MADISON POV: Ang gaan-gaan ng feeling ko, ganito pala ang pakiramdam ng walang kinikimkim na sama ng loob at walang itinatago. Pagkatapos ng usapan namin kagabi nina Sebastian at ng mga magulang niya ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Lahat gagawin ko, kung para sa ikaliligaya ng anak ko handa akong magpatawad. Kitang kita ko kung gaano kasaya si JR na makilala ang ama. Inihatid pa niya kami, at halos ayaw na niyang humiwalay pa kay Sebastian. Ingat na ingat ako sa pagbangon, dahil baka magising ang anak ko. Alam kong napuyat din ito kagabi. Dahil pagkahatid sa amin ni Sebastian kagabi ay naglaro pa ang mga ito. Pinipilit niyang dito matulog ang Daddy niya, dahil gusto niya tabi-tabi kaming matutulog. Hindi ako pumayag, oo susubukan kong papasukin muli si Sebastian sa aking

