Kinaumagahan ay masayang gumising si Sebastian ng may ngiti sa mga labi. Napag-isipan niyang umuwi ng mansion, dahil Sabado naman at wala siyang pasok. Excited siyang makauwi, pasipul sipol pa siya habang naliligo. Hindi maitago ang kasiyahanng nararamdaman niya. Abot kamay na niya ang kanyang mag-ina. "Mommy! Where is Dad? I have some good news!" Masaya niyang niyakap ang kanyang ina. "You look so happy Sebastian. Ngayon lang kita nakitang masaya ulit anak." "Anong ingay ito huh? Nasa labas ka palang dinig na dinig ko na boses mo iho! Hindi naman halatang masaya ka ngayon!" natatawang saad ng kanyang Daddy . Nasa living room silang pamilya, hindi naman mapakali si Sandra kung anong good news ang dala ni Sebastian sa kanila. "Now, son. Tell us the good news! Bilis!" "Mom remember

