CHAPTER 02

920 Words
CHAPTER 2    Athena   5 am ako nagising at nag luto na ako ng breakfast para kumain muna ako bago umalis, 6:30 am naligo na ako at nagready nagsuot lang ako ng maroon fitted dress at tinernohan ko ng black na blazer. Nakaalis ako ng bahay ng 8am.   Umalis na ako dahil baka matraffic pa ako at malate ako sa first day ko baka mapagalitan agad ako 9 am pa naman ang work ko.   Nagpark lang ako sa parking lot at pumasok na sa loob ng company binati ko muna ang guard doon “ Goodmorning Kuya” at nag “Good morning Ma’am” din sya saakin.   Pupunta na ako sa office ni Mrs. Vilma dahil dito ako nipapapunta ng nag Interview saakin kahapon. Madami akong nakasalubong na empleyado at mukhang madadali naman silang pakisamahan dahil nginingitian nila akong lahat.   Nakarating na sa office niya at hinanap ko si Mrs. Vilma dahil sya ang Head namin dito at itatanong ko kung ano ang magagawa ko araw na ito.   “Good morning po Mrs. Vilma” bati ko sakanya noong natanaw ko sya at nginitian.  “Nandito ka na pala Iha, buti at hindi ka nalate ayaw pa naman ni Sir ng late.” Paliwanag nya saakin kaya buti nalang maaga ako nagising kanina.   “Ito ang mga gagawin mo ngayon ibibigay ko nalang din ang ibang documents mamaya, tandaan mo ayaw ni Sir ng nalalate at nagkakamali.” paliwanag nya naman saakin.    “Okay na ba Iha? Itanong mo nalang saakin kung may kailangan ka malaman o sa mga katrabaho mo.” paliwanag niya ulit saakin. “Okay sige po, Thank you po.” ayon ang sinabi ko sakanya at itinananong na kung saang floor ba ang aming department.   Sumakay na ako ng elevator patungo sa 9th floor dahil doon daw ang floor namin. Masaya ako habang paakyat dawil sa wakas ay may trabaho nadin ako.   Nakabalik nalang ako sa aking pagiisip ng tumunog ang elevator at ipaalam na nandito na ako sa 9th floor. Binilin din saakin ni Mrs. Vilma na puntahan ko sa office niya si Sir para magpakilala.   “Hi po, nandito po ba si Mr. Montemayor sabi po kasi ni Mrs. Vilma inaasahan ako ni Sir” bungad na sabi ko sa secretary dito. Nginitian nya naman ako at sinabi na “Hello po, kayo po ba si Ms. Athena Ramos?”.   “Yes it’s me, pwede na ba ako pumasok?” nakangiti kong sabi sakanya.    “Sige po Ma’am, goodluck po.” sabi nito saakin tsaka pinindot niya ang intercom para sabihin kay Mr. Montemayor na nandon na ako.   Kinakabahan na kumatok ako at tuluyan ng pumasok. Maganda ang pagkakadisenyo mg opisina kulay black ang mga gamit at malinis tingnan, napadako naman ang tingin ko sa table ng CEO at nakatalikod dito pero kitang kita mo ang tikas ng kanyang katawan. Nabasa ko ang pangalan na nasa nameplate Xander Levi Montemayor sana kaparehas niya lang ng pangalan.   “H-hello po Mr. Montemayor, ako po si Athena Izobelle Ramos ako po ang bagong Financial Adviser ng company.” magalang na sabi ko at unti unti siyang lumingon.   Nagulat ako nung makita ko kung ang kaniyang mukha miss na miss ko ito sa mahabang panahon at ito din ang lalaking dahilan kung bakit bumalik nanaman ang masasakit na alala niya noong panahon na iyon kahapon noong magtagpo muli sila. Gusto niya itong lapitan at yakapin dahil noong nagkita sila kahapon at wala siyang pagkakataon upang magsalita. Gusto niya itong kamustahin o kausapin kaya lang pinigilan niya ang kaniyang sarili mukha namang okay na siya at isa nang successful na tao makita niya lang na ganon ito ay masaya na siya.    “Ms. Athena Izobelle Ramos?” sabi nito sa malamig na boses at tiningnan niya lang ako pero parang  nakita ko galit at pangungulila pero baka mali lang ang nakita ko at bakit parang hindi niya ako kilala?!!    “A-ako nga Xander,  k-kamusta ka? a-ano ang gagawin ko?” kinakabahan akong itanong dahil sa klase ng titig na ibinigay niya saakin nilakasan ko na ang loob ko upang kamustahin siya.   “Sit and listen very well Ms. Ramos” sabi naman nito at sabay upo ko sa upuan sa tapat ng table niya.   Nahihiya akong tumingin sakanya ngunit tumikhim siya kaya napatingin ako sa mukha niyang sobrang gwapo at perpekto nahiya naman ako at feel ko pumula ang aking pisngi gusto ko talaga siyang yakapin.   “I have rules, first sundin mo lahat ng utos ko. Second ayaw ko sa nalalate at gusto ko Sir ang itawag mo saakin dahil empleyado kita. Third, walang personal na tanong kaya wag mo akong tanungin.” walang emosyon na sabi nito kaya napatango nalang ako.   Akward na napatingin ako sakanya at inayos ko ang aking sarili pinilit kong hindi lumuha sa harap niya at nilibang nalang ang aking sarili sa pagtingin sa opisina niya.    Tumikhim ito at sinabi na “Do you understand Ms. Ramos?” seryosong sabi nito habang nagbabasa ng ibang papeles sa kanyang lamesa.   “N-noted po Sir s-sorry, may kailangan pa po ba kayo?”    “Go to my secretary’s desk at itanong mo kung ano pa ang mga dapat mong malaman” sabi nito saakin at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.   “Okay po Sir, mauna na po ako” yumuko ako bago umalis pumunta na ako sa desk ng secretary niya at may tumulong luha sa aking pisngi dahil nasaktan ako sa inasta niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD