CHAPTER 4
Na late ako ng gising dahil nanood pa ako ng Netflix nung kinagabihan dahil hindi ako makatulog kaya eto late ako nagising hindi din kasi ako nagising sa alarm huhu.
Hindi na ako nakapag breakfast at balak ko sanang dumaan nalang sa starbucks para bumiling coffee doon nalang ako dadaan mamaya sana lang ay walang traffic ngayong araw.
Dumaan na ako dito sa starbucks malapit sa companya para mabilis lang. Umorder lang ako ng kape at bread para sa breakfast ko pero nabigay nung barista yung order ko sa iba nagkapalit nakakainis ako oras na yari ako late na talaga ako nito.
To Athena From Jen
:Athena girl nasaan ka na baka malate ka mapapagalitan ka?!
To Jen From Athena
:Wait lang Sis malapit na ako!
Message saakin ni Jen dahil anong oras na at magpapark pa ako kaya sinabi ko nalang na saakin nalang yung order nung napalit para makaalis na ako.
Nag park lang ako saglit at dali dali na akong umakyat. Antagal pa bumukas ng elevator kaya nakailang pindot na ako dito pababa parin.
Nagulat ako ng bumukas ang elevator dahil si Xand-Mr. Montemayor pala ang nakasakay dito, patay ako nahuli akong late.
“Your late Ms. Ramos” bungad niya saakin
Nahihiya naman akong sumukay ngunit malalate na ako mas mayayari ako nito. Naging malapit nanaman ako sa kanya
“S-sorry po S-sir hindi na po m-mauulit” nakayukong sabi ko dahil nakatitig sya saakin.
“Go to my office later” at lumabas na sya ng elevator naiwan naman ako doon magisa pero bago magsarado at elevator ay tiningnan niya lang ako gamit ang malamig na tingin.
Nakadating na ako sa table ko at nandoon nadin sila Lesley nagsisimula na magtrabaho ganto talaga tong mga ito kahit pagdating sisimulan na ang trabaho para daw hindi sayang ang oras.
“O ano Athena napagalitan ka ba?” tanong ni Jen ng pag ka upo ko sa table ko
“Buti nga hindi medyo abot pa ako sa time” sinabihan din nila ako na wag na ulit malalate para hindi ako mapagalitan aagahan ko na talaga palagi ang gising nakakainis kasi yung alarm ko di tumunog.
Naalala ko nalang nung nasa kalagitnaan na ako ng pag tra trabaho pinapapunta nga pala ako ni Sir sa opisina niya dahil noong nasa elevator kami binanggit niya iyon.
“Punta lang ako sa Opisina ni Sir pinapapunta ako.” paalam ko sakanila at tumungo na sa office niya.
---------------------------------
“Hi Tessa, andyan ba si Sir?” tanong ko kay Tessa pagkadating ko sa pinto ng CEO
“Opo Miss Athena, ano po kailangan nyo?” tanong nito saakin
“Pinapapunta niya kasi ako kanina naalala ko”
“Sige po sabihin ko nalang po kay Sir na nandito na kayo” nagpasalamat naman ako
“Pwede na daw po kayo pumasok” ngiti nito at tuluyan na akong tumungo sa office niya at kumatok muna ng ilang beses hanggang sa may nagsalita.
“Come in”
Pumasok na ako at nahihiya ako sakanya at kinakabahan ibang iba na talag ang itsura niya mas lalo siyang pumogi at lumaki ang katawan ibang iba din ugali sa minahal ko Xander nung college.
“H-hi po Sir b-bakit po?”
“Kunin mo tong mga papeles na ito at ayusin ng mabuti” sabi nito sa malamig na boses at tinitigan lang ako.
Nakita ko naman ang mga folder na nandon sa lamesa nya dalawang makapal yon na folder puno ng mga papeles.
Hindi ko alam kung sinadya niya ba itong gawin saakin para pahirapan ako o talagang ganto ang trabaho ko.
“S-sige po Sir” yumuko na ako at akmang aalis ng nagsalita siyang muli.
“I'll need those documents first thing in the morning tomorrow.” napanganga naman ako sa sinabi niya paano ko kali ito matatapos anong oras na.
“S-sir baka po hindi ko ito matapos anong oras na po e”
“Nag rereklamo ka ba Ms. Ramos?”
“’A-ah hindi po S-sir, gagawin ko na po ito” sabi ko na napayuko nalang ako at tuluyan ng lumabas ng opisina niya siguro mag oover time nalang ako ngayon dahil kailangan ko ito matapos. Nginitian ko naman si Tessa bago ako bumaba.
Pag ka sakay ko naman ng elevator ay saktong nakasakay doon si Lance.
“O Athena anong floor ka? Tulungan na kita dyan akin na” kinuha niya naman ang ibang papeles at siya na ang nagbuhat noon.
“Sa floor natin gagawin ko ito kasi kailangan ni Sir bukas ng umaga” paliwanag ko sakanya.
Mabait naman itong si Lance isa siya sa mga nagiging kaibigan ko dito sa kumpanya at masaya akong makilala silang lahat.
“Gusto mo ba samahan kita o tulungan?” tanong naman nito saakin at nahihiya naman ako kaya tinanggihan ko nalang nakakahiya din naman.
“Kaya ko na ito madali lang naman tsaka ito din ang first O.T ko” ay pumayag naman siya dahil sinabi kong huwag nalang
Nang makarating na kami sa table namin ay nagpasalamat naman ako sakanya sa pagtulong at agaran ko ding sinimulan ang aking ginawa para maaga akong matapos.