* *Ella's POV* * Friday night sa tambayan. Patakbo akong umaakyat sa rooftop kung saan ang tambayan namin magkakaibigan, dahil si Gab text ng text na ako nalang daw ang hinihintay. Hanggang sa makarating ako sa rooftop, bigla akong napatigil sa pagtakbo nang makita ko kung sino ang mga kasama ng mga kaibigan ko at napahawak ako sa suot kong sumbrero para ayosin. Totoo ba ito? Bakit nandito ang mga ito? Bulong ko sa aking sarili. "Hey mga bro, dude, Boyish Girl is here!" sigaw ni Billy sa mga kasama niya kaya napatingin silang lahat sa akin. "Hey Pretty Boy, come here," sigaw ni Dennis, kaya lumapit na ako sa kanila, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ang mga loko na ito. "Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa tatlo na sina Jake, Billy, at Dennis. "Bumibisita, bro E

