Sa gitna ng pamimighati ni Proserpina ay dumating ang magandang balita. Nakatanggap siya ng tawag mula sa ospital at ipinaalam sa kanya ng doktor na nagising na sa wakas ang kanyang ama. Sa sobrang pagkagulat ay nabitiwan pa niya ang telepono. Alam na alam ng Diyos kung paano siya bibigyan ng motibasyong bumangon sa panahong lugmok na lugmok na siya. Mabilis siyang pumanaog ng sala at hinanap ang kanyang madrasta at kapatid. Nakaupo ang mga ito sa sofa. Kung ang pagbabatayan ay ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ng mga ito ay natitiyak niyang namomroblema rin ang dalawa kung paano siya aaluhin at kung paano pagagaanin ang kanyang kalooban. Alam kasi ng mga ito na kahit lumipas man ang mga araw, linggo, o buwan, ay mananatiling mabigat para sa kanya ang pagpanaw ng CEO at may-ari ng Vas

