* *Ella's POV* * Hinatid ako ni Boss Gavin sa isang napakagandang kwarto. Kung malaki ang kwarto ko sa condo ni boss, mas malaki ito. Tulad sa condo ni Boss, magkatabi lang din ang kwarto namin, mga nasa pito ata ang bilang ng kwarto dito sa taas. May aluminum folding window na may tamang laki ng mesa sa tabi, at sa harap ng kwarto ay may malaking flat screen TV. Nakahiga ako sa kama at nakadipa ang dalawang kamay, iniisip ko yung mga sinabi ni Manang sa akin. “Si Nica kaya yung sinasabi ni Manang na special sa puso ko? Pero sino naman yung papalit sa kanya na sinasabi ni Manang? At yung magpapabago ng t***k ng puso ko, sino?,” wika ko sa aking sarili. "Si Boss Gavin? Imposibleng si Boss Gavin—hindi 'yon magkakagusto sa akin! Pambihira, Ell, bakit mo ba iniisip 'to? ERASE ERASE," wika

