Nakahanap ng trabaho si Proserpina bilang isang private caregiver sa isang mayamang matanda. Dahil wala naman nang naisalbang negosyo ang mga Cruzadas, at kailangan niya pa ring tustusan ang mga gamot at rehabilitasyon ng Papa niya, kaya hindi siya puwedeng huminto sa pagtatrabaho. Mabuti na rin iyong trabaho niya ngayon ay may kaugnayan sa kurso niya. Mabait naman din ang matandang inaalagaan niya, si Mrs. Padua. Pagkatapos ng klase ay saka siya nagtutungo sa malaking bahay nito sa isang eksklusibong subdibisyon. Ang pagkakaalam niya ay dati itong direktor sa isang tanyag na Universidad bago ito nagretiro dahil mahina na ang katawan nito. Kapag wala si Proserpina sa Mansiyon Cruzadas ay sina Sylvia at Olivia ang nag-aalaga sa Papa niya. Napatawad na rin ng Papa niya si Sylvia at nagigin

