"Good morning Tita!" Hinalikan ko sa kanyang pisngi si Tita Rona na mag-isang kumakain ng breakfast. Nangunot ang aking noo. "Where's Rad?" Umikot ako sa kabilang side ng table at umupo. Nagkibit balikat lang si Tita Rona. "Kanina ko pang pinagising sa katulong, sabi raw mauna na tayong magbreakfast." Inilagay ko sa aking kandungan ang napkin at nagsimulang magsalin ng pagkain sa aking plato. "Bakit daw?" "Ewan ko." Ano naman kayang problema ng babaeng 'yon? Hindi na kami nakapag-usap kahapon dahil nang dumating ako ay tulog na raw ito. "Someone's happy today..hmmm." Napatunghay ako kay Tita Rona na may makahulugang ngiti sa kanyang labi. "Who?" Kunot noong tanong ko. "Don't play innocent, Aly!" Tita Rona rolled her eyes. Amuse nya akong tiningnan. "You're glowing!" "Am I?" Pinigi

