CHAPTER 3
Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo saaking pisngi at inayos ang aking sarili, may karapatan siyang magalit saakin dahil saaking ginawa sana ay mapatawad nya ako. Pagbubutihin ko ang pagtratrabaho ko dito at hihingi ng tawad sakanya.
“Hi? pinapunta ako ni Mr. Montemayor dito para sa mga iba ko pang gagawin” sabi ko sakanya habang nakangiti sakanya.
“Tessa po Ms. Athena, binilin nga po saakin ni Sir kanina at ito po ang mga gagawin niyo.” Inabot naman saakin nito ang tatlong folder at aayusin ko daw ng bawat date at alphabetical order.
“Ow Athena nalang I’m sure same age lang naman tayo” nagtawanan kami at nagtanguan gusto ko din magkaroon ng ka close dito at kaibigan kaya dapat makisama ako.
“Btw, Thank you nga pala dito nice to meet you!” sabi ko at pumunta na ako sa table na nasa Financial Department.
Nag inat inat muna ako bago ko simulan ang aking trabaho dahil first time ko itong gagawin, sana ay magtagal ako dito at maging masaya ako.
Mag 12 pm na ay hindi pa ako tapos at lunch time na, tinanong din ako ng ibang empleyado doon kung hindi pa ba ako maglulunch at inaya nila ako. Nakakatuwa sila dahil kahit bago pa lamang ako dito ay inaaya na agad nila ako.
“Miss Athena lunch time na tara sabay ka saamin?” sabi ni Jen at Lesley na kasama ko sa floor na ito. “Thank you, osige anong oras na din naman e sabay na ako sainyo” nakangiting sabi ko sakanila at sabay sabay kaming nag diretsyo sa canteen dito sa kumpanya.
Masaya kaming sabay sabay na naglunch. Si Tessa, Jen at Lesley ang una kong nakilala dito at may iba ding mga taga ibang department na nandoon at nginitian din nila ako. Si Jen kasi sa Income Statements si Lesley naman sa mga Reports at Taxes nakilala ko din si Lance na Financial Advisory din katulad ko at si Felix naman sa Cashflow at mga Transaction.
Nagkwentuhan lang kaming lahat ng kung ano ano at nagusap nagpakilala din sila saakin sinabi ko din na huwag na nila akong tawaing Miss dahil halos magkaka edad din naman kaming lahat. Natutuwa naman ako kahit may mga kaibigan na ako dito at ka close sa opisina.
Pagkatapos namin mag usap usap nagtrabaho na ulit kami dahil baka sabihin ng Boss namin na hindi namin ginagawa ang mga trabaho. Andaming mga papeles at report ang gagawin ko ngayon pati narin ang mga documents kaya inayos ko na ito para matapos kaagad dahil kailangan ito nila Felix
“Athena tapos na ba ang mga documents na kailangan?” tanong saakin ni Felix dahil kakailanganin nya ito para maayos ang transaction ngayon month na ito.
“Eto na patapos na din ibibigay ko sayo pag na finalize ko na.”
Naguusap usap kaming lahat ng biglang dumating si Lesley na hinihingal.
“Mag ready kayo dahil magiikot daw si Mr. Montemayor ngayon bawat department, dalian nyo baka masita tayo.” nagkagulo naman sila at nagsipag ayusan ng mga sarili at gamit.
“Bakit kayo parang takot at natataranta e si Sir lang naman pala.” pero ang totoo nyang kinakabahan din ako dahil makikita ko nanaman siyang ulit.
“Anong si Sir ka lang dyan e gusto ni Sir lahat maayos at walang mali sobrang istrikto kali non sa lahat ng bagay. Kaya nga umalis yung PA niya noon dahil pinagalitan ni Sir ng todo yun dahil nagkamili lang ng oras na sabi para sa meeting. Buti nga si Tessa ay gamay na si Sir kaya tumagal din siya bilang Secretary nito” kinabahan naman ako sa kanyang kwento na nalaman ko nagiba na talaga ang ugali nya hindi na ata siya ang dating kilala kong Xander.
Ang iba naman todo ayos at paganda sa kanilang mga sarili dahil tiyak akong may mga gusto ito kay Sir.
Lahat sila nagaayos ako lang ang hindi ganon pati din sila Jen at Lesley na nagaayos.
“Ikaw Athena bakit hindi ka pa nagaayos baka dumating na sila ang sabi ni Tessa nasa kabilang department na sila.” sabi naman Jen saakin.
“Hindi na ako magaayos okay na ako dito” iniisip ko kung ano ang gagawin ko kapag nasa harap ko uli siya.
“Okay sige bahala ka, Kayo naman Lance at Felix mag ayos kayo ng Table nyo ang gulo gulo.”
Hindi ko na sila pinansin masyado habang natataranta sila magayos pinagpapatuloy ko padin ang pag aayos ko ng documents ngayon para matapos ko kaagad maayos naman kasi ang table ko at naka light make up din ako kanina bago pumasok. Kunwari ay chill lang ako sa pagdating niya pero kinabahan talaga ako sa loob ng anim na taon ngayon nalang ulit kami nagkita ng malapitan.
“Andyan na daw sila, magready na kayo” imporma ni Lance sa aming lahat.
Dumating na sila Sir at madami pa namang siyang tinitingnan kaya inayos ko muna ang mga papel at pagpatuloy sa pagaayos nito at nasa medyo dulo at sulok din naman kasi ang table ko at naririnig ko na din silang bumabati.
Habang nagaayos ako at nagbabasa basa padin kinakalabit at sinisiko ako ni Jen dahil magkatabi kami ng table.
“Aray! bakit ano yun?” lumingon naman ako sakanya at tinanong kung bakit. Ngumunguso lang sya pa harap at tumuturo kaya naman humarap na din ako.
Tumingin ako kung sino ang nasa harapan ko nagulat naman ako dahil nasa harap ko na nakatayo ang boss ko mas lalo naman akong kinabahan dahil sa titig na ibinigay niya saakin.
“You are busy reading that documents that’s why your not aware that I am already here Ms. Torres” malamig na sabi nito kaya naman kinabahan ako baka pagalitan ako o sigawan unang araw ko palang naman nakakahiya.
“A-ahh pasensya po Sir, s-sorry po”
“Sa susunod pag nandito ako itigil niyo ang inyong mga ginagawa, hindi kayo marunong mag focus tsk” sabi nito napayuko nalang ako.
“O-opo Sir, s-sorry po.” tiningnan niya lang ako tsaka umalis na kasama ang mga kasama niya hindi nya na muli ako tinapunan ng tingin tuluyan ng tumalikod.
Kinabahan ako akala ko akala ko papagalitan niya ako ng todo sa harap ng mga katrabaho ko buti nalang hindi. Maiintindihan ko din naman kung galit siya saakin ngayon dahil sa ginawa ko noon pinagsisisihan ko naman iyon.
Hindi ko parin makalimutan ang mga pagtatagpong iyon. Kapag malapit talaga sya ay kinakabahan ako at bumibilis ang t***k ng puso ko mas lalo ko siyang namimiss. Natulala ako at hindi na ulit ako makapag focus sa trabaho ko naalala ko lang ang mukha niya.
“Huy Athena kaya pa ba today?” tanong saakin ni Lesley na nakadungaw sa table ko ngayon.
“O-o kaya pa n-nagulat naman ako sayo”
“Kinakalabit na kasi kita masyado ka naka focus sa mga papeles e jusko ka” sabi ni Jen
“Pero nakakapagtaka na hindi ka sinigawan dahil hindi ka naka focus sa iba kasi galit si Sir kapag ganon.”sagot naman ni Felix sa likod ko. “Kaya nga baka good mood si Sir today” sabi naman ni Lesley
“Pero kung ako yon okay lang mapagalitan basta mapagmasdan ko ang mukha ni Sir” kinikilig na banggit ni Lesley.
“Hindi ko nalang ulit gagawin sa susunod.” sabi ko nalang sakanila dahil hindi naman nila alam na ex ko ang boss namin ang kaisa isang lalaking minahal ko.
“Pero ang pogi talaga ni Sir kaya karamihan dito o lahat may gusto kay Sir dahil ang gwapo nya” para bang kinikilig na sabi nila saakin, andami ko palang kaagaw joke.
“Kayo talang mga babae basta pogi aano nyo e magtrabaho na nga lang kayo dyan puro kay chismis e” singit naman ni Lance saamin nagkatinginan nalang kaming tatlo at natawa at nag balik na sa trabaho.