SEBASTIAN POV Paulit-ulit kong ipinikit ang aking mga mata. Just to make sure na hindi lang ito panaginip. Hindi ako lubos makapaniwala na kaharap ko na ngayon ang aking mag-ina. Alam ko na sa una palang hindi lang basta kaba ang naramdaman ko kay JR noon kundi lukso ng dugo. Hindi ko na kailangan pang itanong kay Madison,dahil unang beses pa lang na masilayan ko ito ay alam ko na. "JR anak, I'm your Daddy Sebastian." lumuhod pa ako para magpantay kaming dalawa with wide opened arms. "It's been five year's, yes baby it's been five years. Ang tagal ko kayong hinanap." Ngayong nandito na sila sa harapan ko, hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito. Kailangan ko sila ng anak ko! "Is it true Mom? Is he really my Dad? But why you left us like that? Why did you let Mommy raised me

