* *Ella's POV* * "Anak ng pambihira, Ell, bakit naman nakalimutan na wala kang suot na bra? Malamang anong oras na at hindi naman talaga ako nagbabra eh. Pambihira, 12am na malamang aalisin ko yung hide belt ng dibdib ko dahil patulog na ako. Ang sikip kaya noon, alanganin naman hanggang sa pagtulog suot ko pa rin. Grrrrr pambihira bwesittt na Gavin De Guzman," Kausap ko ang aking sarili. Sa sobrang pagka-hiya at inis ko, sinara ko ang pinto pabagsak ng makapasok ako ng kwarto ko. Pero kanina habang tinutugon ko ang halik ni Boss, muntik ko pang makalimutan ang plano ko na kagatin siya para makawala ako. Hindi ko maintindihan, parang nagugustuhan ko yung halik niya kaya nga umabot pa ng ilang segundo ang pagtugon ko sa halik niya dahil parang ayoko ng bumitaw sa labi ni Boss Gavin. Ell

