I can see the shocked in all their faces when I already told them what's really going on. I felt Rad's hand on my arm as if she's stopping me. "Rad, you told me they deserve to know what happened to me, don't you think this is the right time?" "But Aly, we are just ha-" "Rad, hayaan na natin si Aly." Putol ni Tita Rona sa sasabihin ni Rad. "Mukha namang gulong-gulo na rin ang mga kaibigan ni Aly, kaya mas maganda kung malalaman na nila ngayon." "Ano po ba ang dapat naming malaman?" Nagtatanong ang mga mata ng singkit at maputing babae na may maikling buhok. Tiningnan ko siya bago ako humugot ng isang malalim na hininga at saka ko inumpisahang ikwento ang mga nangyari... Naalimpungatan ako sa iba't-ibang ingay na naririnig ko sa aking paligid. Pinilit kong imulat ang aking mga mata p

