Kunot noo kong hinawakan si Rad sa kanyang braso upang pigilan siya sa pagpasok sa loob ng isang restaurant na mukhang ipinasarado dahil may exclusive party sa loob. "What are we doing here Rad? Saka kanino bang party 'to?" Napansin ko na panay ang dating at pasok ng mga bisita. "Aattend ng birthday party." Bale walang sabi ni Rad. "Nino?" Kaya pala pinagsuot nya ako ng formal dress at inayusan. Hindi agad nakasagot si Rad kaya nagkaroon na ako ng ideya kung sinong may birthday. "Are you even invited here, Rad?!" Ang alam ko hindi pa sila nag-uusap ni Jovelyn. So what does it mean? Mag-ge-gate crash kami?! Hindi ako nagsinungaling kay Dennise para lang dumayo sa isang party na hindi naman kami inimbitahan. Akala ko naman kung anong importanteng bagay ang gagawin ni Rad! Gumawa pa ako ng

