CHAPTER 01
CHAPTER 01
Athena
Ang saya saya ko dahil natanggap ako sa trabaho sa isang sikat at malaking kumpanya. Sa unang subok kong magapply sa posisyon na iyon ay natanggap agad ako.
“Yey!!! Natangap ako, Thank you Lord!” sobra ang saya ang aking nararamdaman ngayon hindi ko maipaliwanag.
Bukas daw ako magsisimula magtrabaho dahil ayon ang patakaran dito at mag reready pa ako dahil bukas ko pa daw mamemeet ang aking boss.
Nag apply ako sa kumpanyang ito bilang Financial Adviser at hindi ko aakalaaing matatanggap agad ako.
Madami din namang nag aaply andami ngang tao doon at mga qualified talaga sila sa posiyon na to kahit tingnan mo palang pero okay na ako na ang natanggap ang saya ko padin.
Palabas na ako ng kumpanya para umuwi dahil tapos na ang aking interview at nakuha naman daw ako sabi ng head ng kumpanya tatawagan nalang daw nila ulit ako bukas para ituro ang mga dapat kong gawin sa first day.
Dahil wala na akong magawa ngayong araw naisipan kong dumaan muna sa mall at magikot ikot. Ang init init talaga dito sa pilipinas hindi katulad sa States kahit may araw malamig padin.
--------------------
Dumaan lang ako sa starbucks at nag take out ng coffee at bread. Umupo muna ako sa isang table don habang hinihintay ang aking order. Noong dumating na ang order ko naisipan ko na ding umuwi dahil wala naman akong bibilin sa mall. Pumunta na ako sa parking lot dahil doon ako nag park ng kotse kanina.
Habang naglalakad ako pa puntang parking lot feel ko may nakasunod saakin kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse ko, paandar na sana ako ng mga kumatok sa bintana ko.
Dahil sa kaba ko hindi ko muna tiningnan kung sino dahil baka masamang tao at may gawing masama saakin, pero hindi padin umaalis ang lalaki kaya unti unti kong tiningnan at naka suit sya na kala mo kagagaling sa trabaho.
Dahan dahan kong binaba ang bintana ng aking kotse.
“Miss, yung wallet mo naiwan mo sa table sa starbucks” sabi nya saakin at sa di malamang dahilan kinabahan ako at napatitig sa gwapo niyang mukha at perpektong tangos ng ilong at mata na maladagat sa gandang pagmasdan hindi ako magkakamali ito yung lalaking minahal ko ng ilang taon at hanggang ngayon.
“Hey Miss, kukunin mo ba ito o tititigan mo nalang ako maghapon?” masungit na sabi nito saakin kaya napabalik ako sa pagkatulala sakanya. A-ano daw? kung sabihin niya yon ay parang hindi niya ako kilala parang wala kaming pinagsamahan. Ansakit parin
“S-sorry, n-akalimutan ko pala d-di ko napansin t-thank y-you mister” nauutal na sabi ko dahil nahihiya ako dahil natulala ako nung nakita ko sya hindi ko alam kung tatawagin ko ba siya sa pangalan niya, yumuko nalang ako at may nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko.
Tumingin lang siya saakin at walang emosyon, inabot nya saakin ang wallet ko at umalis na, naiwan parin akong nakatulala sa mukha nya iniisp ko kung kinalimutan niya na ba ako o nasaktan ko lang talaga siya ng sobra noon.
Sinampal ko pa ang mukha ko at huminga ng malalim bago ko paandarin ang sasakyan ko at tumuloy na sa condo unit ko. Naalala ko nanaman ang mga nangyari noon nasasaktan lang ako.
------------------------------
Nakauwi na ako sa condo ko ngayon at naisipan ko na tawagan si Mom nasa State kasi siya ngayon dahil doon nakatira ang pamilya ko. Ako lang ang nandito sa pilipinas dahil dito ko gustong tumira at mamuhay pero pinipilit din nila akong doon nalang para sama sama kami. Mayroon kasing negosyo ang pamilya ko doon mayroon kaming maliit na kumpanya ayos naman iyon at mataas ang kita. Wala na si Dad simula nawala si Daddy ngayon ko nalang ulit nakitang masaya si Mommy after 6 years nakilala niya doon si Papa Arnold na mabait naman at alam kong mahal nya si Mommy. Simula din nung nawala si Dad ay si Papa na ang namahala sa mga negosyo namin doon, malaking pasasalamat namin dahil dumating siya kung hindi ay wala na saamin ang kumpanya at alam kong nasa mabuting mga kamay ito.
Si Papa nadin ang tumayong pangalawang tatay ko simula nung nawala si Dad itinuring niya akong sariling anak kaya mahal na mahal ko din si Papa at malaki ang utang na loob ko sakanya dahil masaya si Mom ngayon at hindi nagiisa.
[“Hi Mom, kamusta po kayo dyan?”] bungad na sabi ko kay Mom nung sinagot nya ang tawag ko.
[“Hello Anak, okay lang kami dito kasama ko ang Papa mo ikaw kamusta ka dyan hindi ka pa ba uuwi dito? Miss ka na namin Athena.”] ilang months ko din kasing hindi nakikita sila Mom dahil nga naghahanap ako ng trabaho kaya hindi pa ako nakakabisita sakanila ayaw ko din naman kasing umasa sakanila habang buhay kahit na alam kong may kaya ang pamilya ko. Sasabihin ko narin narin sakanila na may work na ako sa Montemayor GoC.
[“May work na po ako now Mom, sa Montemayor’s GoC po ako natanggap”] paliwanag ko sakanya para alam nila ang mga nangyayari saakin.
[“Ganon ba? Congrats Iha, bakit kasi hindi ka nalang sa company natin mag work dito sa States ikaw din naman ang mamamahala nito pagdating ng panahon.”] eto ang topic na ayaw ko kapag kausap ko si Mom ang gusto ko din kasi na ako mismo ang maghihirap para makapasok ako sa trabahong iyon hindi dahil anak ako ng may ari at ayaw ko nga din sa States gusto ko dito sa Pilipinas.
[“Alam nyo naman Mom gusto ko ako ang maghahanap, don’t worry ako bahala sa company natin na ngako ako kay Dad diba at gusto ko pa pong manirahan dito sa pilipinas”] anong oras na din dito kaya naisipan ko na magpaalam na sakanila at matutulog na ako may work pa ako bukas.
[“Anong oras na din dito Mom magsleep na ako may work pa ako bukas, ingat kayo dyan ni Papa iloveyou both.”] paalam ko sakanila at baba na ng telepono nag ready na din ako matulong.
Natapos na ang paguusap namin ni Mom at hindi ko padin makalimutan ang pagtatagpo namin kanina at yung mukha ng lalaking minahal ko ng ilang taon at hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siyang hindi ako kilala o kinalimutan niya na talag ako.
Na mimiss ko na yung dalawang lalaking importante sa buhay ko at una kong minahal kaya lang wala na sila saakin e.
Inisip ko nalang na dapat masaya ako dahil may work na ako at naisipan ko nading magluto ng food dahil anong oras na din naman na. Natapos na akong kumain at naglipit.
Manonood nalang ako ng netflix habang nag papaantok dahil wala na din naman akong gagawin masyado at para nadin makapag ready bukas para sa first day ko sa work.
Sana maging masaya ako sa bago kong trabaho.