Ang bigat ng dibdib ko habang tumatagal ang mga araw. Patong-patong ang pagsisinungaling at kasalanan na ginagawa ko sa magulang ko at kay Lucas. Hindi pa nga ito tumatagal ng isang buwan pero ganito na kaagad kalala ang konsensyang nararamdaman ko. I fixed myself to get up. Laking pasasalamat ko dahil sa sembreak dahil kahit papaano ay nagkakaroon ako ng dahilan para hindi palaging makita si Lucas. Abala rin naman ito sa negosyo nila at minsanang training kaya hindi na kami ulit nakalabas. Hindi rin naman clingy si Lucas. He always understand whenever I reject him kapag nag-aaya ito na magkita kami. I always make sure that I give valid reasons para naman hindi ito magtampo. We were active in chats and call. Para kahit doon manlang ay makabawi ako sa kanya. My friends still don’t kno

