"Hihintayin na lang kitang makasakay ng jeep. Okay lang ba ?" sabi ni Samuel. "Sabi ko naman sa 'yo, pwede kitang ihatid hanggang sa bahay n'yo. Ayaw mo naman."
"Oo, masyado na nga kitang naabala, pagkatapos ihahatid mo pa ako hanggang bahay. Napalayo ka pa tuloy sa sakayan pauwi sa inyo," sabi ni LA.
"Asus, wala 'yon, ang babae kasi dapat palaging hinahatid. Dapat nga hanggang bahay 'tong paghatid ko sa 'yo, para alam kong safe kang makakauwi," sabi ni Samuel.
"Ay nako huwag na, mapapalayo ka pa nga, ikaw talaga makulit. At saka gusto ko rin mapag-isa pauwi. Alam mo na, self time. Baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko," sabi ni LA. "Kaylangan ko ng masanay na maging strong independent woman," biro nito.
Ginulo ni Samuel ang buhok ni LA na parang bata. "Basta mag-iingat ka lang. Pagabi na rin kasi, inaalala lang kita." Sabay ngiti sa dalaga. "Alam mi hindi naman kasi ganoon ka daling mag-move-on lalo na limang taon kayo," ani ni Samuel. "Alam kong malalagpasan mo rin 'yan, hindi kaagad pero soon. At pagnagawa mo na 'yon mas maraming opportunities pa ang darating sa 'yo. Darating 'yung taong mamahalin ka at mas hihigitan pa ang pagmamahal n'ya sa 'yo."
Ngumiti si LA dahil sa mga sinabi ni Samuel sa kanya. Nakaramdam ang dalaga ng halaga at pag-asang baka isang araw ay mangyari ang mga sinasabi ni Samuel.
"Ayan, mas bagay sa 'yo ang nakangiti. At masaya ako dahil kahit papaano napapangiti kita," papuri ng binata kay LA.
"Ganoon ba? Salamat, hayaan mo next time makakabawi rin ako sa 'yo. Kahit sa paanong paraan, promise," sagot ni LA.
"Alam mo, makita lang kitang nakangiti at masaya, nakabawi ka na sa akin. Hindi mo na kaylangan gumawa ng kahit ano. 'Yon lang sapat na," sabi naman ni Samuel.
"Sige, sabi mo. Kapag kaya ko na ulit tumawa ng malakas at ngumiti ng walang kapaguran, ipapalita ko sa 'yo 'yon palagi. Sangayon maliit na ngiti muna," biro ni LA. "O paano bye-bye na." May huminto na kasing jeep sa tapat ng dalawa.
"Mag-iinagt ka ha! Bye-bye!" paalam ni Samuel.
"Ikaw din, ingat" paalam naman ni LA. At nag-iwan ito ng matamis na ngiti sa binata.
"Ganyan LA, ayaw ko na sanang makita ulit na malungkot o umiiyak," sabi ni Samuel habang sinusundan ng tingin
Nang nakasakay na sa jeep si LA, nakaramdam bigla ng pagkabagabag ang dalaga. Bigla-biglang may tumutusok sa kanyang dibdib at parang may mali sa kanyang ginawa. Napalitan ang kaunting saya na kanyang nararamdaman ng pagdadalawang isip sa mga nangyari.
"Ba--bakit ganito? Bakit parang na-guilty ako sa ginagawa ko? Wala naman kaming ginawa ni Samuel na masama para makaramdam ako ng ganito? Masama bang lumabas bilang magkaibigan? Cheating ba 'to?" sabi ni LA sa kanyang sarili.
Habang umaandar ang jeep, mas naiisip ni LA ang mga nangyari sa kanya sa maghapon. Bigla na lang sumagi aa kanyang isipan ang mga bagay na ginawa ni Samuel na kaylanman ay hindi ginawa ni Darren sa kanya ng sila ay magkasintahan na. At mga pagbabalewala sa kanyang nararamdaman.
"Ganoon ba ako kamartir dati? Para matiis lahat ng ginagawa sa akin ni Darren? O nasasabi ko lang 'to dahil hiwalay na kaming dalawa? Dati naman hindi ko nakikita ang mga ganitong bagay, lumilipas lang ang lahat, parang normal lang. Pero bakit ngayon parang dapat maging big deal sa akin?" hinuha ni LA habang s'ya ay nakamasid sa kalsada.
Nakarating na ang dalaga sa kanilang bahay, nakita nitong bukas na ang ilaw sa sala na tanaw mula sa kanilang gate. Sinyales na dumating na ang kanyang mga magulang mula sa kanilang maiksing bakasyon. Agad itong pumasok.
"Pa! Ma!" bati ng dalaga sa kanyang mga magulang.
"O, may liwanag pa? Ang aga mo namang umuwi?" tanong ng papa ni LA.
Luminga-linga naman ang mama ni LA. "Oo nga anak himala maaga ka atang umuwi galing sa pamamasyal, at saka hindi ka ba hinatid ni Darren?" pagpuna naman ng kanyang mama.
Hindi inaasahan ni LA na itatanong sa kanya ito ng kanyang mama, hindi nito alam kung paano sasabihin na wala na sila ni Darren. Hindi ito makaimik at namuo na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.
Napapansin ni LA na tuwing tatanungin sa kanya ang kahit ano tungkol kay Darren ay agad na tumutulo ang kanyang mga luha. Para bang laging nakaabang ang mga ito sa tuwing babanggitin ang pangalan ni Darren.
Nagulat ang papa at mama ni LA sa naging reaksyon ng kanilang anak. "Anak?" Dali-daling lumapit ang mama ni LA sa dalaga. "Anong nangyari?" tanong nito at lubos iton nag-aalala.
"Ma, ka---si po," gusto nitong pigilan ang kanyang mga luha ngunit sadyang walang makaawat sa mga ito. "Wa--- wala na po kami," umiiyak na sabi ng dalaga.
Hindi nakapagsalita ang mama ni LA. Niyapos nito kaagad ang kanyang anak, kaya naman humagulhol na si LA ng tuluyan.
"Ma---ma bakit po ganoon, i---niwan na n'ya ako," umiiyak nitong sabi.
"Shhhh, baka naman may dahilan s'ya o may hindi kayo napagkasunduan? Pwede ba naming malaman kung bakit kayo nagkahiwalay? Baka pwede pa ninyong maayos," mahinahong sabi ng papa ni LA sa kanyang anak.
"Hi---hindi ko po alam Pa, bigla na lang s'ya humingi ng cool-off ng hindi sinasabi kung bakit. Tapos hindi ako pumayag, kasi hindi ko po makita 'yung point ng paghingi n'ya ng cool-off. Nagalit s'ya at ito, break na raw po kami, kung hindi ako papayag" paliwanag ng dalaga.
Naluha ng bahagya ang mama ni LA ngunit nanaig ang galit nito sa lalaking nanakit sa kanyang anak. "Matapos natin s'yang tangapin ng maluwag dito sa bahay, gaganyanin ka n'ya? Sinasabi ko sa 'yo LA hindi dapat iniiyakan ang mga ganyang klase ng lalaki! Aba, kung hindi mo lang mahal 'yang lalaking 'yan hindi ko talaga s'ya gusto para sa 'yo!" sermon ng mama ni LA.
"Mama, ngayon mo pa talaga pinagalitan 'to anak mo? Talaga nga naman," sabi ng papa ni LA.
"Naku papa tama naman kasi si mama, napaka angas ni kuya Darren. Naku ate hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking 'yon!" gigil na sabi ni Ariana Lorelay or for short AL. Ang nag-iisang kapatid ni LA. "Naku ate buti nauntog ka na talaga, akala ko magkakaroon na ako ng brother-in-law na hindi ko kabati," dirediretso nitong sabi sa kanyang ate.
"At ginatungan mo pa talaga ang nanay mo, nako naman mag-ina nga kayo! Kayong mag nanay kayo, minsan ang bibig matutong ipreno," saway ng papa ni LA sa dalawa.
"Pa, a---yos lang po, tama naman sila." Pinunasan ng dalaga ang kanyang mga luha pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa kanyang mama. "Hindi ko nga po alam kung bakit iyak pa rin ako ng iyak," sabi ni LA.
"Syempre anak, limang taon kayong magkasama. Hindi madaling kalimutan ang pinagsamahan n'yo," sabi ng papa ni LA. "Kaylan pa kayo nagkahiwalay?" sunod na tanong nito sa kanyang anak.
"Kahapon lang po," sagot ni LA.
"Ayos lang 'yan anak, makaka-move-on ka rin. Kung kayo talaga magkakabalikan kayo, kahit anong mangyari," payo ng papa ni LA.
Tumango lang si LA.
"Malalagpasan mo rin 'yan anak. Hindi ikaw ang nawalan, s'ya," dagdag ng mama nito.
"Anak, masyado pang sariwa ang sugat sa puso mo. Kaya alam kong masakit at mahirap ang pinagdaraanan mo. Basta tandaan mo, kung gusto mo ng kausap nandito lang kami ni mama ha. Malalagpasan mo rin 'yan anak. Hindi lang s'ya ang lalaki sa mundo," sabi ng papa ni LA.
Natapos ang gabi ni LA na malungkot dahil sa pagsisiwalat na kanyang ginawa. Masakit pa rin para sa dalaga ang mga nangyari, ngunit hindi tulad noong una, mas gumaan ang kanyang pairamdam kahit kaunti. Nandoon pa rin ang sakit ngunit mas kaya na n'yang ngumiti dahil ramdam nito ang suportang galing sa kanyang mga magulang.
Naghapunan ang pamilya ng gabing 'yon, malungkot man ngunit unti-unti ng nababawasan ang sakit na kanyang dinadala.
"Ate," panimula si AL. Nagawa pa nitong lumapit sa kanyang ate upang bumulong. "Alam mo sabi nila may tatlong paraan para maka-move-on," bulong ni AL sa kanyang ate. Nasa kusina ang dalawa at nagliligpit ng kaniilang pinagkainan.
"Huh? At saan mo naman narinig 'yan, aber?" tanong ni LA.
"Sa mga kaklase kong panay lovelife ang inaatupag," sagot ni AL.
"Sige nga paano?" sunod na tanong ng kanyang nakakatandang kapatid.
"Ganito daw 'yon ate, makinig ka, may tatlong paraan daw kung paano maka-move-on. Ang longest way daw ay hintayin mo 'yung araw na pag gumising ka, mararamdaman mo na pagod at ayaw mo na sa kanya. As is super effective raw noon, at pagdumating 'yung araw na 'yon saka palang malalaman noong lalaki 'yung worth noong babaeng iniwan n'ya," sabi ni AL habang nagsasabon ng mga plato.
"'Yon nga lang matagal at hihintayin mo. Hindi mo alam kung kaylan darating ang araw na 'yon," dagdag ni AL.
Nakatingin lang si LA at nakikinig ng mabuti.
"Tapos 'yung pangalawa namang paraan ay tinatawag na 'Self time'," sabi ni AL na may pagkumpas pang nalalaman.
"Self time? How?" tanong ni LA sa kanyang nakababatang kapatid.
"Pupunta ka ng Sagada! Mag-aala Angelica Panganiban ka. At kakanta ng 'Where Do Broken Hearts Go'. Malay mo naman, matagpuan mo rin ang JM de Guzman ng buhay mo!" sunod na sabi ni AL. "At malay mo, mahanap mo rin ang sarili mo! Mga ganoong drama ba ate. Kaso wala tayong pera, hindi tayo mayaman, kaya siguro d'yan ka na lang sa tabi-tabi o hindi kaya d'yan sa tabing ilog mangisda ka," pabirong sabi nito.
"Sira ka talaga. D'yan ka magaling, sa kalokohan." Kinutusan nito ng mahina ang kanyang kapatid.
"Si ate, totoo naman kasi! Where not rich, kaya sa tabing ilog ka na lang!" Sabay na tumawa ang magkapatid.
"Pero tignan mo ha, 'di ba hindi rin sila nagkatuluyan, kung baga naging shoulder to cry on lang nila ang isa't isa at ang ending naghiwalay sila ng landas," sagot naman ni LA.
"Pero at least after they take part ways, naging much better person sila. Nag-grow sila at naka-move-on," paliwanag ni AL.
Napa-isip si LA. "Kung sa bagay tama ka d'yan, new environment at saka baka totoo nga 'yung sinasabi nilang kaylangan ko munang hanapin ang sarili ko," pagsangayon ni LA. "Pero sabi mo nga, hindi tayo mayaman, kaya negative tayo d'yan. Iba na lang, 'yung much cheaper." At nagtawanan muli ang magkapatid.
"At saka ate, hindi ka naman nawawala, nauntog ka lang, ang kaylangan mo doctor para matignan 'yang bukol mo!" biro ni AL.
"Sira ka talaga. E, ano 'yung huling way para maka-move-on?" tanong ni LA.
"Itong paraan na 'tong ang pinakamabilis at pinakamadali," panimula ni AL.
Mas naging interisado si LA sa huling paraan.
"Ito ang tinatawag na 'rebound'," sabi ni AL.
"Rebound? Parang hindi ko gusto 'yang paraan na 'yan," sabi ni LA.
"Nag-suggest lang ako. Wala akong sinasabing gawin mo, pero sabi kasi nila, kung makakahanap ka raw ng taong mapagtutuunan ng pansin at atensyon, mas mabilis ka raw makaka-move-on!" pagmamalaki ni AL. "Ito raw ang pinakamabisang paraan para makakawala ka sa sakit na nararamdaman mo! Effective s'ya kaso." Napansin ni AL ang pagiging interisado ng kanyang kapatid. "Ito rin 'yung paraang makakasakit ka ng ibang tao. At worst, ikaw ang igigisa sa sarili mong mantika," paliwanag ni AL.
Ngumisi si LA, mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ng kanyang kapatid. "Oo, alam ko naman 'yang mga sinasabi mo. Nagtataka nga ako sa sarili ko bakit hindi ko maisip 'yang mga sinasabi mo. Sa edad kong 'to sa palagay mo, hindi ko pa alam 'yang mga ganyan," sabi ni LA.
"Kaya nga ate nagtataka ako sa 'yo, sa lahat ng taong kilala ko ikaw ate ang pinakamagaling magpayo. Pero ngayong ikaw na 'yung nasa sitwasyon, bakit hindi mo matulungan ang sarili mo?" tanong ni AL.
Bumuntong hininga na lang si LA. "Kaya nga, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nahihirapan ako." Muli na namang naluha si LA. "Nakakainis lang kasi bunso, ang sakit sakit? Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kung saan ako magsisimula, alam mo namang ang tagal din namin." Hindi na nito napigilang umiyak. "Para kasing may mali, para bang clueless ako bakit ganito nangyari sa amin. Out of no where bigla n'yang sinabing, 'Napapagod na ako, pwede bang cool-off muna?' Ano 'yon? Ganoon ganoon na lang?" hinaing ni LA.
"Pasensya kana ate, sa sitwasyon mong 'yan, hindi kita matutulungan. Kung pwede nga lang hatian kita para hindi ganoon ka sakit 'yang dinadala mo. Kaso hindi naman pwede, kaya ate sa ganitong paraan na lang kita susuportahan," paghingi ng pasensya ng bunsong kapatid ni LA.
"Okay lang 'yon, ano ka ba. Sana 'wag ka lang magsawang makinig sa mga kwento ko. Alam mo namang sa 'yo ko lang nakwekwento lahat," sabi nito sa kanyang kapatid.
"Oo naman ate, never akong magsasawa. At isa pa ate alam mo namang hindi talaga ako boto sa jowa mong 'yon! Una palang hindi ko na trip," siwalat ni AL.
Patapos na ang dalawa sa pahuhugas.
"Alam ko, kaya nga minsan ako na lang ang nag-adjust para hindi kayo magkainisan. Hindi rin kasi s'ya palagay sa 'yo, ramdam mo naman siguro 'yon," sabi ni LA.
"Ay ate the feeling is mutual! Nako ate, ikaw lang ang inaalala ko noon. Pero ngayon ay nako, walang wala na s'yang pwesto rito sa bahay! Ni anino n'ya bawal na dito sa bahay," gigil na sabi ni AL.
"Grabe ka naman bunso, ang harsh mo talaga," kantyaw ni LA.
"Ay ate sa totoo lang, kasi tignan mo ha, sa tagal n'yo ilang beses ka pa lang n'yang dinala sa bahay nila? Ikaw ate ang makakapagsabi hindi ba? Ilang beses kang umiyak kasi pakiramdam mo kinahihiya ka ni kuya Darren. At isa pa, si kuya Darren open dito sa 'tin, pero ikaw? Ano? Wala nganga?" sermon ni AL sa kanyang ate.
Kasabay ng pag-uusap nila ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pag-uurong. Medyo natatauhan na rin si LA, ngunit umaasa pa rin ang dalaga na magkakabalikan pa rin silang dalawa ni Darren.
Biglang may naisip si AL bago sila pumanik at pumunta sa kanikanilang mga kwarto.
"Ate!" sigaw ni AL.
"Oh! Bakit?" tanong ni LA.
"May nakalimutan ako," sabi nito sa kanyang kapatid. "'Yung first step para maka-move-on!"
"Ano?" tanong ni LA.
"Isipin mo 'yung mga bagay na pangit sa kanya. 'Yung mga ayaw mo sa kanya, 'yung kinaiinisan mo sa kanya," sagot ni AL.
"Ha? Ah, sige," 'yon na lang ang nasibi ni LA sa kanyang kapatid. "Sige na! Pumasok ka na sa kwarto mo, may pasok ka pa bukas!"
"Opo ate, good night ate!" sabi ni AL sa kanyang ate LA.
"Good night!" Sabay pasok nito sa kanikanilang kwarto.
Agad na nagtungo si LA sa kanyang kama. Natanaw nito ang kanyang cellphone.
"Ano? Aasa kang i-text ka n'ya? O kaya kakamustahin? Baka nga naka-block ka na sa f*******: n'ya. 'Wag kangang hibang!" sermon ni LA sa kanyang sarili.
Ngunit habang sinasabi n'ya ang mga katagang ito sa kanyang sarili ay papalapit ang dalaga sa kanyang cellphone at tinitignan kung may bago s'yang na-recieve na text o call galing kay Darren.
"Sabi na sa 'yo wala! Ano iiyak ka na naman?" muli nitong sambit habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Ibinaba na nito ang kanyang cellphone at nahiga na sa kanyang kama.
Tumulala na lang ito sa kisame
"Patagalan tayo, kung sino ang unang umayaw s'yang talo!" sabi nito sa kisame. Tulala lang ang dalaga hanggang sa tumunong bigla ang kanyang cellphone.
Kumabog ang kanyang dibdib at dali-daling kinuha ang kanyang cellphone.