Yna POV
Pinagkaguluhan na kami ng mga nakikiesyoso. Nagsilabasan ang mga driver at iilang pasaherong nakakita. May nagtatanong kung ok lang ba kami. At may ilang nakiki-tsismis lang. May isa namang mama na may hawak na cellphone at tila tumatawag ng rescuer. Pero ako, tumayo parin kahit masakit ang paa ko. I turned around and I saw them na halos lahat sa amin nakatingin. My tears start to fall slowly. Tila kasi bumabalik ang ala-ala ko noong nadisgrasya ang aking mga magulang. Maya-maya pa ay napatakip ako ng tenga. Hindi ko na naririnig ang paligid sapagkat mas malakas pa ang tunog at boses na naririnig sa aking isipan. Sa pagtakip ko ng tenga ay siya naman ang paghagulhol ko ng iyak. Napaupo ako habang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang patuloy na tumutulo sa aking mata.
Tila naririnig ko ang iyak ni Untie Dina,ni Uncle Boy at ang boses at sigawan ng mga taong nasa paligid nung araw na iyon. Kaya hagulhol nalang ang ginawa ko sa gitna ng kalsada. But suddenly, napansin kong may lumalapit sa akin. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata at doon ko naaninag ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. I saw his elbow bleeding it seems nasugatan talaga siya. Pero instead na asikasuhin niya ang kalagayan niya, ay mas pinili pa niyang lapitan ako at takpan ng kanyang black suit ang aking mga mukha. Napatingin ako sa kanya ngunit tanging mata lang niya ang aking naaninag.
Sino siya? Bakit alam na alam niya kung paano ako pakakalmahin?
Iisang tao lamang ang gumagawa nito sa akin..Siya lamang at walang iba.
Habang nakatakip ang kanyang black suit sa aking mga mata, ito lang ang maririnig ko sa kanya..
“Don’t worry everything will be fine. Relax lang, magiging ok din ang lahat. “
Those words. Those phrases. Iisang tao lang ang pumapasok sa isip ko.
Naalala ko pa noon…
THROWBACK…
“Ano ba naman iyan kung kailan uwian na saka pa didilim ng ganyan ang langit. Wala pa naman akong dalang payong..”, sabi ng kaklase kong si Sandra. Alas-tres na at dalawang oras nalang para uwian pero kitang -kita sa labas na tila nagbabadya ang malakas na ulan. Napakakapal ng ulap. Makapal na kung saan nagdadala ito ng kakaibang dilim dahil sa pagtakip nito sa haring araw kasabay pa ang malakas na hangin. Kahit nakasirado ang bintana ng aming classroom at di halos pumapasok ang lamig ng hangin mula sa labas, halata naman sa kilos ng mga puno, kung paano bayuhin ng malakas ng hangin ang bawat sanga nito.
Wala na akong imik sa aking upuan at hindi na ako halos kumikilos. Kahit malamig sa room, pero ang pawis ko ay nag-uunahang pumatak mula sa aking mga balat. Samantala ang aking kamay na nakapatong sa aking hita ay kanina pa kinukusot ang paldang tila halatang -halata sa kilos ko ang pagkabalisa. Pagkabalisa habang pinapakinggan ko ang mga usapan at kuwentuhan ng mga kaklase ko tungkol sa nangyayari sa labas ng building. Sa oras na iyon, lahat kami ay kapwa naghihintay sa susunod naming guro. Habang ang lahat ay abala sa pakikipagkuwentuhan, asaran, chikahan at kung anu-ano pa, ako ay nakayuko lang. Walang imik. Ayokong umiyak ngayon. Ayokong makita nila ang kahinaan ko.
Aaminin ko, takot ako sa ulan. Sa malakas na ulan. Sapagkat alam ko kapag ganun ang panahon, isang malakas na hangin , kulog at kidlat ang susunod. Bata pa lang ako, umiiyak ako kapag nakakaranas ng malakas na unos. Nagtatago agad ako sa kwarto at nagtatalukbong ng kumot. Tumatak kasi sa isip ko na nakakamatay ang kidlat.
Rinig ko ang boses ng aming English Teacher. Kaya napataas ako ng aking noo. Nakita ko si Sir na walang dalang gamit at tila nagmamadali. Nasa pintuan lamang ito ng classroom at doon na rin siya nag-anunsyo. Lahat ng mga classmate ko ay nakatingin sa kanya at nakikinig ng napakaseryoso. Tila naghihintay sa sasabihin ng gurong nasa harapan namin.
“ We are about to announce that we will end the class for this afternoon due to bad weather. Since hindi pa umuulan, I adviced na puwede na kayong makauwi. But remember the safety measures ok.”
“Aye Sir!!!!”, sabi ng mga kaklase kong tila nagniningning ang mga mata sa narinig na announcement. Isang malakas na Yes ang maririnig ko sa kaklase kong sabik na sabik umuwi. Ang iba naman ay nag-umpisa nang naglabasan sa room at nakisabay pa kay Sir sa paglalakad. May iilan naman ay nagmamadaling nag-aayos ng kanilang mga gamit sabay uwi.
Sampu…
Pito…
Lima…
Tatlo…
Hanggang ako nalamang ang nag-iisa sa classroom. Hindi parin ako makatayo sa takot. Bigla kasing papasok sa isip ko kung ano ang gagawin ko pagkalabas ng building na ito. Paano kung biglang umulan,wala pa naman akong payong. Puwede naman akong makisilong sa kilid ng mga kabahayan o kaya maghanap ng mga bukas pa na tindahan. Paano kung biglang kumidlat? Baka matamaan ako at doon pa ako mamatay.
Habang ako ay nakayuko, at nag-iisa sa classroom, biglang tila may kumukuha ng litrato at ito ay nakaflash. Napakalakas ng liwanag na iyon kasabay ng isang napakalakas na pagkulog. Sabay din ang pagkamatay ng ilaw. Napasigaw ako sa takot. At di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa takot. Maya-maya pa ay biglang sunod-sunod ang malalakas na kulog at kidlat. Nagugulat ako sa tuwing biglang kikidlat kaya mapapatakip nalang ako ng aking tenga at ipipikit ko ang aking mata. Hindi ko narin namalayan ang lakas ng aking paghagulhol.
Maya -maya pa, nakaramdam ako ng isang yapak ng tao.
Isa..
Dalawa..
Tatlo…
At sa pangpito nitong hakbang saka ito napahinto. Napadilat ang aking mga mata. Pero bago pa biglang lumiwanag ang kidlat, Isang itim na kung anong gawa sa tela ang tumakip sa aking ulo. Hindi ko maaninag kung anong tela iyon o damit sapagkat madilim sa classroom at nakatakip pa ito sa ulo ko. Pero maririnig ko lang ang kanyang sinabi na…
“Don’t worry everything will be fine. Relax lang, magiging ok din ang lahat. “
Boses na tila pamilyar. Boses na di ko alam kung kanino ko narinig. Doon ako unti-unting kumalma kahit rinig na rinig ko parin ang kulog. Ramdam ko ang takot kanina. Pero hindi na ngayon sapagkat alam kong may kasama na ako. Alam ko na ligtas ako. At panatag na ako ngayon. Maya-maya pa ay maririnig ko siyang kakanta ng ..
“Rain, rain ,go away come again in other day , little children want to play , rain.rain go away…”, kinanta niya ito ng ilang beses habang biglang bumalik na ang ilaw.
Ang boses na ito.
Narinig ko na ang boses na ito.
Dahan-dahan na biglang liliwanag ang ilaw. Aalisin din niya ng dahan-dahan ang tela na ngayon ko lang naaninagan. Isa itong coat na uniform ng mga lalaki na kulay pula. Habang iniaalis niya ito sa pagkakatakip sa aking mata, tatambad naman sa aking mga mata ang isang lalaking may katangkaran, maputi, may makinis na balat at may matamis na ngiti. Ang labi nito ay tila makopa sa pamumula. Ang mga mata nito na tila nangungusap habang diretso itong nakatingin sa akin. Nagbigay pa ng atraksyon sa kanyang mukha ang nunal na maliit sa may bandang ibaba ng kanyang kaliwang mata.
“ Miguel,”tanging salitang nasabi ko. At sinagot lang ako ng ngiti ni Miguel. Iniangat nito ang kanyang kamay at ipinatong niya ito sa aking ulo. Nagulat ako ng biglang inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Kung tatantyahin, tatlong pulgada nalamang ang layo ng aming mga mukha. Halos nararamdaman ko narin ang hanging ibinubuga ng kanyang ilong. At sa pagkakataong ito, mas lalo kong nakita ang mukha niya . Mas lalo kong nakikita ang bawat detalye nito at paano ko masasabing siya ay napakaperpekto.
Ngumiti si Miguel sakin. Di ko alam kung nahalata ba niyang ako ay kinakabahan sa kinikilos niya. Napapalunok nalang ako ng aking laway dahil sa kaba. Hindi ko alam pero bakit ang bilis ng t***k ng puso ko.
Dug.dug.
Dug.dug.
Hindi ko mapigilan.
Napakabilis. Pakiramdam ko tila napakaingay din ng t***k ng puso ko.
“Mahina na ang ulan . Kaya wag ka nang matakot,” sabi niya sabay bitiw sa aking ulo at tatayo ito at didiretso siya sa bintana,” See. The rain stops. Pwede na tayong umuwi. “.
Pero ako ay nakatingin parin sa kanya. Lumingon sakin si Miguel at lalapit siya sakin. He took my bag na nakalagay sa ibaba ng aking table. And then, iniabot niya ang kanyang kamay ng nakabukas ang kanyang mga palad.
“Wag kanang matakot. Sasamahan kitang umuwi. So… don’t worry about the rain. I am here to protect you. “
Nakaabot parin ang kanyang mga kamay tila naghihintay siyang hawakan ko ito. Pero sa walang pagdadalawang isip, hinawakan ko ang kamay niya at ako ay tumayo. And he grabbed my hand and he started running as fast as he could. Napatakbo narin ako sapagkat hila-hila niya ang aking mga kamay. Sinabayan ko siya sa pagtakbo. Habang tila nageenjoy pa si Miguel sa kanyang ginagawa. Tawa-tawa siya ng tawa. Habang ako naman ay halos di maiwasang mapangiti sa kanya. Hindi ko namamalayang napapasabay na ako sa kanya. At ang aking puso ay di inaasahang unti -unti na palang nahuhulog sa lalaking tila naging prince charming ko. Hindi ko alam, ito na pala ang umpisa ng lahat.
We both stop at School waiting area. Pareha kaming naghahabol ng hininga since pareha kaming tumakbo ng mabilis. Habang napapayuko dahil sa paghingal si Miguel ay sabay pa nito ang isang mahinang pagtawa. At ako, tila aliw na aliw na nakatingin lamang sa matatamis nitong tawa at ngiti. Para akong nakatitig sa isang napakagandang portrait ng isang sikat na pintor at hindi ko maiiwasang hindi mapatingin.
Tila ito na talaga ang umpisa.
Tila ito na nga.
PAGBABALIK…
Habang nakatakip sa akin ang black suit niya, bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses. Bilang maaalis ang telang nakatakip sakin at nagulat ako ng biglang sakin ay may biglang bumuhat. Napahawak ako bigla sa leeg at napapikit. At sa biglang pagdilat ng aking mga mata nagulat ako ng makita ko ang mukha ng bumuhat sa akin.
Si Luigi.
Kitang -kita sa mukha niya ang pagkaseryoso. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano niya ako natunton.
Inilayo niya ako sa crowd. At inilayo narin niya ako sa lalaking nagligtas sa akin.
LUIGI’s P0V
Bigla siyang nawala sa office after that incident. Maybe she feels na galit ako sa kanya which I am not. Hinanap ko siya just to let her know that everything is alright. But she nowhere to be found. Hindi ko na alam kung saan siya pumunta. I went at the cafeteria, but I saw Cindy eating alone. I went to her table, and I ask her if she found Yna. She told me what is happening, and she doesn’t know where is Yna right now. She keeps on calling on her pero hindi daw sinasagot ni Yna ang tawag. Nag-alala ako kaya agad akong lumabas at bumalik sa office and I saw a sticky note post on her computer’s monitor. Nakasulat dito ang..
I HAVE AN EMERGENCY, I NEED TO LEAVE EARLY SIR. JUST COUNT THIS DAY AS MY HALF DAY. --- YNA.
Yes. She indeed has an emergency. I ran at my office room at kinuha ko ang cellphone ko. I ran outside and use an elevator. I tried to call her, but she didn’t response. Pagkabukas palang ng elevator, walang patumpik-tumpik, hinanap ko siya sa lobby at nagbabakasakaling maabutan ko pa siya. I looked around, but I never saw her.I didn’t know where is she right now. Nag-aalala ako. Literal na nag-aalala.
Nang nasa labas na ako ng building, nag-agaw pansin sa akin ang kumpulan ng tao sa kalsadang ilang metro lamang ang layo sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam, pero………bigla akong kinabahan. Tila may tumutulak sa akin para lumapit sa kumpulan. Tila ang mga paa ko ay may kung anong pwersa na naghihila para pumunta doon.
And my instinct win. Agad akong pumunta doon na walang pag-aalinlangan. Kung bibilangin , siguro mga trenta o sobra pa ang mga taong nagkukumpulan at tila bukang-bibig nila ang babaeng muntikan nadaw madisgrasya. Biglang pumasok sa isipan ko si Yna. Kaya nakisiksik ako sa kanila at isang babae ang humarang sakin kaya tinanong ko nalang siya kung anong nangyari.
“ May babaeng muntikan nang madisgrasya. Buti nalang at iniligtas siya ng lalaking iyon. Eh kung hindi, eh baka mas malala pa ang mangyari sa kanya.”
“Anong hitsura ng babae?”
“Mahaba ang buhok at maganda. Nakasuot pa nga siya ng pormal na damit.Tila pang-opisina.”
Nagulat ako sa narinig ko. And I know na si Yna iyon.Kaya agad akong nakisiksik sa mga tao. And when I finally on the front, I saw a man , covering the girl with her black suit. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki since nakatalikod siya kung saan ako nakatayo ngayon.
Since hindi ko makita ang mukha ng babaeng nakaupo sa sementong kalsada, tinignan ko nalang mabuti ang slacks na suot nito. At tama nga ang kutob ko, si Yna nga ang babaeng iyon. Kaya pala ako hinihila ng aking paa papalapit sa lugar na ito. Kaya pala.
I walked out from the crowd. At ramdam ko na ang lahat ng taong nakikiisyoso ay nakatangin sa akin. But I walked like no one saw me. I walked and I looked straightly at Yna. At sa pagkakataong ito, napansin ako ng lalaking kaharap ko rin. He slowly turned his head. At nagulat ako sa nakita ko. The man who saved Yna is…….
Miguel Torres.
Yes. He is.
Kita mo naman ang pagkakataon, hindi ko aakalaing magkikita kaming tatlo sa iisang pang yayari. And now, Yna is one closer step to Miguel. But I am more closer to Yna. At this time, akin muna ang trono. Tapos na ang oras para kay Miguel.
I took his suit away with an emotionless face. I am one-way closer kay Yna but right now, I do not know how fate let them closer back.
Agad kong binuhat si Yna na walang pasabi at kitang -kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Bakas pa din sa mata niya ang mga luhang pumatak at dumaloy sa kanyang mga pisngi. And now I know how she is literally scared.
Inilayo ko siya sa mga tao. Pakiramdam ko tuloy ay umagaw ako ng eksena sapagkat halos lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Mga matang tila nagtatanong kung sino ako. Mata na alam ko na ang iba ay nang huhusga.
Rinig ko ang pagdating ng ambulansya. Narinig ko pang tinatawag ako ng isa sa mga nakikiusyoso. Pero hindi ako nakinig bagkus dumeretso lang ako sa paglalakad. Dinala ko Yna sa kilid ng fountain na di kalayuan sa JY Entertainment BUilding. I slowly put her down and sit at the bench near the fountain.
Agad akong napaluhod sa harapan niya. I saw the reaction of her face, but I simply ignored it para di sya masyadong ma-awkward sa akin. I grabbed her feet and I saw how her face react. She feels pain even she didn’t tell me. Hindi nako nagtanong at walang pagdadalawang -isip, tinanggal ko ang sapatos niya. Pinagpag ko ito at nakita kong namamaga at namumula ang kanyang ankle.
“I think na-sprain ka,” sabay tayo ko, “just wait for me here ok,” She nodded pero wala siyang sinabi ni isang salita.Kaya umalis na ako I went to the parking lot and drive my car cause my plan is to take Yna to the hospital.
Ilang minuto pa ang lumipas, I saw her still waiting for me.Kitang -kita ko ang tensyon sa kanyang mga kamay. Tila nga may problema nga siya. Kitang -kita kong tila gusto niyang umiyak ngunit pinipigilan niya lang ito. I wanted to know her problem but, I know her privacy.
Lumabas ako sa kotse at nilapitan ko siya habang ito ay nakayuko. I hold her hand just to make her calm. I hold her hand still until tila naramdaman ko nang nawala na ang tension sa kanyang mga kamay. At sa ngayon, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon. I carried her at pinaupo ko siya sa passenger seat. Agad kong isinara ang pinto.But still hindi parin kumikibo si Yna. Inabot ko ang seatbelt niya at inilock. I don’t want to ask any question since I know she need to take time to think about it.
I drove slowly. I never turned on the radio kasi baka mas mag-trigger pa ito sa nararamdaman ni Yna ngayon.
“Sir..”
And finally I heard her talked. “, Hm?”, sagot ko. I waited until sumagot siya sa akin.
“Puwede niyo po ba akong ihatid?”,sabi niya habang siya ay nakayuko at kitang -kita sa kamay niya ang tensyon.
“Saan naman ?”,tanong ko and I keep my tone low. I want to let her know na hindi ako galit at hindi ako masungit na tao , “May problema ka ba Yna? You can tell me If you want. Sabi pa nila, mas maiibsan yung sakit na nararamdaman mo diyan sa puso mo kung ikukuwento mo sa mapagkakatiwalaang tao ang problema mo. Iyon kung.. pagkakatiwalaan mo ako…”
Biglang sandaling tumahimik ang paligid, tila pareha kaming naghihintay kung sino ang unang magsasalita. And finally…
“I need to go back in Sta. Clara. Yung pinagkautangan ng Untie ko ay tumawag sa akin and my Untie.. needs me.”
“But I need to take you to the hospital first.Ayokong bigla ka na lang pupunta doon with that sprain on your ankle. Just listen to me ,ok?”
Hindi siya sumagot pero isinandal lang niya ang ulo niya sa glass window ng sasakyan with a worry face. I let her do it and let her sleep. I drove quietly and as we arrived at the hospital, I wake her up at muli ko siyang binuhat. The nurse assists us, and I told them na kung puwede asikasuhin agad ang pasyente since kailangan namin agad na umalis sa hospital. Noong una, ayaw pa nang nurse, lalo na doon sa nasa information desk. But I told them na may emergency sa kanila at kailangan makauwi siya. And now, they do understand our situation. Kaya agad dinala sa emergency si Yna and after a long wait, lumabas sya sa emergency room ngunit hindi siya naka-wheelchair, gamit niya ang isang saklay na provided naman ng hospital. Inalalayan ko siya at hinatid palabas ng hospital. Still ganun parin ka-stick ang pag-alalay ko sa kanyang pasakay ng sasakyan ko.
Eto na naman ang moment of silence. Pero pinaandar ko lang ang sasakyan at agad akong nagmaneho ng tahimik upang agad kaming makarating sa Sta. Clara. I drove as fast as I could at hinayaan ko lang siyang makatulog. And after three hours agad makikita ko na ang arko na nakalagay ang -- WELCOME TO STA. CLARA.
YNA’s POV
Ginising na niya ako sa tagal ng aking pagkakatulog. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero napansin kong nakalagpas na pala kami sa arko ng Sta.Clara. Hindi pa talaga nagbabago ang Sta.Clara kahit ilang taon na akong hindi nakabalik sa lugar na ito. Ang tindahan ni Siony na bentahan ng mga bargain na kung saan sa likod nito ay ang isang malawak na lupain na laging tinutukuran ng peryahan kapag malapit na ang piyesta sa nayon. Ngunit ngayon, nakatayo parin ang tindahan at walang pagbabago dito ngunit ang likurang bahagi ng tindahan ay ginawa nang terminal ng jeep, traysikel at ng mga habal-habal. Sa unahan naman ay may gotohan na lagi akong dinadala ng aking papa noong bata pa ako. Doon kami minsan nag-aalmusal at sa gabi minsan, doon kami pumupunta ni Daddy para bumili ng paborito ni mama na goto, at chicharong bulaklak. Pero ngayon, wala na ang gotohan. Pinalitan na ito ng bagong building na pinagpupwestuhan na ng mga Salon , Grocery at kainan. Ilang minutong pagbabyahe, ay madadaanan na naming ang St. Claire Memorial School . Ang paaralang nagbigay kulay ng high school life ko. Malaki na ang nagbago sa paaralan. Noon ay sira-sira ang lumang gate nito sa west wing, ngayon ay fully furnish na. May mga malalaking school building narin na idinagdag sa ilang bahagi nang eskwelahan na kitang -kitang sapagkat ito ay napakataas. Ang sarap balikan ng mga ala-alang unang nabuo sa lugar na ito.
PAGBABALIK…
I was in my 4th Year High School at first month of class namin noon. At that time, trending na sa school ang pagpasok sa mga school clubs. At kailangan na naming pumili since sa school naming, required ang magkaroon o ang pagsali sa mga pang- academic or extra-curricular na club. Wala oa ako noong napipili since wala akong alam na talent at kinahihiligan. Madaming pumipilit sa kin na ipasok ako sa mga academic club. But for me, yun yata yung pinakaboring na club and only for those wealthy minds lang ang pumapasok doon. Wealthy minds naman ako since consistent honor student ako. But I want to explore more. Ayoko kasing sa katalinuhan ko lang iikot ang mundo ko. Kaya hindi ko piniling pumasok sa club na iyon.
Lima kaming naatasang maglinis ng music room at that time. Sila ang taga punas , taga walis at taga ayos ng gamit. Ako naman ang taga-mop ng sahig. After nilang maglinis, iniwan narin nila akong nagma-mop parin ng sahig. Since ako nalang mag-isa, kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag-play ako ng music.
It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the dark
Try as I may I can never explain
What I hear when you don't say a thing
The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best, when you say nothing at all
Halos sinabayan ko ang music ng pagkanta habang ako ay nanatiling nagma-mop. Wala namang nakakarinig sa akin dito kaya patuloy parin ako sa pagkanta. Hindi ko alam, isang lalaki pala ang kanina pa na nakasilip sa akin sa pintuan. Nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan akong nagma-mop at kumakanta. Maya-maya pa ay…
All day long I can hear people talking out loud
But when you hold me near, you drown out the crowd
Try as they may they could never define
What's been said between your heart and mine
Habang kakantahin ko na ang chorus ng kanta, bigla akong mapapatigil nang biglang isang magandang boses ng isang lalaki ang bigla kong narinig. Nakita ko siyang palabas ng kanyang pinagtataguan. Ako ay panandaliang huminto. Napatitig ako sa kanya. Tila ba biglang huminto ang oras ng biglan kong narinig ang boses niya. Ang lalaking ito ay ubod ng kagwapuhan. May katangkaran siya, matangos ang kanyang ilong, maputi, maayos din ang pagkakakagupit animo para siyang pangalawang version ng sikat na artista na si Rico Yan. Napakalinis niyang tignan suot ang kanyang maputing uniporme at itim na slacks at ang kanyang pulang coat ay nangingintab pa sa pula. Halatang bagong-bago pa ang uniporme nyang ito. Nangingitab din ang suot niyang sapatos na tila bagong linis at nilagyan pa ng pampapakintab. Halatang -halata na sa simple nitong postura, siya ay isang anak mayaman.
Dinugtungan niya ang aking pagkanta at narinig ko ang maganda niyang boses. Napatigil ako at napatingin nalamang sa kanya habang siya ay unti-unting lalapit sa akin.
The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best when you say nothing at all
Huminto siya sa paglalakad sabay sa paghinto ng kanyang pagkanta. Nasa harapan ko siya. Pero ako ay tila tulala na di man lang makaimik at sadyang nakatingin lang ako sa mukha niyang kitang-kita ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.
Biglang nakita ko ang kanyang mga kamay na iniabot sa akin. Napatingin lang ako dito sabay sabi niya na…
“Ang ganda naman ng boses mo. Taga Music Club kaba? By the well, I’m Miguel Torres. And you?”
Still nakaabot pa ang kanyang kamay at ako ay nakatingin dito . Di ko alam kung ano ang itutugon ko pero, imbis na makipagkamay, iniabot ko ang mop sa kanya sabay sabing…
“Ah… eh… Third Period na pala…maiwan nakita huh,,, ikaw na muna diyan…. “ sabay kuha ng aking bag at labas sa music room na ni misan di ako lumingon sa kanya kahit narinig ko ang pagpigil niya.
“Ahhh Teka!!!!! Hintay ! Miss!”
Paglabas ko ng building na ito ay dadaan ako sa likurang bahagi kung saan madadaanan mo ang isang abandonadong building ng school. Shortcut ko itong daanan since malapit ito sa building ng mga juniors. Halos dekada na yatang abandonando ang building na iyon at walang nakakaalam ng tamang rason.
Padaan ako dito ng biglang aksidente akong mababangga ng isang estudyanteng lalaki na sa pagkakatantya ko ay kaedad ko lang siya. Hindi na niya ako natulungang tumayo sapagkat nakasunod pala sa di kalayuan ang school guard. Tinanong niya ako kung nakita ko ba ang lalaking iyon pero itinuro ko sa kanya ang ibang direksiyon. Alam kong isa sa mga estudyanteng nagcutting classes ang lalaking iyon pero mas malalagot siya kung mahuli siya nito.
Nang napansin kong wala na si Manong guard, agad akong tumakbo papuntang clinic room at nanghingi ako sa school nurse ng isang maliit na first Aid kit na may lamang panggamot ng sugat. Pagbalik ko sa may abandonadong building , hinanap ko siya. Alam kong nandoon lamang siya sapagkat sa tantiya ko kasi talagang nasugatan siya sa kanyang pagkakatumba.
Nakita ko siya sa madilim na bahagi ng abandonadong building, nakaupo sa sahig at tila tinatakpan ang sugat sa kanyang tuhod. Umupo ako sa harapan niya at siya ay wala man lamang imik. Ngunit tila nakatitig lamang siya sa akin. I grabbed his knees at ginamot ko ito. Pagkatapos ko noon, umalis na ako ngunit di ko man lang nalaman ang name niya at hindi ko rin siya narinig na magsalita.
Simula noon, palagi ko siyang nakikita sa school. Sa music room, at minsan sa Volleyball Court. Since pareha naman kaming na sa Juniors. He is pretty looking good. And I think anak mayaman din siya pero di ko alam kung bakit gusto niyang mag-cutting classes.
Days and months passed. Halos lagi kaming pinapartner ni Miguel sa mga school play at sa mga dictation o sa mga iilang contest. Lagi kaming panalo at ang kompetensiya naming bilang honor student ay hindi ganung kasama sapagkat sobra kaming magkaibigan ni Miguel. Magkasama din kami sa music club at sa iilang school event. Binansagan pa nga kaming Mr and Miss Witty noon. Parehong magaganda at matalino daw kami at kung tutuusin , sobrang malapit kami sa isa’t -isa kahit sadyang ang layo ng antas naming sa buhay. Kasi isang mababang uri ng businessman ang Papa ko ngunit siya naman ay isang multimillionaire son.
Lahat ng ala-alang iyon ay nabuo sa eskuwelahang iyon. Isang maganda at makulay na ala-ala.
PAGBABALIK.
Nakarating na kami sa aming baryo sa Sta.Clara at di kalayuan ay makikita na ang iniwan kong bahay ng aking mga magulang. Nakatayo parin ito ngunit kitang -kita ang kalumaan na nang bahay na ito. May dalawa itong palapag na kinulayan ng mapusyaw na asul. Ang gate ng bahay namin ay nilulumot na at kitang-kita dito ang mantsa ng kalumaan nito. May iilang tanim na nagsisiyabong na sa harapan ng gate tila ilang taong hindi ito nalinis at naasikaso. May dalawang sasakyang nakaparada sa labas ng gate. Isang itim na Montero at isang kulay asul na truck na tila may iilang taong naghahakot ng mga gamit mula sa loob ng bahay.
“Teka..Anong nangyayari sa bahay?”, kit ana sa mukha ko ang pag-aalala. Pagkahinto ng sasakyan ni Luigi ay agad akong bumaba at tumakbo . Nakita ko ang pinsan ko at si Untie Dina na nakatayo sa harapan ng gate. Umiiyak ang pinsan ko. Si Untie Dina naman ay masamang nakatingin sa akin. Habang ang mga tao ay halos labas pasok na kinukuha lahat ng mga gamit palabas mula sa aming bahay. May isang babaeng mataba na nakasuot ng green na blouse ang nag-uutos sa mga kalalakihang ito upang maghakot ng mga gamit palabas ng bahay.
“Untie Dina…anong nangyayari dito???? Akala ko ba tungkol ito sa utang niyo? Pero bakit pati bahay ni Papa ay ginagalaw na nila????!!!!”, sabay dukot ko sa bulsa ng isang sobre. Doon nakapakaloob ang 100k na kailangan nila. Ito ang buong ipon ko sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho “, Ito … ito ang 100k na kailangan niyo… Kaya pls… pls naman Untie Dina!!!! Patigilin mo na sila… !!!”
Kukunin bigla ni Untie ang sobre at titignan ang nasa loob nito. Nakita kong bahagya itong napangiti pero masamang napatingin ito sa akin.
“Huli na ang lahat Yna!!!! Nakapirma na ako sa kasulatan kay Mrs. Gomez na ang kapalit ng 100k na utang ko sa kanya ay ang bahay na ito… Total ano pa bang silbi ng bahay na ito sobrang luma na ito…”
Ang bahay na ito ay may silbi. Ang bahay na ito may halaga sa akin. Kaya di ko hahayaang mawala ito sa akin. Ipaglalaban ko ang pamamahay na ito.
ABANGAN…