na may pagalog pa sa kanyang kaibigan. "May helmet s'yang dala! Best! LA! Lorhain Andrew! Galvez! May extra helme s'yag dala!"    "Ano? Hindi ko maintindihan? Teka nga! 'Wag mo ako yugyugin!" sabi ni LA. Naguguluhan ang dalaga kung bakit ganito na lang ang mga sinasabi ni Bea sa kanya. Hindi nito makuha kung anong mayroon sa helmet ni Samuel at pati 'yon ay tinatanong n'ya.   "Kasi dalawa ang helmet n'ya, ibig sabihin no'n naghahanap lang s'ya ng chance para makasabay ka! Kaya s'ya may dalang extra helmet!" hunuha ni Bea.   "Ha? Anong sinasabi mo? Dalawa ang helmet n'ya kasi sinusundo n'ya ang kapatid n'ya sa hapon. Ano ka ba," sagot ni LA.    Hindi pa rin kumbinsido si Bea sa dahilan ni Samuel, pero kung iyon ang pinaniniwalaan ni LA ay wala na s'yang magagawa.   "Sige, sabi mo," ani ni Bea. Inalis na nito ang kanyang mga kamay sa balikat ng kaibigan. Nagpatuloy naman sa kanyang ginagawa si LA.   "Alam mo besty, cute din si Samuel. Hindi ba? Ano sa palagay mo?" tanong ni Bea. Natanaw kasi nito ang binata dahil kumuha ito ng tubig sa dispenser malapit sa botika. Sinundan nito ng tingin si Samuel.   "Oo, pero mas gwapo s'ya kapag kumakanta. Lalo na kapag nag-guitara na s'ya," pagsangayon ni LA.   Napalingon si Bea sa kaibigan. "Bakit! Hinarana ka na n'ya?" tanong nito.   Binatukan ni LA si Bea. "Hindi 'no! Harana ka d'yan? Besty, paano ako haharanahin ni Samuel e, wala namang reason para gawin n'ya 'yon. At 'di ba nga lagi s'yang na pagkakaisahang kumanta kapag may event or small party dito sa ospital. Kaya napapansin ko. Ano ka ba, kahit si Ma'am Eliz humahanga sa pagkanta ni Samuel," paliwanag ni LA.   "Okay, okay chill," sabi ni Bea. Napatingin ito sa orasan at mag aala-sais na. "Mag-endorse na ako besty," aya ni Bea.   "Sige sige," tugon ni LA.   Lumipas ang maghapon, naging maayos ang araw ni LA. Naging maganda ang takbo ng kanyang araw hanggang dumating na ang kanyang uwian.    "Bye-bye," paalam ni LA sa kanyang ma'am Eliz at Kiara.     "Mag-iingat ka LA, bukas nga pala iba ang shift mo ha. Pang -gabi ka. 'Wag mong kakalimutan," paalala ni Eliz.   "Opo ma'am, salamat po," tugon nito. "Bye Kiara, mag-text ka na lang kung may tanong ka ha," sabi naman nito kay Kiara.   "Okay! Ingat besty," sabi ni Kiara.   Lumabas na ng botika ang dalaga. Pa-out na ito ng kinausap s'ya ng guard.    "Madam, may naghahanap nga po pala sa inyo," sabi ng guard sa dalaga.   "Opo? Sino po?" tanong ni LA.   "Hayun po s'ya madam, kanina pa nga po s'ya nandyan inaabangan ang pag-out po ninyo. Sabi ko po tatawagin ko na po kayo, kaso sabi po ni sir hihintayin n'ya na lang daw po kayo mag-out," salaysay ng guard.   "Saan po kuya?" Nilingon ni LA ang direksyon kung saan nakaturo ang gaurd matapos nitong magsulat.   Natanaw nito ang isang pamilyar na mukha at hindi nito inaasahang pupuntahan s'ya nito.   "Lorhain!" sigaw ni Jel. Nasa parking lot si Jel kasama si Samuel.    Napalingon naman ang dalaga sa kinaroroonan ng dalawa. Tumulala lang si LA at tinignan sina Jel at Samuel. Naisip nitong iwasan ang dalawa, hindi rin kasi maayos ang kanyang pakiramdam.   Akala naman ni Jel ay hindi lang sila nakilala ni LA dahil nakasuot na sila ng helmet. Kaya pinuntahan n'ya ang kaibigan.   "Lorhain," hinihingal nitong sabi. "May lakad ka ba?" tanong ni Jel.   Pilit na ikinubli ni LA ang kanyang panglalata. "Ha? Ano, wala naman bakit?" balik na tanong ni LA.   "Gusto mo sumama?" ani ni Jel.   "Saan?" tanong muli ni LA.   "Wala mag-chilax, kakain sa food park, tatambay. Maaga pa naman," sagot ni Jel.   Nagdadalawang isip ang dalaga kung papayag s'ya sa alaok ng kanyang kaibigan. Gusto sana nitong mapag isa muna at magkulong sa kanyang silid pagkauwi n'ya sa bahay. Ngunit sa kabilang banda ay naisip nitong kaylangan n'yang libangin ang kanyang sarili at hindi na dapat magmukmok mag-isa. "Sige," pagpayag ni LA sa paanyaya ng kanyang kaibigang si Jel.   Nagtungo na ang dalawa sa parking lot upang kunin ni Jel ang kanyang motor. Si Samuel naman ay hinihintay si Jel.   Nakasunod si LA kay Jel at hinihintay na paandarin ang motor, upang s'ya ay makaangkas.   Napansin ito ni Jel. "Boss nga pala, kay Samuel ka na lang umangkas. Dadaanan kasi natin si Brenda," sabi ni Jel. "samuel ayos lang ba?" tanong ni Jel kay Samuel.   Tumango naman si Samuel. "Sige lang," tugon nito.   "Ay, ganoon ba," sabi ni LA. "Okay lang ba sa 'yo Samuel? Pwede naman akong mag-commute," tanong nito kay Samuel.   "Hindi naman ako makakapayag na mag-commute ka. Wala namang problema kung sa akin ka aangkas. Ay teka lang," sabi ni Samuel. Kinuha nito ang kanyang extrang helmet. Tumayo sa harapan ni LA. "Ayos lang ba?" paghingi ng pahintulot ni Samuel.   "Ha? Ayos lang ba na?" nagtatakang sabi ni LA sa tanong ng binata.   "Isusuot ko lang sana sa 'yo 'tong helmet? Ayos lang ba? Dadaan kasi tayo sa highhway, mahirap ng mahuli," paliwanag ng binata. Nakatingin ito diretso sa mga mata ng dalaga. Gayun din si LA at nanginit na rin ang mga pisngi nito, nakararamdam din ang dalaga ng pagkabog ng kanyang dibdib.   "Ah, sige akin na 'yang helmet ako na ang mag---," napahinto si LA sa kanyang pagsasalita ng isinuot ni Samuel sa kanya ang helmet.   Lalong namula ang dalaga, mabuti na lamang at natatakpan na ito ng helmet na kanyang suot. Hindi rin ito nakagalaw at napatulala na lang kay Samuel.   Si Samuel naman ay maingat na isinuot sa dalaga ang helmet. Itinasok ang lock at inayos ng posisyon.    "Masyado bang mahigpit o maluwag?" tanong ni Samuel matapos n'yang isuot sa dalaga ang helmet. Nakatingin pa rin ito sa malalaking mata ng dalaga.   Pati si Jel ay nagulat sa ginawa ni Samuel ngunit hindi na lang ito nagpahalata upang hindi mailang si LA. Pansin din kasi ni Jel ang pagkagulat ni LA sa kinilos ng kanilang kaibiagang si Samuel.     Natataranta na si LA sa mga nangyayari, bumibilis na rin ang pagtibok ng kanyang puso. At ng tinanong s'ya ni Samuel ay wala s'yang naintindihan ni isang salita sa mga binigkas nito. "Ha---, Ano?" tanong ni LA.   Hinawakan ni Samuel sa balikat ang dalaga, bahagyang nilapit ang kanyang mukha. "Ang sabi ko ayos lang ba ang pagkakakabit ko nitong helmet sa 'yo? Mahigpit ba o maluwag?" ulit na tanong ni Samuel sa natutulalang si LA.   "Ah, a---ayos naman. Okay na, sa--- salamat," naiilang na tugon nito at bahagyang umatras.   "Good," sabi ni Samuel matapos sumagot ni LA. Pinuntahan na nito ang kanyang motor saka pinaandar. "Jel, tara na ba o mauuna na kami ni LA?" tanong naman Samuel.   Napatulala si Jel sa mga nangyayari. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Samuel at gayun din si LA.   "Jel?" tawag ni Samuel.   "Ay! Oo! Pwede naman. Ma--mauna na kayo. Oo tama, i-text ko na lang kayo kapag papunta na kami. Maya-maya pa si Brenda, nag-text kasi s'ya sa akin, s'ya na lang ang pupunta rito sa ospital. Ako na lang ang maghihitay sa kanya rito. Mauna na kayo sa food park" sagot ni Jel.   "Sige, paano text text na lang," sabi ni Samuel. Bumaling naman ito ng tingin kay LA. "LA, tara?" sabi nito sa dalaga. Hudyat na inaaya na n'ya itong umangkas.   "Ha, oo sige," sagot ni LA at sumakay na sa motor.   "Okay ka na?" tanong ni Samuel ng naramdaman nitong nakaangkas na si LA sa kanyang likuran.   Dali-daling humawak si LA sa bakal na nasa kanyang lukuran. "Oo, okay na," sagot ng dalaga.   "Okay." Pinaandar na nito ang kanyang motor at umalis.   Sinundan lang ng tingin ni Jel ang dalawa.    "Sabi na! May kakaiba kay Sameul mula ng araw na 'yon, nako boss. Sakit sa ulo 'to," sabi ni Jel sa kanyang sarili at napailing pa sa kanyang naiisip na mangyayari.   Samantala, bago pa man umangkas si LA kay Samuel ay natanaw na ito ni Rene boy, nakasalukuyang naglalakad papuntang parking lot kasama si Jeff.   "Boss! Boss! Tignan mo! Boss!" nagmamadaling sabi ni Rene boy.   "Ano! Bakit sandali nga lang nawawa---." Pagtunghay ni Jeff ay sakto namang sinusuotan ni Samuel ang dalaga ng helmet. "Si Lorhain ba 'yon?" tanong ni Jeff.   Pati si Rene boy ay napahinto ng makita ang ginawa ni Samuel. "At si Samuel?" nagtatakang sabi ni Rene boy.   Balak lang ituro ni Rene boy si LA kaya n'ya ito tinatawag. Hindi nito akalaing ganito ang kanilang matutunghayan.   "Paanong?" sabi ni Rene boy.   Ngumisi na lang si Jeff at pinagpatuloy na lang nito ang paghahanap ng susi sa kanyang suot na bag. "Maganda kasi 'yang anak ko, kaya panigurado si Darren ang nawalan hindi ang anak ko. Madaming susubok na mangligaw kay LA, lalo na mas gumaganda s'ya ngayon," sambit ni Jeff. "Ay nako!" May bigla itong naalala. "Nasa lamesa ko 'yung susi ko," sabi nito. "Boss, babalikan ko lang sa loob, nasaan 'yung susi ng x-ray room?" tanong ni Jeff.   Nakatingin pa rin si Rene boy kaya Samuel habang kinakabitan nito ng helmet si LA. Nauliligan nito ang tanong ng kasama. "Ha?" tanong ni Rene boy saka pa lang ito tumingin kay Jeff.   "'Yung susi kako ng kwarto natin nasaan?" ulit na tanong ni Jeff.    "Ay, naka-surrender na sa guard," sagot ni Rene boy.   "Sige, babalikan ko lang," sabi ni Jeff at bumalik sa loob.   Sinundan lang ng ingin ni Rene boy si Jeff. "Nako boss, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang hina mo kasi, ginto na magiging bato pa ata," sabi ni Rene boy sa kanyang isipan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD