Paglingon ni LA sa kanyang likuran. "Sa--- Samuel?" nagtatakang sabi ni LA.
Nakatayo ito sa isang estante ng mga damit hindi kalayuan sa kinatatayuan ni LA.
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Samuel.
Kanina pa nito pinagmamasdan ang dalaga mula sa malayo. Wala dapat itong balak lumapit sa dalaga ngunit hindi nito mapigilan ang sariling lapitan si LA at purihin dahil sa bago n'yang gupit.
"Ha, ano kasi akala ko kasi si," putol nitong sabi.
"Sino? Si Darren?" dugtong ni Samuel.
Napayuko si LA, alam n'yang sa araw na ito ay dapat n'yang aliwin ang kanyang sarili. Hindi n'ya dapat isipin si Darren, kalimutan sandali ang masasakit na alala. Kung si Darren nga ay kinakaya s'yang tiis, dapat ganoon din s'ya.
Nilapitan ni Samuel si LA. "May kasama ka ba?" tanong ni Samuel.
"Wala naman, ay teka lang 'di ba sa saturday pa ang off mo?" tanong ni LA.
"Nakipagpalit kasi si Jel, may lakad daw sila ni Brenda. Kaya ito, namasyal na lang ako. At sakto nakita kita," sagot ni Samuel. "S'ya nga pala bagay din sa 'yo 'yang gupit mo. Mas gumanda ka," papuri ni Samuel.
Namula ng bahagya si LA, parang kung may anong bagay ang naglilikot sa kanyang tyan. "Talaga ba? Baka gusto mo lang magpalibre ha," biro ng dalaga.
"Ay hindi ha, mukhang ayos ka na rin kaysa kahapon," sabi ni Samuel.
Nakaramdam na naman si LA ng matinding hiya dahil sa mga nangyari sa kanila kahapon. "Pa---pasensya ka na kahapon ha, sorry talaga. Pati 'yung trabaho n'yo ni Jel naabala ko pa. Nakakahiya kasi nakita n'yo pa akong umiiyak dahil sa isang kanta. Parang ewan lang," paghingi ng paumanhin ni LA sa binata.
"Ano ka ba, wala 'yon. At saka pinagdaraanan naman talaga natin sa buhay ang ganoong eksena. Iiyak mo lang, hanggat mawala 'yang lungkot na nararamdaman mo," sabi ni Samuel.
"Ibig sabihin may iniyakan ka na ring babae? Nagka-girlfriend ka na?" sunod sunod na tanaong ni LA. Nagawa pa nitong lumapit kay Samuel upang mas mag-usisa.
"Teka lang bakit napapunta sa akin ang usapan? Hindi ba ikaw ang sawi? Hindi ako?" balik na tanong ni Samuel.
Tumawa si LA sa naging reaksyon nito. "Wala lang para malaman ko lang kung nararanasan n'yo rin ang nararanasan ko. For the past five years, hindi ko akalaing mararamdaman ko ang lahat ng 'to," malungkot na sabi ni LA.
Pinagtawanan ni Samuel si LA ng walang habas.
"Oy! Tawang tawa! Hindi ko akalaing bully ka pala! Mas bully ka pa kay Jel, ang sakit ha! Masakit!" nang gigil na sabi ni LA kay Samuel.
Hindi naman na-offend ang dalaga sa ginawa ni Samuel. Bagkus natawa na rin ito sa kanyang sarili dahil masyado na s'yang madrama.
"Ang cute mo kasing asarin!" sabi nito sa dalaga.
"Talaga! Cute ako! Ako talaga 'yung cute!" mataray na sabi ni LA.
"Hay nako LA, sige sabi mo. Hmmm, ano pala kung okay lang samahan na lang kita sa paglilibot sa mall? Kung okay lang naman," paghingi ni Samuel ng pahintulot sa dalaga.
Nagdalawang isip si LA, para bang hindi tamang samahan s'ya si Samuel sa kanyang paglilibot sa mall. Ngunit sa kabilang banda, naisip nitong wala namang masama kung kasama n'ya si Samuel. Kaibigan n'ya ito at si Samuel naman mismo ang nagtanung kung maaari s'yang sumama. Wala namang magagalit, at wala naman silang gagawing masama. Pakiramdam din ni LA ay kaylangan n'ya ng taong kakausap at dadaldalin. Natutuyuan na rin kasi s'ya ng laway sa kanyang pag-iisa.
"Pero kung ayaw mo naman, ayos lang. Mas kaylangan mo ata ngayong mapag-isa," sabi ni Samuel. Napansin kasi nitong naging alanganin si LA sa pagsagot sa kanyang alok. Naiintindihan naman ng binata kung hindi ito papayag. Isa pa nagbabakasakali lang ito kung pwede n'yang samahan si LA.
"Hindi, okay lang. Mukhang kaylangan ko rin kasi ng kausap habang nag-window shopping. Natutuyuan na rin kasi ako ng laway," pabirong sabi ni LA.
"Mukha nga, sa daldal mong 'yan? Tapos lilibutin mo ang buong mall na mag-isa. Tiyak ako mapapanisan ka nga ng laway," asar ni Samuel.
"Ay ganoon! Grabe ka sa akin. Bakit sa ospital hindi ka ganyan! Bully mo ha!" mataray na sabi ni LA.
"May mga piling tao kasi akong pinagpapakitaan ng other side ko. Kaya 'yon," paliwanag ni Samuel.
"Ang weird mo talaga, pero mukhang magkakasundo kami ng other side mo," sabi ni LA.
"Sige sabi mo! Ano na humahaba na ang usapan natin mukhang namiss mo talagang magsalita," muling asar ni Samuel. "Akin na 'tong mga 'to." Kinuha ni Samuel ang mga dress at blouse na hawak ni LA. "May titignan ka pa ba? O isusukat mo na 'tong mga 'to?" tanong ng binata.
"Ha?" nagulat si LA sa ikinilos ni Samuel kaya hindi ito nakasagot kaagad. Bahagyang nataranta si LA at hindi malaman ang isasagot.
"May titignan ka pa ba o isusukat mo na 'tong mga 'to?" ulit na tanong ni Samuel.
"Ha, ah! A--- ano. Oo ma---may titignan pa ako, doon." Tinuro nito ang isang kumpol ng mga damit. "Tapos o---kay na magsusukat na ako," sagot ni LA. Kung kanina ay nahihiya ito dahil sa nangyari sa kanila kahapon, ngayon naman ay naguguluhan na ang dalaga kung s'ya ba ay kinikilig o nahihiya sa pagtrato sa kanya ni Samuel.
"Sige," sagot ni Samuel. "Para makita na rin natin kung bagay sa 'yo 'tong mga 'to," dagdag nito.
Nailang bahagya si LA, ngayon n'ya lang kasi ulit naranasan ang ganitong pangyayari. 'Yung s'ya ang susundin, s'ya ang mamimili at higit sa lahat itrato s'yang parang babae.
Hindi lang natin madalas mapansin, pero small things means a lot. May mga kilos tayong akala natin ay balewala pero malaki ang nagiging dating sa iba. Ang simpleng pagbibitbit ng mga paperbag, pagsama sa mall ng walang reklamo. Pagbibigay ng opinyon kung bagay sa 'yo ang isang damit, ang iilang mga bagay na ito ay sobrang nakakapagpakilig sa atin. Aminin natin o hindi, bihira na lang sa panahon ngayon ang nagiging "Gentleman". Gentleman sa kilos, hindi sa salita, hindi sa text at hindi sa chat.
"Sure ka? Madami 'to, hindi ka maiinip? Pwede namang ako na lang ang magsukat. Baka may titignan ka pa or pupuntahan?" tanong ni LA bago pumasopk sa dressing room.
"Yap! Isukat mo lang ng isukat. Tapos titignan ko kung alin ang mas bagay sa 'yo. Pero sigurado ako, lahat ng 'yan babagay sa 'yo," sambit ni Samuel. "At isa pa 'di ba, sasamahan nga kita hindi ba? Kaya ang oras ko nakalaan lang sa 'yo." Kumindat pa ito sa dalaga.
"Naku, ayan ka na naman. May pa kindat kidat ka pang nalalaman!" Nagpamewang pa ito habang nagsasalita. "Sige na nga, wait lang susubukan kong bilisan ang pagpapalit para hindi ka mainip," sabi ni LA.
"No, take your time. Mahaba pa ang araw kaya i-enjoy mo lang ang pagsusukat. 'Wag mo akong intindihin," sabi ni Samuel.
"Si---sige." At pumasok na si LA sa dressing room.
"Hala, tama ba talaga 'tong ginagawa ko? Bakit parang kinikilig ako kaagad? Bakit ganito? Normal ba 'to? LA!" sabi ni LA sa kanayng sarili. Hindi kasi maitanggi ng dalaga ang kilig at tuwang kanyang nadarama, lalo na sa mga biro at papuri ni Samuel. May pagkabulero man ang dating ngunit hindi nito matatangging nadadala s'ya sa mga mabubulaklak na salita ng binata. Ngunit kasabay nito ang pagdududa sa kanyang nararamdaman na maaring nararamdaman n'ya lang ang ganitong kilig dahil kaylangan n'ya ng atensyon sa mga oras na ito.
Lumabas na si LA sa fitting room upang ipakita kay Samuel ang unag damit na kanyang sinukat.
"Bagay ba? O masyadong maiksi? Parang ang sexy atang tignan?" tanong nito kay Samuel. Suot kasi ni LA ang isang summer wear dress na above the knee at v-neck line.
"Hmmm, pwede ka namang mag-shorts para hindi ka mailang sa iksi. Bagay sa 'yo, pero i-try mo pa 'yung iba," suhestyon ni Samuel.
"Okay," masayang sabi ni LA. Para s'yang batang pinapamili ng damit pamasko.
Sa totoo lang ay unang beses n'ya ring makarinig ng compliment mula sa isang lalaki bukod kay Darren. Bonus pa dahil s'ya mismo ang namili ng damit at walang bad comment. Pakiramdam tuloy ni LA ay tumaas ang kanyang confidence sa sarili.
Sa limang taong pagiging magkasintahan nina Darren at LA, naging dominante si Darren sa kanilang pagiging magkasintahan. Ito palagi ang ang nasusunod, mula sa pananamit ni LA, sa kakainin, sa kakaining pagkain, sa lugar na pupuntahan at kung anu-ano pa. Kung minsan ay sinusubuakan ni LA na sabihin ang kanyang gusto, ngunit maraming sasabihing dahilan si Darren hanggang pag-ugatan na ito ng kanilang away. Kaya naman upang maiwasan ang kanilang pagtatalo ay s'ya na ang nagpapaubaya at sinusunod na lang ang kagustuhan ni Darren kahit minsan ay labag na ito sa kanyang kagustuhan. Hanggang isang araw, nasanay na lang ito at hindi namalayan ng dalagang si Darren na ang kumokontrol sa kanilang relasyon.
Habang nagsusukat ay nagunita ni LA ang isang pangyayari. Pangyayaring kamuntik na n'yang ikapahamak dahil sa pagsunod nito sa kagustuhan ni Darren.
"Love, nandito naman ako, anong kinakatakot mo?" tanong ni Darren kay LA.
"Hi---hindi ko--- ta---talaga kaya l--love," nanginginig na sabi ni LA.
"Tignan mo nga sila, enjoy to promise. Trust me," sabi ni Darren habang pilit na hinihila si LA na mag-zipline.
Nagtungo ang dalawa sa Tagaytay upang doon mag-celebrate ng kanilang anniversary. Noong una ay sila lang dalawa ang magkasamang aalis ngunit nagulat na lang si LA noong dumating na ang araw ng kanilang pag-alis ay nagyaya pala si Darren ng ilan n'yang mga kaibigan.
"Tignan mo sila, they're having fun! Tara na, masasabihan pa ako ng mga kaibigan kong duwag," pagpupumilit ni Darren kay LA.
Huminga ito ng malalim, pilit nitong pinapakalma ang sarili at nilalabanan ang takot. "Si--sige, pero 'wag na 'wag mo bibitawan ang kamay ko love please," hiling ni LA.
"Sure love, hinding hindi ko bibitawan," maligalig na sabi ni Darren.
Sabik na sabik na kasi itong sa pag-zipline. Kaya naman halos hatakin na n'ya ang kanyang kasintahan sa pagmamadali. Tapos na kasi ang mga kasama nilang mag-zipline at sila na lang ang natitira.
"Okay sir ma'am, hawak lang po dito. Secure naman po ang lahat---," paliwanag ng personnel ng zipline sa magkasintahan. Ngunit napansin nitong namumutla si LA, hinawakan din nito ang mga kamay ni LA upang siguraduhing nakakapit ito ng maayos. Nagulat na lang ang lalaki na sobrang lamig ng kamay ni LA. "Ma'am, sigurado po bang ayos lang kayo? Kaya n'yo po ba talaga?" tanong ng personnel.
"O---opo," nauutal nitong sabi.
Nagkaroon ng pag-aalinlangan ang personnel kung patutuluyin n'ya si LA na mag-zipline.
"Sir, mukhang hindi po okay si ma'am," sabi nito kay Darren.
"Natatakot lang 'yan, pero pagnadoon na kami. mawawala rin ang kaba n'ya," sagot ni Darren sa personnel. "Hindi ba love?" tanong naman nito kay LA.
Kahit na parang tatalon na ang puso ni LA sa kaba, at nahihilo na ito sa lula ay pinilit pa rin n'yang ngimiti kay Darren. "O---Oo naman love," sabi nito sa kanyang kasintahan. "Opo kuya," pinilit ni LA na magsalita ng normal. "Ayos lang po ako."
"Si--sige po ma'am," sagot ng personnel. Pumwesto na ang personnel at inihanda na ang dalawa. "Okay po sir ma'am, one, two, three." At pinakawalan na ng personnel ang dalawa.
Hiyaw ng hiyaw si Darren sa tuwa. Sobra nitong na-enjoy ang pag-zipline. Nakuha pa nitong mag-video at dahil dito ay hindi na n'ya nahawakan ang mga kamay ni LA. Mas pinagtuunan n'ya ng pansin ang kanyang camera at ang paligid.
Sa kabilang banda, halos mawalan na ng kulay si LA sa sobrang putla. Kahit pilit n'yang ipikit ang kanyang mga mata ay nagugunita pa rin n'ya ang taas ng kanilang kinalalagyan. Nanlalamig na ito at sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Nasa dulo na sila ng zipline ay biglang nawala na ng malay si LA. At sa kasamaang palad ay hindi ito napansin ni Darren dahil libang na libang ito.
Nang makarating na sila sa dulo ay saka palang napansin ni Darren na hinimatay na si LA. Dali-dali itong tinagnan ng medic ng makitang walang malay si LA.
"Bakit hindi mo naman sinabi na may Acrophobia ka pala!" inis na sabi ni Darren. "Gumawa pa tayo ng eksena kanina."
Nasa clinic ang dalawa matapos kumalma ni LA. Pinagpapahinga ito ng medic upang mabalik ang lakas nito. Mabuti na lang at naagapan ito at hindi na s'ya nasugod sa ospital.
Matapos kasing maibaba si LA at pinaamoy ng white flower ay nagkaroon na ito ng malay. Saka pa lang nito sinabing may takot ito sa matataas na lugar. At dahil dito ay nawalan ang dalaga ng malay.
"Kanina ko pa sinasabi sa 'yo. Sabi mo hahawakan mo ang kamay ko. Kaya pumayag ako, pero umpisa pa lang nakalimutan mo na atang kasama mo ako." Umiiyak na si LA.
"Ewan ko sa 'yo kasalanan ko pa ngayon ang lahat? D'yan ka na nga, babalikan na lang kita mamaya. Sayang ang oras, kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko," sabi nito kay LA at iniwang mag-isa sa clinic.
Bumalik sa kanyang ulirat si LA. Nakatayo pa rin ito sa harapan ng salamin at nakita na lang ang sariling lumuluha.
"Siguro, noon pa lang dapat nangyari na 'to. Sana kilala ko pa ang sarili ko," bigla nitong nasabi. "Hay, erase! Nandito ako para maglibang, hindi magdrama!"
Ilang damit pa ang sinukat ni LA at ipinakita kay Samuel, nalibang ng husto ang dalaga sa mga papuri at komento ni Samuel. Kaya naman nahirapan itong mamili ng bibilhin.
"Alin dito ang kukunin ko? Lahat sila magaganda," sabi ni LA matapos sukatin ang lahat ng damit na kanyang kinuha.
"Teka, ano ba ang favorite color mo?" tanong ni Samuel.
"Blue and black," sagot ni LA.
"E 'di ito ang kunin natin." Kuniha ni Samuel ang isang blouse na kulay galaxy blue. "Bagay naman kasi 'to lahat sa 'yo," dagdag ni Samuel.
"Sige ito na lang, para pwede ko ring isuot after duty," masayang sabi ni LA. Kukunin na dapat ni LA ang iba pang damit para ibalik sa estanteng kanyang kunuhan ng dinampot ito lahat ni Samuel.
"Ako na dito, pumunta ka ng cashier, magbayad ka na," sabi ni Samuel.
"O--okay, salamat," sabi ng dalaga.
"Dito na lang ulit tayo magkita," sabi ni Samuel.
Tumangi si LA at nagsimula ng maghanap ng cashier na malapit sa kanilang kinatatayuan.
Naghiwalay na ng daan ang dalawa, ibinalik na ni Samuel ang mga damit at nagbayad naman si LA. Ilang sandali pa at nagkita na ulit ang dalawa.
"Kanina ka pa?" sabi ni LA.
"Hindi naman, kakarating ko lang din," sagot ni Samuel.
"Mabuti naman, sorry ha pinaghintay kita," sabi ni LA.
"Para 'tong sira, okay nga lang." Biglang kinurot ni Samuel ang pisngi ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni LA hindi nito akalaing gagawin ito ni Samuel.
"Ay, ito nga pala," sabi ni samuel at may inabot na paperbag.
"Ano 'to?" tanong ni LA.
"Buksan mo," nakangiting sabi ni Samuel.
Binuksan ni LA ang paperbag. Laking gulat nitong makita ang isang dress na kulay peach. "Hala ang ganda!" tuwang tuwang sabi ng dalaga.
"Sure ako na bagay sa 'yo 'yan, kaya binili ko na kanina. Nakita ko 'yan habang nagbabalik ako ng mga damit na sinukat mo," kwento ni Samuel.
"Sa akin 'to? Talaga?" nagniningning ang mga mata ni LA.
"Yap, premyo mo 'yan kasi ngumingiti ka na ulit," sabi ni Samuel.
"Thank you!" sabi ni La na halos mayakap na n'ya si Samuel sa tuwa.