"Boss, salamat kanina sa pagsapo sa akin. Nakakainis, nablanko ako kanina. Mahahalata pang gusto ko lang talagang iihatd pauwi si LA," sabi ni Jeff.
"Boss, ikaw pa ba? Bumawi lang naman ako dahil sa mga nasabi ko kanina. Alam ko below the belt ang mga 'yon at wala ako sa lugar para sabihan ka ng mga ganoong bagay. Pero hindi ko pa rin babawiin 'yung mga sinabi ko, para matauhan ka," paliwanag ni Rene boy, habang tumutusok ng kwek-kwek at fishball na libre i Jeff.
"Boss, ayos ka talaga. Ikaw na, tapos na nga binabalik pa," sabi ni Jeff.
Napayuko si Jeff matapos magsalita, kahit naman nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kanina ni Rene boy ay hindi nito dinamdam ang mga nangyari. Sadyang pikon lang talaga si Jeff sa mga ganoong bagay kaya kaysa humaba pa ang kanilang pagtatalo ay umalis na lang ito at nagkulong sa control room. Kasabay nito ay pinag-isipan n'ya rin ang sermon ni Rene boy.
Nagkaayos din naman ang dalawa hindi katagalan. Unang kinibo ni Jeff si Rene boy at humingi ng paumanhin sa pagalis nito. Tatlo na nga lang sila sa kanilang department mag-aaway pa ba silang dalawa.
Sa kabilang banda alam din naman ni Jeff kung ano ang pinupunto ni Rene boy, itanggi man n'ya lahat ng isiniwalat ng kaibigan ay hindi pa rin maiaalis ang concern at special treatment n'ya sa dalaga. Sa katunayan ay alam ni Jeff laha ng 'yon, hindi lang talaga n'ya maamin kay Rene boy at isa pa ayaw n'yang mapahamak si LA. Ayaw n'yang mag-iba ang tingin ng ibang tao sa dalaga, kaya pinangangatawanan n'ya ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ni LA.
"Pero boss, pano si Me-ann? Kilala kita boss, hindi ka gayan kay Me-ann," sabi ni Rene boy. Nagsimula na naman itong konsensyhin ang kanyang kaibigan.
"Boss sa totoo lang hindi na kami okay ni Me-ann, lalo na pinaga-abroad s'ya ng mga magulang n'ya," siwalat ni Jeff. Napangisi na lang ito pagkatapos magsalita. "Ayaw ko na sanang sabihin 'to pero boss, ang biagt na rin kasi. Personal na problema na namin 'to ni Me-ann at kilala mo ako, kahit mukha akong g*g* hindi ko kayang magloko," dugtong nito.
"Mag-abroad? Teka lang, kaya ba bihira na kayong magkita? At saka bakit? Akala ko ba okay naman s'ya sa trabaho n'ya? Mataas na naman ang posisyon n'ya sa pagiging public teacher hindi ba? Kung kaylan okay na s'ya sa posisyon n'ya saka s'ya magre-resign?" sunod-sunod na tanong ni Rene boy.
"Boss! Gulat na gulat?" biro ni Jeff.
"'Yan tayo boss, seryoso ang usapan natin, babanatan mo ako ng ganyang sagot! Paano natin mapag-uusapan 'yang problema mo?" inis na sabi ni Rene boy.
"Oo na, ito na magsissiryoso na. Ayaw ko lang talaga ng mga usapang Rene boy, nahihirapan ako. Parang napaka drama ng buhay ko," malungkot na sabi ni Jeff.
"Boss, ang daming pasakalye! Blaka ka ba?" inis na sabi ni Rene boy.
Tumawa si Jeff bago magsalita. "Boss alam mo namang ayaw sa akin ng mga magulang ni Me-ann kaya siguro pinipilit s'yang mag-abroad," malungkot na sabi ni Jeff sabay kagat sa kwek-kwek.
"Boss, ang tagal n'yo ng issue n'yan, hindi pa rin kayo goods ng mga magulang n'ya? E, sa totoo lang mas malapit pa ata sa 'yo ang mga magulang ni LA kaysa sa magulang ni Me-ann," nagtatakang sabi ni Rene boy. "Baka naman boss hindi mo ine-effortan man lang ang mga magulang ni Me-ann, kaya ayaw nila sa 'yo," tanong ni Rene boy.
"Boss, kung alam mo lang, hindi ko trabaho ang pagiging electrician, nagagawa ko. Kahit dukot bulsa ko na ang mga matiryales, sige lang. Minsan pa nga nagiging hardinero pa ako. Hind pa ba effort 'yon?" maktol na sabi ni Jeff.
"Easy, nagtatanong lang ako, highblood ka kaagad," pagpapakalma ni Rene boy sa kaibigan. "Kaya nga boss hindi ko ma gets kung bakit ayaw sa 'yo ng magulang ni Me-ann. Kung sa papa at mama nga ni LA ang turing sa 'yo parang manugang, imposible namang iba ang pinapakita mo sa mga magulang ni Me-ann. At alalm kong mas higit pa ang pagpupursige mo magustuhan ka lang nila para kay Me-ann. May trabaho ka naman, may ibubuga rin naman ang sahod natin dito sa ospital. Hindi ka naman tambay at palamunin. Nakapagtapos ka ng pag-aaral, okay ka naman. Bakit? Anog meron sa 'yo bakit ayaw sa 'yo ng mga magulang ni Me-ann?" sunod-sunod nitong tanong.
"Boss, hindi kasi ako mayaman," maiksing sagot ni Jeff.
Nagulat si Rene boy sa naging sagot ni Jeff. "Ha? Mayaman? Bakit, hindi rin naman sila mayaman para magsalita sila ng ganoon? At saka hindi sila dugong bughaw para ihanap ang anak nila ng mayamang lalaki! Para pakasalan! Boss, sorry ha, pero hindi rin naman kagandahan si Me-ann para mag-inaso sila ng ganoon! Aanhin mo ang mayaman na asawa kung hindi ka naman mahal. Ano pera pera lang ang labanan?" katwiran ni Rene boy. Sunod-sunod ang pagsuubo ni Rene boy ng kwek-kwek dahil sa bugso ng damdamin.
Para kay Rene boy, hindi makatarungan ang nagiging problema nina Jeff at Me-ann. Nasa tamang edad na sila para magdisisyon para sa kanilang mga sarili. Tama bang pera ang maging basihan sa para sa taong papakasalan?
"Hindi ko rin alam boss, ito namang si Me-ann sunod-sunuran sa mga magulang n'ya. Hindi man lang ako pinagtatanggol para kahit papaano maging okay na kami. Nakakawalang gana na ang relasyon namin, palagi na lang ganito. Wala man lang atang ginagawang paraan para bumango kahit kaunti ang pangalan ko sa mga magulang n'ya. Samantalang sa bahay open at welcome s'ya. Ako pa ang nagagalit sa mga kapatid ko kapag may nasasabi silang hindi maganda kay Me-ann. Boss, 'yung mga effort ko at paghihirap ko parang hindi nila nakikita. Laging ang malan ng bulsa ko ang tinignan nila," daing ni Jeff.
Ngayon, naunawaan na ni Rene boy kung bakit ganoon na lang si Jeff sa kanyang kasintahang si Me-ann. Hindi tulad ng dati na sweet at panay ang hatid't sundo sa kanyang kasintahan. Ngayon ay mas nakatuon ito sa trabaho, at tuwing nandyan si LA saka lang ito nagkakaroon ng lakas ng loob ilabas ang kanyang galas. Subalit kahit ganoon ay mali pa rin ang ginagawa ni Jeff. Nagiging panakip butas lang si LA sa malungkot na puso ng kanyang kaibigan. Kay LA n'ya nahahanap ang arugang dapat ay si Me-ann ang nagbibigay.
"Kaya ba kay LA mo binabaling ang atensyon mo? Kasi si LA inintindi ka?" tanong ni Rene boy.
Napangisi si Jeff. "Hindi naman sa ganoon boss, si LA kasi na-appriciate n'ya lahat ng ginagawa ko. Mabilis s'yang makasundo, mabait at hindi pikon. Nag-enjoy akong kasama s'ya, nakakalimutan ko 'yung mga kulang sa akin, sa pagkatao ko. Pwede akong maging dukha sa harapan n'ya. Na hindi ako mayaman, na kahit ganito lang ako, sapat na. At tanggap n'ya kung sino ako, hindi ko kaylangan magpanggap, kung gusto kong magmura, magagawa ko, kung gusto kong tumawa ng malakas, asarin s'ya, ayos lang sa kanya. Walang nagmamando sa akin ng ganito dapat, ganyan dapat. Kampante ako tuwing kasama ko s'ya. Kahit marami kaming bagay na pinagtatalunan, sa huli nagkakaintindihan pa rin kami," paliwanag ni Jeff.
Napailing si Rene boy sa kanyang mga narinig. "Boss, ganyan din naman ang nakikita ko kay LA, kaya nga ang bilis natin 'yang makasundo. Hindi ko rin naman ipgkakailang masarap kasama si LA. One of the boys s'ya, kaya lahat nakakasundo n'ya. Kaibigan n'ya tayo, siguro iba lang talaga ang closeness n'yong dalawa kaysa sa amin. Pero boss ibang iba ka kasi kapag kayong dalawa lang. Iba 'yung mga ngiti mo, mga tawa mo lahat boss iba. Kilala mo ako, hindi ako malisyosong tao pero boss, hindi ako manhid," mariing sabi ni Rene boy.
"Paanong iba? Hindi ko maintindihan?" pagmamaang-maangan ni Jeff.
Ngumisi na lang si Rene boy. "Boss, nakaka-out of place minsan. 'Yung hello, may kasama kayong single, tapos ang sweet sweet n'yong dalawa," paliwanag nito.
"Tsss," 'yon na lang ang nasabi ni Jeff.
Hindi na mapigilan ni Rene boy ang kanyang bibig. "Boss, alalahanin mo kayo pa ni Me-ann, kahit ba may pinagdaraanan kayong problem, hindi pa kayo hiwalay. Hindi pa kayo break, may sabit ka pa. At pangangaliwa 'yang ginagawa mo. Isa pa marupok ngayon si LA. Boss, limang taon ang relasyong nasira, hindi dahil sa 'yo pero ang tagal noon at napakadaling mang-rebound sa ganoon. Hindi mo lang kasi boss napapansin pero doon papunta 'yang pagiging malapit mo kay LA. Hindi malabo 'yon. Mas malinaw pa 'yon sa 3D na ultrasound. At tandaan mo, dalawa silang masasaktan kung nagkataong kaylangan mong mamili sa kanilang dalawa," paalala ni Rene boy. "Talaga nga naman si boss." Hinawakan nito ng baba ni Jeff at ipinaling-paling. "Sa itsura mong 'yan, pinag-aagawan ka? Kaylangan mong mamili sa dalawang babae. Talaga ng naman! Daig ng mukhang clown ang pogi!" asar nito.
"E, kung ikaw kaya ang pagbayarin ko sa lahat ng pinagtututusok mo ngayon!" bulyaw nito sa kasama.
"Chill, easy boss. Nagsasabi lang kasi ako ng totoo. Ikaw pala," sabi ni Rene boy.
Huminga ng malalim si Jeff. Kahit nagagawang magbiro ni Rene boy, may patama pa rin ang bawat salita nito at ramdam ito ni Jeff. Kaya naman napagpsyahan nitong dipensahan ang kanyang sarili. "Alam ko naman lahat ng 'yon Rene boy, malinaw naman kay LA at sa akin na hanggang magkaibigan lang kami. Tiwala akong hanggang doon lang ang magiging relasyon naming dalawa, bilang magkaibigan, nothing more, nothing less. At saka kung magkataong mahulog man ako kay LA, hindi ko ituloy. Hindi ko kayang ituloy," sabi ni Jeff.
Nalunok ng buo ni Rene boy ang kwek-kwek sa kanyang bibig. Nasamid ito at dali-daling uminom ng gulaman na kanyang katabi. Napaubo pa ito matapos uminum dahil sa gulat "Boss! Bayaran mo na lang 'yung gulaman ni ate, hindi pala sa akin 'yong gulaman na ininum ko," utos ni Rene boy.
"Ay, takte! Pambihira ka naman o!" Napainling na langg si Jeff.
"Boss mamamatay ako sa 'yo ng maaga, hindi mo pa babayaran 'yung samalamig! Grabe ka naman," bulyaw nito sa kaibigan matapos matanggal ng tuluyan ang bara sa kanyang lalamunan.
"At ako pa talaga? Boss naman, hindi ko kasalanang nasamid ka! Ako pa nga ang magbabayad ng gulamang ininum mong hindi naman pala sa 'yo, tapos ikaw pa 'tong galit," sabi nito sa kanyang kaibigan.
"Boss, hindi mo kasi naririnig 'yang mga sinasabi mo!" muling bulyaw ni Rene boy dahil sa inis.
"Ang alin ba! Na pag na-inlove ako kay LA, hindi ko itutuloy? O dahil nawawalan na ako ng gana kay Me-ann? Alin sa dalawa?" ulit nito sa kaibigan.
"'Yung tungkol kay LA! Nauubos na ba ng radiation 'yang brain cells mo at ganyan ka na mag-isip!" pasigaw na sabi ni Rene boy.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa fishballan, ngunit walang pakealam ang dalawa. Tuloy lang ang kanilang pagtatalo.
Nagtaka si Jeff sa naging reaksyon ni Rene boy.
"Boss, alam mo naniniwala na ako na hindi laging nadadaan sa itsura ang lahat. Minsan talaga kahit pangit ka basta ma-appeal at may humor, idagdag mo pa na mukhang clown, nako habulin ng babae!" biglang bawi ni Rene boy.
"Aray naman boss, dahan-dahan naman sa pagsasalita! So sinasabi mo na pangit ako, at kung hindi lang ako mukhang clown walang magkakagusto sa akin? Ganoon ba? Ang sakit mo naman magsalita boss. Kaibigan ba talaga kita?" paglilinaw ni Jeff sa mga sinabi ni Rene boy.
"Tumpak! Totoo mo akong kaibigan kaya ko sinasabi sa 'yo ang katotohanan. Kung 'yung iba kukunsintihin 'yang pananaw mo sa buhay, pwes ako hindi. Magkasira na kung magkakasira pero itutuwid ko 'yang baluktot mong utak." Sabay subo muli ng kwek-kwek.
Nginuya n'ya muna ito ng mabuti bago muling sermonan ang kaibigan. "Tignan mo boss." Inakbayan pa nito siJeff. "Hindi malabong mahulog ang loob ni LA sa 'yo. Kahit na mukha kang clown at maraming bako sa mukha. Kasi tignan mo ha, wala na sila ni Darren, tapos malapit kayo sa isa't isa. Nandyan ka para i-comfort s'ya. Lalo na sa pinapakita mo sa kanyang care at atensyon, nako, sigurado mahuhulog at mahuhulog s'ya sa ginagawa mo! Marupok si LA ngayon, para s'yang manipis na basong kaunting tabig lang mababasag kaagad. Malaki ang posibilidad na rebound ang mangyayari sa inyong dalawa! Alam mo 'yan boss. Pero sa kabilang banda naman, si Me-ann na girlfriend mo, kahit hindi ganoon kagandahan pero matalino. Andya pa, girlfriend mo pa s'ya! Hindi ko nga alam kung paano mo napasagot 'yon! Kaso sabi mo nga tutol ang mga magulang n'ya sa 'yo, kaya kayo nagkakaproblema. Pero paano kung magiba ang ihip ng hangin? At umamo sa 'yo bigla ang mga magulang ni Me-ann, anong gagawin mo kay LA? Itchapwera na lang? Ganoon ganoon na lang 'yon? Pag-isipan mo ng mabuti boss, kasi kung ganyan pa nga lang ang itsura mo dalawang babae na ang nasa 'yo paano pa kaya pagnawala 'yang sumpa mo sa mukha?" pabirong sabi ni Rene boy upang hindi mainis ang kayang kaibigan. Bakas na kasi sa mukha nito ang iyamot.
Natahimik si Jeff, nakatingin lang ito sa kaibigan na panay ang nguya. May kahalong biro man ang mga binitawang kataga ni Rene boy, lahat naman ng 'yon ay may katotohanan.
"At isa pa boss, d'yan sa pinapakita mo kay LA daig mo pa jowa sa pag-alala. Tapos gaganyanin mo lang? Iiwan mo sa ere? Boss ang sakit n'on! Akala mo ba? Wala ka na ring pinagkaiba kay Darren," pahabol ni Rene boy.
"Teka nga, naguguluhan ako. Kanina sa tono ng mga sinasabi mo parang gusto mong layuan ko si LA kasi marupok s'ya ngayon, at may girlfriend ako. May Me-ann akong dapat isaalang-alang. Tapos ng sinabi kong hanggang magkaibigan lang kami at hindi ko s'ya kayang mahalin, parang pinu-push mo na si LA na lang ang piliin ko? Ano ba talaga boss?" nalilitong tanong ni Jeff.
"Boss, magulo ka rin kasi. Sinasabayan ko lang ang utak mo!" sabi ni Rene boy. "Sa totoo lang Jeff, ito seryoso na ha, ngayon pa lang iisipin mo na kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa. Si Me-ann ba na girlfriend mo o si LA na kung ituring mo girlfriend mo, kahit magkaibigan lang kayo? Boss kasi alam mo kahit sino naman ang piliin mo may masasaktan at masasaktan sa kanilang dalawa. Kung si Me-ann pa rin ang pipiliin mo, alam kong maaring masaktan si LA kung ipagpapatuloy mo 'yang pinapakita mo sa kanya. Kasi mababago ang lahat, sigurado 'yon, faul 'yon para kay Me-ann kung malalaman n'yang sobrang malapit n'yo ni LA sa isa't isa. Kasi boss, kung hindi ko kayo kilala mapagkakamalan kong nililigawan mo si LA o hindi kaya magkarelasyon kayo. Kung paano mo s'ya protektahan, alagaan lahat! Tuwing may request s'ya na to the point na alam mong inaabuso ka na n'ya minsan at nilalamangan ka, ayos lang sa 'yo," pangangatuwiran ni Rene boy.
Tumama lahat 'yon sa ego ni Jeff, hindi ito maksagot.
Pinagpatuloy ni Rene boy ang kanyang sermon. "'Yon nga lang mag-suffer ka sa matapobreng magulang ni Me-ann. Pero hindi ka nangaliwa. Walang sulutang naganap. At kung si LA naman ang pipiliin mo, masasaktan si Me-ann, kasi kayo pa may iba ka ng mahal at ikaw ang may kasalanan, nangaliwa ka. Ang masakit pa noon ay baka nabubulagan ka lang kasi lahat ng gusto mong ginagawa sa 'yo ni Me-ann ay nakikita mo kay LA. Hindi mismo si LA ang mahal mo, 'yung mga bagay na ginagawa n'ya sa 'yo, 'yon ang gusto mo hindi ang pagkatao ni LA. Ang unfair noon para kay LA boss, at nagsimula sa ang relasyon n'yo sa maling pagkakataon," payo ni Rene boy.
Lalong hindi nakapagsalita si Jeff, kahit s'ya ay nahihirapang mamili sa dalawa. O kaylangan ba n'ya talagang mamili? Kung may Me-ann na s'ya simula pa lang?
"Boss basta ang alam ko girlfriend ko si Me-ann. At matalik kong kaibigann si LA. Tapos," sabi ni Jeff.
Bumuntong hininga si Rene boy. "Wala naman akong magagawa kung 'yan ang disisyon mo. Kung 'yan ang itatatak mo sa utak mo. Basta boss sinabi ko na s'yo ang mga nakikita ko. Nasabi ko na rin sa 'yo lahat ng mga payo ko, nasa 'yo na lang kung anong susundin mo," sabi ni Rene boy.
"Alam ko boss, alam ko" sabi ni Jeff.