Nang matapos na kaming mamalengke akala ko diretso balik na kami sa university pero itong kasama ko nag-aya muna kumain. Sabi ko mag-fishball na lang kami pero gusto daw niya yung may aircon dahil init na init na siya
“Iba talaga kapag rich kid” pailing-iling ko pang sabi habang palakad kami. Tinawanan naman niya ako dahil wala akong magawa kundi ang sundan siya.
Medyo madami-dami rin pa lang itong pinamalengke namin. Pinabalik nila kami doon before 12, we still have 30 minutes para kumain.
He order na kaya naghanap na akong table. Nang makahanap I check my phone baka may text sila. And I just realized na ngayon ko pa lang talaga ito iche-check, I will only look at it kapag titignan ko ang time.
I saw some messages from Cathy, Mika, and some from our group chat nagtatanong na si Mike our president kung pabalik na kami. I replied naman na yes kahit ang totoo we’re having a light lunch na ni Jae.
Ilang minutes lang naman ay nakabalik na si Jae dala ang order namin. Kaya we start eating na dahil konti lang ang oras namin.
“Tinatanong na nila kung asan na tayo” sabi ko kay Jae
Ngumiti lang naman siya “Sana sinabi mo di na tayo babalik” I laugh at him.
“Takot silang hindi kumain nasa sa atin yung pagkain eh” dagdag na sabi pa niya. joker din pala itong lalakeng ‘to I become comfortable with him hindi ko alam kung kalian pero I guess noong makapartner ko siya sa sayaw.
“May tanong pala ako”
“Hmmm?” hindi ko siya magtinan dahil busy akong naghahanap ng ketchup for the fries, di ata nila kami nabigyan.
“Nililigawan ka ba nung sa Civil?” napatingin naman ako sa kanya noong marinig ko ang tanong niya.
“Sino?” hindi ko alam sinong tinutukoy niya, probably Dale? But they know him naman?
“Yung sa student council” iniwas ko ang tingin at itinuloy na lang ang paghahanap ko ng ketchup. Isa lang ang nakita ko, ang damot.
“Ahhh…” habang nilalagay ang nag-iisang ketchup na ibinigay nila sa tissue “No, friends lang namin” iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya at sumalubong sa akin ang mukhang nakangiti.
I furrowed my brows dahil hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang natanong iyon, tapos nakangiti pa siya ngayon.
“Bakit?”
“Wala lang,” ngayon ay siya naman ang umiwas ng tingin pinanuod ko ang bawat kilos niya. What does he wants? “So pwede kitang ligawan?”
“Huh?” ang hina ng pagkakasabi niya but I think I heard him clearly ask if he can court me.
Iniangat niya ang tingin and he look directly into my eyes kaya bigla akong kinabahan.
“I said Can I –” not letting him finished tumayo na ako. Tinignan ko naman siya habang nakatingala sa akin. I’m blushing I know dahil nahihiya ako sa kung ano man ang naririnig ko
“L-let’s go na naghihintay na sila sa atin” I stuttered saka ko kinuha ang mga plastic bags na dala-dala namin, I looked at him first bago naglakad ng mabilis palabas. And I saw him smirking. Putangina. I knew it something's wrong. Nasa entrance na ako at sobrang bilis parin ng t***k ng puso ko. Nang maramdaman kong nasa tabi ko na siya naglakad na kami para sumakay ng jeep. Composed yourself Daniel.
Nakadating kami sa university ng hindi nag-uusap, pero ang ngisi sa labi niya ay hindi mawala-wala ako lang ba ang na-aawkward? Why does he need to do that ngayon hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
“Ang tagal nyo” salubong sa amin ni Mike “akala namin di na tayo makakain, nagdate muna siguro kayo ‘noh” dagdag na asar niya pa sa amin. kaya mas lalo akong nag-blush darn. Si Jae ay nakangising aso pa rin sa tabi ko parang gustong-gusto pa niya na inaasar kami ha?
Hinanap ko si Cathy after that. And kita kong busy na rin siyang inaasikaso ang foods para sa boodle fight kaya nilapitan ko siya.
“Napano ka?” tanong niya sa akin ng makita niya ako.
“Wala” sagot ko naman. Yeah she knows everything. Isipin mong wala pa akong sinasabi but she already knows na may mali.
“Nako, go wash your hands magstart na niyan” hinarap niya ako “mamaya kita kukulitin diyan for now gutom na ako” saka niya ako nilagpasan para magpatuloy sa pag-aarrange ng pagkain sa table.
I’m starting to overthink na naman but I pat my face para mapigilan ito. Mamaya na Daniel, ngayon focus ka muna madaming gagawin, sabi ko sa sarili. I take a deep breath at saka tumulong na rin sa pag-aayos para matapos kaagad.
Tumabi ako kay Cathy dahil mag-start na ang boodle fight. Kahit konti lang naman ang kainin ko I think busog na busog na ako. I saw Jae on the other side looking at me, kaya umiwas ako ng tingin.
Nagsimula na ang ang kainan and we are in different chaos dahil lahat ay gutom. Kasama namin ang adviser namin pero hindi siya kumakain he volunteers na siya na lang ang mag-take ng pictures kaya while we are eating with barehands nagpo-pose din kami at the same time.
Masaya naman kahit halos sa mga kaklase namin ang gugulo nag-aagawan pa sila sa ulam. Kaya tawang-tawa kami.
Nagpalaam ako kay Cathy na bibili muna ng tubig sa may canteen ng EB dahil naubusan kami ng tubig. Kanina pa ako gustong puntahan ni Jae but I’m avoiding him dahil nahihiya pa rin ako sa kanya. Not now maybe tomorrow.
Cathy and the group who are incharge sa paglilinis ay naiwan.
Habang pabalik na ako sa room I saw a familiar man sitting on the bench nearly at the canteen. He looked exhausted, nakapikit ang kanyang mata habang nakasandal. Is he sleeping? Nilapitan ko siya without making any noises. Medyo tahimik din kasi sa EB ngayon dahil karamihan ay nasa gymnasium watching some programs.
Nang makalapit ako sa kanya idinikit ko ang cold water bottled sa kanyang pisngi na siyang nagpamulat ng kanyang mata.
“What are you doing here” tanong ko pa sa kanya. Umayos naman siya ng upo at tumingala para matignan ako.
He’s not answering me nakatingin lang siya sa akin. Ako ang nahihirapan sa kanya kaya umupo na ako sa kanyang tabi at sinundan naman ako ng tingin nila.
“What?” may balak ba itong magsalita?. Hawak ko pa rin ang dalawang bottled water na binili ko. Hinihintay ko siyang sumagot kaya uminom muna ako dahil uhaw na rin ako. Bahala si Cathy maghintay.
“Are you going to talk or not?” baka nagpapahinga nga talaga siya at inistorbo ko siya. Inubos ko ang tubig at tatayo na sana dahil wala naman atang balak magsalita itong katabi ko, pero bago ko pa nagawa iyon hinigit na niya ang kamay ko para mayakap ako na siyang ikinabigla ko.
“Anong ginagawa mo?” I’m trying to push him gently dahil baka may makakita sa amin.
“1 minute please,” isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg “I’m so tired” dagdag pa na sabi nito. Hindi na ako nanlaban at pinabayaan ko na lang siya, I pat his back to comfort him dahil alam kong pressure at pagod ang dala-dala nito. Bahala lang talaga siya magtiis sa amoy ko, na amoy araw.
A minutes pass at ngayon lang niya ako binitawan he is holding my other hand. Tinignan ko ang mukha niya and he look annoyed.
“Problema mo?” tanong ko agad sa kanya.
“You’re not answering my chats and texts” iritang sagot niya.
“Nakakalimutan ko because we have so much to do” kahit ang totoo ay hindi naman “I also know na busy ka, kaya hindi na rin kita inaabala” this one is true though.
Greetings and mga tanong na ‘kumain kana?’ ‘Did you got home’ lang naman ang mga tanong niya. he should ask Dawn na lang about it tutal nagsasabay naman kami palagi ni Cathy.
He still not convinced dahil walang pagbabago sa mukha niya.
“I saw you pasakay ng jeep with your classmate.” irita pa ring sabi niya “busy ba ‘yon? If I know you just go on a date” oh my God is he serious?
I laugh at him and explained that we are just buying something for our lunch. I don’t even know why I explain it to him dahil hindi siya matigil from throwing tantrum parang bata.
“I’m saying stay away from him” is he serious now?. pinaglalaruan pa rin niya ang mga daliri ko. Tinigan ko ang tubig na hawak ko sa kabilang kamay nawala na ang lamig. Probably Cathy is insanely waiting for me now. di ko pa naman macheck ‘tong phone ko na nasa bulsa
“Why would I?” kapag sinabi niyang bibigyan niya ako ng isang milyon baka layuan ko pa si Jae but he is probably being just petty right now.
“Because I said so” matapang nasagot nito.
I sighed after hearing him. Ano na naman bang trip niya sa buhay. Dapat pala nilagpasan ko na lang siya kanina.
“Alis na ko” saka ako tumayo “Cathy is probably waiting for me” sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Hatid na kita” as he stand up.
“Huwag na” baka magkaroon na naman ng issue “wala ka bang gagawin ha?”
“Wala” mabilis naman na sagot niya at nagsimula na siyang maglakad habang hawak pa rin ang kamay ko.
“Let go of my hand baka may makakita” totoo naman, mga students pa naman agad-agad nakakagawa ng issue.
“Ayoko” saka niya mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
I don’t know how many sighed I had did. Nang matanaw ko ang booth namin I saw them taking some pictures, gaano nga ba ako kaswerte kung kalian nasa labas silang lahat.
Pilit ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Dahil the more na papalapit na papalapit kami ganoon karami ang tumitingin sa amin.
Nang tuluyan ng makalapit I saw Cathy looking us walang emosyon ang mukha on the corner Jae is seriously looking sa kamay namin ni Mika. Kaya pinipilit ko itong tanggalin He’s literally making a scene my goodness.
“Nandito na pwede mo na sigurong bitawan kamay ko?” tanong ko sa kanya with my no expression face.
Binitawan naman niya ito kaya nakahinga ako ng maluwag saka niya ako hinarap I thought tapos na siya. But he kissed me on forehead. “don’t go near with him” saka siya bumulong and look straight on Jae’s eye and smirk as he leaves us all in an awe.
I’m walking towards to my classmates with my fake smile. Nakakahiya yung ginawa ni Mika sa totoo lang.
“Are you two dating?” saka naman nagsilapitan ang mga kaklase ko sa akin.
“Jowa mo ba si Mika?”
“So the rumors are true?” what rumor?
“Kailan pa?”
Sumulyap ako kay Jae na hindi ko malaman kung ano ang expression niya, is he mad? Annoyed? Or irritated? Damn Mikaela mamaya ka sa akin.
“Huh?” ang tanging nasabi ko dahil panay ang tanong nila sa akin at ako ay gulong-gulo pa rin sa nangyari. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nakatingin lang sa amin. Good thing na kaming mga ECE students lang ang nandito ngayon sa building because if we’re not baka mas lalong naging magulo.
“They are not!” biglang sulpot naman ni Cathy sa tabi ko.
“Kaibigan lang namin si Mika” Cathy takes a deep breath “most of you know him, he’s just probably playing some tricks” I don’t know why she said that to them. I’m kinda mad because of that.
“Excuses us” saka ko hinigit si Cathy paalis sa mga kaklase namin.
Idinala ko siya sa comfort room ng EB at chineck ang every room kung may tao ba ng makitang kami ng dalawa lang ay hinarap ko na siya.
“What did you say about Mika?” hindi ko alam bakit may kasamang irita sa pagkakasabi.
“He’s taking this too far na!” she’s mad “I won’t torelate him anymore” naiiyak na siya.
“What do you mean?” hindi ko siya maintindihan “After all the teasing that you guys did to us?” hindi ko na mapigilan pa, dahil I don’t know what to think anymore. Hindi ko alam saan ako lulugar. They both told me not to expect anything about him but they won’t stop teasing us? I really didn’t expect her to say those things kanina. I want her to help me out but not in that way where she will talk about something that we both don’t know.
“Both you and Dale scold me because of him!” the frustration is killing me “but then after meeting them para kayong si Mika na acting like nothing happened you even tease us endlessly!” saka na tumulo ang luha sa mga mata ko.
“And now he finally showing it to others how he acts whenever he’s with me you will talk s**t about him?” wala siyang imik she’s just crying silently.
“I want you to know na nagagalit ako because hindi ko alam saan ako lulugar, I don’t know if you’re rooting for me para kay Mika or not because the things that you had said earlier I don’t think you are” these past few days I’m so full of thoughts. After what happened at the concert hindi na ako mapigil mag-overthink I’m acting fine but the truth is I’m not.