'Can u come outside pls..' Nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang text message na ito galing kay Laura. Kakaalis lang nya ah, bakit gusto nya akong palabasin? Dapat bumalik na lang sya dito sa loob kung may nakalimutan man siyang sabihin. Iiling-iling akong lumabas ng gate at nagpalinga-linga sa paligid pero wala naman siya. Napuno ng pagtataka ang aking mukha nang pagtingin ko sa kabilang side ng kalye ay nakatayo ang isang babae na nakasandal sa kanyang kotse. Dennise? Ano naman kaya ang ginagawa nya rito? Lalong dumami ang gatla sa aking noo. Parang kakagaling nya lang sa pag iyak. Nahigit ko tuloy ang aking hininga. Noong gabi ng party na dinaluhan namin nina Rad, sobra talaga akong nasorpresa nang makita ko si Dennise kasama si Beth. Bumangon ang selos at inis sa dibdib ko

