Chapter 7

2566 Words
  Ilang sandali pa at tuluyan ng umayos an itsura ni LA. Lakas loob na nagtanong si Jel. "Boss, alam kong masakit pero kung hindi mo 'yan ilalabas mas mahihirapan kang mag-move-on," sabi ni Jel.   "Hindi ko alam," panimula ni LA. "Biglaan kasi ang lahat, maayos naman kaming nag-uusap, wala naman kaming pinagtalunan. Okay naman kami tapos bigla s'yang nanghingi ng space. Nang self time, 2 weeks cool-off, halo-halo na ang nararamdaman ko after kong marinig lahat ng 'yon. Hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako kaya kami humantong sa ganito," mahinahong salaysay ni LA.   "Boss talagang two weeks cool-off? Ano kayo teenagaer? May time span? Ano 'to may deadlina?" nagtatakang tanong ni Jel. "E, bakit sabi mo hindi ka na n'ya babalikan? Kung nakikipag-cool-off s'ya?"    "Hindi kasi ako pumayag, sabi ko, kung gusto n'ya ng self time pwede naman pero two weeks? No communcation? Walang text, chat o kahit ano?" daing ni LA. "Hindi ko kaya 'yon Jel. Lalo na dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at kung anong problema namin. Hindi ako manghuhula para hulaan kung bakit bigla s'yang nagkaganyan. Hindi n'ya sa 'kin sinasabi kung anong problema namin, kahit hint wala. Ang sakit lang sa 'kin na humihingi s'ya ng space, kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko s'ya sinasakal sa lahat ng bagay. Naging maluwag at tiwala ako sa kanya mula umpisa."    Hindi sinasadyang marinig ni Samuel ang pag-uusap ng dalawa, lalo na ang mga hinaing ni LA. At bilang lalake, alam n'ya ang maaring tumatakbo sa isipan ni Darren. Ang dating kasintahan ni LA.   "LA," tawag ni Samuel sa dalaga. Napalingon ang dalawa kay Samuel. "Hindi ko alam kung pareho kami ng mind set ni Darren, pero kung ako siguro si Darren, mas pipiliin kong pag-uspan ang problema, sasabihin ko sa 'yo kung bakit ko kaylangan ng cool-off. Hindi kita i-hang ng ganyan, sa pagkakakilala ko naman sa 'yo iintindihin mo s'ya 'wag lang kayong magkahiwalay, hindi ba?" tanong ni Samuel.   Tumango si LA bilang pagsangaayon.   "Pwera na lang kung talagang gusto na n'yang makipaghiwalay at para magawa 'yon, kaylangan n'yang gumawa ng pagtatalunan n'yo," hinuha ni Samuel.   "Kung siguro napag-usapan n'yo kung ano ang problema, sigurado namang maintindihan mo kung bakit s'ya nanghihingi ng cool-off. Malaki rin ang chance na tama si Samuel, dahil mabiat ka at wala kayong issues sa isa't isa, gumawa s'ya ng ikakagalit mo para makakawala s'ya sa 'yo! Tama boss, ganoon nga siguro. Hindi kasi totoo ay cool-off, pinapahaba lang noon ang pagdurusa ng mag-partner!" sulsol ni Jel. "Either sawa na s'ya sa 'yo o may iba na s'ya," dagdag ni Jel.   "Hindi ko alam, hidni ko na rin maintinndihan," sagot ni LA at napayuko na lang ito.   Napabuntong hininga si Jel. "Alam na ba 'to sa botika?" tanong ni Jel.   Umiling lang si LA.   "Siguro dapat mong sabihin 'yan sa kanila. Lalo na kay ma'am Eliz, mas mapapayuhan ka n'ya ng maayos kaysa sa aming mga kaibigan mo. Pwede ring mali kami ni Samuel, naga-assume lang naman kami ng pwedeng mangyari," payo ni Jel.   "Oo Jel, sasabihin ko kay Kiara at kay ma'am ang nangyari bago umuwi. Akala ko kkasi kaya ko na ako lang mag-isa, hindi pala," sagot ni LA.   Napagpasyahan ni LA na bumalik ng botika, sakto namang pupuntahan na s'ya ni Kiara. Sabay n ang dalawa sa pagbalik sa botika.   "Besty naman, pinag-aalala mo ako lalo," mangiyak-ngiyak na sabi ni Kiara. "Sabi mo okay ka na, paano kung hinimatay ka kanina kakaiyak?" dagdag pa nito.   "Sorry na besty hindi ko lang talga kinaya, si ma'am ba alam na ang nangyari?" tanong ni LA.   "Oo, s'ya pa nga ang nagsabing sunduin kita sa laboratory. Pasalamat ka nagkaroon ng urgent meeting sina ma'am, kung hindi nako papagalitan ka n'ya. Ang pasaway mo kasi," sermon ni Kiara.   "Nako lagot ako kay ma'am nito. Si Samuel kasi kumanta pa, ayan tuloy hindi ko napigilang hindi umiyak," kwento ni LA.   Nakabalik ng botika si LA, sinabi rin pala ni Samuel ang nangyari kayna Kiara habang kumuha ito ng tubig. Mabuti na nga lang at mahinahon na si LA ng sinundo ito ni Kiara.   "Nagtataka kasi kami kay Samuel, nanghihingi ng cup! Akala ata ni Samuel may grocery itong botika, pati baso sa atin hinahanap. Tapos tinanong ni ma'am kung para saan 'yung baso, natataranta kasi ang loko. Ayon sabi n'ya iyak ka raw ng iyak, kaylanagan daw ng tubig. Nagalala tuloy kami ng sobra," kwento ni Kiara.   "Samuel talaga, hay pero besty okay na ako, kahit papaano. Promise totoo na 'to," sabi ni LA.   Tinignan ni Kiara ang itsura ni LA, mukhang nagsasabi naman ito ng totoo, kumpara kanina ay mas maayos at maaliwalas na mukha ni LA. "Buti naman, hindi ko na muna tatanungin kung anong nangyari, basta pag-ready ka na magkwento nandito kaming lahat para sa 'yo," sabi ni Kiara.   "Salamat besty kasi kahit nagkakaganito ako, iniintindi n'yo pa rin ako. Hindi ko kasi maintindihan si Darren bakit kaylangan n'yang humingi ng cool-off, hanggang natuloy na sa break-up dahil hindi ako pumayag sa gusto n'ya. Out of the blue bigla n'yang sasabihin 'yon? Na gusto n'ya ng space at time para sa sarili n'ya? Wala naman kaming problema, masaya naman kami, wala naman kaming pinagtatalunan. Hindi ko lang matanggap na bakit ganoon?" Muli na namang naluluha si LA. "Ang sakit kasing isipin na masasayang 'yung five years na relationship namin ng hindi ko alam kung anong naging problema?" daing nito sa kanyang kaibigan.   "Oh, ayan ka na naman, kakatahan mo lang, iiyak ka na naman!" Pinunasan ni Kiara ang luha ng kaibigan. "Besty, syempre naman kaibigan mo kami, kaya naiintindihan namin. Ayaw lang naming makikitang nagkakaganyan ka. At saka kwento mo, nasasaktan din ako para sa 'yo, kasi alam ko 'yung pinagdaanan n'yo ni Darren mula college. Kaso lang hindi ko alam kung paano kita papayuhan." Napakamot pa ito sa kanyang ulo. "Pasensya ka na, alam mo namang shoulder to cry on lang ang gnada ko. Baka kasi kapag ako ang nagpayo mas lumala pa 'yang pinagdaraanan mo," pabirong sabi ni Kiara.   Natawa bahagya si LA.   Si Kiara ang tipo ng babaeng palaban at hindi nag-iisip pagdating sa bugso ng damdamin. Kung galit s'ya, galit s'ya at hindi pinag-iisipan ang kanyang mga sasabihin. Kaya ang ending, mas nagiging malaki ang problema at nauuwi sa hindi magandang usapan.   "Ayan! Sa wakas, tumawa rin! Hay LA napaka pasaway mo rin kasi, pero sana pumayag ka sa sasabihin ni ma'am mamaya, para kahit papaano makapag isip-isip ka rin, ma-recharge," sabi ni Kiara.   "Huh? Sasabihin?" tanong ni LA.   "Ma-leave ka raw bukas!" sabi ni Kiara.   "Ha! Leave? Bakit? Cut-off bukas!" pagapila ni LA.   "Wow, inalala mo pa talaga na cut-off bukas kaysa ipahinga 'yang sarili mo? Tignan mo nga, losyang ka kaagad! At saka may bayad naman 'yang leave mo! 'Wag kang sugapa sa leave!" sabi ni Kiara.   "Besty, sayang kasi baka may paggamitan ako ng mga leave ko," paliwanag ni LA.   "Saan naman aber? Tapos na ang birthday nina tito at tita, tapos na rin ang birthday mo at ng mga kapatid mo! Birthday na lang ni Darren ang natitira, don't tell me na umaasa ka pang babalikan ka n'ya! Besty, pag-ex ex na, wala ng balikan!" litanya ni Kiara.   "Ang sakit ha, ipagkadiinan mo pa na wala na kami.. Na-ex ko na si Darren," inis na sabi ni LA.   "Besty, totoo mo akong kaibigan, kaya ko sinasabi sa 'yo 'to okay. Alam kong wala akong karapatang i-judge si Darren pero sa tingin ko, much better na nagkahiwalay na kayo. Sinasabi ko 'to sa 'yo kasi 'yon 'yung nararamdaman ko. And be sides, nagkakaroon namn na talaga kayo ng gap," sabi ni Kiara. "Alam mo 'yan besty, 'wag mo sa 'king i-denay," dagdag pa nito.   "Alam ko, hay." Bumuntong hininga si LA. "Siguro nga kaylanagn ko ring mag-leave para mapahinga ko ang sarili ko. Para makapag-isp," sabi ni LA.   "Buti naman at nakumbinsi ka na ni Kiara bago ako dumating," sabat ni Eliz sa usapan ng dalawa.   Lumingon sina LA at Kiara sa kanilang likuran at nakita ang kanilang ma'am Eliz. "Ma'am," sabay nilang sabi.      Natawa bahagya si Eliz sa naging reaksyon ng dalawa. "Kayong dalawa talaga," sabi nito. "LA, ano, okay ka na ba? Gusto ko sanang ako mismo ang sumundo sa 'yo kanina sa laboratory, kaso kaylangan na raw ako sa meeting," paghingi ng paumanhin ni Eliz.   Nahiya tuloy si LA, hindi rin kasi nito inaasahang ganoon ang magiging reaksyon n'ya ng marinig ang pagkanta ni Samuel. Nadala na s'ya ng bugso ng damdamin at nilamon ng lungkot na kanyang nadarama.   "Ma'am, sorry po, alam ko pong very unprofessional ng mga nagawa ko ngayong araw. Pinipilit ko naman pong ihiwalay ang personal problem ko sa work, kaso hindi ko na po kinaya. Nakakahiya po ma'am, sobra po akong nahihiya sa inyo." Nakayukong sabi ni LA.   Iniangat ni Eliz ang ulo ni LA. "LA, alam ko naman 'yon, pinipilit mo pa rin namang gawin ang trabaho mo kahit na hindi ka okay. Kaya gusto ko sanang magpahinga ka muna bukas," sabi ni Eliz. "Nanay n'yo ako dito sa botika, at mababait kayong mga anak kaya bakit ko ipagkakait ang isang araw para makapagpahinga ka. Hindi madali ang pinagaraanan mo. Tapos hindi pa malinaw sa atin kung bakit biglang nagkaganoon sii Darren. Pero sana pagpasok mo kahit paano mas okay ka na," sabi ni Eliz kay LA.   Narinig ni Eliz ang kwento ni LA tungkol sa kanyang problema. "Ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo, basta tandaan mo kung ayaw na n'ya 'wag mong pilitin. Kasi kung kayo talaga, kayo talaga. Pag-isipan mo muna kung kaya mo pang ilaban ang pagmamahal mo o susuko ka na kaagad. Maganda kang bata LA, 'wag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan. Normal na umiyak at masaktan kasi tao lang tayo pero bilang babae dapat mong ipakita na kaya mong tumayo muli mag-isa. Unti-unti hanggang isang araw mararamdaman mo na lang na okay ka na," payo ni Eliz.   "Ma'am salamat po sa concern, opo ma'am hindi ko po sasayangin ang leave ko bukas," pagsangaayon ni LA.   "Mabuti naman, o bukas ha. Kahit anino mo ayaw kong makikita dito sa ospital. Magpahinga ka, magpaganda ka, mapagupit ka lahat ng pwede mong gawin gawin mo okay," utos ni Eliz kay LA.   "O---opo ma'am susubukan ko po," nahihiyang sagot ni LA.   "'Wag mong subukan, gawin mo," utos ni Eliz.   Kabisado ni LA ang kanyang ma'am Eliz, hindi ito papayag na hindi n'ya gawin ang kanyang mga sinabi. Ngumiti na lang ito at saka sumagaot. "Opo ma'am gagawin ko po."   Ilang sandali pa at dumating na si Bea, hinarap ito ni LA na may ngiti sa kanyang mga labi. Ibang iba kaysa kaninang umaga. Ikinwento na rin ni LA kay Bea ang break up nila ni Darren.   "Bea, sorry kung pinag-alala kita kanina," sabi nito sa kanyang kaibigan.   "Ano ka ba, kaibigan mo ako kaya syempre nag-aalala ako sa 'yo," sagot ni Bea. "Pero besty, okay ka na ba?"   "Medyo? Hind ko alam, ang sakit kasi," sabi nito.   Hindi alam ni Bea ang dapat sabihin, niyapos n'ya na lang ang kanyang kaibigan. "Basta, ipahinga mo 'yan, hindi s'ya kawalan. Nandito lang kami para sa 'yo," sabi nito.   Nag-umpiisa na namang tumulo ang mga luha ni LA dahil sa sinabi ni Bea. "Oo besty, oo." Umiiyak nitong sabi.   Nang matapos ang dramahan ng dalawa ay nagsimula ng mag-endosan ang tatlo. Naiwan pa sandali si Kiara at Eliz, pinauna na nila si LA.   "LA, bye-bye," paalam ni Bea at Kiara.   "Pwede naman ako mag-over time. Kaya ko naman," pilit ni LA.   "Ay hindi, umuwi ka. Pinapayagan kitang umuwi ngayon. 'Wag kang mag-alala sa susunod ikaw lang ang mag-ot," sabi ni Eliz.   "Ma'am ano ka---," pag-angal nito.   "Ay!" Pinanglakihan ng mga mata ni Eliz si LA. "Hindi, uuwi ka at magpapahinga," sabi nito.   Wala ng nagawa si LA kung hindi sundin ang utos ng kanyang ma'am Eliz.   Naglakad na itong mag-isa palabas ng ospital, nagmumuni-muni hanggang makarating na ito sa sakayan ng jeep.   "Lorhain!" sigaw ni Jeff hindi sakay ng kanyang motor papalapit sa dalaga.   Inaninaw ni LA si Jeff. "Bakit?" pasigaw na tanong ng dalaga.   Huminto si Jeff sa harapan ni LA. "Ha, ano kasi, pauwi ka na?" tanong nito.    "Oo, bakit?" sagot ni LA.   "Boss! Ang bilis mo naman magpatakbo!" bulway naman ni Rene boy kay Jeff na kahihinto lang sakay ng kanyang motor.    Nang makita ni Rene boy si LA ay agad nitong nakumpirma kung bakit hinarurot ni Jeff ang kanyang motor. Hindi nito pinahalata ang kanyang pagkagulat. "Hi LA," bati ni Rene boy sa dalaga.   "Hi," sagot ni LA kay Rene boy. Binaling ni Rene boy ang kanyang tingin kay Jeff.   "Ano, tara sumabay ka na sa amin. Ihahatid kita sa inyo," aya ni Jeff. Nagulat si Rene boy kay Jeff dahil sa alaok nito kay LA. Kitang kita ni Rene boy kung gaano ka seryoso si Jeff sa pag-aya sa dalaga.   "Ha? E out of the way ang bahay namin sa bahay n'yo hindi ba?" tanong ni LA.   Hindi agad nakasagot si Jeff. "Ano kasi---," hindi nito alam kung anong idadahilan kay LA.   At bilang kaibigan agad na sinalo ni Rene boy si Jeff. "Pupuntahan namin si Isabel! 'Di ba madadaanan 'yung bahay ninyo bago 'yung kayna Isabel. Kaya sumabay ka na," paliwanag ni Rene boy.   Napatingin si Jeff kay Rene boy, hind nito inaasahan ang ginawa ng kaibigan.   "Ah, si--sige, gusto ko na rin kasi talagang umuwi kaagad," sabi ni LA. "Kaso kanino ako aangkas?" tanong nito sa dalawa.   "Kay boss!" agad na sagot ni Rene boy. "Kasi para kay Sue Ramirez lang ang upuang 'to. Kaya hindi ka pwede dito," paliwanag ni Rene boy.   Natawa bahagya si LA. "Sige na nga," sabi nito. "Salamat tay," sabi ni LA kay Jeff.   "Teka lang." Pinigilan ni Jeff si LA sa pag-angkas, kinuha nito ang isa pang helmet na kanyang dala. "Oh, heto para safe," sabi ni Jeff at sinuotan ng hemet si LA.    Nagulat ang dalaga, dati naman ay hindi s'ya pinagsusuot ni Jeff ng helmet. Iniaabot n'ya lang ito kay LA at bahala na si LA magkabit nito. Subalit iba ang naganap ngayon, hinayaan na lang n'ya ito sa kanyang ginagawa.    "Ayan," sabi n Jeff ng maisout na ng maayos kay LA ang helmet. "Tara na."   Napatulala si LA sa ginawa ni Jeff, gayun din si Rene boy.    "Nak! Natutuulala ka d'yan, sakay na. Para mahatid kita kaagad," masiglang sabi ni Jeff.   "Ha!" Bumalik na sa kanyang ulirat si LA. "Ay oo, heto na," sabi ni LA sabay angkas kay Jeff.    Panay ang hunta ni Jeff kay LA habang nagmamaneho ito. Kahit hindi gaanong magkakarinigan ay wala pa ring humpay sa pagkwekwento si Jeff ng kung ano ano. Napupuna ito ni Rene boy at nagsimula na namang ngumisi dahil sa ginagawa ng kanyang kaibigan.   Ilang sandali pa at nakarating na ang tatlo sa tapat ng bahay nina LA.   "Tay, Rene boy, salamat sa paghatid. Mag-iingat kayo," sabi ni LA sa dalawa.   "Wala 'yon, basta ikaw. Sige una na kami," sabi ni Jeff.   "Bye bye," paalam naman ni Rene boy.   Hinintay ng dalawang makapasok ng bahay si LA bago nila paandarin ang kanilang mga motor.   "Boss." Tawag ni Rene boy kay Jeff. "Magpa-kwek-kwek ka naman, premyo sa pagligtas ko sa 'yo kanina," aya ni Rene boy sa kaibigan.   "Sige boss, tara," agad na sabi ni Jeff.   "'Yon! Tara na boss," sabik na sabi ni Rene boy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD