CHAPTER EIGHTEEN

2526 Words
The pageant has ended, and the title got by CBA and CASS. Cathy is still complaining about why our representative didn’t win I can’t argue naman with her kasi I’m not into pageant I’m just watching and I can’t give my criticism. In short, she’s not satisfied with the result. “That’s why I told you ikaw na lumaban next year” pabiro kong sabi sa kanya habang palabas na kami ng gymnasium. Nakabusangot pa rin ang kanyang mukha. Sana siya na lang nag-judge mas magaling pa siyang nag-critique sabi ko sa isip ko. Nagpalaam na rin kami kay Mika we didn’t disturb him more dahil may ginagawa pa siya. And he did us a lot of favor kaninang nanunuod kami. He even gave us snacks kanina nakakahiya man ay tinanggap namin iyon because Cathy is hungry nagmukha tuloy kaming mga VIP pati mga kasama niyang officers I assume na tinanong na kami sa kanya kung ano niya kami because they were giving us some gazed na akala ata nila ay hindi ko napapansin. “Puntahan ba natin sila Dawn” “Yeah… they were done na daw” naglakad kami papunta ng EB. We first go to our booth para mag-attendance kaya pumasok na kami sa loob ng room. “May gagawin ba kayo Cathy, Dan?” tanong sa amin ng President namin na si Mike na busy na inaayos ang gamit. Pansin ko ngang ang konti ng tao sa booth nasaan kaya sila? “Hmmm… wala naman” ako na ang sumagot dahil busy pa si Cathy sa pag-susulat. “Pwede pa bantay sandali yung booth, wala pa kasi sila Kyle saka Prince na originally naka-assign” akala ko maaga akong makakauwi ngayon. “Sure” wala naman akong choice, “Thanks!” saka ko na lang siya binigyan ng isang maikling ngiti. Lumabas ako para tignan ang pwede kong gawin dahil as of now wala pa naman customer. “Dan! Una na ako puntahan sila Dawn” sabi ni Cathy kalabas ng room “sabihan ko na lang si Dale na puntahan ka katapos niya” “Okay…” walang ganang sagot ko and she hug me tight bago umalis. Wait? She only said Dale? Hindi ba siya sasabay sa amin umuwi? Nagkibit balikat na lang ako as I continue arranging the props for the photo booth. Lilima lang kami ngayong nasa booth. Our president whose busy cleaning the room. the other three where Jae is also there are on the laboratory room nagme-meeting ata sila. Napalingon ako sa likod ng maramdaman kong may kumalabit sa akin. And there I saw Trinity with Mika. “Hi Dan!” kumaway siya sa akin habang nakangiti, Mika who’s holding his hand just nodded at me. “Hello” saka ako ngumiti. “Sa inyo pala ‘tong photo booth” saka niya inilibot ang tingin sa place. “Yup, hindi ko nga pala nabanggit sa inyo” “First day pa lang gusto ko na pumunta rito” ngayon ko nga lang siya nakita “pero etong si Mika laging busy” saka siya nag-pout sa katabi. I hope I’m not look awkward habang nakatingin sa kanila. “Tara pa-picture tayo” wala naman magawa ang katabi nito at nagpahila na lang papunta sa harap. Mika is looking at me but I’m not minding his gaze. Kinuha ko ang camera while they are busy picking props. Buti na lang at hindi pa ito low battery. Tumingin ako sa gawi na lang at nakita kong nakaayos na sila. Trinity holding the banner that says ‘best boy’ na nakaturo kay Mika and him just putting a mustache. Pumusweto ako para mapicturan ko sila, I took a picture of them walang expression ang mukha ko, they pose Trinity wrapping her hands on Mika’s arms. Mika just him being him naka smirk lang. Nanginginig pa ako buti na lang ay maayos ko silang nakuhanan. They really look like a couple. Bakit nga pala hindi si Mark ang kasama nitong si Trinity. “I’ll just print it, pakihintay na lang” sabi ko sa kanila saka ko muna sila pinaupo. Papasok na ako ng room para i-print nang makasalubong ko si Jae. “Oh? may last customer pa?” tanong niya saka siya lumingon sa likod ko kung saan nakaupo sila Mika. “Ah… Oo friends ko” I answered him. “Give me, ako na diyan” saka niya kinuha ang camera na hawak ko kaya nagtama ang mga kamay namin. “Okay…” tumalikod naman siya saka ako sumunod. He’s busy putting the picture on the frame kaya inayos ko na ang printer. “Pa-picture tayo after this” tumingin ako sa kanya to confirm na ako talaga ang kinakausap niya. “Sure basta ikaw magbabayad” pabiro kong sabi. “Oo naman” maganang sagot niya. Lumabas na ako kasama ni Jae nang ma-print ko na ito at para ibigay kay Trinity. I printed two copies for her and Mika. Trinity sparks her eyes ng inabot ko ito sa kaniya “Wow! We’re so cute Miks” sabi pa niya saka pinakita ito sa katabi niya kaya ngumiti naman ako. Nasa likuran ko si Jae not saying anything. They stay there for more minutes “Dan punta muna kami kila Viel” and she stands up kaya tumayo na rin si Mika. “Hmmm… Okay” sagot ko. “Kyle! Pa-picture kami mamaya ni Daniel!” napalingon ako sa gawi ni Jae hindi lang ako pati ang dalawa kong kaharap, napalakas kasi ang pagkakasabi nito. Naramdaman niya atang may mga nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya sa amin habang nag-peace sign. Nginitian ko naman siya pabalik. Cute Bumalik ang tingin ko sa dalawa and I saw Mika na ang sama ng tingin sa akin as he clenches his jaw, problema neto? “Una na kami Daniel!” “Sige ingat!” I waved my hand saka ngumiti kay Trinity. Hindi ko naman tinapunan ng tingin ang kasama niya, may nagawa ba akong mali? Parang kanina ayos lang kami ha. Nang makaalis na sila nag-picture kami sa booth ni Jae saka na kami nagligpit ng gamit dahil we’re closing early now. Kita ko rin si Dale na nasa may student center na naghihintay sa akin. “Una na ako Jae! Pres!” sabi ko habang palabas ng room. “Ingat Dan!” rinig ko pang sabi nila. Saka na ako tumakbo sa pwesto ni Dale. “Let’s go?” tumayo na siya saka na naglakad palabas ng university. “Saan na naman kaya nagpunta si Cathy at Dawn” tanong ko. Baka alam ni Dale “Tinanong namin sila kanina, Secret daw” he answered. “kaya nagkibit balikat na lang kami” “Hindi pa kami nakakapunta sa booth niyo,” may two days pa naman bago matapos ang foundation “sila Mika and Trinity nakapunta na” “Ah… Oo nagulat nga ako eh” tumingin ako sa kanya and I know he’s worried na naman sa akin. “Badtrip nga si Mika 'nung nasan room namin eh” tinaasan ko naman siya ng kilay “nag-aaya ng umuwi eh ang dami pa naming lilinisin” Tumingin na lang ako ng diretso, baka pagod lang talaga siya “Kahit kaninang paalis siya ng booth namin ang sama ng tingin sa akin” pagsusumbong ko naman sa kanya “wala naman akong ginagawa, ang labo niya” and then I shrugged. Nakauwi na kami ni Dale and nag-take out na rin pala kami sa fast food dahil tamad daw siya kumain. Bumili rin kami para kay Cathy baka umuwing gutom. We eat our dinner pagkadating namin and we talk about our day. “Ang lala bakla, daming nanghihingi ng number ko kaninang nagtitinda kami” habang busy pa ring kumakain ng chicken “akala ba nila bet ko sila? Boylet din gusto ko mga mare” I burst into laugh ng sabihin niya iyon. “Teh kahit ako kung hindi kilala baka ginawa ko rin ‘yon” tama naman kahit ako kung hindi ko kakilala si Dale at hindi ko alam kung ano siya baka pinakyaw ko rin ang tinda niya just to get his number. “Mangilabot ka nga” sabi pa niya sa akin at ako ay tawang-tawa pa rin. Nagpatuloy lang kami sa pagkain, ang dami kasi naming inorder dahil gutom na gutom kami. “CBA and CASS ang nanalo” natanong niya kasi kung kumusta ang pageant. I didn’t mention the part where Mika gave us seats. Siguro kung katulad pa ako ng dati but now there’s nothing so special about it. “May nasagap pala akong chika” “Ano?” hindi talaga siya papatalo sa chismisan. “Yung representative daw natin sa pageant is isa sa mga biktima ni Mika” naguluhan naman ako sa sinabi niya “What do you mean?” hindi pinahalatang masyadong curious ako. “Ghinost siya ni Mika dati” gulat man ay hindi ko pa rin pinahalata “For real?” he’s a real ghoster talaga. “Yup! sabi lang kanina nila Dawn and Viel” mga chismoso rin talaga ang dalawang ‘yun. Inaalala ko yung mukha ng ng representative ng CET but I really can’t remember her face. Pero panigurado maganda siya nakapag-pageant nga eh. Natapos na kaming kumain at nakapagligpit na lahat-lahat pero wala pa rin si Cathy kaya tinawagan ko na and she said na pauwi na daw sila. I kept asking where they went pero walang maayos na sagot ang nakukuha ko sa kanya hindi ko na kinulit basta makauwi na lang siya ng maayos dahil oras na rin. Humiga na ako para makapagpahinga ang bilis at dalawang araw na lang tapos na ang foundation balik sa normal na ang lahat. I didn’t mind checking my phone dahil kinakabahan ako baka may mabasa akong message na makakapagpagising ng diwa ko. Ipinikit ko na ang mata ko nang saktong may marinig akong sasakyan. Probably si Cathy na ‘yon hindi na akong nag-abalang bumangon pa dahil alam kong siya naman ‘yon at sinundo na ako ng antok pagkapit ng aking mga mata. Kinaumagahan nagising ako na si Cathy ang nagluluto, hindi pa naman ganoon ka-late pero nagulat lang ako na siya ang peprepare ng breakfast I scan the house and I didn’t see Dale. “Where’s Dale?” Napalingon naman sa akin si Cathy “6:30 pa lang umalis na siya” nanlaki naman ang mata ko. “Huh?” ang aga hindi pa naman last day ng foundation week bakit ang busy. “Sinabay ata nila ang CE day ngayon kaya lahat ng Civil students busy” hindi na ako magtataka kung bakit maalam si Cathy ngayon sa mga Civil obviously it’s because of Dawn. “Saan ba kayo galing ni Dawn kagabi?” I raise my eyebrows, tignan ko lang kung makatakas pa siya ngayon na kakaming dalawa na lang ang tao dito. She sighed before answering me “Sa mall lang nagpasama siya to buy gift for his mom” saka niya ako tinalikuran para ituloy ang pag-luluto. Tumango tango na lang ako. Edi sana agad niyang sinabi akala ko pa naman saan sila nagpunta. Dumiretso na ako sa banyo habang nagluluto pa si Cathy para hindi sayang ang oras. Binalak namin last week na one day lang kami mag-attend for foundation week pero ngayon makukumpleto na namin. Hindi naman kasi maiwanan si Mika masyadong busy sa student council. Pagdating namin sa university dumeretso na kami sa booth namin. Actually nag-aaya nga si Cathy na puntahan muna sila Dawn pero sabi ko mag-attendance muna. Nakita namin silang nagmemeting, nakakahiya dahil medyo late kami ni Cathy nandoon din ang Adviser namin sa organization kaya mas lalo kaming nahiya. “Good morning!” bati namin ni Cathy atsaka nag-bow ngumiti lang ang Adviser namin at naglakad na kami papunta na sa aming umupo. “Dahil late si Ms. Valencia sasamahan siya ni Mr. De guzman para mamalengke” and some of our classmates tease us, naguguluhan naman akong napatingin kay Jae na nasa likuran ko. Tungkol saan ba ang meeting na’to “Ms. Salazar will join the group who are in charge of cleaning” they talk more about foods kaya I assume na for foods. Kaya ng matapos na ang meeting and our adviser leave the room dali-dali akong pumunta sa President namin to clearly know what is going on. He laughed at me first kaya medyo nahiya ako “We’re having a boodle fight para sa lunch” ramdam kong nasa likuran ko na si Cathy nakikinig. “And malas dahil pareho kayong late ni Jae kaya kayo ang mamalengke” dagdag pa na ani nito “Cathy is also late” bakit kaming dalawa lang ni Jae ang mamalengke. Tumawa ulit siya Cathy besides me just smirk at me “Tanong mo kay Sir, ship niya ata kayo” and then he pats my shoulder and leave kasama ni Cathy. Naiwan akong lukot ang mukha, kasalanan ‘to lahat ni Cathy ang bagal kasi kumilos. I check my phone and saw na alas dies na pala and the boodle fight will start at 1 pm. “Let’s go?” I flinched when Jae suddenly pop up beside me, ang lapit pa naman ng mukha niya. I punch him sa braso para makaganti. Tumawa lang naman siya sa akin “Let’s go para agad tayong matapos” sagot ko sa kanya saka naglakad na palabas. Nagpaalam na rin ako kay Cathy she will go kila Dawn naman kaya di na ako mag-aalalang wala siyang kasama. Kinuha ko ang listahang hawak ni Jae and there are so many things to buy I frowned habang ini-scan ko isa-sa “Ang dami” reklamo ko pa, nasa jeep na kami ngayon malapit lang naman ang palengke pero dahil mainit we decided na mag-jeep na lang. I heard him laugh “Bakit kasi nagpa-late ka?’ asar pa niya sa akin kaya bago siya sinagot humarap muna ako sa kanya. “Si Cathy ang may kasalanan bat kami late excuse me” I’m sulking dahil tamad na tamad nga akong maglakad ‘tas ako i-aasign sa pamamalengke. Damn “Kasama mo naman ako, madali lang ‘yan” I don’t know if he’s comforting me or he’s just teasing me kaya binigyan ko siyang isang ngiting mukhang sarcastic that makes him burst to laugh, mga kasabay namin sa jeep napatingin sa amin that’s why I pinched him sa braso para tumahik. Nagpipigil siya ngayon ng tawa. Nakadating kami sa palengke good thing dahil may mga nabibili pa kami sa list na ibinigay nila, di naman kami nahirapan bumili. I didn’t know that Jae really good at talking sa mga vendors dahil lagi siyang tumatawad at pinapayagan naman siya. I thought ako ang makikipag-usap sa mga tindera. “80 na lang ate lima naman bibilhin namin eh” we are buying chicharon at tumatawad nanaman siya. “Nako buti na lang gwapo ka kaya sige” sagot naman ni ateng tindera “Thank you manang!” tuwang-tuwa naman itong kasama ko, natawa na rin ako saka napailing. This man I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD