"Mga bakla!" Sigaw ni Marco sa dalawa niyang kaibigan. Sabay na napalingon sina Madison at Alyana na kasalukuyang kumakain ng breakfast. "Ang aga pa girl, kung makasigaw ka naman diyan. Parang may sunog! Halika na nga, ikain mo nalang yan!" sambit ni Alyana. "Sorry naman, eh paano kasi hanggang ngayon nangangatog parin ang mga tuhod ko, dahil sa nangyari kagabi!" Naguguluhan naman si Madison na tumitig kay Marco. Mayroon ba siyang hindi nalalaman? "Anong nangyari ang sinasabi girl? Diba nasa party kayo kagabi kasama ang team?" "Exactly girl!" uminom muna ito ng tubig bago nagsalita. "Yung ex-husband mo, nagkita kami kagabi. Hinila ba naman ako, pilit niya akong tinatanong ng tungkol sayo!" "What? Girl, wala ka namang sinabi hindi ba?" "Syempre wala, ayaw naman kitang pangunahan

