bc

My Gorgeous Fate

book_age12+
7
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
friends to lovers
drama
sweet
humorous
female lead
office/work place
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Time ticks. Time passed. Unti-unti na akong tumatanda but still I am looking for my first love.Hindi ko ba alam kung bakit sa tanda kong ito, naniniwala parin ako sa destiny na iyan. Pero malay ko, malay mo. Balang araw magkikita parin kaming dalawa. At ipag-uugnay ang dalawang puso naming sadyang pagbubukludin ng tadhana....

--Yna,28 looking for my firs love.

chap-preview
Free preview
MGF Episode 1: When He Smiled For The First Time
YNA POV's Hindi ko namamalayang halos limang minuto na pala akong nakamasid sa porselas na nasa kanang kamay ko. Porselas na binabalutan ng matatamis na ala-ala ng aking nakaraan. Ang porselas na ito na mano-manong ginawa noong kabataan ko pa. Usong-uso noong highschool pa ako ang paggawa ng porselas na gawa sa yarn sapagkat nag simulang matututo kaming gumawa nito dahil sa turo ng aming guro, na halos lahat kami ay nagpapaligsahang makagawa ng marami upang maibenta sa mga juniors,sophomores at maski sa mga freshman. Gumagawa kami ng iba't-ibang disenyo na bagay sa mga kalalakihan at maski sa kababaihan. Biglang nag-boom ang paggawa nito noong highschool. Isang rolyo ng yarn na tinirintas at iniikot -ikot ng ilang beses upang makabuo ng isang porselas na may iba't -ibang kulay. Maari pang lagyan at kortehan ng pangalan at pwede ring lagyan ng mga bulaklak na disenyo. Ang mga kabataang nagpapagawa at bumibili nito ay minsan ay ibinibigay nila sa kanilang mga CRUSH o kaya sa kanilang mga kaibigan. At isa ako sa nakatanggap nito. Isang porselas na ay kulay pula at dilaw na kinortehan ng letrang "M". Ito ang initial ng taong nagbigay nito sa akin. Biglang mapuputol ang pagmomoment ko ng biglang may isang magandang dilag ang lumapit sa akin. She's wearing a white body con dress covering with a black coat. Uupo siya ng bahagya sa working table na may habang 5 metro na pinapatungan ng limang computer at hinaharangan ng sari-sariling puwesto ang bawat employee. At sa bawat puwesto ay may kanya-kanya kaming paraan sa pagoorganize ng aming mga gamit. Indikasyon ito na may sari-sariling puwesto ang bawat employee depende sa kani-kanilang posisyon. Kung nasa mababang posisiyon ka, siyempre dapat nakapuwesto ka lamang sa lamesang ito. Bawat lamesa ay may kanya-kanyang team leader depende kung anong field ng HR department ka napunta. At ako, isa lang naman ako sa mga job posting specialist. Tatlo lang kami sa iisang table na ito. At ang aming team leader ay walang iba kung hindi ang magandang nilalang na nasa harapan ko. Si Cindy Ariola. Isa sa mga Diyosa ng HR Department na binansagang HR Goddess dahil sa kaakit-akit nitong ganda, elegante at kitang -kita sa pustura niya ang pagiging multimillionaire daughter. She's one of my best friend na inspite sa pagiging successful niya sa career at lovelife , eh tanggap na tanggap niya ako bilang kaibigan. We first both met at the companies cafeteria. Since nung time na iyon eh baguhan palamang siya at ako ay applicants pa. Sobrang mabait si Cindy. Tinulungan niya ako noong makapasok sa trabahong ito. Binigyan niya ako ng tips and at the same time, pinahiram niya ako ng mga damit niya para maging kaaya-aya akong tignan para sa final interview ko. Simula noon, nagsimula ang pagkakaibigan namin. Even noong umalis siya papuntang states, still kinokontak parin niya ako. Until naging hinog na ako sa trabaho at mula sa simpleng tranee at taga timpla ng kape, ngayon nasa HR Department na ako. Bumalik siya by that time with the help of his father, agad siyang naging Team leader. "Daydreaming ? Nakakatakot iyan kasi hindi ko alam kung anong pantasya ang nasa isip mo ngayon. Siguro yan na ang resulta pag matagal nang panahon na wala kang jowa." sabi niya sabay ngiti ko ng nakakaloloko ,"Uie ano tama ako? Ewwww nagiimagine ka noh?." " Hindi Ahh!!!!! Daydreaming tanggap ko pa pero ung pagpapantasya ng lalaki ay nakakadiri." "Malay ko ba.. Baka kasi ung topless na Lee Min-ho ang iniimagine mo eh." Natawa ako sa sinabi niya," Hindi ," sabay tawa ng mahina ,"Nakakaloka ka Madam Ariola kung iniisip mo na na ako ay nagpapantasiya kay Lee Min-ho." " Eh bakit ka tulala aber? Baka tulog kalang na dilat ang mata o kaya......", mapapatakip siya ng bibig niya na tila gulat na gulat . Magugulat naman ako sa kinikilos niya. Hahawakan niya ako sa pisngi at igagalaw ang mukha ko na tila ba may tinitignan siya sa iba't-ibang angulo ", Beshie..... baka ..... Oh my God,,, Besh habang maaga tigilan mo na ang bisyong iyan walang magandang dulot iyan besh." Napangiwi ang bibig ko nang marinig ang dramang iyon ni Cindy kaya napaatras ako ng upo at nangalumbaba ako sa aking lamesa. "Ano ka ba? Hindi ako nagdodroga noh...Mukha ba akong adik? Baka matokhang ako dahil saiyo eh." "Joke lang naman. Ikaw talaga di mabiro.Ano ba kasi iyang iniisip mo na tila na---pakalalim? Hindi ko na nga malangoy sa sobrang lalim eh. May problema ka ba besh ? Kasi kung pera, papahiramin kita." "Hindi. Nakita ko kasi ang porselas na ito sa mga old boxes ko kanina. Sinuot ko. And now, naaalala ko pa kung sino ang nagbigay nito at kung paano niya binigay ang porselas na ito. A short memories that I love to remember everyday." "Ay sus .. yan naman pala eh. Naalala ang matamis na nakaraan. Nakaraan na di mo alam kung may babalikan pa. So kinikilig ka na niyan? " "Siyempre naman noh. First time ko kayang mainlove ng ganun. First time kong kiligin sa iisang lalaki. Yung napakaperfect niya. Yung lahat nasa kanya na." " So,may plano kang hanapin pa siya?" "Hmmmmm. Hindi ko alam. Pero susubukan ko. Malay ko ba. Baka ang hinahanap ko ay nasa paligid ko lang diba? Sabi pa nga nila eh, kung kayo ang tinadhana, kahit magkalayo man kayo ng landas, pagtatagpuin parin kayo ng tadhana. Malay natin ganun kami." "Wow huh, sa panahon ngayon eh naniniwala ka parin sa tadhana. Tanda mo narin Besh. At palabas ka na sa kalendaryo oh. Kung maghihintay ka na ipaglapit kayo ng tadhana eh baka ugod-ugod kana eh di parin kayo nagkikita. Paano kung magkita man kayo pero may asawa na siya? Maniniwala ka parin ba sa tadhana? " Yes. Cindy has her point. Paano kung magkita kami pero ako ay ugod-ugod na o kaya kapwa kami ay may pamilya na. Maybe tadhana doesn't work for me. Pero napakalakas ng feeling ko na magkikita at magkikita parin kami ng taong nagpasaya sa akin ng lubusan. Taong naging bahagi ng masaya kong ala-ala. "Oh bakit natahimik ka?," tanong ni Cindy sabay naman ng malakas na pagsara ng pinto dahilan para mapalingon kaming lahat sa papasok na isang lalaking may katangkaran at kagwapuhan ngunit nahihirapan sa dalang dalawang cup ng kape. Nakatingin siya sa akin ng may ngiti. Ngunit magpapatuloy sa pagsasalita si Cindy.Pero sa pagkakataong ito, lalo pa niyang lalakasan ang kanyang boses na tila may pinaparinggan. "AKO SAIYO YNA, MAGHANAP KA NALANG NG LALAKING AALAGAAN KA AT SURE NA MAY GUSTO SAIYO! KAYSA MAGHIHINTAY KA SA TADHANANG IYAN! PUMILI KA NANG LALAKING ARAW-ARAW ..," dahang -dahang babalik sa upuan niya habang papalapit ang lalaking may dalang kape.,"...ARAW-ARAW NA NAMIMIGAY NG KAPE SA IYO. YUN ANG PILIIN MO!!" Magugulat ako ng biglang iaabot niya sa akin ang isang cup ng kape. Mapapatingala ako sa kanya at dahang-dahang sisilipin ang mga empleyadong pasimpleng titingin sa amin. " Ang oras ng trabaho ay para sa trabaho.Hindi para sa pakikipagtsismisan," sita ng lalaking iyon na walang iba kundi ang HR MANAGER lang naman namin na si Sir Luigi. Agad kaming nagsiyukuan na tila mga dagang nakakita ng pusa. Hindi ko pinansin ang kapeng iniaabot niya sa akin kaya siya nalang mismo ang nagbaba nito sa table ko sabay sabing... " Napansin kong natutulog ka nang gising kanina kaya binilhan kita ng kape." Nandilat ang mata ko sa narinig. Tila napahiya ako at di ko alam na napansin pala ni Sir Luigi ang kilos ko kanina. Napayuko ako lalo. At dahil doon. Napatawa ng mahina si Cindy. Titignan ko nalang si Sir Luigi na papalayo. After a few hours of working, nakita na naming lumabas ang aming boss Luigi at sabay sabing… “Guys, its lunch time!! Pwede na kayong magsilabasan. Team Leader Greggy, after lunch, punta tayo sa interview room, madami yatang bagong applicant at this time. And you also Team Leader Cindy and Team Leader Karen. Make sure na susuriin niyong mabuti ang mga applicants. Ayoko ng babagal-bagal at walang alam sa field na papasukan. And you …”,sabay tingin sakin. Nagulat ako tila nanlaki ang mata ko at halos lahat sila sa akin nakatingin. Dug.dug. Dug.dug. Oh my God. Ba’t ako kinakabahan? Katapusan ko na ba? “A- ako po sir?”, sabay turo ko sa sarili ko. Ano ba kasi kasalanan ko sa taong ito? Bakit ako na naman. Ilang beses na niya akong pinapatawag sa office niya at laging nasesermonan lalo na nung baguhan pa ako. I still remember noong baguhan pa ako. Without any warning from my colleagues, di ko naman alam na bawal sagutin ang telephone call sa loob ng office ni Sir Luigi. Since hindi naman daw ako ang secretary ni Boss. Muntikan ako noong masesante. Masakit at Matulis ang dila ni Sir at never mo itong nakikitang ngumiti except lang nung kanina. Bansag namin sa kanya is HR Monster. Lahat ng nagkakamali sa office na dumadaan lagi sa tenga niya ay makakatikim lagi ng malupit na salita niya. And at this time, I do not know kung ano ang kasalanan ko. Maybe yung kanina? Pero bakit naman. Ang babaw naman kasi ng dahilan. “May iba pa ba akong itinuro? “,sabay yuko ko, “ Miss Yna Galvez. Please get inside of my office. We need to talk,” at papasok na muli si Sir Luigi sa kanyang office. Samantalang ako, nakaupo, nakayuko habang nakikiramdam lang sa paligid. Isa -isang nagsisilabasan ang mga tao sa office and all of them say…. “Fighting..” “Godbless Honey.” “He won’t kill her diba?” “Kaya mo iyan girl. God be with you.” Imbis na lumakas ang loob ko, para tuloy akong lalamunin na ng lupa. Lupa lamunin mo na ako kahit… limang minuto.. ay hindi… sampung minuto…. Waaaaaaaaaaaaahhhh kahit isang oras pa …. Maiiwan ako at si Cindy na nakaupo. At sesenyas sa kanya na dapat na akong pumasok sa loob ng office ni Sir. At ako tila maluluha na. Di ko naman alam kung ano ang kasalanan ko ngayon. Tatayo si Cindy at pabulong na magsasalita,” I’ll stay outside. I’ll wait for you. Sige na.” Tatayo na rin ako. Relax lang Yna. Relax lang. All iz Well. Walang mangyayari ok. Chillax lang. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Naglakad ako ng dahan-dahan papalapit sa pintuan ng office ni Sir Luigi. Since wala nang tao sa office, halos ang tunog nalang ng heels ng aking sapatos ang aking maririnig.Halos nakakabingi ang katahimikan.I knock thrice. And I heard him says, “Get Inside,” with his baritone voice that makes me chill for a while. Yung chill na hindi dahil sa naa-amaze ako, kung hindi dahil parang tinatawag na ako ni kamatayan. Pumasok ako ngunit hindi agad umupo. I wait, hanggang sumenyas siya para paupuin ako. Nakayuko lang ako. Ayokong makipag-eye to eye contact sa kanya. Para kasing nakikita ko na ang katapusan ko sa kanya.Halos ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Kaya lalong lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Para bang naghihintay ako sa susunod na kabanata. “Miss Galvez, I heard from the editing department that you have already submitted one of your entry for the Filipino Novel Competition. Tama ba ang nasagap kong balita?”, tanong niya. While I can’t stop my feet shaking, tumango parin ako. My God! Paano ba niya nalaman na nagsubmit ako ng entry ko for the Filipino Novel Competition? Baka ma-firstblood na ako nito o kaya madouble kill. “Ok,Congratulations. “sabay abot ng kamay upang makipagkamay. Nagtaka ako kung bakit siya bumabati sa akin. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Pero iba ang awra nya ngayon. Iba ang hitsura niya. Tila hindi siya ang Sir Luigi na lagi naming kaharap. Sa pagkakataong ito, siya ay nakangiti na tila may kung anong masayang bagay ang naging dahilan ng matatamis niyang ngiti. Kung maaari lamang na kuhanan siya ng larawan ngayong araw at ilagay ko sa journal, na ito ang pangalawang beses kong nakitang nakangiti si Sir sa akin, ay gagawin ko. Pero hindi maaari eh. Hindi kami close. Iniabot ko ang aking mga kamay. At nakipaghandshake siya sa akin. Napakalambot ng kamay ni Sir. Tila di nabahiran ng makakapal na balat sa kamay. Nakakainggit. Nahihiya tuloy ako sapagkat ang kamay ko ay tila bitak na lupa sa sobrang gaspang. Binitawan ko kaagad ang kanyang kamay pero bakas parin sa mukha niya ang ngiti. “Bakit niyo po ako binati? Hindi po ba kayo galit sa akin, Sir?”, tanong ko. Tila napanatag na ako ng kaunti kasi nakangiti parin siya. Tila goodmood yata si Sir. Pero nais ko paring marinig ang tugon niya. “Wala ka parin palang kaide-ideya,….look.” Sabay abot ng kanyang tablet at ipinakita sa akin ang tila isang poll na mismong nasa site nitong aming editing company. I read the poll and it was listed all the entries for the Filipino Novel contest.It was rank from the least rank and nasa last yata ang top 1. The poll was based on how many sales ng book ang nakuha ng bawat entries. Sa likod kasi ng mga novel books entries na mabibili sa mga bookstore ay may bar code on which yun ang gagamitin para malaman kung ilang books na ang nabebenta within a week. I think , more than 100 aspiring writers submitted their entries and I am one of them. Nakita ko na ang nasa top 10. And I scrolled it again and again pero nas top 3 na, hindi ko parin nakikita ang pangalan ko. And now, top 2. Iba paring kuwento ang nakalagay. Ginu-goodtime lang ba ako ni Sir? Napalaking imposible kasi na ako ang nasa top 1. And I scrolled it again… And top 1 goes to……. ,Red Love Ribbon….. Ano? Red Love Ribbon? Oh my….hindi ito maaari …pero pa-pa-paano? Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ko. Iniulit-ulit kong basahin ang pangalan ko kasi di parin ako makapaniwala. Ako ba talaga ito? Ayiiiiieeeeeeehhhhhhh.. I did it! I did it! I did it Hooray!!!! Ngayon lang yata ako muling kinilig at excited na excited na ako sa susunod na journey ko. Hindi ko alam kung paano ko isisigaw ang sayang nararamdaman ko. Ang saya-saya ko!!!! Yun bang ang sarap kurutin ng pisngi ni Sir Luigi sa panggigil pero hindi ko magawa. Yung ang sarap tumalon ng ilang beses o kaya sumigaw ng malakas dahil sa sayang nararamdaman ko.Halos di ko alam kung ano ang irereact ko gayong kaharap ko si Sir. Bagkus ang resulta ng aking kasiyahan ay ang pagtulo ng aking luha. In other word, tears of joy. Sa wakas, nangyari narin ang pinakapinapangarap ko . Ang manalo sa isang patimpalak at makilala bilang isang sikat na manunulat. Nagulat ako ng biglang iniabot ng aking boss ang isang panyo. Hindi ko namalayang kaharap ko na pala siya. Tinitigan ko siya ng mabuti habang naghahabulan na ang aking mga luha sa pagpatak. Hindi ko na napansin ang panyo na kanyang iniabot pero dahil sa saya ko, di ko napigilang yakapin siya. Di ko alam kung ano ang reaksyon niya sa mapangahas kong pagyakap. Pero di ko napigilan ang sarili dahil sa kasiyahan. LUIGI POV’s I saw Yna like having her daydreaming. I felt guilty tuloy whenever napapagalitan ko siya sa mga minsan maliit na pagkakamali lamang. I feel irritable kasi last few weeks. Maybe because of my family conflict. Hindi ko maiwasang madala sa trabaho ang g**o ng buhay ko. And everytime na may nangyayaring ganito, I do not know bakit si Yna lagi ang nakikita ko. Kung bakit sya lagi ang naro-wrongtiming ko. That is why I want to take all her trust and confident back on me. While I was walking through the street, I saw my long lost friend during highschool days. He was tall , syempre he was handsome as me. And his name was Joshua. Kami yung magbabarkada noon. Yung lagin tumatambay sa likod ng school para manguha ng bunga sa kamanggahan ng janitor ng school. Tapos tumatambay naman pag-uwian sa puno ng balete para manakot. Because of Joshua, my high school year became more lively than ever. We are now in a coffee shop near sa building ng company. Syempre we order a milktea just to fight the heatwaves. “Long time, no see Joshua. Ang tagal ko naring walang balita saiyo huh. Since nagcollege na tayo and you went in Japan for your modelling career eh hindi kana nagparamdam,” sabi ko na may ngiti. “Pasensiya na bro. Im too busy and even having a social media account ay di ko na nagagawa. My manager done all my official pages and he manages them all. Halos wala na nga akong time sa lovelife. Oh ikaw, kamusta kana? Have you seen your beautiful crush sa Fourth Year Rose?” “Wow huh naaalala mo parin pala yun? Too long to remember. But, unfortunately, hindi ko alam kung nasaan siya. I don’t even know her name kaya. So paano ko siya mahahanap. Hindi naman ako stalker para alamin lahat ng tungkol sa kanya. Hindi natin alam eh baka ngayon married na sya doon sa multimillionaire at bokalistang kaklase niya.” “Sino? Si Miguel Torres? I think hindi. Miguel Torres now having a beautiful sweetheart and I think they were already engaged. And the girl is a multimillionaire also. And that girl is not the girl you always thinking. But alam mo bro, nagtanong-tanong ako noon kung ano ang name ng crush mo sa 4th year-Rose. At alam mo kung ano ang nalaman ko?” Biglang nagningning ang mata ko pero di ko pinapahalata. I like her and I admit it. I want to know her name since that girl, my high school crush almost touched my heart. Kilala akong pasaway noong highschool at lagi akong out-seaters dahil lagi akong pinapalabas sa klase at kung hindi man, lagi akong napapatawag sa guidance office dahil sa pagkakacutting classes. But she change me a lot. One day…. THROWBACK DURING HIGH SCHOOL DAYS.. Again, magkakacutting classes sana ako but nahuli ako ng school guard. I jumped on high fences but unfortunately, nasugatan ako ng sangang nakausli pero I ran as fast as I could para lang di maabutan ng school guard. But I accidentally bumped to someone. Napatumba ako at ganun din siya. Hindi ko na siya tinulungang tumayo at umalis nalang ako. At napahinto nalang ako sa isang abandoned hallway ng school ng napansin kong di na pala ako sinusundan ng guard. Umupo ako sa maruming sahig habang iniinda ko ang sakit ng tuhod kong nasugatan. Kinuha ko agad ang face towel ko na nasa bag at agad kong tinakpan ang sugat sapagkat ito ay dumudugo. Suddenly, I heard a footstep. Pero hindi ito isang yapak ng isang malaking tao. Tila yapak ng isang babae. Maya-maya I saw a silhouette of a girl with a long hair and wearing her school uniform. Tila may dala din ito. Pero di ko alam kung ano. Hindi ko maaninag ang mukha since nasisilawan siya ng liwanag ng araw mula sa labasan. And now, kaharap ko na siya. I didn’t realize na she was the girl that I bumped before. Tila tumigil ang oras ko nang nakita ko siya. Ang ganda niya. Sobrang ganda. Para siyang anghel na bumaba para tulungan ako. I saw her carrying a first aid kit. Umupo siya sa harapan ko habang ako ay tameme sa ganda niya. “Ayos kalang ba?” And now her voice is like an angel. Napakalambing. Napakatamis. Napatango ako bilang tugon but she continues talking,” Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ka hinahanap ni Manong guard kanina. And now look at you, may sugat ka sa tuhod and it is bleeding.” He grabbed my knees at inumpisahan niya itong gamutin. While ako ay stil amaze na amaze sa ganda niya. At nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. “Siguro nagcutting classes ka. Naku! Wag na wag mong ulitin iyan. Siguro Senior karin eh. Feel ko lang. Pero kung ganun. Sana wag ka nang magbulakbol para naman sabay-sabay tayong makagraduate ng high school. Ayan.. tapos ko nang gamutin ang sugat mo. Ay oo nga pala! Third Period na! Kailangan ko nang umalis…” at bigla siyang tumakbo papalayo. Iniwan niya ako. I wanted to ask her name since di naman niya ito sinabi. But walang salitang lumalabas sa bibig ko. Instead I only raise my hand trying to grabbed her pero di ko nagawa iyon. Simula noon, hindi na ako nagcutting classes and I pursue myself to study. Nagpakabait ako. I tried to be good para naman makilala din ako. At least pwede yung paraan para mapalapit sa kanya. Lagi nalang akong tumatambay sa basketball court since nandun din siya pagbreaktime, supporting that multimillionaire guy, Miguel Torres. Minsan kasing naglalaro ito ng basketball. Minsan naman, nasa cafeteria ito at minsan nasa school garden siya. But I still do not know her name. Even sa graduation, since di ako nakapagmartsa dahil sa family conflict. Kaya di ko manlang nalaman ang pangalan niya. And now, I have this opportunity para malaman agad ang pangalan niya. “And ano naman ang pangalan niya?”, parang kumakabog ang dibdib ko sa excitement. I really love to know everything about her. Because I am eager to find her. “She was Yna. Yna Galvez. And bro, alam mo ba kung ano ang coincident? She was working on the company kung saan ka nagtatrabaho bro. And you know, sikat siya ngayon dahil patok na patok sa mga readers ang Filipino novel Entries niya na “Red Love Ribbon”. “ Yna Galvez? As in Yna?”, di ko alam kung tama ako sa narinig ko. Pero wala nang ibang Yna Galvez ang nagtatrabaho sa company. At siya lang ang nag-iisa. Kung siya man iyon, hindi ko alam na malapit lang pala kami sa isa’t -isa. I paid our bills at nag-order din ako ng dalawang cup ng coffee para ibigay kay Yna. At this time, wala nang Miguel Torres na panggulo pa sakin. I walked back to my office holding the two cups of coffee without even notice that I keep on smiling na hindi ko naman gawain noon. I entered the door and all was looking at me. Siguro nabigla sila sa biglang pagsara ng pinto. Nahirapan tuloy akong hawakan ang dala kong kape. But I looked at her smiling. While I heard what Cindy told to her. "AKO SAIYO YNA, MAGHANAP KA NALANG NG LALAKING AALAGAAN KA AT SURE NA MAY GUSTO SAIYO! KAYSA MAGHIHINTAY KA SA TADHANANG IYAN! PUMILI KA NANG LALAKING ARAW-ARAW NA NAMIMIGAY NG KAPE SA IYO. YUN ANG PILIIN MO!!" Lalong lumaki ang ngiti sa labi ko. But I still stand as my original mood. The terror mood. " Ang oras ng trabaho ay para sa trabaho.Hindi para sa pakikipagtsismisan," sita ko sa kanila. Napansin kong napayuko siya and I felt guilty. Tila may takot na siya sa akin ngayon. Kaya ayokong yun ang mangibabaw sa kanya. Hindi niya pinansin ang kapeng iniabot ko pero inilagay ko parin ito sa lamesa niya sabay sabing…" Napansin kong natutulog ka nang gising kanina kaya binilhan kita ng kape." Sh*t bat yun ang sinabi ko. Pero ok na iyon para hindi masyadong halata ang mood ko ngayon. While I was inside my office alone, I want to find ways to get back the trust and confident ni Yna sa akin. I like her and now na malapit na kami sa isa’t -isa, saka naman malayo ang loob naming. Kaya I want to get her back to track. And I have an idea. While ago, my friend Joshua mentioned na sikat na sikat daw ang Filipino Novel Entries ni Yna sa social media. Kaya I tried to research it sa company website and I found out the result of the competition. And yeah, she really did it. Kaya biglang umilaw ang bombilya ng utak ko. I walked out in my office, and everyone was looking at me. Since lunch time na, kaya nag-announce na ako kaagad. And yes, in Luigi’s way para di halata. “Guys, its lunch time!! Pwede na kayong magsilabasan. Team Leader Greggy, after lunch, punta tayo sa interview room, madami yatang bagong applicant at this time. And you also Team Leader Cindy and Team Leader Karen. Make sure na susuriin niyong mabuti ang mga applicants. Ayoko ng babagal-bagal at walang alam sa field na papasukan. And you …” sabi ko pero guilty na guilty ako sa hitsura niya ngayon. “A- ako po sir?”, sabay turo sa sarili niya. “May iba pa ba akong itinuro? “,sabay yuko niya na tila isang bata na takot mapagalitan, “ Miss Yna Galvez. Please get inside of my office. We need to talk,” Pumasok ako sa loob ng office ko and at this time , kaharap ko na siya. I want to tell her na wag siyang matakot sa akin o mahiya sa akin. But I can’t. I am still the Luigi na boss niya. Kaya gagawa nalang ako ng ibang paraan. “Miss Galvez, I heard from the editing department that you have already submitted one of your entry for the Filipino Novel Competition. Tama ba ang nasagap kong balita?”, she nod, kaya dinugtungan ko nang, “Ok,Congratulations. “sabay abot ng aking kamay upang makipagkamay. Pero wala parin pala siyang kaide-ideya kung ano ang nangyayari. I gave her the tablet at nakita ko ang pagkadismaya niya habang nag-i-scroll siya di ko tuloy alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Pero maya -maya biglang nag-ningning ang mata niya at tila naluha pa siya nung nakita niya ang pangalan niya sa Top 1. I saw the tears drop from her eyes. I want to wipe it out pero hindi ko magawa kaya lumapit ako at iniabot ang aking panyo. At this time, tumingala siya sa akin kita ko ang luha at ngiti sa kanyang labi. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha. I thought na tatanggapin niya ang panyo sa kamay ko pero hindi eh… Instead she grabbed me at niyakap niya ako ng mahigpit…… ABANGAN…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook