Lalong hinila ni Hades pababa ang saklob sa ulo ng suot niyang itim na balabal. Halos hanggang kalahati ng mukha niya ang kayang takpan niyon. Tinitiyak niya lang na walang makakakita sa kanya habang nasa siyudad siya at parang asong baliw na sinundan si Proserpina. Nang matanawan niya ang dalaga ay bahagya niyang hinawi pataas ang saklob sa ulo ng suot niyang balabal at pinagmasdan ang pigurang nakatunghay sa namumulaklak na hardin ng malaking bahay kung saan ito nagtatrabaho bilang private caregiver. Mula sa kinaroroonan ni Hades ay natatanaw niya ito mula sa mga espasyong nakapagitan sa bakal na gate. He had tracked her down so easily, because she was still wearing the black opal ring. She was still wearing my ring. The ring that he had given her thru Morris. Kung totoong ikakasal

