Yna POV's
Hindi ko namalayan na ang oras , minuto ay sandaling tumatakbo. Hindi ko namalayan, na ako ay nakayakap sa isang lalaking halos takot kaming matapakan, o kahit mahawakan lang ang kamay. Pero ako, napakapangahas kong niyakap si Sir Luigi ngunit saka ko lang napagtanto. Napanganga ako at natulala. Tila di ko alam ang susunod kong gagawin dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. Pakiramdam ko, mapapagalitan ako pagkatapos nito. Agad akong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya at nakita kong tila napanganga at natulala din si Sir sa kinilos ko. Napaupo siya sa isang wooden table na nasa likod niya at dali-dali akong umalis. Napayuko ako sa hiya sapagkat hindi ko halos tinanggap ang nagawa ko. Kaya agad akong lumabas at hindi ko na hinintay na bumalik sa ulirat si Sir.
Paglabas ko, kita kong nakasandal sa pader ng hallway si Cindy. I walked at her slowly and she looked at me with a worry eyes,
"Are you ok?", she asked me. But I reply with a short nod. Pero ang totoo, natatakot ako at kinakabahan since I know na sandali nalang ay lalabas na si Sir Luigi at baka madeads ako...," pero parang hindi ka ok.Ano ang nangyari ? Pinagalitan ka ba? Ano?"
"Mamaya na natin pag-uusapan", I said with a worry tone of voice . Jusko baka abutan tayo.
" And why?????!", instead of answering her question, I grabbed her arms at tumakbo ako ng mabilis , " Teka!!! Bakit ba tayo tumatakbo!!! Hey! Yna! bawal magtakbuhan sa hallway!!", but I didn't listened. While running, nabunggo ko pa ang isang grupo ng mga ka-opisina namin na tila pabalik na sa office. Ang nabangga ko pa ay ang matabang binabae ng grupo na si Kenry.
"Hey! Bakit ba kayo nagtatakbuhan sa hallway!!!", pataray na sabi ni Kenry habang taas kilay pa ito.
"Sorry, Sorry..", sabi ko habang may payuko -yuko pa akong ginawa. He grabbed my shoulder at hinawi ang nakalugay kong buhok . When he saw my face, biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Kenry is mataray since he was born that way. Isang edukadong nilalang at talagang kahanga -hangang tao. Pero , kahit ganyan iyan, still Kenry have a good heart.
" Yna, ikaw pala. Are you ok? Bakit ka ba kasi tumatakbo sa hallway?"
" Im just rushing something Sir."
" Better not to do it next time. At baka mabinggo tayo sa Admin Office.. But are you sure you are ok? maybe we can talk it later. ", I smiled after hearing those words. He still worrying parin kahit hindi kami magkateam sa HR. Maybe he asked it since kagagaling ko lang sa terror office ni Sir Luigi. Ramdam kasi niya ang feelings pag nakakapasok sa terror office na iyon. Kenry was also one of the staff in the lowest position before. Katulad ko, nakakatanggap din siya ng maaanghang na salita mula kay Sir. Even sabihin niyang he was older than Luigi, but still , hindi siya tinuturing nitong matanda. On which minsan ay may punto naman ito sapagkat trabaho ay trabaho lang. But those terror effects ni Luigi make him grow matured and make him successful.
"I appreciate Sir but Im sorry I am in a hurry."
Nag bow lang ako at saka hinila muli si Cindy at napatakbo since ang elevator ay di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Ipressed the 3rd floor button on which nandoon ang cafeteria. Nasa 12 floor kami kaya makakagawa pa kami ng mahaba-habang usapan.
"Ano ba!! bakit ba kailangan pa nating tumakbo!! ",tila iritang irita na tugon na tanong ni Cindy. Paano naman kasi , di ko alam na naka-pointed heels pala siya at ang make -up niya ay unti-unting kumakalat dahil sa pagpapawis niya sa building na may 20 degrees na lamig ng aircon.
I looked at her pero wala parin akong imik sa kanya. I waited til magbukas ang elevator and good to see na walang tao sa loob. We walked inside at nang nagsara ang elevator, tila nakahinga ako ng maluwag, sa wakas , di ako mag-aalalang sundan ako ni Sir.
"Im sorry Cindy, nagmamadali lang talaga ako kanina. I can't explain kasi baka maabutan tayo ni Sir eh. "
" Eh bakit ka nag mamadali? Ano ba ang nangyari ?", tanong ni Cindy na parang naiimagine ko sa mukha niya ang napakalaking question mark.
"Kasi nga.. iniiwasan ko nga Sir,eh ..."
" Bakit nga...."
" Kasi nga...."
"Oh My God.... baka....", then she looked at me with a shocking face, nakatakip pa sa bibig niya ang mahahaba at payat nitong kamay na ang mga daliri ay nakukulayan pa ng pulang nail polish ," Did you ... kiss him?"
Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sa akin . At napatingin ako sa kanya na tila gulat na gulat.Hindi ko aakalaing iyon ang iniisip ni Cindy. Siyempre its a big no. no. no.
"Hindi -hindi noh!!! Bakit ko naman iyon gagawin!!"
" Eh kung hindi...... oH my God!! baka makulong ka sa ginawa mo!!! Baka bukas eh most wanted kana Beshy..."
"Ano ba!!! Hindi ako Killer noh!!" Halos napatawa ako sa kakaibang konklusyon din ni Cindy, ginawa pa akong murderer , " I accidentally ...or maybe accidentally hugged him...."
"What!!!!!!! YOu hugged him!! and maybe?!!! TEka... teka....bakit my maybe? And hindi mo ba iniisip na baka bukas eh sisanti kana ??"
" Eh kasi eh.... ", hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagkukuwento habang ako ay nagpapaikot-ikot sa elevator , " he is in a mood naman. He called me and tried to tell me na nanalo ako sa Filipino Novel Contest. With my excitement, I accidentally grabbed and hugged him...Pero promise hindi ko talaga intensyon yun.... siguro dahil sa excitement lang iyon...."
"Ahhhhhh. acidentally pala huh........", sabi niya na may nakakalokong tingin. Pinagcross pa niya ang arms niya habang nakatingin sa akin ," don't explain that to me... but explain it all to him.. because tomorrow....o mamaya...tsugi ka na naman",,,
"Ahhh... hindi ka naman nakakatulong eh.. lalo mo pa akong tinatakot..," sabi ko habang pareho kaming napatitig sa pintuan ng elevator ng tumunog ito. Hinid naming namalayang nasa Third Floor na kami. Tumambad sa amin ang halos grupo -grupong mga trabahanteng kumakain sa cafeteria. Halos karaniwang ng nandito ay mula sa production team, HR at Marketing. Ang ibang Department kasi ay nasa kabilang building naman. They are looked like more professional since mostly ay nakasuot ng kani-kanilang coat at black suit.
"Eh totoo naman eh, talaga kasing niyakap-yakap mo pa si Sir . Alam mo namang si Mr.Suplado yun. Tapos ngayon ngangawa-ngawa ka sa akin.",sabi niya habang kukuha siya ng tray at iba pang eating utensils. Kumukuha narin ako at halos sabay pa kaming sumasandok ng pagkain. Iba kasi ang style dito sa cafeteria parang buffet style. Sandok muna tapos lista later. On which, wala siyang bayad pero iidededuct ito sa monthly salary namin. Every 15 days malinis pa sweldo namin, sa katapusan lang naming makikita ang salary deduction.
Halos napuno ako ng asar ni Cindy kaya halos matawa ito habang nakikita niyang nakanguso ako at nakasimangot. Umupo kami sa isang table siyempre kuwentuhan at chikahan. When suddenly an unknown number kept on calling at my phone. Hindi ko sinagot nung unang beses. Pero since naka-vibrate ang phone ko, hindi ko naiwasang mairita kaya sinagot ko nalang ang mysterious caller ko. Lumayo muna ako kay Cindy para sagutin ang tawag na ito.
“Good morning, this is Ms. Galvez, Sino po ba ito?Kanina pa po kasi kayo tawag ng tawag sakin eh.”
“ Ahh mabuti at sinagot mo iha…. Eto lang namang tiyahin mo, eh ay may malaking utang sa akin. Sobrang laki. Kaya pakiusap bayaran mo na ko kaagad at baka ipakulong ko itong tiyahin mo !!! Gusto ko ngayon din!!!”nagulat ako sa sinabi ng babaeng nasa kabilang linya. Anong utang? Bakit magkakaroon ng utang ng tiyahin ko gayung halos ¾ ng suweldo ko ay ibinibigay ko na sa kanya. At isa pa, kung ano mang luho niya at ng pamilya niya ay naibibigay ko naman. Hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo. Hindi ko na alam kung bakit nagkaganito.
“ Teka po.. Ano po bang utang ang sinasabi niyo. Imposible pong magkautang si tiya ng malaki. Halos buwan-buwan po akong nagpapadala ng pera kay Tiya. “
“ Umutang lang naman ang Tiya mo ng 100k . Eh malay ko ba diyan sa sinasabi mong padala-padala mo. Ang akin eh, padalhan mo ko ng 100k, plus ang interest ngayon at baka pare-pareha kayong ipakulong ko pag di kayo nakabayad.!”, halos napahawak ako sa isang maliit na posteng nasa tabi ko . Nagulat ako sa nasaksihan ko. 100 thousand. Saan dinala ni Tiya Dina ang 100 thousand? Bakit naman ako ang pinababayad niya.
Lumaki ako na kasama ni Tiya Dina at ang anak nitong si Delia. Sila ang kumupkop sa akin 15 years ago and I was 14 years old by that time. My Mom and Dad both died in a tragic accident, and they leave nothing. And my life starts to live in mystery.
THROWBACK
It was a graduation day. I was one of the consistent honor student since I was in elementary. Ups and down ang achievement ko. Minsan, nasa top 1 minsan pangalawa o pangatlo. But at that time, nasa itaas ako. Isasabit sa akin ang sampung medalya at makakatanggap pa ako ng free scholarship sa isang sikat na school. Ibig sabihin, iiwan ko narin soonest and St. Claire Memorial School after ng 10 years kong pag-aaral dito. Pero sa pag-iwan ko dito, baon ko ang mga magagandang ala-ala. Mga masasayang araw kasama ang mga classmate ko especially ang isa sa mga napaka-special sa akin, si Miguel Torres.
I was on the stage starting to recite my speech. Halos nakakaramdam ako ng kaba pero go parin ako. I looked at my mom and she smiled back at me. Ganun din si Dad. But before I start my speech, I glimpsed at Miguel and then he smiled and whispered,” Fighting”. Kahit bulong lang ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko iyon since front seaters din siya since siya ang class Salutatorian.
After a few minutes, natapos ko narin ang speech ko. All I heard ay ang mga palakpakan ng mga guro, estuyante at mga parents. After a long hour of graduation ceremony, agad nagyaya si Papa para sa graduation treat niya. Siyempre ayoko ng bonggang celebration. I want to celebrate my graduation, just me with my family. Dumeretso agad kami sa Jollibee.Hindi ko alam na doon pala nag paschedule ng party si Papa. Since my dad was a businessman, kahit di man multimillionaire but still he can provide my needs and wants. It was a happy moment having a party in Jollibee. But they had other surprises na hindi ko alam. Sabi nila ay kukunin lang daw nila sa di kalayuan.
“ Yna, alis muna kami ni Daddy huh, I want to bring another surprises for you honey.” Sabi ni Mommy na nakangiti. Hindi ko alam na iyon na pala a ng huli kong pagkakataong makikita ang ngiti niya. Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam na ang sandaling iyon, ang pamamaalam na iyon ay ang huli at ang pamamaalam na iyon ang dahilan upang hindi na kami muli pang magkita.
Papaalis na sila at nakita kong unti-unti nang lumalayo ang sasakyan. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling sandali na masisilayan ko sila sapagkat hindi pa masyadong nakakalayo ang sasakyan nila ni Mommy at Daddy.. Isang malakas na tunog na tila parang may sumabog ang aming narinig. Maya-maya pa…
“Juskooo!!!!!!!!!!!!!!!! Sila Ate Gina!!!!! Si Ate!!! Si KuYa!!!”, halos napalingon kaming lahat kay Untie Dina. Nakaturo ito sa labasan kaya lahat kami nagsitakbuhan sa glass wall ng Jollibee. Tumakbo naman palabas ang mga Untie at Uncle ko. Habang ako , tila nagtataka kung ano ang nangyayari. Tila wala pa akong ideya sa nangyayari. Kaya napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang ilang mga sasakyang nagsihintuan at mga taong nakikiusyoso sa labas. Ang ilan ay nagsitakbuhan sa iisang-direksyon. Sinundan ko sila ng tingin hanggang nakarating na ako sa labasan. Sinundan ko sila habang ang aking paa at tuhod ay nanginginig na at tila walang lakas para ihakbang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Pero ang bilis ng t***k ng puso habang unti-unti akong lumalapit sa kumpulan ng mga tao. Hindi ko alam pero biglang nag-uunahan ang aking mga luha sa pagpatak.
Dahan-dahan, sa aking paglalakad, naririnig ko ang malakas na iyak ni Untie at ni Uncle.
Dahan-dahan, sa pakikipagsiksikan ko sa mga nagkukumpulan na mga tao, nakita ko…
Nakita ko si Mommy….si Daddy…..
Lalong pumatak ang luha ko sa mata. Tila nagsisikipan ang aking puso ng nakita ko si Mommy at Daddy na duguan at walang malay. Lalapit ako pero hindi ako pinahintulutan. Sumisigaw ako ngunit wala akong marinig sa sarili kong boses na tila blangko na ang aking isipan. Hindi ko akalain na ang masayang araw na ito ay huling araw ng mga minamahal ko.
Isang pagluluksa ang tumatak sa isip ko. Isang pagluluksa na tumatak na sa puso ko. Kaya sa aking left wrist ay nilagyan ko ng tattoong may numerong 04.04.08. Ito ang araw na dapat kong aalahanin ang pagkamatay ng aking mga magulang.
Hindi madali sa akin ang mapag-isa. Noong una, ayaw akong kupkupin ng aking mga kamag-anak . Ngunit ng nalaman ng aking Untie Dina ko ang tungkol sa perang nakatago sa bangko ng aking ama, agad niya akong kinupkop at pati ang bank account ng magulang ko na dapat ay gagamitin ko pagtungtong ko ng dise-otso ay naglaho ng parang bula.
Buti nalang ay scholar ako sa isang kilalang kolehiyo sa amin. Ginawa nila akong scholar. And still, consistent ang pagiging mataas ko sa klase. Kilala parin ako sa pag-i-speech, sa declamation at maski sa sports na swimming.
Pero kahit kilala pa ako, iba parin ang tingin sa akin ng Untie Dina ko. Isa lamang akong palamuning bata. Lagi pa niya nga akong itinutulak sa mga foreigner at minsan sa mga mayayamang negosyante. Siyempre lagi akong tumatanggi. Kaya lagi niya akong pinapagalitan, at pag sobrang galit siya, minsan, hindi na niya ako pinapakain at lagi niya akong kinukulong. Kaya nagtagal, naglayas ako at naging working student. Siyempre mas pinili kong mag stay-in. Pero hinahanap ako ng tiyahin ko at walang hiyang hinihila ako paalis ng store na binabantayan ko. Lagi niyang sinusulot ang kakarampot kong sweldo. Ni minsan wala nang natitira sa akin. Kaya ang ginawa ko ay nagbukas ako ng bank account at mismong ang amo ko ang naghahawak ng bank book ko. Pag sweldo, lagi kong nilalagyan ng laman ang savings ko. At nagtitira na lamang ako ng kaunti. Tiniis ko lahat ng hirap kong iyon until nakapaggraduate ako ng college and now, nandito na ako sa JY Editing Company. Pero kahit graduate na ako, may trabaho, at may sariling matutulugan, still hindi maiiwasang magdala parin ito ng problema sa akin. Katulad ngayon. At sa pagkakataong ito, hindi ito basta-basta problema lamang , kundi ito ay isang pangmalakihan problema na.
Bumalik ako sa lamesang pinagkainan namin. I saw Cindy still eating her foods. But instead na uupo ako, kinuha ko ang bag ko and I do excuses to Cindy.
“I need to go somewhere Cindy. Its urgent. Its an emergency. Just tell Sir Luigi na baka mag-half day muna ako.”
“ But why? What’s happened? Gusto mo hatid na kita.” She offered but I refused since ayokong masama na naman siya sa g**o ng aming pamilya.
“Basta. I need to go .” I hugged her and wave goodbye. I ran away at dumeretso ako sa elevator at bumalik sa office. I saw some of my colleagues talking at sinilip ko ang office ni Sir, but wala siya sa loob. I cleaned my table, and I grabbed my pen and a sticky note. I wrote “I have an emergency, I need to leave early Sir. Just count this day as my half day. ---Yna”. I posted it in my computer monitor at saka ako umalis. Nang nakalabas na ako ng building, agad akong pumunta sa kilid ng kalsada and waving para pumara ng taxi. Pero walang gustong huminto. Tila ba nakikipagbiruan parin ang tadhana ngayon sa akin. Nang nakailang para na ako, I decided na lumipat sa kabilang kalsada. I waited to make the green light para makatawid na ako. I kept my feet stomping dahil halos nauubos na ang pasensya ko.
And finally, the red light turns into green. Halos ako at ang lalaking nasa kabilang kalsada ang tanging naglalakad sa pedestrian lane. That man is too handsome. HE is wearing a white longsleeve na fit sa kanyang matipunong katawan. Pinatungan ito ng isang black vest at may suot siyang blue jeans at black shoes. Nakasabit sa kanyang likod ang isang gitarang nakabalot ng itim nitong lalagyan. At sa kanyang kamay ay nakasabit ang tila isang black suit.
I nevermind of him though. I just walked as fast as I could para hindi ako maabutan ng red light. Pero sa pangalawa kong tawid ng kalsada, ay siya namang pagharurot ng isang nakamotorsiklo at di man lang tumigil kahit naka-red na ang traffic light. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkakagulat. Tila walang lakas na naman ang paa ko at tuhod para humakbang paatras. Kaya ang ginawa ko ay napapikit ako at di ko na alam ang susunod pang maaaring mangyari.
Takot.
Yun ang nararamdaman ko. Sapagkat sa konting pagkakamali lamang ay maaaring mawala ang buhay kong pinagkakaingatan ko.
Pumikit ako at nagdasal na lamang. At sa pagpikit ko , isang kamay ang humila sa akin at tila napaikot pa ako ng bahagya habang ramdam ko ang biglang pagyakap ng kung sino. Idinilat ko ang aking mga mata. Tila bumagal ang aking oras ng aking pinagmasdan ang mukha ng lalaking tila di na maipinta sapagkat kitang -kita ang papupursigi nitong walang mangyari sa akin ng masama. Sa pag-ikot naming dalawa sabay ang pagtapon ng aking mahabang buhok sa hangin, at ang bigla naming pagkatumba. Napapikit uli ako. At rinig ko ang mahinang pag-ungol ng lalaking ito dahil pansin ko, natukod niya ang kanyang siko sa matigas na sementong kalsada. Napailalim siya samantalang ako ay nasa itaas niya habang yakap -yakap niya ako. Matagal kaming nakabangon. Tila may masakit din sa akin. Ang aking tuhod at paa. Natukod din kasi ito ng kami ay napaikot at sabay tumba.
Pinagkaguluhan na kami ng mga nakikiesyoso. Nagsilabasan ang mga driver at iilang pasaherong nakakita. May nagtatanong kung ok lang ba kami. At may ilang nakiki-tsismis lang. May isa namang mama na may hawak na cellphone at tila tumatawag ng rescuer. Pero ako, tumayo parin kahit masakit ang paa ko. I turned around and I saw them na halos lahat sa amin nakatingin. My tears start to fall slowly. Tila kasi bumabalik ang ala-ala ko noong nadisgrasya ang aking mga magulang. Maya-maya pa ay napatakip ako ng tenga. Hindi ko na naririnig ang paligid sapagkat mas malakas pa ang tunog at boses na naririnig sa aking isipan. Sa pagtakip ko ng tenga ay siya naman ang paghagulhol ko ng iyak. Napaupo ako habang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang patuloy na tumutulo sa aking mata.
Tila naririnig ko ang iyak ni Untie Dina,ni Uncle Boy at ang boses at sigawan ng mga taong nasa paligid nung araw na iyon. Kaya hagulhol nalang ang ginawa ko sa gitna ng kalsada. But suddenly, napansin kong may lumalapit sa akin. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata at doon ko naaninag ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. I saw his elbow bleeding it seems nasugatan talaga siya. Pero instead na asikasuhin niya ang kalagayan niya, ay mas pinili pa niyang lapitan ako at takpan ng kanyang black suit ang aking mga mukha. Napatingin ako sa kanya ngunit tanging mata lang niya ang aking naaninag.
Sino siya? Bakit alam na alam niya kung paano ako pakakalmahin?
Iisang tao lamang ang gumagawa nito sa akin..Siya lamang at walang iba….
ABANGAN….