Huminto sa pag-inog ang mundo ni Hades nang pagtulak niya pabukas sa pinto ng silid ni Proserpina sa ospital ay tumambad sa kanya ang paroo’t paritong mga nurses at doktor. Dinig niya ang matinis na tunog ng aparatong nakakabit sa dalaga. Namutla siya. Proserpina was having another seizure. Pangalawang beses na iyon. Ang sabi ng doktor ay baka mapinsala na ang utak ng pasyente kapag hindi pa nabigyang lunas ang kundisyon nito. The medical team had been working overtime as per his request. Hindi matanggihan iyon ng ospital. He was a VVIP after all. At nakikita rin ng mga ito kung gaano siya kaapektado sa mga nangyayari. His face, being the CEO of a very powerful Company, had been plastered on news headlines and he was top #1 in trending topic worldwide. Pero wala siyang pakialam. Wala na

